Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 58 - Fambond

Nagising si Rose bandang hapon, nagmulat ng mata, bahagyang hinila ang kamay na hawak ng natutulog na si Tisoy. Nagising ito.

Tisoy:  Hi!  May kailangan ka ba? 

Bahagyang umiling at iginala ang mata sa paligid ng makitang walang ibang tao, tumanaw na naman ito sa kawalan at natulala.

Tisoy:  Si Papa mo pala nagpunta sandali sa office may mga kailangan kasing pirmahan.  Si Mama mo umuwi lang sandali para maligo pero pabalik na yon. Si Dean at Les pumasok pero sabi dadalhan ka daw nila ng cheesecake later.

Tisoy:  Oo nga pala kumain ka muna. Sandali iinitin ko sa electric thermos yung ginataang mais dinalhan ka ni Nanay baka daw namimiss mo na eh.

Iniangat ni Tisoy ang kalahati ng kama para mapaupo si Rose.  Tapos niyapos ito para maiangat ang katawan ni Rose at maiayos ang upo nito pero ng tignan niya ito. Tulala na naman at nakatanaw sa kawalan.

Tisoy:  Huwag ka ng magalala ha, nandito lang ako at ang pamilya mo, wala ng mangyayaring masama sa yo.  Upo ka na muna, ililipat ko na sa bowl yung ginatan baka masobrahan sa init eh.

Nang mailagay ang ginatang mais sa bowl, sinubuan niya si Rose. Nang makalahati ang laman ng bowl at subuan niya bahagyang iniwas nito ang bibig.

Tisoy:  Ayaw mo na, sige ito oh uminom ka ng tubig.

Uminom naman ito sa basong may straw ng ilapit ni  Tisoy ang straw sa bibig niya tapos tulala na naman.  Kinuha ni Tisoy ang  bible at binasahan nito ng mga bible verses.

Bandang alas sais ng gabi nandon ng lahat  ang buong pamilya pati ang pamilya ni Dean.  Naroon din si Leslie, Mang Leo at Aling Rio.

Nagkukwentuhan ang mga ito habang pinapakain ni Tisoy si Rose. Pinagmamasdan ni Dean si Dei bumulong kay Leslie...

Dean:  Sweet, napansin ko kapag nasa harap niya si Tisoy hindi siya tulala, nakatingin lang siya kay Tisoy.

Leslie: Talaga?

Dean:  Oo gumagalaw ang mata niya.  Tignan mo ah.  Tisoy oh, eto saging baka gusto ni Rose.

Tumayo si Tisoy at lumapit kay  Dean para kunin ang saging.  Sinundan nga ng tingin ni Rose si Tisoy.

Leslie:  Tita Dei, gumagalaw na po ang mata ni  Rose.  Sinusundan po ng mata niya ang bawat galaw ni Tisoy.

Denver:  Tisoy, magpaalam ka nga na pupunta ka ng banyo.

Nagpaalam nga si Tisoy at  pumunta ng banyo, sinundan ng tingin ni Rose.  Napangiti silang lahat.  

Kinabukasan, sinabi nila kay Dra. Gracia ang napansin nila.

Dra. Gracia:  Dei, kausapin mo siya tapos gumalaw ka pakanan tapos pakaliwa.

Ginawa nga niya at sinundan ng mata ni Rose ang paggalaw niya.

Dra. Gracia:  Well then she is getting better everyday.  Although kapag wala siyang kausap nakatulala pa rin siya.  Kaya dapat laging may kumakausap sa kanya.

Tisoy:  Kapag ayaw na niyang kumain  Doktora, bahagya niyang inilalayo ang bibig. Naililingon na din niya ang ulo at naigagalaw ang kamay. Kapag iniuupo ko po siya, nakakaupo na siya. 

Dra. Gracia:  Ok sige, let me run some tests with her.

Kinausap ni Doktora si Rose habang nakamasid lang ang lahat.  Nang matapos...

Dra:  Gracia:  She is responding to me and tama nakakakilos na katawan niya mula ulo hanggang sa bewang but not the lower part.  Pero maiimprove naman yan katulad ng kung papanong naigalaw niya ang itaas na bahagi ng katawan niya.  So continue to be patient.  Her face is back to normal, magaling na din ang mga sugat niya t kakaunti na din ang mga pasa.  Tuyo na din naman ang sugat niya sa ulo.  I think I can release her this afternoon.   But I would suggest for you to make sure na lagi siyang may kasama.

Denver:  Can we request for a private nurse for her. Para lang may magaassist sa kung sinong makakasama niya. Kahit from 8am to 5pm.  Pwede bang yung naassign na sa kanya para alam na ang history ng sakit niya.

Dra.  Gracia:  Ok sige I'll see what I can do.  Hintayin na lang ninyo yung Nurse to bring you the billing.

Denver: Salamat Doktora.

Nang makaalis ang Doktora, lumapit si Tisoy kay Dei at Denver.

Tisoy:  Tito, Tita, pwede po bang ako na lang ang magaalaga sa kanya. Wala pa naman ho akong trabaho eh. 

Denver:  Sabi ko naman sa yo, R&R is open for you kung babalik ka.

Tisoy:  Pwede po bang kapag magaling na magaling na si Rose tsaka na ako papasok ulit?  I feel what happened to her is partly my fault.

Dei:  Tisoy, wala kang kasalanan.

Tisoy:  Maaring wala akong ginawa pero ako ang puno't dulo ng nangyari sa kanya kaya sana po pabayaan ninyo akong alagaan siya.

Denver:  Naniniwala akong mas mabilis siyang gagaling kung ikaw ang magaalaga sa kanya. 

Tisoy:  Salamat po Tito.

Dei:  Sige, Kuya Leo, umuwi na ho tayo para maayos yung kwarto sa ibaba, mas mabuting doon na lang siya magkwarto habang hindi pa siya nakakalakad.

Denver:  Dean, pumunta kayo ni Leslie sa Mandaluyong sa may shaw boulevard yung katapat na street ng San Antonio Village may tindahan doon ng mga medical supplies and equipment.  Buy one. Here, bring my ATM text me how much and I'll text you back the code.

Dean:  Ok po Tito.

Naiwan si Tisoy at Denver.

Tisoy:  Tito, 10am na gusto po ninyong subukang pakainin si Rose.  Matutuwa po siya na malaman na nandidito pa kayo.

Denver:  Sige nga.  Salamat Tisoy ha.

Tisoy:  Sige po, kausapin ninyo po siya.

Denver:  Darling, Papa here, magsnack ka ha. May ham and cheese melt dito and apple slices. Iuupo kita ha.

Itinaas ni Tisoy ang ulunan ng kama. Niyakap ni Denver si Rose at bahagyang inangat ang katawan nito para makaupo ng maayos. Iniabot ni Tisoy ang unan para ilagay sa likod ni Rose. Maayos naman itong naupo.

Tisoy:  Itapas po ninyo sa bibig niya tapos sabihin ninyo kung ano.

Denver:  Darling, oh tikman mo itong ham and cheese melt.

Pagtapat ni Denver ng tinapay sa bibig ni Rose, bahagya itong ngumanga at kinagat ang tinapay. Naglagay ng mango juice si Tisoy sa  basong may straw at inilapag sa lamesa. Inilabas ni Tisoy ang isang bag, Kumuha ng pantalon, t-shirt at underwear ni Rose at inilapag sa couch. Itinupi ang mga malilinis na damit niya  at ni Rose at pinagsama-samang nilagay sa bag.  Tapos ang mga marurumi naman inilagay sa knapsack niya.

Niligpit niya din ang ilan pang gamit at iniayos lahat sa mga canvas bag na nandon.   Maya-maya pumasok ang isang Nurse. Gelai kung tawagin ito.

Nurse Gelai:  Good morning po Sir,  Ako po ang magiging private nurse ni Ms. Rose.

Tisoy:  Tito, si Gelai po night shift siya dito sa hospital siya ho ang nurse nagaasikaso kay Rose kapag gabi.

Denver:  Hello, well si Tisoy naman ang magaalaga sa kanya. So, at least kahit from 9am to 4pm lang para may assistant siya.  Kasi from 4pm naman dumadating na sa bahay yung anak kong lalaki kaya may makakasama na siya.

Nurse Gelai:  Sige, po ok po. Sasabihin ko po kay Doktora para po maiadjust ko ang schedule ko dito.

Denver:  Wala namang problema kahit magkano per day, but you will have to discuss that with my wife.

Nurse Gelai:  Ok po.  Tapos na po ba siyang kumain, ifreshen up ko na po siya para ready na siya for release.

Denver:  Oo sige,  Darling, lalabas na muna kami ni Tisoy.

Inilapag ni Tisoy sa kama ang tuwalya at mga damit ni Rose at lumabas na sila. Mayamaya dumating ang nurse na may dala ng bills.  Inakisa na ni Denver.  Bago mananghali nabayaran na ang bills sa hospital, dumating sila Dean dala ang biniling wheel chair.

Leslie:  Wow Best, magaling na ang lips mo, lagyan natin ng lip balm para hindi tuyo ha.  Tapos lagyan ko ng powder ang face para hindi oily.  Ayan, ang ganda mo pa rin di ba Tisoy?

Tisoy:  Lagi namang maganda yang bestfriend mo Les. 

Nurse Gelai:  Kailangan po ninyo ng katulong para ilipat siya sa wheel chair.

Tisoy:  No, it's ok, I got this.  Paki hawakan na lang yung wheel chair.

Hinawakan naman ni  Gelai.  Humarap si Tisoy kay Rose at kinausap ito.

Tisoy:  Magaling na ang mga sugat mo kaya uuwi na tayo ha. Sa bahay ka na magpapagaling.  You don't have to be afraid or get worried, nandito ako at tsaka si Gelai para lagi kang may kasama ok? 

Gumalaw ang mata ni Rose, papunta sa lugar kung saan nakatayo si Gelai tapos tumingin ulit kay Tisoy at tumango.

Tisoy:  Bubuhatin na kita para mailipat ka sa wheel chair at makaalis na tayo.

Bahagyang iniangat ni Rose ang dalawang braso, napangiti si Tisoy.

Dean:  Cous ha, gustong gusto mo naman.

Tumingin si Rose kay Dean.

Binuhat ni Tisoy si Rose, yumakap ito sa kanya, ibinaba niya ito sa tapat ng wheel chair at iniupo. Inayos ni Gelai ang unan na inilagay sa likod ni Rose.

Nurse Gelai:  Ms. Rose pwede ka ng sumandal.

Denver:  Oh halika na, naghihintay sila Mama mo sa bahay. Malamang masarap na ulam ang niluto non.

Bitbit ni Tisoy ang bag ng malinis na damit at ang knapsack niya.  Tulak naman ni Gelai ang wheel chair ni Rose.  Pagdating nila sa pinto ng hospital nandon na ang sportscar ni Denver Nakababa ang bubong nito.   Isinakay na nila ang mga gamit sa comparment.  Pumunta na si   Muling binuhat ni Tisoy si Rose at isinakay sa likod ng sportscar. Pinaupo si Nurse Gelai sa tabi ni Rose.  Itinupi ni Dean ang wheel chair at binitbit na papunta sa kotseng gamit nila at umalis na. Naupo si Tisoy sa tabi ni Denver. Ibinalik ni Denver ang topdown cover at umalis na sila.

Makalipas ang kalahating oras nasa mansyon na sila. Tinulungan nila Mang Leo at Yaya na ibaba ang mga gamit.

Dean:  You need the wheel chair?

Tisoy:  Hindi na, I'll carry her.

Lumabas ng mansyon si Dennis may bitbit na mga bulaklak.  Humalik sa pisngi ni Rose.

Dennis:  Welcome home Ate! 

Nandoon din ang pamilya ni Dean at ang Mommy ni Leslie at si Aling Rio.

Aling Rio at Leyla:  Welcome home Rose!

Tisoy:  Nandito na tayo sa mansyon.

Nang marinig ang mansyon, biglang nagbago ang mukha ni Rose, kitang kita ang takot sa mukha nito.

Tisoy:  Oh, hindi ka dapat matakot.

Ihinarap ni Tisoy ang mukha nito sa gate.

Tisoy:  Tignan mo, may dalawang gwardya sa gate at nandito kaming lahat.  Kaya wala kang dapat ikatakot.

Tumingin  si Rose kay Tisoy na parang nagtatanong.

Tisoy:  Nagsinungaling na ba ako sa yo?

Bahagyang umiling ito.

Tisoy:  So, trust me ok?!

Binuhat ni Tisoy si Rose.

Denver:  Open the lights sa salas at sa dining area pero patayin ninyo yung ilaw sa hagdan. 

Pumasok si Yaya at ginawa ang sinabi ni Denver.  Habang  humahakbang si Tisoy palapit sa pinto humihigpit din ang yakap ni Rose sa leeg niya.

Tisoy:  Hindi ka dapat matakot, tignan mo nandyan si Papa at Mama mo.

Dei:  Darling we're here.

Tisoy:  Si Dean at Leslie nandyan din.

Leslie: Best nandito kami sa likod mo.

Tisoy:  Pati sila Tita Ryzza, Damon, Jerome at Tita RR.

Naghello ang mga ito.

Tisoy:  Tsaka sila Nanay, Tay Leo, Yaya, Dennis at si Nurse Gelai nandyang lahat.  Nagsalita at nag-hi ang mga ito.  Marami kang kasama, walang dahilan para matakot ka.

Bahagyang lumuwag ang pagkakayakap nito sa kanya. Nakarating naman sila sa kwarto sa first floor ng mansyon na dating opisina at library ni Don Ricardo.

Ibinaba ni 

Leslie:  Wow Best!  Ang ganda ng kwarto mo.  Queen sized ang kama at may sofa bed pa na parang receiving area.

Ibinaba ni Tisoy si Rose at iniupo sa kama.

Dei:  Leslie, Gelai, tulungan na muna ninyong magbihis si Rose para mas comportable siya.  Humakbang na si Tisoy ng hawakan ni Rose ang kamay niya at pisilin.

Tisoy:  You're welcome.

Lumabas si Tisoy, nagmano sa Nanay niya.  Naupo na silang lahat sa salas.  

Tisoy:  Tay, Nay, kailangan po ninyong pumunta sa Semenaryo para kunin ang gamit ko at pirmahan yung release papers.

Mang Leo:  Sige, tamang tama papunta din ako sa resthouse eh isasabay na namin.  Denver, wala naman tayong byahe bukas hindi ba?

Denver:  Wala Kuya Leo, at iniassign ko na kay Damon ang pagbisita sa mga taniman habang hindi pa completely magaling si Rose.  Para si Dennis at ang mga pangangailangan na lang dito sa mansyon ang iintindihin mo.  Tsaka para palagi silang may Driver dito in case of any emergency.  Gusto ko din na lagi kaming naririto dahil sabi nga ni Doktora mas mapapabilis ang paggaling niya kung nararamdaman niya ang pagmamahal at pagpapahalaga ng pamilya sa kanya.  Jerome and RR, I will have to ask you a favor to spend sometime with Rose.

Ryzaden:  Oo kuya, we will do that.

Jerome:  makakaasa ka kuya.

Dei:  We need everyone's time right now.  Kailangang maramdaman ni Rose na secured siya.

Leyla:  Hayaan mo pupuntahan ko siya araw-araw kapag nasa iskwela si Lance at Dennis.

Dean:  Salamat po Tita.  Kami ni Leslie, we will be here pagkatapos ng mga trabaho namin.

Damon:  You better be Dean, kayo ang pinakamalalapit na kaibigan niya mas makakampante siya kung lagi niya kayong nakakasama.

Leslie:  Opo Tito, we will do that.

Tisoy:  Nay, dito na ho muna ako habang hindi pa tuluyang magaling si Rose.

Aling Rio:  Walang problema yon anak, alam ko namang kaligayahan mo ang alagaan at samahan siya. Gawin mo ang gusto mong gawin.  Kung ok lang kay Denver at Dei na naririto ka, walang problema sa amin yon ng Tay Leo mo.

Denver:  Dennis, you have to do the same ha paguwi ng bahay sasamahan mo si Ate mo.

Dennis:  Opo Papa, kukwentuhan ko pa.

Lumabas si Leslie sa kwarto.  

Leslie:  Ok na po, pwede na natin siya ilabas dito. Sweet, yung wheel chair please.

Tumayo si Tisoy at pumasok sa kwarto. Isinunod ni Dean ang wheel chair.  Binuhat ni Tisoy si Rose mula sa kama at iniupo sa wheel chair. Itinulak naman itong palabas ni Gelai.

Denver:  Oo nga pala, everyone, meet Nurse Gelai, siya ang private nurse ni Rose, she will be here from 9am until 3pm.    

Gelai:  Hello po!

Ipinakilala ni Denver ang lahat ng nandodoon. 

Denver:  Gelai ito ang buong pamilya namin at malalapit na tao sa amin.  Sila lang ang pwedeng lumapit kay Rose.  

Dei:  Ito si Yaya ang kasama ni Dennis sa bahay namin.  Ito naman ang pinsan niyang si Susan ang aming bagong kusinera.  Huwag kang mahihiya dito sa amin Gelai ha.  Kapag oras ng pagkain, kumain.  Sisiguraduhin ni Susan na nasa oras ang pagkain ninyong lahat na maiiwan dito.

Susan:  Magandang araw po, Mam, nakahanda na po ang tanghalian.

Dei:  Oh mabuti pa kumain na tayo.

Tisoy:  Gelai, sumabay ka na. Ako ng bahala sa pagkain ni Rose.  Dalhin mo na lang siya dito sa may Dining Table.

Sabay-sabay silang kumain.   Magkatulong na nagsilbi sila Yaya at Susan.  Nakatingin si Rose sa pagkain.  Naglagay si Tisoy ng sabaw ng nilagang baka sa tasa, bahagyang pinalamig at ipinahigop kay Rose.  Naglagay ng kanin, laman ng baka at mga gulay sa pinggan sa harap niya at sinubuan si Rose.  Nakakatatlong subo pa lang iniiwas na ni Rose ang bibig.

Tisoy:   Tatlong subo pa lang yon eh. Kokonti pa lang ang nakakain mo eh.  Hindi mo ba gusto ang ulam?

Nakatingin lang si Rose sa kanya.

Dei:  Baka nga ayaw niya ng ulam.

Umiling si Rose. Dahan-dahang iniangat ang kamay at bahagyang itinulak ang pinggan palapit kay Tisoy.  Hindi maintindihan ni Tisoy.

Nurse Gelai:  Sir, sinusubuan mo kasi siya pero hindi ka kumakain. Inilalapit niya yung pinggan sa yo, pinapakain ka ho yata.

Tisoy:  Ay, oo nga. eto na. Kakain ako.

Kumuha ng isa pang kutsara at tsaka kumuha ng kanin at ulam sa mismong pinggan ni Rose at isinubo.  Tapos kinuha niya ang kutsara ni Rose at sinubuan ito, ngumanga naman.

Dei:  Ayun naman pala, kasi nga naman panay ang subo mo sa kanya eh ikaw hindi kumakain.

Nagtawanan sila. Iginala ni Rose ang paningin sa mga tao doon. May  bahagyang ngiti na lumabas sa mga labi nito.

Dennis:  Tignan niyo po parang nakasmile si Ate oh.

Ryzza:  That's right Hija, smile... we are happy you are home.

Matapos ang pananghalian, nagkanya-kanya na ng balik sa mga opisina ang lahat. Umuwi na din si Gelai.  Naiwan si Dennis , Yaya at Tisoy sa salas ng mansyon.

Dennis:  Ate, nood tayo ng movie dito sa laptop ko.  Meron akong transformers yung pinakabago.

Tumango si Rose. Lumapit si Tisoy.

Tisoy:  Gusto mo dito sa couch ka maupo?

Bahagyang tumango, binuhat siya ni Tisoy at iniupo sa couch.  Naupo sa tabi ni  Rose si Dennis at nanood sila.  Panay ang comment ni Dennis sa mga scenes, nakita ni Tisoy na napapapikit si Rose sa kalagitnaan ng movie.

Tisoy:  inaantok ka na ba gusto mong mahiga na sa kwarto.

Umiiling ito.

Dennis:  Kuya, dito mo na lang sa couch ihiga si Ate.

Kinuha ni Dennis ang throw pillow at inilagay sa kandungan niya.  Inihiga naman ni Tisoy si Rose na nakaunan sa kandungan ni Dennis.  Hinaplos ni Dennis ang buhok ni Rose.

Dennis:  Ate, ok lang matulog ka na, next time na lang natin tapusin.  Kuya pakipatay na lang tapos pakiabot yung history book ko.

Iniabot niya ang libro kay Dennis.

Tisoy:  Ikaw na muna bahala sa Ate mo ha maliligo lang ako.

Dennis:  Sige Kuya, natutulog naman siya eh.

Ibinilin ni Tisoy kay Yaya ang dalawa at pumasok sa kwarto ni Rose, kumuha ng damit at naligo sa banyo doon sa loob ng kwarto.

Habang nasa banyo si Tisoy kinakausap ang sarili... "Tisoy dapat lagi kang mabango, lagi mong binubuhat si Rose mamaya smells bad ka na pala eh, maamoy ka pa nakakahiya."

Nang dumating si Dei, inabutan niya sa ganong itsura si Dennis at Rose.  Napangiti si Dei, natutuwa siya sa kanyang bunso.  Lumapit sa mga anak at parehong hinalikan sa noo. Nagmano naman si Dennis at bumalik na sa kanyang pagbabasa. Dumerecho naman si Dei sa kusina at sinabi kay Susan ang iluluto para sa hapunan.

Nagising si Rose ng dumating si Denver. Binasa naman ni Dennis ng malakas ang libro ng makitang gising na ang kapatid.  Natutuwa din si Denver sa tagpong iyon.  Magkakasabay silang naghapunan sa mansyon.  Matapos maghapunan, magkakasama din nilang pinanood ang transformers sa laptop ni Dennis. Pasado alas nueve ng matapos ito.

Denver:  Ok it's bed time.

Humalik na si Dennis sa kapatid at kasama si Yaya na lumipat sa kabilang bahay. Itinulak ni Denver ang wheel chair papunta sa kwarto.  Kasunod naman si Dei na may bitbit na warm milk at bottled water.  Ipinatong sa bedside table. 

Denver:  Paano Tisoy ikaw ng bahala ha.

Tisoy:  Opo, sige po at magpahinga na kayo.

Dei:  Ikukuha kita ng kumot at unan mo.

Tisoy:  Sige ho pakilagay na lang sa couch.

Dei:  Hindi Tisoy, itong sofa bed inilagay ko ito dito para sa yo. Para kahit anong oras siyang magising makikita niya na may kasama siya.  Ilatag mo lang ito tsaka para naka-aircon ka din.

Tisoy:  Sige po.

Binuhat ni Tisoy si Rose at inihiga sa kama.  Kinumutan. Itinabi ni Tisoy ang wheelchair sa gilid.  Inilatag niya ang sofa bed hanggang maging kama ito.  Mga 8 inches ang layo ng kama nila sa isa't isa. 

Tisoy:  Sige, ipikit mo na ang mata mo at matulog ka na, babantayan kita.

Tsaka kusang pumikit si Rose.  Si Tisoy, nakahiga, nakapikit pero gising ang diwa.  Umusal ng panalangin... "Panginoon sana po tuluyan na siyang gumaling."































Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro