Chapter 44 - Rare moments
Kinabukasan, nagising si Tisoy na nakayakap sila ni Rose sa isa't isa. Tinignan niya ang relo sa braso, alas otso ng umaga. Ngayon lang siya natulog ng derecho at napasarap ang tulog niya. Pinagmasdan niya ang mukha ni Rose, hinawi ang buhok papunta sa likod ng tenga nito. Napangiti at napabulong... "I just found my home."
Ipinikit niya ang mata at nagpasalamat sa Diyos, nanatili lang siya don, ninamnam ang pakiramdam ng naguumapaw na saya sa dibdib niya. Kumatok si Dean sa pinto ng kwarto.
Dean: Cous, Tisoy... gising na. Mamimili pa tayo ng pasalubong.
Nagising naman si Rose, nagmulat ng mata. Tinignan ang mukha ni Tisoy. Napangiti, sa pagaakalang tulog pa ito. Dinampian ng halik ang labi nito. Hinaplos ang pisngi.
Rose: Babe, wake up na. Time to get some breakfast.
Inalis ni Rose ang braso nito na nakayakap sa kanya. Tatayo na lang ng biglang yakapin ni Tisoy.
Tisoy: Five minutes more.
Bumungisngis si Rose, niyakap naman si Tisoy at isiniksik ang mukha sa dibdib nito. Muling kumatok si Dean.
Dean: Kosa, tama na yan. Bumangon na kayo diyan o gusto ninyong ibuhos ko sa inyo itong natunaw na yelo.
Tisoy: Kosa, alam mo wrong timing ka talaga eh. Oo na, eto na babangon na. Kasalanan ninyo ni Leslie to eh. Pero thank you na din... I had the very best sleep in my entire life last night.
Dean: Asus! Nakatabi mo lang sa pagtulog yung pinsan ko, gumaganyan ka na.
Mabilis na naghilamos si Tisoy at nagbihis. Gayon din si Rose at bumaba sila para magagahan. Pagkatapos naglakad sa kahabaan ng Station 1 to 3 nagtingin-tingin ng mga pasalubong. Nakarating sila sa Talipapa at doon bumili ng mga pasalubong. Nakabalik na sila sa Hotel bago mananghali. Inayos ang mga gamit para handa na sila sa pagche-check out ng alas dose. Pero dahil alas sinko pa ng hapon ang flight nila pwede pa silang mamasyal.
Nagyaya si Tisoy na pumunta ulit sa Willy's Rock.
Dean: Galing na tayo don ah bakit mo gusto mong bumalik Tisoy?
Tisoy: Magpapaalam lang ako kay Mama Mary.
Bumalik nga sila doon. Habang nakatayo silang apat sa harap ng groto. Pumikit si Tisoy at malakas ang boses na nanalangin.
Tisoy: Maraming salamat po sa biyayang ito. Sa masayang bakasyon na pinagkaloob ng Panginoon sa amin. Patnubayan po ninyo kami sa aming paguwi. Maraming salamat din po sa pagkakaibigan, sana po manatili kaming magkakaibigan hanggang sa aming pagtanda. Mahal na Ina, inilalapit ko po sa inyo ang aking puso at ang pagmamahal na nilalaman nito.
Hinawakan ni Tisoy ang kamay ni Rose.
Tisoy: Gabayan po ninyo kami Mahal na Ina. Nawa ay patatagin po ninyo ang pagmamahalan namin ni Rose. Patnubayan po ninyo kami na maging matatag sa lahat ng pagsubok na darating sa amin. Salamat po at itinulot ninyo na makita ko ang aking tahanan sa piling niya.
Napatingin sila Rose, Dean at Leslie sa nakapikit na si Tisoy. Nagsimulang tumulo ang mga luha sa pisngi ni Tisoy.
Tisoy: Panginoon ko at ama, salamat po sa pagmamahal, alam ko pong ano man ang naisin ng aking puso ay naiintindihan ninyo. Alam ko po na siya ay isang regalo mula sa yo, maraming maraming salamat po. Ipinapangako ko pong aalagaan at mamahalin ko si Rose ng buong puso. Pakamamahalin ko po siya ng higit pa sa aking buhay. Mabubuhay po kami sa ilalim ng yong pangangalaga at maglilingkod sa iyo sa lahat ng oras. Patnubayan at gabayan po ninyo kami sa lahat ng oras kasama ng birheng Maria, at ng inyong anak na si Hesus. Amen.
Dean: Did I hear it right?
Leslie: Tama ba ang pagkakaintindi namin Tisoy.
Ngumiti si Tisoy. Niyakap ni Tisoy si Rose.
Tisoy: Mahal kita Rose, mahal na mahal at ngayon alam ko na mas gugustuhin ng Diyos na makasama kita, upang alagaan at mahalin.
Nang mga oras na yon walang paglagyan ng saya si Rose. Hindi napigil ang maiyak. Pero alam din niyang matagal ng pangarap ni Tisoy ang pagpapari.
Rose: Tisoy, I am happy to know that you wanted to be with me instead but how about your dream. I told you I will be ok, I wanted you to try and be a Priest. I don't want to be a hindrance to your dream.
Natahimik si Tisoy, kahit alam niyang sasabihin ni Rose yon, dahil mahal ni Rose ang Diyos at hindi nito gugustuhin na talikuran niya ang tawag nito.
Tisoy: Rose, at the back of my mind since I hugged you in front of your Lolo and said those words to you, I somehow know that this is what I wanted to do, to always be there for you, to take care of you. But, hindi ko naman sinabing hindi ko susubukan pumasok ng seminaryo eh dahil alam kong hindi ka papayag. But I want you to know I will always choose what's best for you and me. For the time being since I still have time to be with you. Just let me be, okay?
Ngumiti si Rose, niyakap si Tisoy.
Masaya din sila Dean at Leslie, naluha silang pareho dahil naniniwala sila na tadhana ang nagdala sa kanila sa araw na yon.
Rose: Dean, Les? I think I just believed in destiny.
Dean: Group hug!
Masaya silang bumalik ng Maynila. Baon ang alaala nang masayang bakasyon nilang magkakaibigan. Umuwing may mga pasalubong sa mga magulang at kapatid pati na sa mga malalapit na kaklase. Alam nilang ang mga araw nila sa Boracay, hinding hindi nila makakalimutan.
Makalipas ang ilang araw, dumating si Tisoy sa mansyon para kausapin si Denver at Dei. Nagbeso siya kay Dei at kinamayan si Denver
Tisoy: Good evening po Tito! Hi po Tita!
Denver: Oh, bakit nandito ka, nandoon si Rose kila Dean.
Tisoy: Kayo po talaga ni Tita ang sadya ko eh.
Dei: Oh bakit may problema ba?
Tisoy: Wala naman ho. May itatanong lang ho ako. Baka sakali lang naman po.
Denver: Sige Hijo, ano ba yon.
Tisoy: Tito, minsan na po ninyong nabanggit na kailangan ng taong maghahandle ng BKP at charity projects ng R&R... pwede po kaya akong magapply?
Nagkatinginan sila Denver at Dei.
Denver: Tisoy, papano yung pagpapari mo?
Tisoy: Hindi ko naman po isinasara ang pintong yon, dahil sabi ni Rose ayaw nyang magkaron ako ng regrets kaya ok lang sa kanya na pumasok ako ng seminaryo. Pero gusto ko din hong subukan yung buhay na naglilingkod sa Diyos at kasama siya. Mahal na mahal ko ho si Rose pakiramdam ko ho mas gugustuhin ng Diyos na maging masaya ako at si Rose lang ho ang nakakapagpasaya sa akin. Kaya po gusto kong subukang gawin ang buhay na kasama siya . Pakiramdam ko nga ho, kaya ko ng talikuran ang pagpapari para sa kanya pero dahil alam kong hindi magiging masaya si Rose kapag nalaman niya yon. I need to make her see na pwede naman akong maglingkod sa Diyos kahit hindi ako magpari. At sa palagay ko ho, working with BKP and other R&R charitable projects would give me that.
Napangiti si Dei.
Dei: Maswerte ang anak namin Tisoy, dahil minahal mo siya.
Tisoy: Hindi Tita, mas maswerte ako dahil tinanggap niya ako, mahal niya kung sino ako. Wala na ho akong mahahanap na katulad niya.
Napangiti si Denver, tinapik sa balikat si Tisoy.
Denver: Kung desidido ka, sige, sumabay ka sa amin pagpunta sa opisina bukas. Kung ako lang ang masusunod Tisoy, iaappoint na kita sa posisyong yon. Pero we need ko make things formal kaya you have to take the exam and interview as a regular applicant. Ok lang ba yon?
Tisoy: Opo, hindi naman din ho ako papayag na iappoint ninyo ako. Kung makakapasok ako sa R&R gusto kong matanggap dahil nakita nila ang kakayahan ko at hindi dahil girlfriend ko ang anak ninyo.
Denver: Bilib ako sa prinsipyo mo Tisoy.
Tisoy: Yun lang ho kasi ang kayamanang maipagmamalaki kong meron ako.
Inakbayan ni Denver si Tisoy, nagpatuloy lang sila sa paguusap tungkol sa BKP ng ilang oras.
Kinabukasan, sakay ng Van si Tisoy katabi sa unahan ni Mang Leo. Naka-long sleeves na polong light blue, dark blue at black stripped na neck tie, black na slacks at leather shoes. Bitbit ang envelope ng requirements at ang kanyang resume.
Nasa loob naman ng Van si Dei. Pagdating nila sa building ng R&R pinagbuksan ni Tisoy ng pinto ng Van si Dei.
Dei: Thank you Tisoy! Good Luck! Hopefully, I'll see you in my office later?
Tisoy: Sana nga po. I'll do my best Tita!
Dei: Oh Kuya Leo, bahala ka na kay Tisoy.
Mang Leo: Sige, isusunod ko na lang ang mga gamit mo. Sasamahan ko lang si Tisoy sa HR.
Dei: Sige po.
Nauna nang umakyat si Dei. Dumeretso sila Mang Leo at Tisoy sakay ng Van, papasok sa parking area sa harap ng building. Tapos umakyat na sila sa 8th floor kung saan nandoon ang HR Office.
Pagbukas ng pinto nandon si Aida. Nauunang pumasok si Tisoy
Tisoy: Good Morning po Mam! My name is Richard Reyes I am looking for Ms. Aida.
Aida: Hello, Richard! I am Aida. Upo ka muna.
Mang Leo: Good morning Aida!
Aida: Uy Mang Leo, Kamusta po?
Mang Leo: Mabuti naman. Inihatid ko lang dito, itong aplikante ninyo. Pano iwan ko na siya, ikaw ng bahala ha. Iaakyat ko muna ang mga gamit ni Mam.
Aida: Mam, talaga Mang Leo?
Mang Leo: Iba kapag nandito at nasa bahay Aida.
Aida: Sige po. Ako ng bahala.
Umalis na si Mang Leo, at naiwang tahimik na nakaupo si Tisoy sa harap ni Aida.
Aida: Ikaw si Tisoy di ba?
Tisoy: Yes, Mam.
Aida: Mukhang rekomendado ka ng Boss ko pero bakit kailangan mo pang dumaan sa regular processing ng application?
Tisoy: I requested for it po. Malapit po ako sa pamilya Richards but If R&R will hire me, I want them to hire me because I deserve it not because I was referred by the owner himself.
Napangiti si Aida.
Aida: Kaya naman pala gusto ka ng Boss ko, you are just like Ms. Dei herself. May prinsipyo.
Tisoy: Yun lang ho kasi ang yaman na meron ako eh.
Aida: Papano kung hindi ka makapasa?
Tisoy: Then, I don't deserve the job.
Aida: Ok, I was informed that no one has to know who you are para hindi maging bias ang magiging resulta ng interview mo. So, I scheduled your interview to the people na alam kong wala sa mga gathering ng pamilya Richards, so good luck. Here, fill up this form. Can I see your requirements.
Iniabot ni Tisoy ang mga papeles niya. Pinaupo siya ni Aida, sa mesa sa di kalayuan. Nang matapos niyang fillupan ang form iniabot niya ito kay Aida. Inilagay ito ni Aida sa loob ng isang R&R Applicant's folder. Ipinagpatuloy ni Aida ang pagiinterview kay Tisoy.
Makalipas ang trenta minutos. Ibinigay ni Aida ang applicant's folder at ID kay Tisoy.
Aida: Wear the ID then punta ka sa Testing room. Third door to your left look for Abbie bigay mo lang itong papel.
Tisoy: Thank you po.
Nagpunta sa testing room, ibinigay niya ang papel. Pinapasok siya sa isang cubicle sa loob at binigyan ng 5 pages na exam.
Abbie: This is not time constrained but of course its a plus if you can answer them correctly in the shortest possible time that you can.
Tumingin si Abbie sa relo at pinagsimula na siya. Sinilip ni Tisoy ang mga tanong, IQ Test ang first 3 pages at ang huling dalawang pahina, Essay na. Makalipas ang forty five minutes, tumayo si Tisoy at iniabot kay Abbie ang papel niya.
Abbie: That was quick. Sure ka na dito?
Kinuha ni Tisoy and papel sandaling pumikit at hinawakan lang ang papel tahimik na umusal ng dasal.
Tisoy: Ok na yan Mam, bahala na si Lord sa akin.
Natawa si Abbie.
Abbie: Sige upo ka muna.
Pumasok si Abbie sa isang kwarto sa pinakadulo. Pagbalik naupo ulit sa harap ng lamesa niya. Makalipas ang kinse minuto, nagring ang phone sa harap nito, umalis at pagbalik niya, hiniram niya ang folder ni Tisoy. May isinulat dito at tsaka ibinalik. Binasa ni Tisoy "Passed - 97%"
Tisoy: Yes!!!
Abbie: Congrats! Balik ka na kay Ms. Aida, she'll give you your interview schedule.
Tisoy: Thank you po!
Bumalik si Tisoy kay Aida. Nakangiti ito sa kanya.
Aida: Wow! 97%, you are impressing me. But you have to pass an interview with the Admin Manager and the VP for Internal tapos panel interview with the Board. I suggest go get something to eat. Be back by 1pm daan ka dito before you go to the 8th floor sa Admin and Finance Department; tapos 2pm yung sa VP for Internal sa 15th floor naman yon.
Tisoy: Ok po, thank you po Ms. Aida.
Aida: Why don't you go have lunch with Rose nandito siya.
Namula si Tisoy.
Tisoy: Hindi ho niya alam na dito ako magaaply eh. I didn't want to tell her until I get accepted.
Aida: Ok then, see you at 1pm.
Tisoy: Sige po, thank you po.
Lumabas ng building si Tisoy, nakita niya si Mang Leo na nakatambay sa driver's lounge sa may parking area.
Mang Leo: Oh, kamusta?
Tisoy: Tay, pasado ako sa exam.
Mang Leo: Anong position ba ang inaapplayan mo? Ang galing mo nak!
Tisoy: Management Trainee po. May interview po ako sa Admin ng 1pm tapos 2 pm sa VP. Kain muna tayo Tay.
Sa isang fastfood sila kumain. Tahimik silang kumain. Nang matapos...
Mang Leo: Hindi sa nakikialam ako Tisoy. Pero sigurado ka ba na ito ang gusto mong gawin? Alam kong tutol ang Nanay mo sa pagpapari mo pero ang sa akin lang kung saan ka magiging masaya yon ang dapat na gawin mo. Para wala kang pagsisihan sa huli. Mahal ko din si Rose sampu ng pamilya niya. Kaya gusto kong malaman kung sigurado ka ba sa ginagawa mo?
Tisoy: Tay, naiintindihan ko naman ho kayo. Sigurdo ho akong mahal na mahal ko si Rose pati ang buong pamilya niya. Sigurado din ho akong ito ang makakapagpasaya sa akin pero katulad ng sinabi ko kay Tito Denver at Tita Dei, hindi ko naman ho isinasara ang pinto ng pagpapari pero ngayon ang gusto ko lang sundin ang nilalaman ng puso ko hangga't may panahon ako. Kung sakaling sa panahon na ito magkaron ng dahilan para magbago ang isip ko. Sisiguraduhin ko na ang magiging desisyon ko ay dahil mahal ko si Rose at gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti niya.
Dumaan muna sila sa Van para kunin ang coat ni Tisoy, at saka ito nagpunta kay Aida. Nang maconfirm na ready na and Admin Office para sa interview niya. Pinaakyat na si Tisoy. Kumatok siya sa pinto na nasa dulo ng Admin and Finance Department.
Ryzaden: Come in!
Nagulat si Tisoy na makita ito.
Tisoy: Good afternoon Mam!
Ryzaden: Are you surprised or shocked?
Tisoy: Both Mam.
Kinabahan si Tisoy, kahit kasi kilala niya si Ryzaden at kilala siya nito. Bihira niya itong makita at makausap kapag nandon siya sa mansyon. Pakiramdam nga niya ayaw sa kanya nito dahil dinadaan daanan lang sila nito kapag dumadalaw siya kay Rose.
Ryzaden: Have a seat. Do you know who I am?
Tisoy: Ms. Ryzaden Mendoza is your real name and you are R&R's Admin and Finance Manager Mam. You are the sister of Ms. Dei Mendoza-Richards.
Ryzaden: at Tita ako ng girlfriend mo.
Napahawak sa batok si Tisoy. Namula.
Ryzaden: I heard that you requested to undergo the whole process kahit na alam mong you can get in easily. Why is that?
Tisoy: If R&R will hire me, I wanted the company to hire me because they believed that I am qualified for the job and not because I am personally connected to the Owners daughter.
Ryzaden: Why?
Tisoy: I wanted to be fair to all the other applicants Mam. I also don't like receiving favors from anyone. I have lived my life doing everything from scratch and working hard for anything that I wanted to achieve and accomplish. I am used to working my way up. Besides I am a JPIC, Scholar and I know that R&R is one of the sponsors of JPIC, I wanted to return back the favor by showing them that I have acquired knowledge and would like to share whatever I have learned to help the company that ones help me reach for my dreams.
Ryzaden: Very well said, Mr. Reyes. Now, tell me anything that you know about the company.
Tisoy: R&R International Corporation is the Father Company of different companies such as R&R Realty a company that develops housing, buildings and subdivisions; R&R Motors the only dealer of Dodge Cars and other american brand cars in the country; R&R Enterprises one of the biggest suppliers of raw vegetables/fruits; and other US based company franchising. Also, R&R is the sole owner of Bahay Kalinga at Pagmamahal an orphanage build in honor of the late Doña Rosario Richards.
Ryzaden: I see you did your homework.
Tisoy: I believe that one needs to prepare before going into battle and there is a big chance of winning when you are prepared.
Ilang minuto pa ang dumaan ng mga palitan ng tanong at sagot nila Ryzaden at Tisoy. Pinirmahan ni Ryzaden ang papel ni Tisoy.
Kinuha ni Ryzaden ang telepono at idinial ang local number ng VP Internal's Office.
Ryzaden: I am sending an applicant up.
Tumayo si Ryzaden, iniabot ang kamay kay Tisoy at kinamayan ito.
Ryzaden: You can proceed to the 18th floor now.
Iniabot ni Ryzaden ang papeles niya tinignan niya ito. May pirma ni Ryzaden - nakasulat sa tapat nito "Passed - 95%"
Ngumiti si Tisoy at tumalikod na. Pero biglang nagsalita si Ryzaden.
Ryzaden: I have one more personal question and then I'll let you go. Gaano mo kamahal ang pamangkin ko Mr. Reyes?
Tisoy: Funny you should ask because I ask myself the same question everyday and I cannot find the answer but I have dreamed all my life to be a Priest, yet here I am applying for this job instead.
Napangiti si Ryzaden... para sa kanya wala ng tatalo pa sa sagot na yon. Ngayon alam na niya kung bakit gusto ng kanyang Ate Dei at Kuya Denver si Tisoy. Pagpasok ni Tisoy sa Office ng VP for Internal, kinakabahan na siya. Alam niyang si Dei ang VP for Internal. Kaya alam niyang ito ang magiinterview sa kanya. Pero si Shane ang humarap sa kanya.
Tisoy: Good Afternoon Mam!
Shane: Good Afternoon! Have a seat!
Naupo naman si Tisoy at nagsimula ang interview. Tumagal ng kalahating oras ang interview. Pagkatapos dinala siya ni Shane sa Board Room. Kung saan tatlong Board Members ang nasa panel. Inabot ng halos isang oras ang panel interview. Madali namang nasagot ni Tisoy ang mga tanong ng mga ito at walang kakabakaba.
Hanggang sa...
Board Member #1: I have one last question... If the Company hired you as a Management Trainee, which department would you like to be assigned to and why?
Tisoy: I know that R&R International Corp owns Bahay Kalinga at Pagmamahal. I am also aware of the BKP seal in all the products of the Company and have heard about other charitable projects that the company has done. I have always admire the good deed that this company has done to people. So, I wanted to work directly with those projects so that I will not only be working but helping others and in a way serving the Lord as well.
Board Member #2: Thank you for your time Mr. Reyes, we will deliberate and let you know.
Tisoy: No, thank you for the opportunity Sirs.
Lumabas na si Tisoy. Pinagpawisan, papasok siya ng elevator ang nasa isip. "Ganito pala kahirap magapply sa kumpanyang ito."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro