Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 43 - Sa pagtulog

Kinabukasan, maagang nagising si Tisoy, lumabas sa living room, nagtimpla ng kape at naupo sa Lanai. Nakatanaw sa dagat.  Mayamaya, lumabas si  Rose, nakashorty shorts, spaghetty strap blouse hawak ang cellphone niya at nakalagay ang earphones sa tenga. Umiindak-indak habang naglalakad. Nagslice ng lemon at inilagay sa hot water.  Sumayaw-sayaw, nagbending. Natatawang pinanonood lang ito.  Tulad ng sinabi niya kay Rose... pinagmasdan niya ang buong katawan nito. Naglalaro sa isip... "Maliit ang bewang siguro mga size 27, ang balakang 34 at ang bustline probably 34.  Not bad, 36-27-34.  Mahaba ang mapuputing binti, medyo broad ang shoulders, ang balikat at leeg. Diyos ko Lord, patawarin mo ako pero ang sarap halikan."

Mga kinse minutos ata niyang pinanood ito sa ginagawang page-exercise.  Nakita niya na inalis nito ang earphone kaya bago pa siya mapansin inunahan na niya.

Tisoy:  Kasama ba yang suot mo sa clothes that you bought and you wanted to show me? 

Nagulat si Rose ng marinig ang boses niya.

Rose:  Oh shoosh! Babe ano ba! You startled me! What are you doing there?

Tisoy:  Drinking coffee and looking at you.  I've been watching you do your morning work out.

Rose:  Talaga? You looked? 

Tisoy:  Actually I stared, ang dami na ngang kasalanan ng mata ko eh.

Bumungisngis si Rose.

Tisoy:  So, yan ang sleep wear mo?  

Rose: Yah, everyday something like this. 

Tisoy:  ang sexy naman ng woke up like this mo eh.  As I was staring, parang 36-27-34.   You've got long, smooth legs.  Are you shaving your legs?

Rose:  Waxed. That size is when I am wearing a foamed bra.  it's actually 34-27-36.

Tisoy:  Hmmm, close enough still sexy though.

Rose:  Hmmm bola!

Hinila ni Tisoy ang kamay ni Rose at napaupo ito sa kandungan niya.

Tisoy:  Am just saying  the truth... though your still young madedevelop pa naman yan kaya hindi ka dapat mainsecure because your  body is my wonderland.

Rose:  Woah!  Father Tisoy where did that come from?

Tisoy:  Sa kanta, ayan oh tumutugtog sa phone mo.

Natawa si Rose. Yumakap si Rose sa leeg ni Tisoy.  

Rose:  Babe, can you wake up Dean am hungry na eh. And the boat will pick us up by 8am.

Napalunok si Tisoy ng dumikit ang katawan ni Rose sa dibdib niya.        

Tisoy:  Denierose... are you not wearing a bra?

Tumango si Rose. 

Tisoy:  Sige na go and get dressed. Gigisingin ko na si Dean. 

Nagsimulang pagpawisan si Tisoy. Pero lalong yumakap si Rose, halatang nananadya.

Tisoy: Gusto mo ba talagang magkasala ako ha, Denierose?

Ipinasok niya ang kamay sa ilalim ng blouse nito sa bandang likod.  Napatayo si Rose ng maramdaman yon.

Rose:  Hindi na, am just joking eh.

Niyakap ni Tisoy si Rose.

Tisoy:  Babe, kahit gaano ako kabait, kagentleman na parang santo, lalaki pa rin ako. And if the woman I love tries to tease me the way you are doing right now, my body reacts the same way as a regular man and I can kiss you this way...

Hinalikan ni Tisoy ng marahan ang leeg at balikat ni Rose. Namula si Rose, natigilan at hindi nakapagsalita.  Biglang nagsalita si Dean.

Dean:  Nagising ako sa kagat ng mga langgam kaya naman pala ang tamis ninyong dalawa eh. Father Tisoy are you trying to commit a sin.

Natawa si Tisoy.

Tisoy:  Thank you for pointing that out Kosa!  See, Babe.  I told you, so don't you dare provoke me again. 

Rose:  Fine. I won't.

Papasok na si Rose sa kwarto pero huminto at nilingon si Tisoy.

Rose:  Although I don't regret it.  At least I know you still get affected like a regular man akala ko frigid ka na eh.

Sabay tumawa ng malakas.  Pinalo ni Tisoy si Rose sa buttcheek.

Tisoy:  Magkakasala talaga ako kapag nagkataon eh. Go get dressed, NOW!!!

Napatakbo si Rose sa kwarto at isinara ang pinto.

Tisoy:  Makapaligo na nga, bigla akong nainitan eh... yang pinsan mo sinasalbahe ako eh.  Sinusubukan ata ang pagkalalake ko eh.

Natawa si Dean.  Napapailing.

Dean:  Pasensya ka na Kosa.  May pagkaloka-loka yong girlfriend mo eh.  Akala yata si St. Francis ka eh.

Nauna ng bumaba sila Tisoy at Dean para magbreakfast. Nang bumaba sila Rose at Leslie pareho na silang nakapangswimming.  Nakasports two piece na red si Leslie at nakashorts na black bitbit ang puting lace cover top niya.  Si Rose naman naka-skimpy string bikini na yellow at nakashorts na black at hawak din ang white flowered lace dress at ang kanyang maliit na knapsack parehong naka native hat at nakashades.  Hinahabol ng tingin ang dalawa habang naglalakad papunta sa Seabreeze Cafe.  Bumabati ng good morning ang mga staff na nakakasalubong nila at ang ilang mga guests din na lalaki. 

Napapangiti sila Rose at Leslie.  Natunganga si Dean at Tisoy ng makita ang dalawa.

Dean: Promise Kosa magtatapat na ako mamaya. Ang tanga ko na lang kapag pinakawalan ko pa yan. She's a Goddess!

Tisoy: Good luck Kosa!  Wala... sorry girlfriend ko lang naman ang isa dyan.

Dean: Ang yabang! O eh di ikaw na! Pangatawanan mo na yan ah.

Lumilinga sila Rose at Leslie hinahanap sila Tisoy. May dalawang lalake sila na nakasalubong.  Halatang babati sana ang dalawang lalaki ng bigyan itinaas ni Tisoy ang kamay at kumaway.

Tisoy:  Babe! Over here.

Nakita siya ni Rose.

Rose:  There they are.

Ang dalawang lalaki napatingin na lang kila Rose at ipinagpatuloy na ang paglalakad.  Bumungisngis na lang sila Rose at Leslie.

Dean:  Kailangan talaga uma-outfit kapag magisland hoping?

Leslie:  Eh di ba kasama yung snorkling don eh di dapat nakaswimsuit.

Tisoy:  Sana naman isinuot na ninyo ang mga hawak ninyong pamatong bago kayo bumaba eh. ginagawa kayong ulam ng mga lalaki oh.

Rose:  Ang seloso mo Babe... fine wearing it now.

Isinuot nga ni Rose ang lace top na hawak, ganon din si Leslie.

Rose:  Now, can we eat breakfast?

Tumayo na si Tisoy at Dean, inilapag nila Rose ang mga gamit sa lamesa at kumuha na sila ng pagkain.  Eksaktong alas otso sakay na sila ng bankang nirentahan para sa kanilang island hopping tour.  Nagpunta sila sa Crystal Cove at Puka Beach para magswimming at magpicture taking.  Sinunod nila ang pagsnorkling  at nagpakain ng mga isda sa Crocodile Island.  Nanang halian sila sa Hinugtan Beach.

Nagulat si Rose at Leslie dahil ibinaba ng boatman ang mga pagkain at isang ice cooler. Nagrenta sila ng isang lamesa na gawa sa kawayan sa ilalim ng lilim ng mga puno doon.  Nilatagan ng dahon ng saging at doon nila inilagay ang mga pagkain.  Masaya silang kumain kasama ang dalawang boatman nila.  May hilabos na hipon, adobong pusit, ginataang kalabasa at alimasag,  roast chicken and liempo.  May sawsawan pang kalamansi at toyo na may sili.  Kaya pala nauna na sila Dean sa kanilang bumaba para magbreak fast ay dahil inorder pa nila ang mga pagkaing yon para nga may makain sila sa pananghalian. May dala din silang canned na softdrinks at bottled water.  Matapos mananghalian habang nagsisyesta time ang kanilang boatman, nagswimming at nagsnorkling sila Rose, Tisoy, Dean at Leslie.  Halos dalawang oras silang nandon. 

Huling pinuntahan nila ang Ariel's Point kung saan nagcliff diving sila. Si Leslie hanggang 4 feet lang ang kinaya niyang talunin. Si Rose umabot hanggang 6 feet at si Tisoy at Dean hanggang 7 feet.  Alas kwatro na sila nakabalik sa Resort Hotel nandon na si Mang Bob at hinihintay sila. Mabilis na nagsipagligo at bihis sila at nagtungo na sa Shangrila para habulin ang sunset.  

Sa Solana sila pumuwesto.  Ang lugar ay gawa sa kahoy parang mga pinagdugtong dugtong na balkonahe o tinatawag nilang Cavana na may lamesa sa gitna at imbes na upuan ay parang mga single bed ang upuan may foam at mga unan.

Dean:  Ay, gusto ko ang lugar na ito.

Magkatabing naupo sila Tisoy at Leslie at sa kabila naman si Mang Bob, Dean at Leslie.  Umorder sila ng seafood platter, dalawang pizza, buffalo wings at 3 SMB light at dalawang frozen margarita.  Masaya silang nagkwentuhan habang kumakain.

Mang Bob:  Nakaka tuwa kayong apat... siguro matatagal na kayong magkakaibigan no?

Leslie:  Opo, mga bata pa ho kami magkakakilala na.

Mang Bob:  Magnobyo ba kayo ni Dean?

Leslie :  Naku, hindi ho. Bawal pa ho akong magkaboyfriend.

Dean:  Hindi pa ho Mang Bob, si Tisoy at Rose lang ang magboyfriend, mahigit dalawang taon na ho.

Mang Bob:  Medyo matagal na. Pero bata pa naman kayo kaya tama na nga yang maging magnobyo lang muna kayo.

Tisoy:  Oho, marami pa ho kaming pangarap eh.

Mang Bob:  Ok lang yan, basta ba kasama ninyo ang isa't isa sa pangarap na yan. Ok na yon.  Kung hindi ninyo sinabi hindi ko mahahalata na magnobyo kayo. Kasi yung ibang mga kasing idad ninyo na magnobyo naku kapag nagkadikit hindi na mapagkit eh.  Pero kayo parang magkabarkada lang kayo.

Rose:  What's mapagkit?

Tisoy:  Magkahiwalay

Dean:  Santo ho kasi yang si Tisoy. Minsan nga ho mas agressive pa itong pinsang kong si Rose eh.

Sinuntok ni Tisoy si Dean.

Mang Bob:  Sus, may santo ba sa lalaki kapag nilambing na siya ng babaing mahal niya.

Tisoy:  Mismo!  Narinig mo yon Babe?

Rose:  Opo, hindi na nga eh I was just joking this morning.

Mang Bob:  Alam ninyo kayong mga babae,  dapat inaalala ninyo ang pakiramdam ng mga lalake kasi sa totoo lang kapag sinubukan ninyo sila hindi kayo titigilan niyan.  Ang hirap kayang magpigil sa panggigigil.

Nagtawanan sila.

Mang Bob:  Isa pa bata pa naman kayo mahaba pa ang panahon para sa mga ganyan. Kaya ngayon iwas-iwas muna dahil baka masira ang buhay ninyo kapag pinabayaan ninyo ang sarili ninyong gawin ang mga bagay na wala sa panahon.  Wala namang problema kung matutulog ng magkatabi sa iisang kama kailangan lang mangibabaw ang respeto ninyo sa isa't isa.  Masarap kayang matulog na kayakap ang taong mahal mo. Pakiramdam mo walang masamang mangyayari sa yo.

Leslie:  Mang Bob, based on experience ho ba yan?

Mang Bob:  Oo, Labing anim na taong gulang pa lang ako girlfriend ko na ang naging misis ko. Kaya lahat ng lakad lalo na kapag overnight syempre kami ang pinagsasama sa kwarto. Pero dahil gusto kong patunayan sa kanya kung gaano ko siya kamahal walang nangyari sa amin  hanggang hindi kami naikakasal, eh 27 na ako nung ikasal kami, kaya 11 years akong nagtiis.

Leslie:   aaawwww sana po may lalaki pang katulad ninyo.

Mang Bob:  Palagay ko naman sa itsura nitong si Dean at Tisoy eh hindi gagawa ng mali. Mabait naman silang pareho.

Bandang alas nueve nakabalik na sila sa resort.  Nagpunta si Leslie sa kwarto nila Tisoy at nagkwentuhan sila ni Dean.  Si  Tisoy naman nasa Lanai at umiinom ng tea. Nagtimpla din ng tea si Rose at nakiupo sa Lanai.  Nagkwentuhan sila hanggang mga alas dose. Pareho na silang inaantok pagpasok ni Tisoy sa loob ng kwarto nila. Tulog na si Leslie sa kama niya.

Kakatok sana siya sa kwarto para makitulog sa kama ni Leslie pero nagdalawang isip si Tisoy.  Inayos na lang ang unan sa couch at doon nahiga.  Nakapikit na siya ng maramdaman niyang bumukas ang pinto ng kwarto nila Rose.  Lumabas itong hawak ang isang baso.

Rose:  Babe, why are you sleeping there?

Kumuha si Rose ng gatas sa ref at nilagyan ang baso niya.

Tisoy:  Nakatulog na si Leslie sa kama ko eh. Ayoko ng gisingin mukhang malalim na ang tulog eh.

Rose:  You can sleep in Leslie's bed then.

Tisoy:  Hindi, ok lang dito na lang ako.

Rose:  Babe, I insist.  You cannot sleep comfortably on that couch its to small.

Hinila ni Rose sa kamay si Tisoy.  Wala ng nagawa si Tisoy kung hindi tumayo at pumasok sa kwarto nila Rose.   Humiga na siya sa kama at pinagmamasdan lang si Rose.  Ininom nito ang gatas tapos uminom ng tubig.  Pumasok sa banyo paglabas nito  nakashorts pero naka-tshirt at hindi ang spaghetti strap na blouse na pantulog nito.

Humiga na ito sa kama.  Humarap sa gilid kung saan nandon ang kinahihigaan ni Tisoy.

Rose:  Goodnight Babe!

Tisoy:  Goodnight!

Makalipas ang tatlong oras mahimbing na ang tulog nilang lahat.   Mayamaya bahagyang naalimpungatan si Tisoy para kasing may naririnig siyang umuungol at umiiyak. Tinignan niya si Rose, umuungol nga ito at umiiyak.  Una mahina, mamaya palakas na ng palakas at biglang sumigaw...

Rose:  Lolo Tatay no! 

Napatayo si Tisoy at naupo sa kama, pinilit gisingin si Rose.

Tisoy:  Rose, rose!

Naalimpungatan si Rose, napaupo pero umiiyak pa rin. Niyakap ito ni Tisoy.

Rose:  I saw Lolo Tatay, I tried to stop him but it seemed that he cannot hear me so I shouted.

Hinimas ni Tisoy ang buhok at likod nito habang nakayakap sa kanya.

Tisoy:  ssshhhhhhh tama na huwag ka ng umiyak. Namimiss mo lang ang Lolo mo pero huwag kang magalala binabantayan ka lang niya.  Pakiramdam ko nga siya ang gumising sa akin kasi nga sumisigaw ka eh.

Sumandal si Tisoy sa headboard ng kama habang nakayakap sa kanya si Rose.

Tisoy:  Sige na, go back to sleep, it's just a dream.  Sige na babantayan kita.

Imbes na humiga, sa dibdib ni Tisoy ihinilig ni Rose ang ulo at iniyakap ang isang braso sa katawan ni Tisoy at tsaka pumikit.  Hinaplos haplos ni Tisoy ang buhok nito hanggang pareho silang igupo ng antok. Makalipas ang isang oras, marahil nahihirapan sa pwesto.  Tuluyang inihiga ni Tisoy ang katawan sa kama ni Rose at itinuloy ang tulog.  Bandang alas kwatro nagising si Leslie,  lilipat sana ng kwarto pero pagbukas niya nakita niyang magkatabi at magkayakap na natutulog si Tisoy at Rose. Ginising ni Leslie si Dean at ipinakita ang itsura nila Rose at Tisoy.

Dean:  Baka gusto lang nilang maranasan kung anong pakiramdam ng katabi mong matulog yung taong mahal mo.

Leslie:   Sigura nga, lika na let's go back to sleep.

Tahimik na sumunod  na si  Dean kay Leslie  pero ang nasa isip, "Sana lagi na lang silang ganyan. Sige na naman Lord. ibalato mo na lang si Tisoy sa pinsan ko"










Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro