Chapter 61 - Something New
Ilang araw ang dumaan, bumalik na sa trabaho si Rose. Ilang araw na din niyang hindi nakikita si Tisoy. Sabado dumating si Dean at Leslie sa mansyon.
Leslie: Hi Bes!
Dean: Hey Cous! Are you ready?
Rose: Hi, ready for what?
Dean: To pick out my car.
Rose: Ah yah.
Dean: Ano ba yan, walang energy. Ok ka lang ba? Are you sick or what?
Rose: I'm okay.
Leslie: No, you're not okay. Spill...
Rose: I haven't seen him... 3 days na. Last time he texted was yesterday, may inaasikaso lang daw.
Dean: Ayon, namimiss mo ang Kosa ko. Mukhang busy talaga, araw-araw umaalis eh.
Leslie: So, hindi pa kayo nagkakausap since nung magpacheck-up ka?
Rose: yah, we haven't.
Dean: Nagpapamiss lang yon si Kosa.
Leslie: At mukhang successful sa pagpapamiss ang Kosa mo.
Pumadyak si Rose.
Rose: Eh kasi naman eh.
Lumabas ng bahay si Dei. May bitbit na ham and cheese melt.
Dei: if you miss him, why don't you call him, tell him you miss him, I'm sure he would come and see you. Magmeryenda muna kayo... tumawag ang Papa at Tito mo, hintayin na lang daw ninyo sila dito.
Rose: I don't like... it's to desperate.
Dei: Ang problema sa inyong mga kabataan, pilit ninyong tinatago yang nararamdaman ninyo. Walang masama kung malaman niya na miss mo siya. Walang nakakahiya don dahil totoo namang namimiss mo siya eh. Now, call him!
Rose: Mama naman eh.
Dei: Kapag hindi mo siya tinawagan, I will and I will tell him nakasimangot ka at naiinis ka dahil hindi ka niya dinadalaw. Call him!
Hindi kumilos si Rose... Dinukot ni Dei ang cellphone niya. Mabilis na dinaial ang cellphone number ni Tisoy at tsaka inilagay sa speaker phone.
Tisoy: Hello, Tita?
Dei: Oh Hijo, ako nga. Nasa bahay ka ba?
Sumesenyas si Rose at lumuhod pa sa harap ni Dei. Bumubungisngis sila Dean at Leslie.
Tisoy: Nasa labas po, may kameeting lang. Is everything all right? May nangyari po ba? Si Rose po?
Dei: Hindi wala naman hijo, akala ko lang nasa bahay ka, magpapaluto sana ako sa Nanay mo eh. Si Tatay mo na lang ang tawagan ko.
Tisoy: Ah ok po, sige po nandito na po yung kausap ko Tita eh.
Dei: Oh sige salamat na lang.
Pinindot na ni Dei ang end call.
Rose: Si Mama talaga.
Dei: Tatawagan mo ba o tatawagan ko ulit?
Rose: Mama, he said dumating na yung kausap niya eh, I don't want to disturb him.
Dei: DENIEROSE!
Rose: Fine... eto na nga dialing na!
Ang lakas ng tawa ni Dean at Leslie. Nagring ang kabilang linya. open line pero hindi sumasagot si Tisoy, narinig ni Rose ang sinabi ni Tisoy sa kung sino mang kausap niya. "Bro, sandali lang ha I need to take this call. Order na kayo."
Tisoy: Hello?
Rose: Hello...
Tisoy: Hi, am glad you called. Kamusta na pakiramdam mo?
Rose: I'm all better na. Busy ka?
Tisoy: No, am just meeting some people. Nasa mansyon ka ba?
Rose: Yah, Dean and Les are here too. We're just having some cheese melt and waiting for Papa kasi we are choosing Dean's car today.
Tisoy: That's great! I'm sure masayang masaya yan si Kosa.
Rose: Oo nga, he's excited. Would be nice if you were here. Aren't you coming over?
Tisoy: I'm not sure, what time matatapos dito eh.
Lumungkot ang boses ni Rose.
Rose: Ahm ganon ba, di bale. Next time na lang. Sige na I might be keeping you eh busy ka pala.
Tisoy: Sorry ha, I just need to finish all this kasi am starting to work on Monday eh. Do you need anything ba?
Bumubulong si Dean at Leslie.. tell him... you missed him.
Rose: No, I don't need anything... it's just that... I've been missing you.
Halata sa boses ni Tisoy na natuwa at kinilig ito.
Tisoy: Ahm... makes two of us then... cause I missed you too. I'll try to make this quick, pero baka late afternoon na ako makadaan.
Rose: It's ok, as long as you will.
Tisoy: Okay, I'll see you later then.
Rose: See you, ingat ka.
Pulang pula ang mukha ni Rose. Nanukso sila Dean at Leslie.
Leslie: Oooooyyyy kinikilig... anong sabi niya?
Rose: he said he missed me too.
Dean: Asus! grabe oh kung makangiti ka Cous, mapupunit na yang bibig mo oy!
Dei: See, it wasn't that hard. Pinahihirapan ninyo ang sarili ninyo.
Rose: Why Mama, can you really just call Papa and tell him that?
Dei: Of course I can, nung magboyfriend pa lang kami ni Papa, nahihiya din ako pero that never stopped me from telling him what I feel.
Dean: Sample nga Tita...
Dinukot ni Dei ang cellphone at tinawagan si Denver, inilagay pa sa speaker phone. Sumagot si Denver.
Denver: Hello Hon...
Dei: Hi, nasa office ka?
Denver: Yah, I have two more meetings eh. Why?
Dei: Wala lang namiss lang kita.
Denver: Yun oh, Hon, nagpapakilig ka lang eh.
Dei: Kinikilig ka naman ba?
Denver: Syempre!
Dei: Uwi ka na please...
Denver: Parang gusto ko yan, icancel ko na kaya meeting ko?
Dei: Silly, you don't have to... besides maraming istorbo nandito ang three musketeers.
Denver: Hmmm, oo nga sasabihin na naman niyang dalaga mo, get a room Papa. Ipasundo na lang kaya kita and we'll have lunch sa hotel para walang istorbo.
Sumigaw si Dean... "yun naman, bilib talaga ako sa mga damoves mo Ninong!"
Ang lakas ng tawa ni Denver...
Denver: Ano ba Hon, nagtetraining ba yang tatlong yan ng telephone conversation o ano?
Dei: No, I was just showing them that there is nothing wrong with showing what you really feel. Kung nami-miss mo eh di tawagan mo and tell him how you feel.
Denver: Tama... hindi ninyo malalaman yan sa pakiramdaman. Walang mangyayari kung mananahimik kayo. Since, it is obvious to the world naman na mahal ninyo bakit kayo mahihiyang ipakita at sabihin ang nararamdaman ninyo. Especially, you ladies. Hindi na uso ang Maria Clara. I'm not saying na maging agressive or anything. Just dont try hiding it kasi kapag sumabog yang nararamdaman ninyo baka pati kayo masabugan. Rose, you learned your lesson right?
Rose: Yes Papa. Thanks!
Dei: Sige na Hon, tapos na ang lesson 101. Good luck on your meeting.
Denver: Ok, thanks for the call Hon. I feel like I am home.
Dei: Be home early.
Denver: I will, miss mo na ako eh.
Dei: I love you Hon...
Denver: I love you more.
Pinindot na ni Dei ang end call.
Leslie: Ay ang sweet nila Tita magusap sa phone. Kakilig!
Nakangiti si Rose... ang nasa isip... "my Papa and Mama has the best love ever."
Dumating si Tisoy bandang alas sais ng gabi nasa salas ng mansyon si Dean at Leslie. Si Rose naman nasa kusina nagluluto ng hapunan. Sinenyasan ni Dean si Tisoy na huwag maingay at maupo lang sa tabi nila.
Dean: Cous, ano bang ginagawa mo? Akala ko ba maglalaro tayo ng scrabble?
Rose: I'm cooking dinner for us. At least Tisoy can have dinner with us di ba?
Leslie: Anong niluluto mo sinigang na maasim na sabaw at maraming gulay?
Rose: yah, that's his favorite di ba tsaka fried pork liempo. You guys want anything else?
Dean: Gawa ka ng macaroni salad Cous, miss na namin yon eh.
Rose: Maybe tomorrow, samahan mo akong maggrocery tomorow Les, favorite din ni Tisoy yon di ba?
Leslie: Sure, tapos swimming tayo?
Rose: yah, we better do that. I haven't tried it since gumaling ako. Although, what if he can't make it tonight? What if hindi din siya pwede bukas, Les...
Leslie: Eh di tawagan mo later, kung hindi naman makakarating yon am sure tatawagan ka non.
Rose: This is silly guys, luto ako ng luto hindi naman sure na darating siya.
Dean: Ok lang yan Cous, nandito naman kami ni Les para kumain niyan eh. Hindi pa ba luto yang sinigang para matikman ko na, baka kulang sa asim yan hindi yan magugustuhan ni Kosa.
Rose: Cous, come here na nga, big pouch ng sinigang mix na nga nilagay ko eh. Come taste this na.
Si Tisoy, ang pinapunta nila Dean at Leslie, sumunod lang sila.
Dean: Patikim na.
Humarap si Rose, hawak ang sandok na may laman na konting sabaw.
Rose: Here, you taste this he might not like it eh...
Nagulat si Rose ng makita si Tisoy, hindi nakakilos.
Tisoy: Oh, akala ko ba titikman na.
Rose: Ah yah, here it's hot be careful baka mapaso ka.
Hinipan pa ni Rose ang sabaw... nangingiti si Tisoy. Hinigop ang sabaw habang nakatingin sa mukha ni Rose.
Tisoy: Hmmm... pwede na.
Rose: Pwede na? Hindi masarap?
Tisoy: Joke... masarap ang asim eh. So, you are cooking for me?
Rose: Yah, ahm for everybody actually. Sige na, upo ka na don. I'll just finish frying this tapos we will have dinner na.
Tisoy: Namiss mo ba talaga ako? Eh bat pinaaalis mo ako.
Rose: Hindi naman eh, kaya lang am not done cooking pa eh.
Tisoy: Eh di I'll watch you cook. Uhmmm, di ba si Kristian ipinagluluto ka niya?
Rose: Yah, mahilig siyang magluto eh.
Tisoy: Ikaw, mahilig ka sa pasta di ba? anong favorite mong american dish?
Rose: Yah kahit anong pasta pero favorite ko ang Seafood pasta pomodoro and american dish my favorite is open faced roast beef sandwich yung maraming mushroom sauce at malambot yung beef na parang it melts in your mouth tapos mashed potatoes and steamed asparagus.
Tisoy: Pomodoro means cooked in real tomatoes di ba? That sounds delicious.
Rose: yah that's right and delicious talaga yun lalo na kapag talagang malambot yung beef.
Naghain na si Susan at tinawag na ni Rose sila Dean at Leslie para kumain. Si Rose ang naglead ng dasal bago sila kumain.
Tisoy: Ikaw naman ang nagluto so let me serve you the food.
Ipinaglagay ni Tisoy si Rose ng kanin sa pinggan at sinigang na sugpo sa isang tasa. Ipinaghimay pa ito ng hipon.
Rose: More than six months mo akong pinakain, aren't you tired of it?
Tisoy: Hindi, I like doing things for you. It's the least I could do.
Nagngingitian si Dean at Leslie. Masaya silang kumain tapos naglaro ng scrabble nakisali si Dennis. At one point nagamit ni Tisoy ang lahat ng letters niya double word score pa.
Dennis: Wow! Ang galing mo kuya Tisoy mas magaling ka pa kay Kuya Kristian.
Nagkatinginan sila Dean at Leslie.
Tisoy: So, you played this kasama siya Dennis?
Dennis: Opo Kuya, siya ang bumili niyan eh.
Tisoy: Ahhh that's cool at least may utak naman pala siya, sana lang ginagamit niya di ba?
Rose: He's actually an Engineer, he works for his father's firm.
Nakahalata si Dean... tried to change the subject.
Dean: Kosa, nakita mo na ba yung bagong kotse ko? Eto oh...
Tisoy: Ayos! Ang ganda Kosa, am sure masayang masaya ka. Kailan darating yan?
Dean: Next week daw idedeliver.
Nang matapos ang game, nagyaya ng umuwi si Tisoy.
Dean: Maaga pa Kosa, 9:30 pa lang eh. Isang game pa.
Tisoy: Mauuna na ako kung ayaw mo pang umuwi, mag lector ako sa 7am mass eh. Tsaka para makapagpahinga na din si Rose.
Tumayo na si Tisoy.
Tisoy: I'll go ahead Rose, pahinga ka na. Thanks sa dinner ha. Sobrang nabusog ako.
Hinatid ni Rose si Tisoy sa pinto.
Tisoy: Ok na dito, I know my way out.
Leslie: Sabayan mo na yon, maglalakad na naman yon palabas ng village eh.
Rose: What just happened?
Dean: I have a feeling it's got something to do with the scrabble and with Kristian.
Leslie: Mukha nga.
Dean: Sige na sweet, sasabay na ako. I'll see you at the 9am mass tomorrow. Tisoy, wait sabay na tayo.
Naiwan si Leslie at Rose na tinatanaw ang dalawa.
Dennis: Ate nagalit ba si Kuya na binanggit ko si Kuya Kristian?
Leslie: Hindi naman ninyo maaalis na magalit siya kay Kristian, he did hurt you bad at nakita niya kung ano ang itsura mo. So kahit sabihin pa natin na mabait si Kristian. Hindi pa rin niya matatanggap dahil si Tisoy kahit kailan hindi niya makakayang manakit ng ganon.
Rose: I understand him naman eh.
Leslie: He might be jealous kasi gusto namin si Kristian, tapos parang ipinagtanggol mo pa si Kristian kanina Best at narinig niya mula kay Dennis ang magandang salita eh dati siya lang ang idol mo Dennis eh.
Dennis: Hindi ko naman idol si Kuya Kristian eh... si Kuya Tisoy lang ang idol ko. When I grow up and get myself a girlfriend I will be just like him.
Rose: Maybe one of this days you can tell him that.
Sa sasakyan, hindi nakatiis si Dean.
Dean: Kosa, what's eating you up?
Tisoy: Naba-bad trip lang ako kapag napapagusapan si Kristian. Kavibes pala ninyo yon, I didn't know na ganon kayo ka-close pati na si Dennis.
Dean: Nagseselos ka ba kay Kristian?
Tisoy: Ewan ko... hindi ko matanggap na ang lalaking yon is better than I am.
Dean: Kosa, wala namang nagsabing he is better than you are. Ang layo-layo ninyo character wise.
Tisoy: Sabi nga ni Rose, he is an Engineer.
Dean: Kahit pa, malayo pa rin. Ikaw, ugali at pagkatao mo malinis at kahit kaylan hindi mo magagawang saktan si Rose ng ganon. Don't be too hard on yourself. Ikaw pa rin ang the best para sa amin no.
Tisoy: Salamat Kosa ha... ayoko naman mainsecure sa kanya pero I just can't help it eh.
Dean: Hindi pa ba sapat na nalaman mo na kahit ilan silang naging boyfriend niya, ikaw pa rin ang mahal niya.
Ngumiti na si Tisoy.
Kinabukasan, naglector sa 7am Mass si Tisoy sa Santuario, umuwi tapos nagbihis lang at bumalik sa simbahan bago mag-alas nuebe. Hinintay ang pamilya ni Rose. Tumayo ito sa kinauupuan na bench ng makita na nagpark ang sasakyan nila Denver.
Tisoy: Good morning po.
Denver: Good morning din Hijo.
Naglakad si Tisoy sa tabi ni Rose.
Tisoy: Hi, did you had a good sleep?
Rose: Yah, akala ko naglector ka kanina. Magsisimba ka ulit?
Tisoy: Kung ok lang sa yo na makisabay akong magsimba.
Rose: Of course, it's okay.
Bumulong si Dean... "kinikilig ako sa inyong dalawa."
Pagtapos ng misa inihatid lang ni Tisoy sila Rose sa sasakyan at nagpaalam na.
Rose: Hindi ka pupunta sa mansyon?
Tisoy: Maglilinis pa ako ng bahay tsaka maggrocery eh. Susunduin na lang namin kayo ni Leslie for dinner later. Di ba Dean?
Dean: Oo nga pala, we are taking you out tonight for dinner kung ok lang.
Rose: Papa, can I go?
Denver: Of course you can. You don't have to ask permission anymore darling.
Tisoy: Let's say 6pm?
Rose: Okay, see you then.
Paguwi ni Tisoy ng bahay, nagulat si Aling Rio at Mang Leo dahil naglinis nga ito. General cleaning talaga.
Tisoy: Nay, may ibang kurtina pa ba tayo? Ang dumi na nito eh.
Aling Rio: Meron, teka at kukunin ko. May bisita ka ba?
Tisoy: Meron ho, mamayang gabi dito maghahapunan sila Dean, Rose at Leslie. Paki kabit na lang ho tapos naman ng linisin ang buong bahay. Mag-grocery lang ho ako. May pressure cooker po ba tayo?
Mang Leo: Meron, kumpleto na sa gamit sa kusina ang Nanay mo binigay ni Dei ang lahat ng lumang gamit sa mansyon eh.
Tisoy: Oh sige po, pakilabas na lang din at magpapalambot ako ng baka.
Mang Leo: Marunong bang magluto yang anak mo?
Aling Rio: Marunong kahit papano pero baka ngayon ko lang makikita na magluluto siya non.
Makalipas ang isa't kalahating oras, huminto ang isang taxi sa tapat ng bahay ni Tisoy. Lumabas si Mang Leo para tulungan itong buhatin ang pinamili.
Aling Rio: Napakarami naman nito Tisoy.
Tisoy: Nay, wala ngang laman ang ref at kabinet natin eh. Magsisimula na akong magtrabaho ulit bukas, wala na akong oras samahan kayong mamili kaya isinabay ko na ang isang linggong pagkain natin at mga gamit sa bahay.
Mang Leo: Hindi mo sinabi para naibigay ko sa yo ang budget para sa grocery.
Tisoy: Ok lang Tay, ako na muna ngayon. Maggrocery kayo ng kulang tapos ipangdate na ninyo ni Nanay ang iba.
Aling Rio: Ano bang iluluto mo?
Tisoy: American Dish ho, yung paborito ni Rose.
Aling Rio: Marunong ka ba naman?
Tisoy: Oho, umattend ho ako ng klase nung kapatid ni Brother Glem na Chef.
Isinalang ni Tisoy ang tatlong kilong tenderloin sa pressure cooker. Nang lumambot, Inilaga ang isa't kalahating kilo.
Pinanonood lang nila Mang Leo at Aling Rio. Napatingin si Aling Rio sa relo.
Aling Rio: Naku, magaalas dose na hindi pa ako nakakaluto.
Tisoy: Nay, kalma. Nakaluto na ho ako ng nilaga, maghain na lang ho kayo para makakain na tayo.
Habang kumakain, napangiti si Mang Leo. Malasa ang nilagang niluto nito at malambot ang laman.
Mang Leo: Aba nak, pwede ka ng magasawa, ang sarap ng nilaga mo eh. Kalasa ng nilaga ni Sir Teddy.
Aling Rio: Sir Teddy?
Mang Leo: Oo, ang Tatay ni Dei kung tawagin ni Rose ay Lolo Tatay, napakasarap magluto non.
Tisoy: Talaga Tay, eh di yung sabaw na lang niyan ang soup namin mamaya.
Mang Leo: Sa mga naging boyfriend ni Rose, Ikaw at Kristian lang ang alam kong gumawa nito para sa kanya.
Tisoy: Masarap bang magluto yung Kristian na yon Tay?
Mang Leo: Pwede na pero puro Filipino food naman niluluto non eh di ba mahilig si Rose sa american dishes.
Tisoy: Natikman ho ba ninyo ang niluto non?
Mang Leo: Minsan yung menudo, iniuwi ko pa nga sa Nanay mo dahil mapilit pero pareho naman kaming naalatan ng Nanay mo.
Tisoy: Eh di mas masarap akong magluto kaysa sa kanya?
Mang Leo: Aba eh, sigurado akong mas masarap itong nilaga mo kaysa sa menudo niya.
Aling Rio: Tisoy, huwag mong sabihing nakikipagkumpitensya ka don sa Kristian na yon. Anak naman.
Tisoy: Ewan ko ba Nay, naiinis ako na malaman na mabait at magaling yung lalaking yon. Kahit anong galing niya hindi niya mabubura yong sinaktan niya si Rose.
Aling Rio: Tama, kaya hindi ka dapat nagiisip ng kung ano-ano. Hindi mananalo sa anak ko ang hayup na lalaking yon.
Tisoy: Yan ang gusto ko sa yo Nay, you love your own.
Nagtawanan sila. Nang matapos mananghalian, gumawa si Tisoy ng mashed potatoe mula sa sariwang patatas at mushroom gravy. Nagluto ng pasta at iniluto ang seafood pasta sauce. Natapos siyang magluto at ilabas ang mga magagandang pinggan bandang alas kwatro. Bumababa naman sa hagdan si Aling Rio at Mang Leo.
Tisoy: Oh saan ang lakad ninyo?
Aling Rio: Itong Tatay Leo mo, idedate daw ako, kakain sa labas at manonood ng sine.
Mang Leo: Tsaka alam mo na yon nak, dadalhin ko si Nanay mo sa lugar na hindi pa niya nararating.
Natawa si Tisoy.
Tisoy: Harinawa Tay, makabuo na kayo.
Aling Rio: Ikaw na bata ka talaga!
Tisoy: Nay, hindi ka pa menopause at lalong hindi ka pa nagpapatali bakit naman hindi. Ang saya kaya kapag nagkababy kayo may pagpapractisan na akong alagaan. Tay, galingan mo ha.
Mang Leo: Ikaw ba talagang galing semenaryo o ano?
Tisoy: Naku Tay, kung alam niyo lang kung anong pinanonood ng mga kasama ko kapag nasa kwarto na. Kaya ayon, laging mga napaparusahan eh. Pero ako good boy, isang katawan lang ang gusto kong makita.
Aling Rio: Halika na nga at umalis na tayo baka kung saan pa mapunta ang usapan na yan.
Pagdating ng alas sais, nagdoorbell si Dean sa bahay nila Tisoy. Tumatakbo itong nagsusuot ng polo shirt pababa ng hagdan. Sumakay sa kotse ni Dean at sinundo nila sila Rose at Leslie.
Nagulat sila Rose at Leslie ng sa harap ng bahay nila Tisoy sila pumunta.
Tisoy: Pasok kayo. Upo muna kayo iaayos ko lang ang hapunan natin.
Leslie: Wala sila Nanay mo?
Tisoy: Wala nagdate, manonood daw ng sine, kakain sa labas at tsaka alam nyo na.
Dean: Talaga? Makabuo pa kaya yon si Tay Leo? Come to think of it malakas pa naman siya.
Tisoy: Oo makakabuo din yon, lagi ko kayang ipinagdarasal yon. Here have some appetizer.
Rose: Wow, beef nachos with cheese.
Dean: Kosa ah, pinabibilib mo ako.
Tisoy: Mamaya ka na bumilib Kosa, pag tapos na tayong magdinner.
Makalipas ang labing limang minuto. Lumabas si Tisoy sa salas, hinawakan ang kamay ni Rose at niyaya ng ang mga itong maghapunan.
Leslie: Wow naman, candle light dinner.
Tisoy: Have a sit.
Hinila ni Tisoy ang upuan para kay Rose at ganon din ang ginawa ni Dean. Nagdasal muna sila.
Tisoy: Oh now, here's the soup at pasta
Inilagay ni Tisoy ang mga tasa ng sabaw ng nilaga, tapos ang seafood pasta na nasa maliliit na pinggan.
Tisoy: And lastly, open faced roast beef sandwich with mushroom gravy, mashed potatoe and steamed asparagus.
Tinignan ni Rose ang pinggan, ang ganda ng preparation nito, mukhang masarap at amoy masarap.
Rose: You cooked all this?
Tisoy: Yup, I even made the mashed potatoe from fresh potatoes.
Rose: I knew, you know how to cook because you had to learn since nawala ang Tatay mo so you can help your Mom but I didn't know you can cook american dishes.
Tisoy: I just learned, the past few days, umaattend ako ng cooking class. Yung kapatid kasi ni Brother Glem is a Chef. Ipinakilala niya sa akin. Tapos he gave me a cookbook of american dishes. Favorite mo kasi ang american dishes eh para I can cook for you. Oh kain na.
Dean: Teka, pamilyar sa akin ang lasa nitong nilaga soup.
Humigop din si Rose, hanggang maubos niya ang soup sa tasa.
Rose: It taste like Lolo Tatay's nilaga.
Tisoy: Yun din ang sabi ni Tay Leo, gagawa pa sana ako ng ibang soup but since sabi ni Tay Leo magugustuhan ninyo daw yan. Yan na lang ininit ko. Niluto ko yan kaninang lunch eh.
Masaya silang kumain. Sarap na sarap ang magkakaibigan sa niluto ni Tisoy.
Naubos nila ang laman ng kanya-kanyang pinggan.
Leslie: Grabe Tisoy! Masarap parang ayaw kong tigilan eh.
Dean: Oo nga ako din, nakadalawang serving ako ng open faced. Kosa ano ba! Ang laki ng tyan ko oh.
Nagtawanan sila.
Rose: Thanks Tisoy! It was a delicious dinner.
Tisoy: Mag-tea na lang tayo para matunaw ang mga kinain natin.
Dean: Ay nakalimutan ko may Cheesecake pala sa bahay, uwi muna ako. Kunin ko lang.
Leslie: sama ako.
Niligpit ni Tisoy at Rose ang pinagkainan nila.
Tisoy: Marami pa yung seafood pasta uwian mo sila Tita later ha.
Rose: Ok, am sure magugustuhan ni Mama yan and she would be surprised that you cooked it.
Tisoy: Bakit hindi ba kapanipaniwala na marunong akong magluto? Minsan ipagluluto kita sa bahay ninyo just like when Kristian cooked dinner for you.
Rose: I mean, she will be surprised kasi ang alam niya filipino dishes lang ang alam mong lutuin.
Matapos maghugas ng pinggan, nagtimpla ng tsaa si Tisoy at naglabas ng mga platito at tinidor para sa cake na kinuha nila Dean
Tisoy: Halika, doon na natin hintayin sila Dean sa garden.
Ilang sandali silang natahimik, a little awkward silence.
Rose: Sabi ni Mama ang problema daw sa atin, lagi tayong nagpapakiramdaman. Wala naman daw mali at hindi nakakahiya kung sasabihin ang nasa isip at nararamdaman. So, here it goes... Tisoy if you are being insecured with Kristian you don't have to be. I cannot deny the fact na mabait siya and he did nice things for me too. But it doesn't mean that I can forget what he did to me and it doesn't mean I like you less.
Tisoy: Sorry, huwag mo na lang akong pansinin. It's a me problem, hindi ko lang mapigil ang sarili ko eh. He's rich, he's an Engineer, it seems that he was close to everybody kahit si Dennis. Your parents like him too.
Rose: Pero ikaw parin naman ang idol ni Dennis, he said so himself. You are still Dean and Leslie's bestfriends. Don't belittle yourself, kasi you are a lot more than what he is. And there is one thing he can never do.
Tisoy: Ano naman yon?
Rose: He cannot love me the way you do... and he can never be you.
Hinawakan ni Rose ang kamay ni Tisoy na nakapatong sa hita nito. Iniangat ni Tisoy ang kamay ni Rose sa mga labi niya at hinagkan yon ng buong pagmamahal.
Dean: Ehem, sorry sa istorbo pero eto na po ang cheesecake.
Leslie: Hindi na yata kailangan ng dessert ni Tisoy eh.
Nagtawanan sila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro