Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31 - Sharing life

Walang ibang maalala si Tisoy sa nangyari kung hindi yung kinantiyawan siya na isayaw si Rose at yung nagising siyang umiiyak ito dahil sa pagaalala sa kanya. Missing chapters siya sa kalasingan. Kaya sa pakiusap ni Rose sa mga kaibigan at kaklase, nanatiling isang lihim ang lahat ng nalaman nila.

Minsang magkasama si Rose at Leslie sa kwarto ni Rose...

Leslie: So, how do you feel now that you know na may gusto sa yo si Tisoy?

Rose: I'm half hearted Best. I'm happy but I'm also sad kasi alam ko it's hard for him.

Leslie: Hindi ka ba nahihirapan? I know you like him too.

Rose: Ine-enjoy ko na lang Best, while it last. I don't want to think of what will happen.

Leslie: December na Best, sa March gagraduate tayo ng Senior High siya naman gagraduate na ng AB Philosophy.

Rose: Yah, after that he will enter San Carlos Seminary for the Formation Program. Naginquire na nga siya sa San Carlos eh. After that he's taking up AB Major in Theology for two years then Sacred Theology for four years naman sa Divine Word Seminary sa Tagaytay para while he is studying maeenhance na din ang Formation niya. If he passed all that and he manage to acquire Mission Certificates from different places. He will then be a Candidate for Priesthood. While waiting for Him to be Ordained he still needs to serve as a Priest Apprentice in a Cathedral or Teaching Theology basta ganon.

Leslie: So, after ng Formation, pwede siyang lumabas?

Rose: Yes, they can. Besides they go out to Mission's din naman and they are allowed at least every two years to visit their families.

Leslie: So hanggang hindi siya nao-ordaine pwede pang magbago ang isip niya.

Rose: Maybe. By that time he's already 26. Naka-ilang boyfriend na kaya ako non? Probably when I get to be 29 he's already a Priest. Maybe he can be the Priest on my wedding.

Leslie: Aray ko naman Best. Ang sakit ah!

Rose: I'm just being realistic Best.

Leslie: Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya na gusto mo siya?

Rose: For what? To confused his mind and heart more? I am not that desperate Best.

Leslie: Alam mo Best ako ang nalulungkot para sa inyo.

Rose: Don't be sad, it's ok , I think I'll be fine. At least, ang karibal ko si Lord not another woman or more so a man.

Natawa si Leslie. Hinampas ng unan si Rose.

Leslie: Sira ka talaga. Alam mo sinasabi mo lang yan, kasi hindi po pa nararamdaman na mahal mo siya.

Rose: If that's the case, all I need to do is make sure that I don't fall for him. And you and Dean should not be sad for us. All you have to do is continue to share your life with him. Let us give him happy memories that he can remember while he is inside the seminary para he will not be homesick.

Lahat ng yon, narinig ni Dei na kanina pa nakatayo sa labas ng pinto ng kwarto ni Rose. Napabuntunghininga na lang ito.

Tinupad ni Rose ang sinabi sa kaibigan, kapag may pagkakataon din lang ibinibigay niya ang oras kay Tisoy. Niyaya itong pumunta sa mansyon para magmovie marathon, o kaya niyaya niya pati sila Dean at Leslie para maglaro sila ng word factory o twister.

Pinilit din ni Rose na sa unang Noche Buena nila Tisoy sa bagong bahay nito ay kasama sila. Nakita ni Rose na masayang-masaya si Tisoy. Sabay-sabay silang kumain at pagkatapos nagexchange gift.

Kinuha ni Dennis ang isang malaking regalo sa ilalim ng Christmas Tree at ibinigay kay Tisoy.

Dennis: Eto ang regalo ni Mama at Papa para sa yo Kuya Tisoy. Eto naman ang galing sa akin.

Rose: Tay Leo, Nay Rio eto naman po ang regalo nila Mama at Papa para sa inyo, isang envelope ang iniabot ni Rose. Eto po ang para sa yo Nay at etong isa para sa yo Tay galing sa akin.

Mang Leo: Ako wala akong regalo sa inyong magasawa mahirap kayong regaluhan eh. Pero syempre kay Dennis at Rose meron. At ito naman ang para sa yo Tisoy.

Tisoy: Pasensya na po kayo sa mga regalo ko ha.

Dei: Tisoy, its the thought that counts.

Tisoy: Hindi ko na din ho Ibinalot. Tita Dei, gumawa po ako ng prayer box para sa inyo para araw-araw, kukuha lang kayo dyan may dasal na kayong magagamit.

Dei: Ang cute naman nito, Thank you.

Tisoy: Tito Denver, eto naman po inspirational quotations about business and life kapag po nastress kayo o namumrublema, dumukot lang kayo ng isa para basahin at magkakaron na kayo ng inspiration.

Denver: Ok to Tisoy, bagay na bagay sa akin ito. Salamat.

Tisoy: Tay Leo, eto naman po mumurahin lang po yang locket na yan pero para lagi po ninyo kaming kasama ni Nanay kahit saan kayo magpunta.

Mang Leo: Salamat Nak!

Tisoy: Dahil paborito mo si Harry Potter, eto naman ang poster niya para sayo.

Dennis: Oy ang laki nito Kuya. Thanks!

Tisoy: Nay ha ang hirap palang manahi pero ipinagtahi kita ng apron

Aling Rio: Thank you nak, maganda ah.

Naupo na si Tisoy. Nagkatinginan silang lahat at napatingin kay Rose.

Dennis: Ay, Ate kawawa ka naman walang regalo si Kuya Tisoy sa yo.

Rose: Ok lang yon, lagi naman niya akong nililibre ng siomai eh tsaka, wala din akong regalo sa kanya. O sige na po buksan na natin ang mga regalo.

Tisoy: Nay, ang dami nating regalo!

Nagtawanan sila. Isang Laser printer ang regalo ni Denver at Dei kay Tisoy. Round trip Ticket for two to Tagbilaran at 4 days/3 night accommodation sa The Bellevue Resort naman ang regalo nila Denver at Dei kay Mang Leo at Aling Rio.

Mang Leo: Totoo ba ito Denver?

Denver: Opo, Tay at nakabook na po yan, ang alis ninyo sa makalawa para makabalik kayo dito bago mag-bagong taon. Kaya ipasyal ninyo si Ate Rio, kung saan kayo ipinanganak at lumaki.

Aling Rio: Naku, salamat sa inyo. Ngayon lang ako makakalayo sa Maynila. Pano ba yan Tisoy, ikaw ang taong bahay.

Tisoy: Ok lang yan Nay, maghoneymoon ka muna para pagbalik ninyo may aabangan na akong kapatid.

Aling Rio: Sus maryosep kang bata ka!

Nagtawanan sila. Ilang sandali pa silang nagkwentuhan hanggang antukin na si Dennis at magpasyang umuwi na sa mansyon ang mga ito. Hinatid nila sa gate ang mga ito.

Naiwan si Rose dahil pupunta pa sila kila Dean magkikita sila doon nila Leslie.

Mang Leo: Oh magpapahinga na kami, bahala na kayo dyan.

Tisoy: Opo Tay Leo.

Pumasok si Rose sa kusina, at nagligpit ng mga pinagkainan. Pinulot naman ni Tisoy ang mga gift wrappers na inalis sa mga regalo at inilagay sa isang garbage bag. Inayos niya din ang ilang regalo na natira sa ilalim ng Christmas Tree, napansin niya ang isang regalo para sa kanya galing kay Rose. Napangiti si Tisoy.

Binitbit niya ang mga basura papunta sa labas at inilagay sa malaking garbage can. Pumasok sa sala kinuha ang mga basong nagamit na naiwan doon at dinala sa lababo kung saan naghuhugas ng pinggan si Rose.  Nagtimpla si Tisoy ng dalawang tasang kape at dinala sa kanilang maliit na garden sa harap ng bahay.

Tisoy:  Rose, sabi ni Tita may ginawa ka daw na macaroni salad bakit hindi ko nakita sa lamesa.

Rose:  Oo nga, nakalimutan ni Tita na ilabas.

Inilabas ni Rose ang macaroni salad na nasa ref.  Kumuha ng platito, nilagyan ng macaroni salad at binitbit sa garden. 

Rose: Oh eto na po. Tikman mo na.

Kumain naman si Tisoy.

Tisoy:  Bakit ito ang ginawa mo? 

Rose:  Kasi sabi ni Tita that's your favorite. You liked it?

Tisoy:  Oo masarap, maraming cheese, chicken at mayonaise eh.  Hindi din siya nakakasawa.

Rose:  May grated karrots yan, chopped white onions at pineapple pero walang raisins. 

Tisoy:  Ayaw mo ng pasas?

Rose:  Yah I don't like raisins, it seems like they died twice.

Natawa si Tisoy.

Tisoy:  Papadalhan mo ba ako nito sa Seminaryo?

Rose: If you want me too.

Tisoy:  Susulatan mo ba ako pagpumasok na ako don?

Rose:  Of course para hindi ka mahomesick. What would you want me to write to you?

Tisoy:  Ikwento mo sa akin ang nangyayari sa school mo, sa mga kaklase mo. Kung nasa top ng class si Dennis.  Kamusta ang negosyo ninyo ang Papa at Mama mo ganon. Kung niligawan na ba ni Dean si Les at kapag sinagot na niya ito.

Rose:  Pwede ko din bang ikwento sa yo kapag may nanligaw na sa akin at kapag nagkaboyfriend na ako?

Tisoy:  Bakit pwede ka na bang magpaligaw non?

Rose:  Maybe, I would be 18 in three months, so maybe papayagan na ako.

Tisoy:  So, magpapaligaw ka na nga kapag 18 ka na?

Rose:  If my parents will allow it, why not?

Tisoy:  What if, matupad yung wish mo?

Rose:  What wish?

Tisoy:  Yung wish mo nung 10 years old ka?

Rose: How would it come true eh...

Tisoy:  What if nga lang? Ligawan kita? Sasagutin mo ba ako?  Papasa ba akong boyfriend mo?

Rose: Ewan ko. Maybe. I'll probably cross the bridge when I get there.  Why are you asking?  Does it mean you will not even try if you're not sure that you will get a yes?

Tisoy:  Hindi.  Hindi ko susubukan kasi hindi ko naman masusustain. Since I still wanted to be a Priest.  At dahil alam mo yan, hindi mo naman pababayaan ang sarili mo na mahulog ang loob mo sa akin, right?

Rose:  Probably.  Wait, I'll just get something.

Pagbalik nito dala ang regalo.

Rose:  Here, Merry Christmas Tisoy!  I hope all your wishes come true.

Tisoy:  Sana nga, kaso complicated ang wish ko, hindi siya pwedeng parehong matupad eh. Pwede ko na bang buksan?

Rose:  Sure.  I hope you liked it.

Isang techno marine na puting wrist watch ang regalo ni Rose.

Rose:  Use it, it would look nice with your Alba.

Isinuot ni Rose sa kamay ni Tisoy ang relo.

Tisoy:  Ang ganda, thanks!

Rose:  Always wear it, so whenever you look at the time, at least you have that one moment to think of me.

Kinuha ni Tisoy ang isang nakabalot na regalo sa ilalim ng garden set.

Tisoy:  Merry Christmas Rose!

Rose:  Sabi mo, you didn't get me a gift?

Tisoy:  Si Dennis ang nagsabi non hindi ako, you just assumed. My gift to you is in your laptop, but that is some kind of the hard copy.

Binuksan ni Rose ang regalo, isang picture frame.  Ang litratong nandon ay mga maliliit na litrato nilang dalawa na magkasama na ginawang isang collage.  May nakaprint sa ibabaw na "In my heart for keeps...."









































Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro