Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 72 - Her Dilemma

Mabilis na dumaan ang mga araw. Dalawang buwan bago pa ang araw ng kasal halos nakahanda na ang lahat.  Nakapagpasukat na ang lahat para sa kanilang mga isusuot.  Si Monique Lhuillier ang nagdesign ng gown ni Rose at gagawa ng lahat ng damit ng buong entourage.  Ang Mayad Studios naman ang kinuna ni Damon para sa Photo's and Videos.  Si Gideon Hermoza naman ang kinuha ni Ryzza na florist na gagawa ng mga flower arrangement sa simbahan, sa mansyon at  ng mga flower arrangement para sa entourage at magsusupervise ng flower arrangement sa reception. Kinuha naman ni RR si Juan Sarte at ang buong glam team nito para magayos sa kanila sa araw ng kasal.

Excited ang buong pamilya, lalo na si Tisoy.  Halos hilahin nito ang mga araw.  Siya ang pinaghahanap ni Rose ng giveaways nila kaya natutuwa itong maghanap sa internet at lingid kay Rose naghahanap din ito ng lugar para sa kanilang honeymoon.  Kumpleto na din pati guest list at nagawa na din nila ang seating arrangement. Kaya halos ang mismong araw na lang ng kasal ang hinihintay nila.

Si Rose, masaya at excited din pero may gumugulo sa isip niya. Dahil kahit na malaki ang tiwala niya kay Tisoy sa babaeng nakita niya sa bar na kasama nito, wala. Ayaw niyang isang araw maging sanhi ito ng prublema nila ni Tisoy at lalong ayaw niyang mangyari sa kanya ang nangyari sa Mama niya.  Kaya alam niya kung hindi niya iyon aayusin habang buhay siyang magaalala. 

Isang Byernes nagpaalam si Rose kay Tisoy na gagabihin siya ng uwi dahil magkikita sila ng mga dating kaklase para sa isang reunion.

Bandang alas onse ng gabi binaybay ni Rose ang Jupiter Street.  Pumunta sa lugar kung saan nila nakita sila Tisoy.  Nagpark siya sa harap nung bar.  Bumaba at lumapit sa gwardiya.

Rose:  Excuse me... Manong pwede po bang magtanong?  May nagtatrabaho ho ba ditong Twinkle ang pangalan? Parang mga 19 or 20 years old pa lang ho siya. Guest Relations Officer po. May ibibigay lang ho kasi ako, napagutusan lang kasi ako ni Sir Rich...

Sasabihin sana ni Rose Richard pero hindi na niya natapos ang sasabihin dahil nagsalita ang  gwardiya.

Guard:  Ah ni Sir Richie, yung tisoy na may dimples at pinsan ni Sir Bryan, yung gwapong medyo moreno na may kotseng Ford Focus?

Rose:  That's right! Ahm, opo, sila nga po.

Guard:  Oo, kilala ko si Twinkle dito nga siya nagtatrabaho. Palagi nilang kausap yon kapag nagiinom sila dito, pati na si Yasmin. Mamaya pa kasing alas dose ang duty nila eh. Pero kung gusto mo ako ng magbibigay.   Ano ba ang ibibigay mo?

Rose:  I can leave it with you... I mean pwede kong iwan sa inyo pero kailangan ko ho kasing makuha ang totoong pangalan nila eh, kasi po application po para sa scholarship ito eh. Ipinapakuha po nila Sir ang pangalan nila para kapag nagpasa na sila malalaman agad at siguradong maaprubahan.

Guard:  Naku! Napakabait talaga nila Sir. Matutuwa sila Twinkle at Yasmin niyan kasi matagal na talagang gustong umalis ng mga yon sa trabaho nila dito eh. Teka eto isusulat ko ang totoong pangalan nila tapos iwan mo na sa akin yang mga papel na yan. Teka saan ba nila ipapasa ang papeles na ito?

Rose:  Sa Santuario de San Antonio Parish po dyan sa Forbes Park ang opisina ng JPIC yan ho yung organization.  Pakisabi po, pakifillup na lang tapos kumpletuhin ang requirements na nakalista at tsaka dalhin doon.  Kung maaari, kapag magpapasa na sila pakitawagan ho ako para maipaalam ko kay Sir na nandon sila. Isinulat niya ang cellphone number niya sa envelope at ang pangalang isinulat niya ay Dee.

Guard:  Sige, ako ng bahala dito, huwag kang magalala makakarating ang mensahe mo sa kanila at pakisabi sa Boss mo salamat.

Rose:  Thank you din po, aalis na ako.

Makalipas ang dalawang linggo bandang alas dos ng hapon ng makatanggap ng tawag si Rose.

Twinkle:  Hello, pwede po bang makausap si Ms. Dee.

Rose:  May I know who's this?  Si Twinkle po, Sunshine dela Cruz po ang pangalan ko nandito po kasi kami sa JPIC office.

Rose:  Okay, give me 15 minutes I'll be there.

Nagmamadaling umalis ng opisina si Rose, nagbilin lang sa sekretarya na may pupuntahang meeting. Pagpasok ng parking area ng simbahan,  nakita agad ni Rose si Twinkle. Nagpark, bumaba ng sasakyan at  nagpalinga linga na parang may hinahanap.  Napatingin sa kanya sila Twinkel.  Dinukot sa bulsa ang cellphone at  dinial ang huling number sa call logs niya. Nang magring nakita ni Rose na iniangat ni Twinkle para sagutin. Nilapitan niya ito.

Rose:  Ikaw ba si Twinkle?

Twinkle: ako nga. Ms. Dee? Nice to meet you po. Ang ganda niyo po pala.

Ngumiti si Rose.

Rose: You're pretty too. Kaya its not a shock na type ka ni Sir Richie.

Twinkle: Naku hindi, galanteng customer lang sila Sir. Mahilig lang makipagkwentuhan yong mga yon tungkol sa GF nila. Ay Ms. Dee siya po si Yasmin.

Rose: Hello! Dala ba ninyo ang mga papeles ninyo? Kumpleto ba ang requirements?

Twinkle:  Opo, pero mukha pong hindi kami umabot sa grade requirement eh. Pero nagbabakasakali na lang din kami.

Rose:  Don't worry about it.  Hindi lang naman grade ang tinitignan nila. Kakausapin kayo ng Parish Priest ang kailangan lang ipakita ninyo sa kanya na gusto ninyo talagang makapagaral.  Sabihin ninyo sa kanya ang tungkol sa trabaho ninyo at na gusto na ninyong tumigil don kaya nagbabakasakali kayong matutulungan niya kayo.  Follow me...

Pumasok si Rose sa opisina ng JPIC, bumati sa kanya ang mga nadaanan nila.  Pinaupo niya ang mga ito sa mga silya sa di kalayuan at kinausap ang sekretarya. Mayamaya binalikan niya ang dalawa.

Rose: May kameeting pa si Father pero nagset na ako ng appointment mamayang 3pm. May isang oras pa tayo so I can give you pointers. Magcoffee muna tayo.

Twinkle: Nakakahiya naman inaabala ka na namin magpapakape ka pa.

Rose: Its part of my job. Ang bilin sa akin tulungan ko kayo kaya don't be shy. Halika na ayun ang kotse ko may alam akong malapit na coffee shop.

Dinala ni Rose ang dalawa sa Starbucks, umorder ng frappe at sandwiches nila. Bitbit ang pagkain binalikan niya ang mga ito sa lamesa.

Rose: Here magsnack muna tayo.

Twinkle: Matagal mo ng Boss si Sir Richie?

Rose: Oo

Twinkle: Eh di kilala mo yung gf niya kasama daw niya sa trabaho yon eh.

Rose: Yup. Kilala ko. Lagi ba niyang kinukwento sa inyo?

Yasmin: Oo pati yung gf ni Sir Bryan.

Twinkle: walang bukang bibig ang mga yon kung hindi yung mga gf nila eh.

Rose: Hindi ba nakakaoffend yun kayo ang kausap tapos gf ang topic?

Twinkle: Nung unang nakilala namin sila isinama lang sila ng daddy nila don kaya alam namin na iinom lang sila at hindi sila naghahanap ng babae at ang gusto lang kausap. Siguro gusto lang din nilang maintidihan yung mga gf nila from a girls point of view.

 Rose: ah oo nga that might be.  Why, may mga problema ba sila ng mga gf nila?

Twinkle:  si Sir Richie wala naman, lagi niya lang kinukwento yung gf niya na may pagka-americanize eh may pagkaconservative naman siya kaya minsan nagaalala lang siya na hindi niya napapasaya yung gf niya.

Yasmin:  Si Sir Bryan ang medyo namumrublema kasi sobrang reserved daw nung gf eh si Sir syempre may hinahanap na hindi niya makuha dahil sa respeto na din sa gf niya.  Sobrang mahal daw kasi niya kaya ayaw naman niyang pilitin. Sana nga nagkausap na sila eh.

Rose:  So, ibig sabihin wala kayong gusto kila Sir?

Yasmin:  Crush ko si Sir Bryan pero sobrang mahal non ang gf niya.  Tsaka mabait siya sa amin kaya kaibigan lang ang turing namin sa kanila.  Kahit nga ayaw ng uminom, inioorder pa kami ng ladies drink non para daw kumikita kami kahit nakikipagkwentuhan lang sa kanila.

Twinkle: sino namang babae ang aayaw kay Sir Richie eh gwapo, mabango, mabait, matalino at mayaman pero kahit maghubad pa ako sa harap non balewala kse hanggang langit ang pagmamahal non sa gf niya.  Ex seminarian yun tinalikuran ang pagpapari para sa gf niya yun ang totoong pagmamahal. Sana nga ok na sila eh.

Rose: I think ok na sila. Ikakasal na nga sila eh.

Twinkle: wow! Mabuti naman.

Yasmin: Sa wakas makakatikim na si Sir ng luto ng Diyos. Alam mo bang Virgin pa yon?

Rose: Seminarista eh malamang.

Twinkle: Masayang honeymoon yon.

Nagtawanan sila. Nang mga oras na yon. Nakampante ang kalooban ni Rose at masaya siyang nakilala ang babaeng minsan ng nagpakaba sa kanya. Natutuwa siyang mabait naman pala at wala siyang dapat ipagalala.

Makalipas ang isang oras bumalik na sila sa JPIC office. Kumatok si Rose sa opisina ni Father Ben.

Rose:  Good afternoon Father.

Father Ben:  Oh kamusta Hija, anong atin?

Rose:  May kasama ho akong dalawang kaibigan namin ni Tisoy, you think you can help them?  I want to help them so they can be scholars although, their grade is not qualified.  Can you at least interview them and see for yourself if they can qualify for a scholarship?

Father Ben:  Of course I can talk to them. Your company is the biggest sponsor of JPIC, so anytime you have referrals you can just send them to me.

Pinapasok ni Rose sila Twinkle at Yasmin. Nakinig si Rose sa kanilang interview. Napagalaman niya na taga San Jose del Monte, Bulacan ang mga ito. Parehong panganay na anak at may mga kapatid na mas bata pa sa kanila kaya hindi na sila mapagtapos ng kanilang mga magulang.  Parehong High School graduate.  Lumuwas ng Maynila para makipagsapalaran. Ipinasok ng isang kakilala bilang waitress pero dahil sa bar na yon napapasok at may mga itrura at maganda ang pigura.  Pinilit ng manager na mag-GRO. Kailangan ng mas malaking kita at sa takot na matanggal sila sa trabaho, pumayag na lang sila.  Parehong nagpipilit makatapos kaso kapos. Ilang sandali pa ang lumipas...

Twinkle:  Gusto na ho naming umalis sa trabahong yon kaya po kahit bitin ang grades sa grade requirement nagbakasakali na din kme wala nman hong mawawala kaysa naman ho palampasin namin ang pagkakataong ito. Alam ng Diyos na gabi gabing idinadasal ko ang pagkakataong ito dahil ayoko na hong magkasala sa kanya. Sana ho matulungan ninyo kme.

Tumulo ang luha ni Twinkle at Yasmin habang ikinukwento ang buhay nila. Nateary eyed din si Rose.

Father Ben: Tama ang naging desisyon ninyo dahil ang JPIC ay naglalayong makatulong hindi lang sa mga matatalino kung hindi sa mga kapos na may kagustuhang umunlad at makatapos ng pagaaral.  Tsaka pareho namang magaganda ang grades ninyo lahat naman above 85 kaya hindi na importante ang .5 at .7 na kulang. Pwede kong aprubahan ang scholarship ninyo pero sa Assumption School sa San Jose del Monte kayo kailangang magenroll. Yun ang pinaka malapit na Catholic School sa inyo na acccredited ang JPIC.

Twinkle: Talaga po?  Mas gusto po namin yon para nakakasama namin ang pamilya namin at makakatulong po ako sa Nanay ko sa pagtitinda sa palengke kapag walang pasok para may pangbaon na din.

Father Ben:  Huwag na ninyong isipin  ang pagtatrabaho sa ngayon dahil Full Scholarship ang ibibigay ko sa inyo.  Kasama sa Scholarship ang monthly living allowance, books and school supplies, pati clothing allowance pambili ng school at PE uniform. Ang kailangan lang ninyong gawin ay magfocus sa pagaaral ninyo.  

Yasmin:  Naku, maraming salamat po. 

Twinkle:  Habang buhay po naming tatanawing utang na loob ito. At makakaasa ho kayong ibabalik namin sa JPIC ang pabor na ito balang araw.

Father Ben:  Mabuti naman kung ganon. Magpasalamat na kayo sa kaibigan ninyo at sasamahan ko kayo sa loob, ipapaliwanag sa inyo kung papano ang inyong gagawin.

Rose:  Thank you po Father.  I'll be going now.

Hinatid ni Twinkle at Yasmin si Rosa sa kotse nito.

Twinkle:  Ms. Dee, maraming maraming salamat talaga. Pakisabi na din kila Sir Richie at Sir Bryan salamat.  Gusto kong personal na magpasalamat sa kanila hindi ko lang alam kung papano eh.

Rose:  Huwag muna kayong magpasalamat ngayon,  Scholarship lang ang ibinigay sa inyo nasa inyo yan kung aalagaan o pababayaan ninyo.  Kapag nakagraduate kayo ng college at nakapagtrabaho na ng maayos bumalik kayo dito kay Father Ben, alam niya kung saan makikita sila Sir Richie.

Twinkle:  Huwag kang magalala hindi namin sasayangin ang pagkakataong ito at sana pagbalik namin magkita pa rin tayo.  Magiingat ka Miss.

Rose:  Thank you.

Umalis si Rose sa lugar na yon ng nakangiti at masaya.  Ngayon, wala na siyang iisipin pa at wala ng alalahanin sa araw ng kasal niya.

Dumating ang panahon na pinaka hihintay nila.  Ang wedding package na pinabook  nila Tisoy at Rose sa The Peninsula Manila kasama ang overnight stay. Kaya alas dos ng hapon bago ang araw ng kasal nakacheck-in na si Rose sa  Peninsula.  Isang Executive Suite yon, may adjoining room at receiving area at maliit na dining area.  Nasa masters bedroom si Rose at  ang mas maliit na kwarto ang gagamitin ng entourage nila kaya nandon na din si Leslie at Raine.   Doon na din ipinadeliver ang mga damit ng mga babaeng kasali sa entourage at ang wedding gown ni Rose.

Ang mga isusuot naman ng mga lalake sa mansyon dinala dahil nasa mansyon ng hapong yon ang pamilya nila Tisoy at Dean. Inayos ang kwarto ni Rose sa mansyon para magamit ni Tisoy dahil doon na siya magbibihis at magphophotoshoot para sa preparation ng kasal.

Lingid sa kaalaman ni Rose at Tisoy may plano pala si Dean at Leslie.  Si Dean, isang asalto para sa kanyang stag party at si Leslie naman naghanda ng pajama party para sa kanyang shower party.

Alas tres ng hapon nasa kalagitnaan si Tisoy ng kasarapan ng tulog niya ng may marinig siyang kumakanta at nag-gigitara sa garden.  Pamilyar ang kanta na tinutugtog at kinakanta ng kung sino mang nasa garden.  Narinig din niya si Dean na kumakanta. Kaya kahit na nakaboxers at walang suot na t-shirt tumakbong pababa ng hagdan at papunta sa garden.

Nagulat at napahinto siya ng makita ang mga kaklase ng college at mga kasali sa entourage na nandodoon pati sila Denver, Damon, Ed, Ken at Jerome. Nang makita siya ng mga ito biglang nilakasan ang pagkanta ng chorus ng kanta at nakita niyang kumakanta at naggigitara si Chito Miranda. Naglakad ito palapit sa kanya, biglang tumahimik ang lahat...

Chito:   Pero para sa yo, ako'y magbabago.  Kahit mahirap ay kakayanin ko.  Dahil para sa yo handa akong magpakatino lahing isipin lahay ay gagawin basta para sa yo. 

Inulit ni Chito at sumabay si Tisoy, naghehead bang pa. Sinabayan nilang lahat ang kanta at palakpak hanggang matapos. 

Dean:  Welcome to your Stag Party Tisoy! Tinulak si Tisoy sa pool at sabay-sabay silang nagtalunan sa pool.  Pwera kay Chito, Denver, Damon, Ed, Ken, George at Mang Leo.  Inilabas ni Damon ang dalawang cooler ng beer in can sa gilid ng pool at 

Damon:  Guys, inuman na!

Nagbato sila ng beer para saluhin ng mga nasa loob ng pool.

Dean: The buffet table is ready, dig inn everyone! 

Sinamahan ni Ed si Chito para kumuha ng pagkain.  Paahon naman sa pool si Dean at Tisoy hawak ang can ng beer nila.

Dean:  Ano Kosa?  Ayos ba itong stag party mo?

Tisoy:  Ayos na ayos Kosa, salamat ha. Si Chito Miranda talaga ang guest?

Dean:  Kabarkada pala ni Tito Ed  eh, naikwento ko na gusto natin  yung kanta niya kaya ayan. Kosa, ginastusan ko ito ha, baka akala mo hindi ako kasali sa mga sumagot eh. 

Tisoy:  Talaga lang ha!

Mang Leo:  Oo nak, ako ang napagutusang bumili ng mga beer at pagkain.

Damon:  Nakita mo na ba ang buffet table Tisoy?

Tisoy:  Hindi pa Tito, bakit po?

Damon:  Pinapabilib ako nitong Kosa mo eh Japanese food ang buffet... assorted maki, sashimi, sushi, assorted tempura, beef teriyaki, pork konkatsu, spicy chicken at crispy noodles.

Tisoy:  Ikaw na talaga Kosa!  Salamat.

George:  Ako, may dala sana akong regalo eh... alam ninyo na pero nung tanuning ko sa Planet yung mga paborito ninyo, wala na daw don sabi ni Estel.

Denver:  Wala ng papano?

George:  Nagresign na daw eh

Dean:  si Yas Tito, nagresign na?

George:  Oo, pati si Twinkle.

Dean:  Don't tell me nakaipon na sila.

George:  Hindi, sabi ni Estel, nakapasa daw sa Scholarship sa Assumption School sa Bulacan kaya umuwi na doon. Parehong nagaaral ng HRM ngayon.

Tisoy:  Mabuti naman pala at nagaaral na sila.

Damon:  Nalungkot ka nak?

Dean:  Hindi no... am happy for them Daddy, mabuti silang mga kaibigan kaya masaya ako na nakaalis na sila don. We like it or not may chance na masira sila sa trabahong ganon.

Denver: Talaga, hindi mo mamimiss si Yas?

Dean:  Tito Ninong, that's a phase at tapos na ako don. I am a happy contented man with the woman I love.

Tisoy:  Kasa mo Kosa!

Damon:  Are you saying naka homerun ka na?

Dean:  who needs paid pleasure when you can get it for free from the woman of your fantasy!

Denver:  Yun oh!

Dean:    You and Daddy taught me well, Tito Ninong!

Nagtawanan sila. Nagkwentuhan habang umiinom.  Sabay-sabay silang nagpunta sa buffet table para kumuha ng pagkain at magkakasamang naupo sa isang lamesa.

George:  Eh ikaw Tisoy... has the bridge been crossed?

Tisoy:  No Tito George, we decided to wait... that is why the color motif of the wedding is flawless white because we are both VSB. Ihaharap ko ho sa Diyos si Rose ng walang bahid dungis.

Napangiti si Denver, inakbayan si Tisoy.

Denver:  Ano Pareng George bilib ka na ba sa manugang ko?

George:  Sobra!

Jerome:  Come to think of it... ang sayang honeymoon niyan!

George:   Anong, masaya... hindi lang masaya... masarap na honeymoon yon!

Nagtawanan sila.  Pulang-pula si Tisoy.  Nagkanya-kanya na ng bigay ng tips ang mga ito.  Pati mga suggestions ng sexual positions nagbigay na.  Masayang dumaan ang mga oras ng tawanan, kwentuhan, inuman at kantahan.  Bandang  ika-siyam ng gabi nagring ang cellphone ni Tisoy, si Rose tumatawag.

Tisoy:  Oh sheesh! 

Denver:  O bakit? 

Tisoy:  Si Rose Papa, kanina pa pala nagtetext hindi ko nasagot ngayon tumatawag na. I was supposed to call her pagkagising ko eh nakalimutan ko na.

Denver:  Well, answer the call kaysa naman lalong magalit yan.

Dean:  Everyone quiet!  The bride is calling...

Tumahimik naman lahat... at sinagot ni Tisoy si Rose.

Rose:  hello?

Biglang pinindot ni Dean ang speaker phone.

Tisoy:  Hi Babe!  

Rose:  Were you sleeping? You're not answering my text eh.

Tisoy:  Sorry Babe,  Dean prepared a surprise Stag Party eh, I was sleeping kanina tapos nagising ako sa kantahan nila. I forgot to call you na.  Sorry.  Nandito nga silang lahat eh.  Pati sila Tito Damon, Tito George, Tito Ed, Tito Ken, si Tatay pati si Papa nandito and some college friends and the boys from our entourage. Wait, they wanted to say Hi.

Sabay-sabay namang nag-Hi ang lahat.

Rose:  Hi everyone, you guys enjoy... sige na I don't want to disturb your fun.

Tisoy:  Babe, wait... So, did you finish your Kikay time with Mama, Leslie and Raine?

Rose:  Yah, nagpa mani-pedi na kami, body wax, massage etc.  So, magbeauty rest naman sige na. Don't drink to much you might not wake up on time.

Tisoy:  No, puro lights naman and I only had my 3rd bottle.

Rose:  Sige na, I'll hung up na.

Tisoy:  Babe, sorry na talaga.

Rose: It's okay.

Tisoy:  It's not, alam ko nagtatampo ka...

Rose:  No nga... ok lang...

Tisoy:  I know it's not... kasi you're hunging up without saying I love you... so let me make it up to you please...

Rose:  Ok fine... how will you make it up to me.

Tisoy:  You listen ha... 

Kinawayan ni Tisoy si Chito lumapit naman ito binulungan na tugtugin ang kanta niyang Harana... nagintro si Chito at kumanta si Tisoy...

uso pa ba ang harana?
marahil ikaw ay nagtataka
sino ba 'tong mukhang gago?
nagkandarapa sa pagkanta
at nasisintunado sa kaba

meron pang dalang mga rosas suot nama'y
maong na kupas
at nariyan pa ang barkada
nakaporma naka barong sa awiting daig pa minus one at sing along

Chorus:
Puno ang langit ng bituin
at kay lamig pa ng hangin
sa'yong tingin akoy nababaliw giliw
at sa awitin kong ito
sana'y maibigan mo
ibubuhos ko ang buong puso ko
sa isang munting harana para sayo

Tisoy:  Now, Mr. Chito Miranda... 

Kinanta ni Chito ang Chorus, narinig nila si Rose...

Rose:  Oh my God, is he really... at bumungisngis ito.

Chito:  Congratulations on your wedding tomorrow Ms. Rose!

Rose:  Thanks!

Tisoy:  Ok na ba am I forgiven?

Rose:  Yes na nga... thanks Babe.

Tisoy:  Parang gusto kong magselos ah kasi mas kinilig ka ata nung kantahan ka ni Chito kaysa nung kinantahan kita eh.

Rose:  Babe naman, fangirling lang eh.  You know you're my only one. I love you!

Tisoy:  I love you more!

Naghiyawan ang lahat... sumigaw si Dean... "ang tamis nyo!"

Inalis na ni Tisoy sa speaker phone...

Tisoy: Kisses all over you babe... I'll call you before I go to bed. Later!

Pero dahil nakatayo siya sa tabi ni Denver, narinig yon nito at napangiti. Nakangiti itong nakatingin kay Tisoy.  Napatingin si Tisoy sa kanya.

Tisoy:  Pa, bakit po?

Denver:  You are a blessing to my daughter, just like Dei who's been a blessing to me.

Tisoy:  You are a blessing to my fiance' Papa.  If not for you, she will not be who she is right now.

Niyakap ni Denver si Tisoy

Denver:  Welcome to the family, anak!

Nagpalakpakan ang lahat.  Masaya nilang pinagpatuloy ang selebrasyon na yon.  Nasa hindi kalayuan si Mang Leo, tumingin sa langit at bumulong... "Don Ricardo, Sir Teddy nasa maayos na ho ang pamilya ninyo katulad ng pinapangarap ninyo."














t






Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro