Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 32 - Hidden feelings

Umaga na ng ihatid ni Mang Leo si Leslie at Rose sa Forbes. Naghahanda na ng mga sandwiches  at goodies si Dei at Yaya para sa mga mamamasko sa mansyon ng maaga.

Dei:  Yaya ang pamilya mo ba pinapunta mo?

Yaya:  Oho Mam, kahit nakakahiya, kabili-bilinan ho kasi nila Señora Therese.

Dei:  Mabuti naman. Minsan lang naman Yaya, para mapapaskuhan naman ang mga kapatid at pamangkin mo.

Yaya:  Salamat ho Mam.

Dei:  Yaya si RR ba ginising mo na?  Sila nila Mommy at Nanay ang pupunta sa BKP ngayon.  

Yaya:  Opo Mam, kagabi pa nga po excited yon eh.

Rose:  Good morning Ma!

Yumakap siya kay Dei.

Rose:  Merry Christmas Yaya.

Kinuha ni Rose ang isang regalo sa ilalim ng Christmas Tree.

Rose:  yaya oh, gift ko sa yo.

Yaya:  Napakabait naman nitong alaga ko, may regalo pa.  Si Yaya wala eh.

Rose:  Yaya, kiss at hug pwede na.

Niyakap at hinalikan naman si Rose ni Yaya.

Dei:  Kamusta, did he like your gift?  

Rose:  Oo naman daw. Look Mama oh, gift niya sa akin.

Yaya:  Uuuuyyy ang sweet naman "In my heart for keeps talaga?"  

Rose:  Yaya naman eh. You're teasing!

Yaya:  Joke lang.

Dei:  It's beautiful Darling.  Ok ka lang?

Rose:  Yes Mama pero can I take a nap, we haven't slept yet eh.  Can you just wake me up, kapag we are going to BKP na?

Dei:  Ok sige, gigisingin na lang kita.

Umakyat na si Rose, nagbihis at kinuha ang laptopn niya, pagbukas niya isang video file ang nakita niya sa desktop na may title na "Merry Xmas Ms. U".  Humiga siya sa kama ipinatong ang laptop sa tabi niya at pinanood ito.

Tumugtog ang background music, "Ikaw ang Ms. Universe ng buhay ko." Sa video ipinakita ang simbahan ng Santuario nagsasalita si Tisoy habang ivinevideo niya ang lugar.

"Hindi ko inakalang makikita ko pa ang batang yon and you came kasama mo si Dean bumili ka ng kandila at nung itirik mo ang mga yon umiiyak ka pa."  

Kasunod na ipinakita ang mansyon, at ang garden at swimming pool. "

"tapos ipinakilala ka niya sa akin nung pumunta ako sa mansyon and my life was never the same."

Ipinakita ang mga litrato nila sa mansyon noong nagswimming sila, yung nagbabatuhan ng water balloon, yun paggawa nila ng mga loot bags at goodies para sa pabitin at mga pictures nila sa party ni Dennis.  Kasunod ang mga pictures nila nung Soiree. May mga caption ang litrato  "You were a very beautiful Princess that night, you walked elegantly and you danced gracefully Ms. Star of the Night.  Dancing with you was the best part of it."

Tapos ipinakita ang mga selfie nila sa bookstore, Henlin, Paotsin, Mcdo, Burger king, Starbucks at mga litrato nila kapag kumakain sila sa basketball court ng fishballs at squid balls at litrato nila nung tinuturuan siya nitong magshoot pati na ang mga litrato nila sa kasal nila Mang Leo at Aling Rio. Ang huling caption... "The times I had with you are the best times in my life and I will forever cherish them. I will have you in my heart for keeps."

Hindi na napigilan ni Rose ang umiyak hanggang sa makatulog ito.  Bandang alas onse ng umaga umakyat si Dei sa kwarto ni Rose para gisingin ito. Nakita niya ang laptop, kinuha para iligpit pero nakita niya ang video. Binitbit papunta sa kwarto nila ni Denver. Ipinatong sa dresser, esaktong lumabas ng banyo si Denver.

Denver:  Oh ano yan?  akala ko gigisingin mo si Rose?

Dei:  Papanoorin ko lang ito, kung hindi ako nagkakamali gawa ni Tisoy ito eh.

Nakipanood na din si Denver. Hindi napigil ni Dei ang maiyak.  Niyakap ni Denver si Dei.

Denver:  She will get through it don't worry.

Dumaan ang mga araw, si Tisoy at Rose, wala mang sinasabi sa isa't isa pero alam ng mga nakapaligid sa kanila na pinipilit nilang kapag may pagkakataon lagi silang magkasama.  Ginagawa nila ang mga espesyal na bagay para sa isa't isa.

Ilang araw bago ang birthday ni Tisoy, kinulit ni Rose si Aling Rio na maghanda para sa 20th birthday ni Tisoy, napapayag naman niya ito.  Kaya pagdating ng mismong araw ni Tisoy, araw ng biyernes yon, umaga pa lang nagtext si Rose kay Tisoy na huwag siyang sunduin dahil late na itong uuwi.  Nainis si Tisoy, naisip niya kung kailan birthday niya.  Tumawag ito kay Dean.

Dean:  O kosa, Happy Birthday! kamusta?

Tisoy:  Salamat kosa, bad trip eh ayaw magpasundo ni Rose gagabihin daw siya.  Tol, hindi naalala ang birthday ko.

Dean:  Hayaan mo na yon, para naman sumaya ang birthday mo, susunduin ko kayo nga mga kaklase mo basketball tayo ha tapos tsaka tayo magcelebrate sa bahay namin.

Tisoy:  Sige tol, salamat ha.

Alas dose, dumating si Rose sa mansyon sakay ng isang taxi, bitbit ang napakaraming pinamili. Gumawa siya ng chicken macaroni salad at buko salad. Nagpaluto ng beef caldereta at hilabos na hipon kay Dei.

Dei:  Hindi naman kaya naubos ang allowance mo sa mga handa na ito?

Rose:  Ok lang Mama, I still have money.  Minsan lang naman po eh or should I say this is the first and the last so I hope you don't mind.

Dei:  Of course I don't. It's your money, you are spending anyway.

Pinabili ni Rose ng 50 pcs. na Pork Barbecue at Cake si Leslie. Nagpaluto naman ng fried chicken si Dean kay Ryzza. Nang matapos ang mga niluluto at dumating si Leslie bitbit ang mga pinamili, isinakay na nila ang mga pagkain sa Van at pumunta si Leslie at Rose sa bahay nila Tisoy.  Nagulat si Aling Rio ng ibaba nila ang mga pagkain.

Aling Rio:  Napakarami naman niyan, sino bang mga bisita?

Mang Leo:  Susunduin ni Dean si Tisoy at ang mga kaklase niya.  Niyaya  niya ang mga ito na magbasketball. Pinapupunta ko din sila Bentong, at ang mga kasamahan mo doon.

Aling Rio:  Naku, eh wala tayong mga pinggan at kobyertos na marami.

Rose:  Don't worry Nay, we will buy now.

Sinamahan sila ni Mang Leo sa pinakamalapit na grocery, bumili si Rose ng 30 pcs, na paper plate holder at mga paper plates, pati mga disposable na spoon, fork at baso. Naglagay si Mang Leo ng 15 pcs. na ibang ibang 1.5 na softdrinks.  Dumampot si rose ng isang flower base at isang dosenang roses at dalawang taling malaysian mumps.

Habang bumibiyahe, naisip ni Rose... walang mga silya at lamesa.

Rose:  Tay Leo, how about tables and chairs? Is there anywhere that we can rent kahit na 2 tables and 20 chairs lang.

Leslie:  pati na table clothes.

Mang Leo:  Meron sige daanan na natin.  Sagot ko na yon, may natira pa naman sa bonus na bigay ng Papa mo eh.  Nak, baka naman napakalaki na ng nagastos mo.  

Rose:  Tay, what's a few thousands if I can make Tisoy happy. 

Dumaan na nga sila sa rentahan ng mga lamesa at silya at sumunod na lang sa kanila ang magdedeliver nito. Ipinalagay ang mga dalawang waluhan na lamesa  sa may garahe at ang mga silya. 

Rose:  Nay Rio, the dining table will be our buffet table, let's fix it na po.

Aling Rio:  O sige, gamitin natin yung mga chafing dish na binigay ni Mama mo sa akin.

Kinuha ni Mang Leo ang cellphone niya sa bulsa at pasimpleng kinuhanan ng video si Rose habang inaayos ang lamesa. Kinuha ang nirentahan na asul na table clothe at itinakip sa lamesa. Napangiti ng makita eksakto ito doon. Isa-isang inilagay paikot ang mga chafing dish ng pagkain.  Inilagay ang mga plastic plate at lalagyan nag palstic spoon and fork, Kanin, Pansit, Fried Chicken, Beef Caldereta, Pork Barbecue at Hilabos na Hipon.  Tapos ang macaroni salad, buko salad at maja blanco na nakalagay sa 4 "x  6" na rectangular pyrex.  Inalis ni Rose ang cake sa kahon.  Tinakpan ang kahon ibinaligtad at tsaka inilagay sa gitna ng mesa. Tinakpan ng  na puting table cloth at ipinatong ang cake.  Inayos niya ang mga bulaklak na sa flower base at tsaka inilagay sa dulo sa likod ng cake.

Pinagmasdan niya ang lamesa.  Napangiti tsaka nilingon si Aling Rio at Mang Leo.

Rose:  How about that?

Aling Rio:  Ang ganda Rose, salamat nak!

Leslie:  Best, nagtext na si Dean, tapos na daw ang game, nagbibihis na lang sila uuwi na.

Mang Leo:  O sige, yung mga softdrinks nailagay ko na sa ref at nakabili na ako kanina ng tube ice. Kaya ok na. Mabuti pa ang mga dining chairs, dito na natin ihelera sa labas  isandal na lang sa pader para may ibang maupuan na din.

Aling Rio:  Aayusin ko na lang itong mga ibang pagkain dito sa  may kitchen counter para hindi nakakakalat, mabuti pa pumasok na kayong dalawa doon sa kwarto ni Tisoy at maghilamos at magbihis na.

Makalipas ang kalahating oras, huminto ang sasakyan nila sa harap ng bahay nila Dean. Binuksan ni Dean ang pinto ng Van at nagbabaan ang sampung kaklase ni Tisoy.

Dean:  Yan ang bahay namin at ito namang nasa tapat ang kila Tisoy. Tisoy, magbigay galang muna tayo sa nanay mo tsaka ipakilala mo mga kaklase mo.

Tisoy:  Sige, halika pasok kayo.  

Sa maliit na gate sila pumasok at habang naglalakad kinakausap ni Tisoy ang mga kaklase kaya hindi niya napansin ang mga lamesa sa labas.

Tisoy:  Si Nanay lang madalas ang nandito si Tay Leo naman dahil nandyan ang Van baka nandito din yon. Tuloy kayo...

Hindi naituloy ni Tisoy ang sasabihin dahil pagtapat niya ng pinto nakita niya si Bentong at ang mga kasama nila doon sa dating bahay na nakaupo sa sala.

Aling Rio:  Oh mabuti nandito ka na, may mga bisita ka. O tuloy kayo, mga kapitbahay namin yan.

Bumati ng happy birthday ang mga bisita kay Tisoy, nagpasalamat naman ito. 

Tisoy:  Nay, Tay Leo mga kaklase ko ho 

Mang Leo:  Pasok kayo, Rose, Leslie, nandito na sila Tisoy, bumaba na kayo para masindihan na ang cake at makakain na tayo.

Bumaba si Leslie ng hagdan bitbit ang regalo kasunod si Rose, nakadilaw na bestida si Leslie at naka maroon naman si Rose. Ngumiti si Rose ng makita si Tisoy.

Dean: Leslie, Rose, mga kaklase ni  Tisoy.

Leslie:  Hello!

Rose:  Hi, come in. Let's sing na the birthday song then we can eat.

Nakatingin lang si Tisoy kay Rose hindi makaimik, nagulat talaga siya.  Nilapitan siya ni Rose at hinawakan sa braso tyaka hinila papunta sa harap ng lamesa.

Rose:  Tay, light the candle.

Sinindihan ang kandila at tsaka sila kumanta.  Hinipan ni Tisoy ang kandila at nagpalakpakan sila.  Nakangiti si Tisoy at masayangmasaya.

Tisoy:  Ngayon lang ako magcecelebrate ng birthday ng ganito kaya maraming salamat Nay, Tay Leo. Salamat sa inyong lahat. Oh kainan na tayo.

Inabutan ni Rose ng pinggan ang mga bisita.

Rose:  Go get your food tapos the tables are at the garahe ha. Don't be shy!  Tay Leo, yung mga drinks po.

Mang Leo:  Maglalabas na lang ako don sa lamesa pati yelo.

Busy si Rose sa pagiistima ng bisita.  Nakita ni Tisoy na nakaupo sa salas si Dean at Leslie. Naupo siya sa tabi ng mga ito.

Tisoy:  Kayo ha, may pasurprise pa.

Leslie:  happy birthday, pasensya ka na dyan sa regalo ko, madalian eh. Kahapon lang sinabi ni Rose eh.

Tisoy:  Si Rose? Bakit hindi si Nanay ang nagsabi sa yo?

Leslie:  Hindi, si Rose ang may idea na ipaghanda ka, pinilit niya si Tita Rio kahit daw pansit at maja blanco lang. Pumayag naman.

Tisoy:  Pancit at Maja lang pala, eh bat ang daming handa?

Dean: Regalo ko yung Fried chicken tol. Pinaluto ko kay Mama.

Leslie:  Pinabili ni Rose sa akin ang barbecue at cake, ipinaluto niya kay Tita Dei yung caldereta at hipon tapos sya ang gumawa ng macaroni salad at buko salad. Si Tay Leo ang nagarkila ng lamesa at silya pero si Rose ang nagorganize ng lahat. Tumulong lang kami. Gusto ni Rose magcelebrate ka dahil alam niyang ngayon lang mangyayari yon gusto niyang mapasaya ka.

Tumayo si Tisoy at lumapit kay Rose. Hinawakan ito sa bewang at hinapit palapit sa katawan niya.

Rose: Oh why?

Tsaka bumulong... "Thank you for this..." Hinaplos ni Rose ang pisngi niya at tinignan ang mukha niya.

Rose:  You're welcome, as long as we made you happy, it's all worth it.  Les, Dean let's eat na.

Bahagya itong niyakap ni Tisoy, nateary eyed siya.

Rose:  Let's eat na, gutom na ako eh.

Natawa na lang siya at kinuha ang pinggan na iniaabot ni Rose.  Pagkakuha ng pagkain nakiupo sila sa lamesa ng mga kaklase ni Tisoy.  Nakipagkwentuhan si Rose sa mga ito. Bandang alas sais nagdatingan ang pamilya ni Rose at Dean, doon silang lahat naghapunan. Seven thirty nagpaalam na ang mga kaklase ni Tisoy.  Nasa sala ang pamilya nila Rose, Dean at Tisoy at naiwan sa lamesa sa garahe silang apat.

Rose:  You think your classmates liked the food and enjoyed?

Tisoy:  Oo naman, yun pang mga yon. Nabundat nga sa kakakain eh.

Rose: You?

Tisoy:  Oo naman sobrang enjoy, nandyan ka eh.

Dean:  Yun oh, humihirit si Tisoy.

Tisoy:  Baka makalusot eh.

Nagtawanan sila.

Leslie:  Oy ah maguuwi ako ng macaroni salad.

Tisoy:  Ayoko nga, akin yon eh.

Leslie:  ang takaw mo naman, ang dami kaya non.

Tisoy:  Mga isang buwan kong kakainin yun gawa ata ni Ms. U yon. favorite ko yon.

Leslie:  Basta! Rose oh... ayaw akong bigyan.

Rose:  You have to give her some Tisoy, she helped me prepare for your birthday eh.

Tisoy:  Oh sige na, sige na nga.

Leslie:  Best, ayusin na natin yung iuuwi ko, baka dumating na sundo ko eh.

Dean:  Mamaya ka na umuwi, sabay ka na lang paguwi nila Rose. Please, miss pa kita eh.

Tisoy:  Yun oh nagpapacute.

Leslie:  Pagiisipan ko.

Tisoy:  Yun lang basag ka kay Les!

Bumungisngis ang dalawa, sinuntok ni Dean si Tisoy sa braso.  Hinabol ng tingin ni Tisoy si Rose, nakita ni Dean na lumungkot ang mata nito.

Dean:  Kaya pa ba Tol?

Tisoy:  ang alin?

Dean: Kaya mo pa bang hindi siya makita ng ilang taon?  Kaya mo pa bang itago yang nararamdaman mo?  Kaya mo pa bang iwan siya para sa pangarap mo?

Hindi umimik si Tisoy.

Dean:  Well then, silence means yes. Nakakabilib ka Tisoy, kung ako ang nasa katayuan mo hindi ko na gugustuhin pang mapalayo sa kanya.  She obviously can make you happy.  Malamang na isipin ko na lang na maiintindihan ako ng Diyos.

Bumalik si Rose, may bitbit na isang platito ng macaroni salad.

Rose:  Dean tawag ka ni Leslie, hurry up  she might change her mind.

Tumakbo si Dean papasok ng bahay.  Natawa si Rose at Tisoy.

Rose:  Here, I haven't tasted it. Is it the same?

Tisoy: Oo, masarap pa rin.

Pinagmasdan ni Tisoy si Rose.

Rose:  Why are you looking at me that way?

Tisoy:  I'm just trying to memorize your face. Every angle, so even if I close my eyes I can still see you.

Hinawakan ni Tisoy ang dalawang kamay ni Rose,  hinalikan ang mga ito.

Tisoy:  Thank you for everything that you do for me. Thank you for making me happy everyday but most especially thank you for this wonderful memory.


















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro