Chapter 52 - Isang paalam
Isang linggo na ang dumaan simula ng umuwi sila Tisoy pero wala pa ring sinasabi sila Tisoy at Rose kahit kanino kung anong nangyari sa kanila. Pinilit na bumalik ni Tisoy sa trabaho, isinasabay pa rin siya nila Denver paguwi at sinubukan niyang kausapin si Rose pero kapag nakikita na nitong papasok ang sasakyan ng mga magulang kasama si siya. Pumapasok ito sa kanyang kwarto sa mansyon. Sinubukan din ni Tisoy na magtext dito at paulit-ulit na humingi ng tawad pero hindi siya sinasagot. Sinubukan niyang tumawag pero hindi din sumasagot at kapag tatawagan niya ulit nakaoff na ang cellphone nito.
Si Dean at Leslie na ang hindi nakatiis... isang hapon pinuntahan si Rose.
Leslie: Hi Best!
Rose: Hey, nice that you came by. I have a new movie we can watch.
Dean: Cous, akala ko paguwi ninyo magiging ok na ang lahat.
Rose: Everything is ok Dean. You were here yesterday when Morris came to say goodbye, I even briefly hugged him. Papa and I are ok na din, I am not mad at him anymore. He even thought me to drive the other day.
Dean: Eh kayo ni Tisoy?
Rose: Tisoy and I are ok, we are still friends, he has my number I have his. We are friends on FB.
Leslie: Bakit hindi kayo naguusap? Bakit hindi mo sinasagot ang mga text at tawag niya?
Rose: Did he told you that I didn't?
Dean: Hindi, but I did check his phone. Walang sinasabi si Tisoy... minsan ko na siyang tinanong ang sabi niya. Wala siya sa posisyon para magkwento at mas gugustuhin niyang manahimik na lang dahil ayaw na niyang makasakit pa. Ano ba talagang nangyari?
Rose: I guess it is very personal for the both of us then. That's why we cannot share it with anybody. In fairness to Tisoy, if not for him, I wouldn't realized everything that I did when we were there. If not for him, I wouldn't have decided to come home and patch things up with Papa. I will forever be grateful for that.
Leslie: Pero papano kayo? I mean, you obviously still love each other.
Rose: Best, Tisoy and I are an impossible pair. Love is never a problem but then again, I think sometimes Love is not enough to work a relationship out.
Nang minsan naman na nakisabay si Tisoy kay Denver imbes na umuwi dumaan si Denver sa isang bar. Umorder ng apat na beer para sa kanila ni Tisoy.
Denver: Now, talk to me Tisoy... anong problema ninyo?
Tisoy: Tito, may hindi lang ho kami pinagkaintindihan. Pero ok lang po, maayos din po ito.
Denver: Sabihin mo sa akin, baka sakaling makatulong ako, kami ng Tita Dei mo.
Tisoy: Ayoko hong isipin ni Rose na naghahanap ako ng padrino. Isa pa ho, masyado hong personal para ikwento eh. Wala naman hong kasalanan si Rose, may mga bagay lang na gusto niya na hindi ko nakayang ibigay. Ok lang naman ho ako.
Denver: Tisoy, araw-araw kitang kasama sa opisina. Alam ko na ang kakayahan mo, alam din namin ni Tita Dei mo kung gaano ka kagaling. Kaya nakikita namin na hindi ka makafocus sa trabaho. Lagi kang malungkot, laging nagiisip.
Tisoy: Pasensya na ho kayo, hayaan ho ninyo pagbubutihin ko na ho.
Denver: Hindi kayo naguusap ni Rose bakit?
Tisoy: Tito, sana kaya kong sagutin yang tanong mo ng hindi ko masasaktan si Rose pero alam ko ano mang salitang bibitiwan ko masasaktan ko siya kaya ho sana maintindihan ninyo ang kagustuhan ko manahimik na lang. Mahal na mahal ko ang anak ninyo, kung pwede kong ibalik ang huling gabing magkasama kami gagawin ko para nagawa ko ang hinihingi niya. Para napatunayan ko sa kanya na lahat gagawin ko huwag lang siyang mawala sa akin. Pero huli na hindi ko na ho kayang burahin pa ang gabing yon eh. So, I have to live with it.
Tuluyan ng umiyak si Tisoy. Pinahid ang luha at uminom ng beer.
Tisoy: Pagkatapos ng gabing yon, non ko lang narealized. Minsan hindi din ho pala tama yung masyado kang mabait. Hindi lahat ng iniisip mong tamang gawin makakapagpasaya sa yo. Hindi lahat ng dapat na gawin kayang ibigay ang pinapangarap mo. Minsan pala, may mga pagkakamaling mas gugustuhin mong gawin dahil yon ang makakapagpasaya sa taong mahal mo at yun ang tutupad sa pangarap mo. Kung maibabalik ko lang Tito gagawin ko kasi hindi ko na alam kung papano mabuhay ng wala siya sa tabi ko.
Awang-awa si Denver kay Tisoy. Hindi man malinaw sa kanya kung ano ang tinutukoy nito ramdam niya ang lahat ng sakit na nararamdaman nito.
Tisoy: Gusto ko hong sabihin sa kanya, kung ano man ang nagawa at hindi ko nagawa ay dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, dahil ayokong masira ang buhay niya, dahil ayokong pagsisihan niya, dahil ayokong masira ang mga pangarap niya. Pero kahit po ipaliwanag ko yan sa kanya wala din hong kwenta. Dahil tama siya, kung magmamahal ka dapat walang if's and but's. Wala hong kasalanan si Rose, dahil kahit kelan hindi kasalanan ang kagustuhan mong alamin kung hanggang saan ka kayang panindigan ng taong mahal mo.
Labinglimang araw bago dumating ang ika-dalawampu't tatlong kaarawan ni Tisoy... dumating siya sa mansyon sabado yon ng umaga bandang alas diyes. Sakay ng Van kasama ang Nanay niya at si Mang Leo. Pagparada ng sasakyan bumaba si Aling Rio at Mang Leo bitbit ang isang bilao ng pancit, dalawang plastic ng roast chicken at isang tupperware ng lumpiang sariwa.
Lumabas si Dei bitbit ang dalawang tasa ng kape kasunod si Denver. Maayos naman ang itsura ni Tisoy, nangangayayat at nangangalumata pero maaliwalas naman ang mukha. Nakakangiti na rin.
Denver: Oh ang aga naman ninyo.
Aling Rio: Ayaw pumunta dito ni Tisoy ng nandito si Rose kaya nung malamang naihatid na sa skwela ni Leo tsaka nagyaya dito.
Tisoy: Nay, ayoko na hong guluhin pa ang isip niya. Ayoko ding saktan siya alam ko kapag nakikita niya ako nasasaktan ko siya kaya mabuti na ito.
Dei: Oh ang dami namang pagkain niyan. Anong meron?
Tisoy: Padespedida ko ho
Biglang nagsalita si Dean. Kasunod nito si Ryza, Damon at Leslie.
Dean: Despedida? Aalis ka?
Leslie: Kaya pala ang aga pa panay na ang kulit mo na pumunta ako eh.
Tisoy: Hintayin na ho nating dumating lahat para isang speech na lang baka hindi ko makayang ulitin eh.
Uminom muna sila ng kape at nagkwentuhan. Mayamaya dumating na si Ryzaden at Jerome. Nagyaya na si Tisoy na kumain. Sa kalagitnaan ng pagkain, nagsalita si Tisoy.
Tisoy: Salamat po sa pagpunta kahit na short notice. Fifteen days na lang ho kasi and I am turning 23. So, pabirthday ko na ho yan sa inyo kasi hindi ko na maicecelebrate pa ang birthday ko na kasama kayo. Pasasalamat ko na din po sa lahat ng kabutihan ninyo sa akin. Lalong lalo na po sa pagtanggap ninyo sa akin sa pamilyang ito. Hinding-hindi ko ho kayo makakalimutan kahit saan man ako makarating.
Dumukot sa bulsa si Tisoy, iniabot ang envelope kay Denver.
Tisoy: Sir Denver, Mam Dei, Sir Damon, Mam Ryzza and Mam RR, pasensya na po I have to resign effective today. The company has thought me a lot and one of the lessons I learned is that when you love your job, you have to give it your all. I think I cannot do that anymore magiging incompetent employee lang ako kapag ipinagpatuloy ko pa ito. At ayokong magsuffer ang company ng dahil sa kapalpakan ko. I no longer know how to live my life in this world. So I need to go into a world kung saan kakayanin kong mabuhay. I hope you understand, and I am really sorry for any inconvenience this will cause you.
Denver: Walang problema don Nak, basta para sa ikatatahimik ng puso mo. Naiintindihan ka namin.
Dei: Lagi mo ding tatandaan kung sakaling kayanin mong bumalik bukas ang pinto ng R&R at nag tahanang ito para sa yo.
Tisoy: Salamat po. Lastly, padespedida ko na din po yan. Paalis na po kasi ako sa Monday, papasok na ho ako sa seminaryo. I am already accepted at Divine Word Seminary sa Tagaytay. I passed the inteview and my formation study starts monday.
Ryzza: Mamimiss ka namin Hijo and good luck.
Ryzaden: How long before you become a priest?
Tisoy: 6 to 8 years po Tita.
Ryzaden: Well then by then you can celebrate our wedding.
Ngumiti si Tisoy.
Tisoy: What do you know, I might be celebrating even Rose's wedding.
Pero gumaralgal ang boses niya. Pumikit si Tisoy, lumunok ng dahan-dahan at tsaka nagmulat at ngumiti. Si Leslie ang hindi nakatiis tumulo ang luha.
Tisoy: Les, hindi bagay sa yo pang-comedy ka lang eh.
Natawa sila at ipinagpatuloy na ang pagkain. Pinagmasdan sandali ni Tisoy ang mga ito. Nang akala niyang wala ng makakapansin sa kanya, nagpunta sa may swimming pool sa pinakadulo ng garden, katabi ng mga halaman na nakatanim sa gilid ng pader. Ginamit ang kutsarang hawak at ipinanghukay sa lupa. Nang makagawa ng isang butas dumukot sa bulsa at inilabas ang isang kahon ng singsing at nagindian sit sa harap nito.
Tisoy: Rose, I applied for the job so I can have a life with you kaya lahat ng naipon ko mula sa trabahong yon ibinili ko ng singsing para sa yo dahil yon naman ang plano ko pagdating ng tamang panahon. Ngayon dito sa tahanan mo iiwan at ibabaon ko ito kasama ang puso at pagmamahal ko. Salamat sa magagandang ala-ala. Mahal na mahal kita at wala na akong ibang mamahalin pa.
Tinanggal ni Tisoy ang singsing sa lalagyan at hinalikan. Ibinalik niya ito sa kahon at inilagay sa butas at tinabunan yon. May kung anong ugat na may maliit na tangkay siyang dinukot mula sa bulsa ng suot na blazer at itinanim sa ibabaw ng tinabunang hukay.
Tisoy: Kapag nabuhay ang halamang ito... may pagasa pang makuha kita at maisuot sa daliri niya.
Ibinuhos niya sa halaman ang tubig sa basong hawak.
Tisoy: Goodbye Babe.
Pinapahid niya ang luha ng makita na nakatayo isang metro mula sa kinatatayuan niya si Dei.
Dei: Tisoy, anong ginagawa mo diyan?
Tisoy: Wala po may tinawagan lang.
Dei: Halika na, may ice-cream na pinabili si Tito Denver mo.
Lumapit si Tisoy kay Dei, at niyakap ito.
Tisoy: Sorry po kung nasaktan ko si Rose. Kahit kaylan hindi ko ho gustong saktan siya.
Dei: Tisoy, pinasok ni Rose ang relasyon ninyo ng dilat at mata at malinaw ang pagiisip. Kung nasaktan man siya yon ay dahil nagmahal siya hindi mo kailangang humingi ng tawad sa amin.
Napatingin si Dei sa halamang yon.
Tisoy: Kanina pa ho ba kayo dito?
Dei: Hindi nakita lang kita kaya ako lumapit eh.
Pero ang totoo nakita at narinig ni Dei ang ginawa at sinabi ni Tisoy. Nasa isip ni Dei, "Napakaswerte ng anak ko dahil minahal mo siya Tisoy, naniniwala akong mabubuhay ang halamang yan at makukuha mong muli ang singsing na isusuot mo sa daliri niya. May awa ang Diyos."
Bago magalas dose ng tanghali, naghahain na ng tanghalian si Dei at masayang nagkukwentuhan ang lahat ng pumarada ang isang taxi sa tapat ng gate ng mansyon at bumaba si Rose. Mabilis na tumalilis si Tisoy papasok ng mansyon.
Rose: Hi everybody! Wow, kumpleto ah. What's the occasion?
Denver: Despedida ni Tisoy, nagresign na siya sa R&R eh paalis na siya sa Monday para sa formation study niya.
Nagulat si Rose, pero hindi nagpahalata.
Rose: Ah yah... that's cool!
Dumaan sa harap niya si Dean at bumulong... "ang plastic mo Cous!"
Dei: Buti dumating ka na, para matikman mo itong pancit, at lumpiang sariwa na dala nila.
Rose: I'll just go change.
Dumerecho na ito sa kwarto niya sa mansyon. Lumabas naman si Tisoy mula sa kwarto ni Mang Leo at lumapit na kila Denver.
Tisoy: Tutuloy na ho ako pupunta pa ho kasi ako sa simbahan.
Yumakap at humalik si Tisoy sa mga ito. Samantala si Rose, nakadungaw sa bintana. Nakita niya si Tisoy na nagpapaalam sa pamilya niya. Niyayakap at hinahalikan ito ng mga magulang niya.
Denver: Good luck Nak! Balitaan mo kami ha. Kapag may pagkakataong lumabas ka pasabihan mo kami ha para makita ka naman namin.
Tisoy: Opo, Tito.
Dei: Nak, minsan napanaginipan kong tinawag mo kami ni Tito mo kung papano kami tawagin ni Rose. Pwede ko bang marinig yon.
Naiyak na si Tisoy.
Tisoy: Opo Mama, Thanks for everything Papa!
Niyakap na muli ni Dei si Tisoy.
Denver: For what's its worth, you are the son-in-law that I am proud to have.
Niyakap din ito ni Denver. Umiiyak si Rose sa narinig. Pinilit ngumiti ni Tisoy at kumaway sa kanila at naglakad ng palabas ng mansyon. Humabol si Dean at Leslie. Inakbayan ni Dean si Tisoy at kumapit si Leslie sa braso nito at magkakasama nilang nilisan ang mansyon.
Sa simbahan pinalaya ni Tisoy ang damdamin hawak ni Leslie ang kamay niya at tinatapik ni Dean ang balikat niya.
Tisoy: Bahala na kayo sa kanya ha. Kosa, alagaan mo ang pinsan mo para sa akin ha.
Dean: Oo naman that goes without saying Kosa.
Dinukot ni Tisoy ang isang maliit na papel at ibinigay kay Leslie.
Tisoy: Sulatan ninyo ako, balitaan ninyo ako ng tungkol sa kanya. Kahit gaano kasakit tatanggapin ko ang gusto ko lang malaman na parating maayos ang buhay niya.
Leslie: We will promise.
Ilang sandali silang nagstay sa simbahan at sabay-sabay na nagdasal. Lumabas sila at naupo sa isang concrete bench na nandon at inalala ang mga masasayang araw nila noong mga bata pa sila. At yon ang huling araw na nakita si Tisoy sa Santuario at huling araw na nakita nilang lahat si Tisoy.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro