Chapter 55 - Mistaken
Tumatak sa isip ni Rose ang sinabi ni Tisoy na matagal na niyang nahanap ang tahanan niya. Kaya nawalan na ito ng pagasang lalabas pang muli si Tisoy ng seminaryo para balikan siya. Tuluyan na ding nawala ang paniniwala nito sa tadhana. Isang buwan matapos ang kanilang graduation, sinagot ni Leslie si Dean at tanging ang mga ito na lang ang taga pagpaalala ng destiny kay Rose.
Leslie: Balita ko nililigawan ka na ni Brix Best?
Rose: Yah, two weeks na.
Leslie: Gusto mo siya?
Rose: Ok lang, mabait naman at gwapo di ba. Pwede na. I'll give him two weeks more if he doesn't change sasagutin ko na.
Dean: Ano?
Rose: Why? Pinatatagal pa ba yon?
Dean: Pero Cous...naalala mo ba yung sinabi ni Tisoy sa yo kung hahanap ka ng boyfriend yung mamahalin ka ng higit pa sa pagmamahal niya.
Rose: Do you really think may magmamahal pa sa akin ng ganon? Since he cannot be that guy might as well enjoy more than one guy.
Dean: Cous naman, nakita mo naman that my belief in destiny paid off. Kaya ikaw huwag kang mawalan ng pagasa.
Leslie: That's right.
Rose: You are both crazy in love. Pero I will give it you. Tama naman kayo na magkatadhana kayo but I will only totally believe it kapag nakita kita sa harap ng simbahan na hinihintay sa paglalakad papunta sa yo si Leslie.
Dean: Give me at least two years. Ikaw ang maid of honor.
Leslie: Grabe ka naman sweet, two years lang talaga?
Dean: Sweet naman ang tagal-tagal ko ng naghintay. Pati ba naman pagpapakasal matagal pa din? Hindi natin kailangang magpagawa ng bahay because ang daming nakatenggang bahay ang R&R na pwede kong hulugan. Mamimili ka lang kung saan mo gustong tumira.
Natawa si Leslie.
Leslie: Sweet ngayon lang kita sinagot, kasal na agad pinaguusapan natin.
Dean: Bakit, hindi ka pa ba naniniwala na ako na ang nakatadhana sa yo?
Leslie: Ano ka ba, naniniwala ako. Pero hinay-hinay lang magkakanervous break down ako sa mga sinasabi mo eh.
Niyakap ni Dean si Leslie.
Dean: Mahal na mahal kita Les, I will prove to you na ikaw na ang pakakasalan ko.
Rose: Magkakadiabetes ako sa katamisan ninyo. I am a living proof that destiny does not exist. Pinaglalaruan lang tayo ng tadhana. I had the perfect love pero nasan na ngayon? Wala. So just let me be.
Wala ng nagawa sila Dean at Leslie. Sinagot ni Rose si Brix makalipas ang dalawang linggo. Nabalitaan ni Tisoy yon... kaya naguguluhan siya. Wala na siyang nagawa pinilit niyang tanggapin na lang.
Nagtatrabaho na sila Dean, Tisoy at Leslie. Araw-araw na hinahatid ni Brix si Rose sa mansyon at halos hatinggabi na kung umuwi. Kung titignan, masaya naman si Rose kapag kasama nilang nagdedate sila Dean at Leslie. Pero anim na buwan lang ang itinagal ng relasyon nila. Makalipas lang ang ilang linggo may bagong boyfriend na naman si Rose si Joel, isang kasamahan sa trabaho. Tumagal naman ng walong buwan ang relasyon nila pero nakipaghiwalay din si Rose. Pagkatapos si Mark isang base player ng isang banda nakilala niya minsang lumabas sila nila Dean apat na buwan lang tapos na at si Dante, dating kaklase, dalawang buwan lang natapos din agad.
Minsan, hindi na nakatiis si Dei. Kinausap ang anak.
Dei: Rose, what are you doing anak. Nakakailang boyfriend ka na at kakabreak mo pa lang sa isa after a week or two may bago na naman?
Rose: Mama, I'm just having fun. Masaya naman ako eh.
Dei: Are you really?
Rose: Fine, maybe am not but what can I do? The only man who can love me the way I want to is gone. Nandon sa seminaryo minamahal ang Diyos. What do you want me to do Ma? Wait for him? Kahit alam kong masaya na siya doon?
Umiyak si Rose... humahagulgol. Naawa si Dei sa anak, niyakap ito.
Dei: Ok naiintindihan naman kita. Pero why don't you try to love this guys you're dating. Try harder to keep the relationship.
Rose: Mama, am trying. I'm trying so hard, but I cannot give myself to the guy wholely I always end up backing out because I still love him Mama. I really do and I don't know how to stop it.
Hanggang sa maging boyfriend ni Rose si Kristian. Anak ng isang kasosyo nila sa negosyo. Mabait si Kristian, malambing, maalalahanin at may respeto sa mga magulang niya. Naging maayos ang relasyon nila. Karaniwang tanawin nang makikita na ipinagluluto ni Kristian si Rose ng pananghalian kapag sabado. Sweet na sweet ang dalawa na nakaupo sa salas ng mansyon habang nanonood lang ng TV. Tumagal ng isang taon ang relasyon nila.
Lahat ng iyon nakakarating kay Tisoy sa pamamagitan ng mga sulat ni Dean. At durog na durog ang puso niya sa bawat balitang natatanggap niya na napansin naman ng mga kasamahan niya sa seminaryo.
Isang gabi nasa kwarto na sila. Nakahiga si Tisoy.
Brother Glem: Brother Richard nahahalata namin ang pagkabalisa mo. Kung talagang hindi mo siya makayang makalimutan bakit mo pinipilit ang sarili mo?
Brother Larry: Tama, kung naapektuhan ka ng mga balitang dumadating sa yo isa lang ang ibig sabihin niyan, mahal mo pa rin siya.
Tisoy: Pero mukhang nakapagmove-on na siya eh. Nakailang boyfriend na nga eh at ngayong huli isang taon na sila nung boyfriend niya.
Brother Glem: Hindi mo ba naiisip baka kaya nakakailang boyfriend na siya kasi hindi siya nagiging masaya dahil ikaw lang ang kaligayahan niya.
Brother Larry: Halata namang mahal na mahal mo pa siya. Maiintindihan ka ng Diyos Brother dahil nakikita niya ang nasa loob mo.
Tisoy: Salamat, pagiisipan ko ang mga sinabi ninyo.
Pero ilang araw pa ang nakaraan ipinatawag na siya sa opisina ng seminaryo. Nagulat siya na nandon si Father Ben.
Father David: Ipinatawag kita Brother Richard dahil napapansin ko na may gumugulo sa isip mo at napagusapan na rin namin ni Father Ben ang maaaring ikinagugulo ng isip mo.
Tisoy: Father, hindi ko lang ho maalis ang magalala pero wala po ito. Alam ng Diyos kung gaano kalaki ang pagmamahal ko sa kanya at kagustuhan kong maglingkod sa kanya.
Father David: Nakita ko naman ang pagpupursige mo at sa lahat naman ng seminarista ikaw ang kahit kaylan hindi nagisip man lang na lumabag sa mga patakaran ng seminaryo. Naririto sa seminaryo at nasa Diyos ang buong pagiisip at puso mo alam ko yon. Pero kung naapektuhan ka pa rin ng ganyan hindi yan dahil sa pakikipagkapwa tao, hindi yan dahil parang pamilya mo na sila kung hindi sa kaibuturan ng puso mo may pagmamahal pa para sa kanya.
Tisoy: Father, Itinataboy ho ba ninyo ako. Hindi ho ba ako karapatdapat na maglingkod sa Diyos?
Father Ben: Tisoy, parang anak na kita at kilala kita. Kahit kaylan hindi ka namin itataboy. At maniwala ka anak karapatdapat kang maglingkod sa Panginoon pero ang paglilingkod sa kanya hindi isang kulungan, hindi isang parusa. Kung maglilingkod ka sa kanya dapat masaya ka. Pero alam kong nagkakaganyan ka dahil hindi ka masaya.
Father David: Maari kang manatili dito kahit kaylan mo gusto pero ang gusto kong maintindihan mo hindi ka dapat magtago dito. Maari mong maging kanlungan ang lugar na ito hanggang sa mahanap mo ang makapagpapatahimik sa puso mo. Pero pwede ka ding umalis kung yon ang nais ng puso mo. Walang pumipigil sa yo. Mabait at maunawain ang Diyos anak. Kung wala dito sa loob ang kaligayahan mo mas magiging kalugodlugod sa kanya kung makikita mo ang totoong kaligayan ng puso mo.
Nanatili si Tisoy sa loob ng seminaryo. Pilit iwinaksi sa isip ang lahat at itinuon ang sarili sa pagaaral ng mga salita ng Diyos at paglilingkod sa kapwa. Hanggang isang araw...
Sa mansyon, nagluto si Kristian ng espesyal na hapunan para sa kanila ni Rose. Inayos niya ang lamesa may candle light pa. May dala din itong bouquet of flowers. Naunang umuwi si Rose kaysa sa kanyang mga magulang dahil may meeting pa ito at si Ryzaden naman may date sila ni Jerome. Si Yaya at Dennis lang ang nasa bahay nila Dei.
Pagparada ng kotse ni Rose, sinalubong na siya ni Kristian bitbit ang flowers.
Kristian: Happy Anniversary Dear!
Rose: That's so sweet Dear. Happy Anniversary!
Kristian: Let's go in. I prepared dinner.
Masaya silang kumain at uminom ng wine. Nagpatugtog pa si Kristian ng isang lovesong at isinayaw ito. Habang nakayakap sa leeg niya si Rose. Hinalikan niya si Rose sa leeg, bumungisngis si Rose.
Rose: Dear, hindi pa nga ako nagsho-shower eh.
Kristian: Mabango ka pa rin naman eh.
Rose: Sige na nga.
Mauupo na sana si Rose sa couch tulad ng lagi nilang ginagawa when they are making out.
Kristian: No, let's go to your room. Siguro naman one year is enough para we can go up to the next level.
Rose: Ok, pero makalat sa kwarto ko eh.
Hinapit ni Kristian ang bewang ni Rose at hinalikan ito sa labi.
Kristian: Ok lang yon Dear, magkakalat lang din naman tayo eh.
Rose: Ok but can you get us some water first.
Kristian: Your wish is my command.
Nagmamadali ng umakyat si Rose, hindi talagang makalat ang kwarto niya pero may mga litrato kasi si Tisoy doon. Itinago niya ang frame na bigay ni Tisoy noon at inilagay sa drawer at hinugot niya ang litrato nito na nasa ilalim ng unan niya inilagay sa drawer sa bedside table. Kinuha niya ang litrato nito na nasa bedside table niya at bumukas ang pinto walang nagawa si Rose kung hindi ihagis sa lalagyan ng marumi ang frame. Hinubad niya ang blazer niya at inilagay sa lalagyan ng marumi para matakpan yon.
Rose: There... maayos na.
Yumakap si Rose kay Kristian at naglapat ang labi nila. Pumikit si Rose pero mukha ni Tisoy ang nasa isip niya. Naramdaman niya ang kamay ni Kristian sa ilalim ng blouse niya. He unhooked her bra and touched her mounds. Pumapasok sa isip ni Rose kung papanong haplusin ni Tisoy ang katawan niya it is very different from what is happening pero mukha pa rin ni Tisoy ang umuukilkil sa isip niya. Tinugon naman niya ang mga halik ni Kristian. Nang dalhin ni Kristian ang kamay niya sa pagitan ng mga hita nito hinaplos naman niya yon at ng hubarin ni Kristian ang palda niya hindi siya umimik. Desidido siyang ibigay ang sarili sa kasintahan. Kung yon lang ang paraan para makalimutan niya si Tisoy gagawin niya. Ngunit sa bawat pagpikit ng mata niya mukha ni Tisoy ang nakikita niya.
Pero piniit ni Rose ang sarili... isa-isang binuksan ang butones ng polo ni Kristian. Inihiga siya ni Kristian at pumatong sa ibabaw niya. Hinalikan ni Kristian ang katawan niya simula sa mga labi pababa sa leeg dibdib at naglaro ang mga dila nito doon. Umungol si Rose... "Babe..." Hindi naman pinansin ni Kristian ang nasa isip wala na ito sa sariling isip dahil sa nararamdaman. Naramdaman ni Rose ang nasa pagitan ng hita ni Kristian. Binuksan nito ang pantalon at hinawakan ang kamay niya at dinala ito doon. Sa muling pagpikit niya nakita niya ng malinaw sa isip si Tisoy at ng maramdaman niya ang kamay ni Kristian sa pagitan ng hita niya para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Napatayo siya at itinulak ito.
Kinuha ang blouse at palda at nagbihis. Nagulat si Kristian, pulang pula ang mukha.
Rose: I'm sorry but I can't do it.
Kristian: What?!
Rose: Look Kristian, if we continue on, it would just be a lie. And I can't lie to you more so I cannot lie to myself because every time I close my eyes I still see him.
Kristian: What do you mean? Him? Sinong him?
Rose: God knows how I tried. Minahal kita sa paraang kaya kong gawin pero hindi ikaw ang nakikita ko kapag ipinipikit ko ang mga mata ko.
Kristian: Are you cheating on me?
Rose: Of course not! But I am still in love with somebody else.
Isang lamalagutok na sampal ang tumama sa pisngi ng Rose. Pumutok ang labi nito pero nanatili lang itong umiiyak na nakaupo sa kama.
Kristian: Bullshit! Anong ibig mong sabihin?
Hinawakan ni Kristian ang dalawang braso niya. Niyugyog.
Kristian: Ano? Sino ang lalaking ito?
Rose: I'm still in love with my ex. Kristian I'm sorry. I tried really I did. Kapag magkasama tayo kahit pa sweet tayo it was ok. But every time we make out and I close my eyes siya ang nakikita ko.
Galit na galit si Kristian. Itinulak siya ni Kristian nahulog siya sa kama. Tumayo si Kristian inalis ang blazer niya sa lalagyan ng marumi kinuha ang frame na nakita niyang ibinato ni Rose doon.
Kristian: Itong lalaking ito ba ha?
Ibinato ni Kristian ang frame sa dingding nabasag ito. Galit na galit ito.
Kristian: Nasan pa, nasan pa ang litrato ng lalaking yon? Binuksan ang mga drawer sa side table nakita niya ang litrato ni Tisoy. Kinuha pinagpunitpunit.
Rose: Tama na please. I'm sorry Dear. I'm really sorry.
Niyakap niya si Kristian itinulak siya nito sa kama. Patuloy lang sa pagiyak si Rose.
Kristian: Minahal kita, ginawa ko ang lahat para mapasaya ka. Tapos niloloko mo lang ako. Hindi ako papayag na gaguhin mo ako!
Pumatong si Kristian sa kanya siniil ang labi niya ng halik, hinawakan ang dalawang kamay niya nagpupumiglas si Rose. Hinalikan ang leeg niya. Patuloy sa pagpupumiglas si Rose, sumipa ng sumipa hanggang sa matuhod ni Rose ang pagitan ng hita nito. Nahulog ito sa kama at namilipit sa sakit. Tumayo si Rose, tumakbo palabas ng kwarto. Nagmamadali si Kristian na tumayo, gumapang sa ibabaw ng kama at nasagi niya ang dalawang baso ng tubig na malakas na bumagsak sa sahig at narinig ni Yaya.
Inabutan ni Kristian si Rose sa labas ng kwarto nahawakan nito ang buhok ni Rose. Hinila niya ang buhok ni Rose. Sumigaw si Rose narinig yon ni Yaya at Dennis. Napatakbo si Yaya at Dennis sa harap ng pinto ng mansyon.
Kristian: Saan ka pupunta akala mo makakatakas ka sa akin.
Sinubukan ni Yaya na buksan ang pinto ng mansyon pero nakalock ito.
Yaya: Mam, anong nangyayari?
Dennis: Ate?
Narinig ni Rose yon, sumigaw siya.
Rose: Yaya, help me!
Nataranta si Yaya, kinalabog ang pinto.
Mag-asawang sampal ang pinakawalan ni Kristian sa mga pisngi ni Rose. Niyakap siya ni Kristian at muling siniil ng halik sa pagpupumiglas ni Rose, natumba sila. Gumapang si Rose palayo pero hinila ni Kristian ang binti niya ng makatayo ito hinila siyang papasok ng kwarto hindi pa rin siya tumigil sa pagpupumiglas.Kaya paikot ikot siya at kung saan saan bumungo ang katawan niya pati sa gilid ng pinto. Nahila siya ni Kristian papasok sa kwarto pero nabubog ito sa mga pirapiraso ng basong nabasag.. Nabitawan ang paa niya. Kinuha niya ang pagkakataong yon para tumayo at tumakbo. Nakarating siya sa hagdan, nasa kalagitnaan siya ng abutan siya ni Kristian. Limang baitang pa pababa ng niyakap siya nito mula sa likod at binuhat. Nagpapadyak si Rose, kumapit sa hagdan na-out balance si Kristian at nahulog sila sa hagdan. Tumama ang ulo ni Rose sa gilid ng hagdan at pumutok ito. Pagtayo ni Kristian, nagulat siya na hindi kumikilos si Rose. Nakita niya ang dugo sa ulo nito. Sa takot... tumakbo ito papunta sa pinto. Binuksan ang pinto...
Yaya: Anong nangyari, nasaan si Rose?
Kristian: Hindi ko sinasadya...
Tumakbo ito palabas ng mansyon. Pagpasok ng mansyon, nakita ni Dennis si Rose.
Dennis: ATTTTTTTEEEEEE!
Paulit-ulit sa pagsigaw si Dennis. Niyakap ni Yaya si Dennis.
Yaya: Dito ka lang huwag mong lalapitan ang ate mo.
Lumapit si Yaya, pinulsuhan si Dei, meron naman. Hinipo ang dibdib nito humihinga naman.
Yaya: Dennis, buhay ang ate mo. Pumunta ka kay Lance humingi ka ng tulong kay Leslie. Tatawagan ko ang Papa mo.
Nakabalik na si Dennis kasama si Leslie, bitbit ang isang first aid kit. Kinuha ang amonia at ipinaamoy kay Rose. Dahan-dahang nagmulat ito. Umiyak ng makita si Leslie.
Leslie: Huwag kang kumilos baka nabalian ka or something. Tumawag na si Mommy for help. Padating na ang Medic we will bring you to the hospital. Just stay with me okay?
Walang limang minuto nandon na ang Medic. Kinakausap nila si Rose ng dumating sila Denver.
Denver: Diyos ko! Anong nangyari sa anak ko?
Yumakap si Dennis sa ama.
Dennis: Papa si Kuya Kristian, siya ang may kasalanan.
Tumatakbong papasok si Dei, naiyak ng makita ang bugbog at sugat sugat na katawan ng anak. Humarap ang Medic kay Denver. Concious naman ho siya at wala naman daw masakit na buto kaya mukhang hindi naman ho siya nabalian pero kailangan na ho natin siyang dalhin sa hospital dahil sumasakit daw ang ulo niya at hindi ho tumitigil sa pagdugo ang sugat. Medyo malaki ho ang sugat sa ulo niya eh.
Denver: Sige po.
Inilagay si Rose sa stretcher pagkatapos kuhanan ng litrato ng Barangay Tanod ang itsura niya. Si Dei at Rose ang sumama sa hospital. Si Denver, Yaya at Dennis sinamahan ni Mang Leo sa presinto para magsampa ng reklamo at magbigay ng pahayag. Si Aling Rio, nagpunta sa simbahan at kinausap si Father Ben.
Sa kalagitnaan ng kanilang byahe papunta sa hospital nawalan ng malay si Rose.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro