Chapter 47 - With you
Kinabukasan, nakabihis na si Rose ng lumabas ng mansyon. Nakita nitong nagkakape si Denver at Dei sa harap ng bahay.
Rose: Morning po!
Denver: Good morning Darling!
Dei: You want to have breakfast? There's bacon and egg.
Rose: No na po Mama, sa school na lang. Dennis let's go na!
Lumakad na si Rose papunta sa Van. Lumapit si Dennis kay Dei at Denver... nakatingin lang si Rose. Tumayo si Dei, lumapit kay Rose at ibinigay ang dalawang piraso ng sandwich na ginawa niya para sa anak.
Dei: Bring this na lang Darling para kapag nagutom ka you have something to eat kahit nasa klase ka.
Ngumiti si Rose, nakatingin sa mukha ng Ina.
Rose: How do you do it Mama? You looked happy.
Nangingilid na naman ang luha ni Rose.
Dei: Because I am really happy. Your Papa has given me a life that I have dreamed of all my life. He gave me two wonderful children, I could not ask for more. He may not be perfect, I may not be the only girl he slept with in the past but I know he loves me the most because until up to now he is here taking care of me and I love him whoever and whatever he is.
Rose: I love Papa naman Mama, I understand it wasn't his fault. I know he didn't want it to happen. But it's just that I couldn't understand, people say your love story is made by destiny... it is fate that brought you together, then why this things has to happen to two people who love each other?
Dei: I can't answer that question as well... but like what Lolo Tatay always say. "May mga bagay ayaw man nating mangyari, ay nangyayari dahil yun ang dapat mangyari." What's important is how you deal with them.
Dennis: Ate, let's go na. Malelate na tayo.
Nilingon ni Rose ang kanyang ama.
Rose: Papa, we're going to school now.
Tumayo si Denver, at kinuha ang pagkakataong yon para mayakap ang kanyang dalaga at bumulong... "I'm sorry Darling, I hope someday, you can find it in your heart to forgive me."
Yumakap naman si Rose at pinilit ngumiti sa ama. Habang biyahe nagiisip si Rose, "Naiintindihan ko naman si Papa eh, its just that... how can something like that happen if you really love someone. Is it really how love is? If it happens to my parents, it can also happen to me and that I cannot take."
Naiintindihan nga ni Rose ang kanyang ama pero ang tiwala niya sa pagmamahal ang nawawala na. Natatakot siyang ang nangyari sa magulang ay mangyari sa kanya. Mahal na mahal niya si Tisoy, alam niya na kung magmamahal siya ng pang habang buhay si Tisoy yon. Hindi niya hahayaang mangyari sa kanila ang nangyari sa magulang niya.
Maagang natapos ang klase ni Rose ng araw na yon, at gusto niyang surpresahin si Tisoy sa opisina. Dumaan siya sa shakey's at bumili ng pizza at tsaka nagpunta sa R&R Office bandang alas kwatro ng hapon. Nakita siya ni Diane sa lobby.
Diane: hmmm Ms. Rose may dinadalaw ka ba?
Rose: Hopefully...
Diane: Nandoon na siya sa 15th floor, He's training with your Mom.
Rose: Thanks!
Kumatok si Rose sa opisina ng kanyang Mama. Pinagbuksan siya ni Tisoy ng pinto.
Tisoy: Hey, this is a lovely surprise!
Rose: I brought you pizza.
Tisoy: Thanks babe! You're so sweet!
Pumasok sila sa opisina. Humalik si Rose sa pisngi ni Tisoy. Napangiti si Tisoy.
Rose: Where's Mama?
Tisoy: Lumabas lang sandali, ipinatawag ni Papa mo sa Office niya eh. You want to say hi to them?
Rose: No na, later na lang. So, how's work?
Tisoy: Ok naman, enjoying it. Kain na tayo? Hindi ako nagmeryenda eh.
Rose: Yah, am hungry na nga din eh.
Masaya silang nagkwentuhan at kumain. Tumunog ang telepono sa ibabaw ng lamesa ni Tisoy, sinagot ito ni Rose.
Rose: Richard Reyes's Office, this is Rose speaking, how may I help you?
si Ryzaden ang tumawag... ang lakas ng tawa nito.
Ryzaden: Wow, may secretary si Mr. Reyes!
Rose: Hi Tita! Yah, I brought him Pizza maaga kami nirelease sa school eh, you want some?
Ryzaden: Syempre! I'll be there in a minute.
Umakyat nga si Ryzaden at nakisalo sa kanila. Lumipas ang isang oras... inayos na ni Tisoy ang attache case niya para umuwi. Hinihintay na lang nila si Dei na bumalik. Iniligpit din ni Tisoy ang box ng pizza at kumuha ng tatlong bottled water mula sa maliit na ref na nandon at binigyan si Rose at Ryzaden ng biglang bumukas ang pinto.
Dei: Tisoy, get ready to go sumabay ka na sa amin.
Nagulat si Dei ng makita si Rose doon.
Rose: Hi Mom!
Lumapit si Rose kay Dei at humalik sa pisngi nito at nakita niya si Denver at Morris sa likod ni Dei.
Rose: What is he doing here?
Denver: I just showed him around.
Rose: Why do you have to show him the office. I thought he was just here to say hello?
Dei: Oo nga, well he just dropped by.
Rose: Really??? Or are you doing something again without telling me?
Denver: Of course not darling.
Rose: Really? what before I know it... he is working here then eventually I will see him inside the house and living there too?!
Dei: No Hija.
Rose: Yah right!!!
Morris: Sis, I really just dropped by.
Rose: YOU ARE NOT MY BROTHER!!!
Tumakbo itong palabas ng opisina ni Dei. Binitbit ni Tisoy ang gamit niya at hinabol ito. Dere-derecho si Rose sa elevator, doon ito inabutan ni Tisoy na umiiyak.
Rose: Please take me home.
Yumakap ito kay Tisoy. Niyakap naman ito ni Tisoy, hinagod ang buhok at likod.
Tisoy: Tahan na, am here.
Rose: Every time I see him, I just can't help but think that Papa didn't love Mama the way he said he did.
Pagdating sa lobby sumakay sila sa taxi at dumerecho sa mansyon. Pagdating doon umakyat si Rose sa kwarto niya sa mansyon... kinuha ang knapsack niya at naglagay ng mga damit. Nakita yon ni Tisoy.
Tisoy: Anong ginagawa mo?
Rose: I'm going out of here, I don't want to see any of them.
Tisoy: Please calm down, hindi mo pa naman alam kung...
Rose: I don't want to know... I just want to get out of here.
Nang mapuno ang bag, isinara. Binuksan ang vault niya. Kinuha ang isang envelope, bank book at susi.
Tisoy: Pero Rose...
Rose: You don't have to go with me... if they asked just tell them I left.
Tisoy: No! You're not leaving!
Rose: watch me!
Tisoy: Rose naman eh please.
Humarap si Rose sa kanya, hilam ang mga mata sa luha.
Rose: I cannot stay here, it hurts me seeing them, it hurts me seeing that guy. It hurts me knowing that my Mom is being nice to the son of my father with another woman. I'm sorry but I really have to leave this place.
Tumakbo ito palabas ng pinto at pababa ng hagdan. Hinabol ni Tisoy, nakalabas ito ng bahay at naglalakad na papunta ng gate.
Tisoy: Iiwan mo din ako?
Napahinto si Rose. Humarap kay Tisoy. Lumapit si Tisoy, hinawakan ang kamay nito.
Tisoy: Iiwanan mo din ako?
Rose: I don't want to leave you, but I really can't stay here. Will you come with me?
Ilang sandali silang nakatitig lang sa mata ng isa't isa. Parehong lumilipad ang isip. Si Tisoy... "mahal na mahal ko siya, hindi ko siya pwedeng pabayaang umalis ng magisa." Si Rose... "If this is the only way so I can leave this place I would love for him to come besides I don't want to be away from him anymore."
Tisoy: Uwi muna tayo sa bahay, I'll go get my things.
Niyakap ni Rose si Tisoy at tsaka bumulong... "I love you." Sumagot si Tisoy, "I love you more." Tumakbo silang palabas ng mansyon ng makakita ng taxi sumakay at umuwi sa bahay nila Tisoy. Hindi na bumaba ng taxi si Rose. Nilagyan ni Tisoy ng mga damit ang knapsack niya. Ang nasa isip, "bahala na, siguro naman kapag kalmado na siya makakausap ko din siya ng matino at mapagpapaliwanagan. Pero ngayon kailangan ko muna siyang samahan at pakinggan."
Nagtext si Tisoy kay Mang Leo, "Tay, sinamahan ko muna si Rose. Text ko kayo kung saan kami makarating. Paki sabi kay Tito Denver sorry but hindi ko talaga mapigil si Rose na umalis kaya sinamahan ko na lang." Tsaka pinatay ni Tisoy ang cellphone.
Sa Festival Mall, nagpahatid si Rose. Magkahawak sila ng kamay na tinungo ang terminal ng mga UV Express.
Tisoy: Papano mo nalaman ang lugar na ito? Saan ba tayo pupunta?
Rose: Lolo Tatay brought me here ones, this is where we can ride a Van going to Tagaytay.
Madali naman nilang nahanap ang Van na bumibyahe ng Tagaytay.
Tisoy: Saan ba tayo sa Tagaytay pupunta?
Rose: To Lolo Tatay's resthouse and farm. Lolo Tatay gave me that place, he said if I ever need a place to stay I can go there.
Tisoy: Hindi alam ng Mama mo na nasa iyo ang susi non?
Rose: I think they didn't know. When we were in the states, I remember he told my Mom that he is selling the place that did not go through. Then he changed his mind and gave it to me instead. Here look.
Ipinakita ni Rose ang titulo ng lupa sa pangalan niya at ang isang bankbook.
Rose: He also have the sales of that farm transferred to an account under my name. The caretaker deposits them to that account.
Nagulat si Tisoy, mahigit dalawang milyon ang laman ng bankbook. Ibinalik niya ito kay Rose.
Rose: Thank you for coming with me Babe.
Tisoy: Alam mong hindi kita kayang pabayaan... pero I just realized, hindi ba para tayong nagtanan nito?
Hindi umimik si Rose, humilig lang sa balikat ni Tisoy at pumikit hanggang sa nakatulog. Habang bumibyahe nagiisip si Tisoy... "ano ba tong pinasok mo Tisoy? Papano yung trabaho mo? Papano ang pagaaral ni Rose?" Pero wala siyang mahanap na sagot. Ang alam lang niya ng mga oras na yon, basta kasama niya si Rose at masigurado niyang hindi ito mapapahamak, ok na siya.
Ginising niya si Rose bago sila makarating sa terminal ng mga UV Express.
Tisoy: Patingin ulit ng titulo, kunin natin yung address.
Kinopya ni Tisoy ang address ng lugar sa cellphone niya. Naghanap sila ng trycicle na maghahatid sa kanila na nakakaalam ng lugar. Yung pangapat na trycicle na napagtanungan nila, alam ang lugar at kilala si Mang Julio ang katiwala doon. Hinatid sila nito doon.
Isang malaking two storey house yon at may tindahan ng mga gulay sa tabi.
Driver: Alice, may naghahanap sa Tatay mo.
Tisoy: Apo po ng mayari, si Rose Richards.
Alice: Naku, Sir, Mam tuloy po kayo. Salamat sa paghatid sa kanila Kuya.
Binayaran ni Tisoy ang driver at umalis na ito. Pinapasok sila ni Alice.
Rose: Hello, my name is Rose. Is Mang Julio here?
Alice: Opo Mam, tuloy kayo nasa kusina ho nagluluto. Tay, tay! Nandito ho si Mam Rose.
Rose: Alice right?
Alice: opo Mam.
Rose: This is Richard, boyfriend ko.
Tisoy: Hi, Tisoy na lang yun naman ang tawag ng lahat sa akin eh.
Pumasok sila sa bahay, inilapag ni Rose at Tisoy ang mga knapsack nila sa sala at naupo sa couch.
Mang Julio: Magandang gabi po.
Rose: Good evening Mang Julio. Ako po si Rose Richards, daughter po ako ni Denver at Dei.
Mang Julio: Naku, dalaga ka na pala.
Inabot nito ang isang frame na nakapatong sa display cabinet.
Mang Julio: Ito ang huling litrato ng pamilya ninyo na naipadala sa akin ni Sir Teddy. Nasabi din niya na ikaw na nga daw ang mamamahala dito kapag nawala siya. Alam ba ni Atty. Fuentes na pupunta ka?
Rose: Hindi po. Kung pwede po sana huwag na ninyong itawag sa kanya.
Mang Julio: Nagtanan ba kayong dalawa?
Tisoy: Naku, hindi po. Pero naglayas ho siya eh nagaalala ho kasi ako kaya sinamahan ko na.
Mang Julio: Bakit naman naglayas ka Ineng?
Natahimik si Rose, tumulo na naman ang luha.
Tisoy: Ngayon lang ho kasi niya nalaman na may anak ang Papa niya sa iba.
Rose: My Lolo Tatay said... I mean, sabi po ni Lolo Tatay pwede daw po akong mag-stay dito kahit kaylan ko gusto.
Mang Julio: Oo naman, sa yo nakapangalan ang lugar na ito. Pinalagyan pa nga ito ng rose garden ng Lolo mo para sa yo.
Rose: Talaga po?
Tumayo si Mang Julio at binuksan ang ilaw sa buong bakuran. Tumambad sa kanila ang napakaganda at malawak na garden na may bermuda grass. Sa kanan may garden set sa kaliwa sa gilid ng pader ang isang rose garden. Iba-ibang kulay ng halamang rosas ang nandoon.
Rose: This is beautiful.
Mang Julio: Nakaluto na ako ng hapunan, mabuti pa kumain na kayo habang inaayos ko ang mga kwartong tutulugan ninyo. Alice, maghain ka na.
Rose: No na po. Kami na lang, nagbabantay pa ng tindahan si Alice.
Mang Julio: Sige, ikaw ang bahala. Kumain na kayo.
Magkatulong na naghain sila Tisoy at Rose. Seryoso pa rin ang mukha nito at malungkot ang mata.
Tisoy: Alam mo ngayon lang kita ulit narinig na nagtagalog ng derecho.
Rose: They might not understand eh.
Tisoy: Oh dapat nga tagalog eh.
Natawa si Rose.
Rose: Baka hindi nila ako maintindihan. Marunong naman ako magtagalog ng derecho. It's just a habit I guess that I talk in English.
Ngumiti si Rose.
Tisoy: There, mas bagay sa yo kapag nakangiti ka.
Matapos kumain, hinugasan ni Tisoy ang pinagkainan nila. Binuksan naman ni Rose ang refrigerator.
Rose: I think we need to go to the market and the grocery tomorrow.
Tisoy: Sige, punta tayo bukas.
Bumaba ng hagdan si Mang Julio.
Mang Julio: Oh maayos na yung mga kwarto. Tutal nandidito naman kayo, Rose pwede ba kaming umuwi muna ni Alice sa bahay para madalaw naman namin ang misis ko at yung anak kong isa.
Rose: Oo naman po.
Dinukot ni Rose ang wallet sa bag at naglabas ng dalawang libo.
Rose: Mang Julio, here is a little bonus for taking care of the house and the farm. And just get some fruits to bring to your family.
Natawa si Mang Julio.
Mang Julio: Ganyang ganyan ang Mama mo kapag bumibisita dito. Lagi na lang may bonus at pauwing prutas. Hindi ko na tatanggihan ito. Salamat Ineng.
Rose: Wala pong anuman.
Mang Julio: sige, magpahinga na kayo. Tutulungan ko munang magsara si Alice. Gigisingin ko kayo bukas bago kami umalis.
Tisoy: opo, kailangan din naming mamalengke at maggrocery eh.
Rose: Mang Julio, pwede po ba huwag na ninyong itawag kay Atty. ang pagdating ko.
Tisoy: Oo sige, pero Ineng... alam mo bang mahal na mahal ng Lolo mo ang Mama mo? Kaya malulungkot siya kung magaalala ang Mama mo. At kung ano man ang problema ninyo hindi yan maayos kung tatakasan mo. Pagisipan mo ang sinabi ko ha?
Rose: opo salamat po.
Binitbit ni Tisoy ang knapsack nila ni Rose at umakyat na sila sa kwarto. Sinilip ni Tisoy ang mga kwarto at inilagay sa kama ng master's bedroom ang bag ni Rose.
Tisoy: You go freshen up. We'll talk when you're done.
Samantala sa Maynila... pinagbuksan ni Mang Leo ng gate si Denver at Dei. Nakaabang naman si Yaya sa garden.
Denver: Yaya, nandyan na ba si Rose?
Yaya: Yun nga ho Sir, dumating ho siya dito kanina na umiiyak kasama si Tisoy. Nasa kuwarto ho ako ni Mam RR, narinig ko hong pinipigilan siya ni Tisoy na umalis pero hindi ho nagpapigil si Rose eh. Nagmamadali hong tumakbong pababa ng makakuha ng damit, habol habol nga ho ni Tisoy. Siguro ho dahil hindi niya talaga mapigil na umalis si Rose mas pinili na lang nito na sumama.
Napatakbo si Dei sa kwarto ni Rose sa mansyon, nakita niya ang bukas na kabinet at vault ni Rose. Malungkot na bumalik ito sa harap ng bahay nila at napaupo sa garden set.
Dei: Naiwan niyang bukas ang vault niya. Saan naman kaya pupunta yon. Sana nga sumama na lang si Tisoy sa kanya.
Dumating ang pamilya ni Dean.
Ryzza: Nakauwi na ba si Rose? Nakita ko kanina na sakay siya ng isang taxi na nakaparada sa harap nila Tisoy eh.
Denver: Umuwi dito tapos umalis din sabi ni Yaya, pinipigilan daw umalis ni Tisoy.
Damon: Mang Leo, paki tawagan ho si Ate Rio, alamin ninyo kung nandon si Tisoy.
Pagtingin ni Mang Leo, nakita niyang may text si Tisoy.
Mang Leo: oh eto nagtext pala si Tisoy sa akin kaninang bago mag-alasais. Sinamahan na nga lang daw niya dahil ayaw talagang magpapigil na umalis. Sorry daw Den hindi daw niya mapigil eh. Itetext daw niya ako kung nasaan sila kapag nagkaron siya ng pagkakataon.
Dei: Mabuti na lang sinamahan ni Tisoy. Wala namang alam na puntahan yung batang yon eh.
Denver: This is all my fault. Hindi ko na sana ipinakita pa kay Morris ang opisina lalo lang tuloy naghinanakit ang anak ko.
Ryzza: Ano ba kasi talaga ang plano mo dyan sa anak mong si Morris. Honestly Kuya, I can understand Rose. Dapat kasi sinabi na ninyo sa kanya ang tungkol kay Morris noon pa.
Denver: Ryzza, nakalimutan ko na nga si Morris eh. Hindi ko na din inisip na babalik pa siya. Noon pa alam ninyong hindi ko gustong kilalanin ang batang yon. Morris is leaving in a week. Dumalaw lang talaga siya since nandidito na lang din siya para kilalanin ang pamilya ng Pinay na girlfriend niya dahil nagpaplano na silang magpakasal para doon na sa US manirahan.
Dei: Huwag na kayong magtalo at magsisihan. Wala namang may gusto sa mga nangyayaring ito. Sabi ni Rose naiintindihan niya na hindi kasalanan ng Papa niya ang nangyari pero hindi niya maintindihan kung bakit kailangang mangyari yon kung talaga ngang itinadhana tayo sa isa't isa. I think my daughter is losing all her belief in love and destiny.
Ryzza: Kung ganon, mabuti na lang na sinamahan siya ni Tisoy at least kahit papano mapapatuyan ni Tisoy ang pagmamahal niya kay Rose ay tapat at tunay.
Denver: I guess this is my Karma... my past is haunting me.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro