Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30 - Deja vu

Lumapit si Dean kay Denver at Damon.

Dean:  Dad, Tito Ninong, pwede ba kaming uminom dito kahit na punch lang or wine? Yung mga taga IS kasi nagyayang uminom kaysa naman umalis pa kami eh dito na lang.  Dad, ilang months na lang 18 na ako hindi pa ako nakakatikim ng alak.

Kinausap ni Damon at Denver si Dei at Ryzza. Pumayag naman ang mga ito. Umalis sandali si Denver, pagbalik may dalang apat na Bailey's Irish Cream at isang J&B. Lumapit ang waiter nilagyan ng walong basong may yelo sa lamesa nila Denver at nilagyan ang apat na baso ng J&B at apat ng Baileys. Inabutan ni Denver si Damon, Ed at Ken ng J&B.  Binigyan naman ng waiter ng Bailey's sila Dei, Ryzza, Shane at Monique

Ipinatong ng Waiter ang tatlong bote ng Bailey's sa lamesa ng mga taga IS.

Dean: Thanks Dad, Tito!

 Tumayo si Sydney at tinawag si Tisoy at Rose.

Sydney: Let's drink!

Rose: Huh? I don't drink.

Tisoy: Oh bakit daw?

Rose: Let's drink daw.

Pagdaan nila sa lamesa nila Denver...

Denver:  Umiinom ka ba Tisoy?

Tisoy:  Marunong naman po, pero bihira lang,  kapag napapatagay lang don sa tindahan dahil may birthday o kapag naiimbitahan ho sa birthday ng kaklase.  Beer at Emperador light pa lang ho ang natikman ko.

Damon:  Ito, tikman mo. J&B yan.

Dei:  Hon, baka malasing si Tisoy, mapagalitan yan ni Ate Rio.

Damon:  Ilang taon ka na ba?

Tisoy:  Mag20 na po.

Denver:  Pwede na yan, titikim lang naman eh.  Kahit isang shot lang.

Uminom naman si Tisoy, inubos ang isang shot.

Tisoy:  Tito, ang tapang po.

Denver:  O sige, yung Bailey's na lang ang inumin ninyo.

Rose:  Dean, this is your idea no?

Dean:  Hindi ah, sila Sydney, ang nagyaya.  Ako lang ang nagsabi kay Tito tapos ayan pinadala yan dito. Oh bakit ganyan ang mukha mo Tisoy?

Tisoy:  Ang tapang nung iniinom ng mga Daddy mo.

Humingi si Tisoy ng tubig sa waiter. 

Veron: Have a seat and let's drink.

Rose:  Do I have my own glass?

Sydney: No, tagay tayo para fair.

Dean: Marunong ka palang magtagalog eh. Pinapahirapan mo pa ako.

Nagtawanan sila. Umikot ang baso ng Bailey's, dinalhan pa sila ng fish fillet at chicken na pulutan ng waiter. Walo silang umiinom. Dahil pare-parehong hindi sanay uminom.  Nang maubos ang dalawang bote ng Bailey's. Maiingay na. Nang matapos ang program ng kasal nagsasayawan na.

Denver:  Patay tayo dyan mukhang maguuwi tayo ng mga teenager na lasing.

Si Dean at Leslie, hinila sa dance floor si Mang Leo at Aling Rio.  Nagtatawanan naman ang mga kaibigan nila. Nagpatugtog ng bagong dancing song ang DJ. Hinila ni Veron at Sydney si Craig at Kyle para sumayaw.  Naiwan na tumatawa sila Tisoy at Rose.

Nangantyaw si Damon...

Damon:  Tisoy, uupo ka na lang ba dyan?

Tumayo si Tisoy, tumatawang lumapit kay Damon.

Tisoy:  Ano yon Tito?

Damon:  Sabi ko isayaw mo si Rose.

Tisoy:  Tito, huwag na nakakahiya eh.

Dahil may tama na din si Denver.

Denver:  Tagayan mo Damon para lumakas ang loob.

Pinainom ng isang tagay pa na J&B si Tisoy, hindi ito nakatanggi. Tsaka pinilit na isayaw si Rose. Napakamot na lang si Tisoy sa batok at nilapitan si Rose.

Tisoy:  Sayaw tayo? Ang kulit ng Tito at Papa mo eh.

Humawak si Rose sa kamay ni Tisoy at nagpunta sila sa dance floor.

Damon: You're the man Tisoy!

Nagsayawan ang mga ito.  Nagbubulungan si Dean at Leslie...

Leslie:  So, what now?  Pati ako tipsy na eh.

Dean:  Don't worry, mayamaya malalaman na natin. Just watch...

Lumapit si Kyle kay Rose, may binulong.  Tumawa naman ng malakas si Rose at humawak sa braso ni Kyle habang nakabilog silang lahat at nagsasayaw. Mayamaya hinawakan ni Kyle si Rose sa likod pababa sa lower back nito. Nakita yon ni Tisoy, kumunot ang noo. Hinawakan ni Kyle ang kamay ni Rose at inikot ito at tinanganan pa sa bewang.  Hindi na nakatiis si Tisoy. Lumapit si Tisoy at tinignan ng masama si Kyle.

Tisoy:  What are you doing?

Kyle:  Nothing, just dancing.

Tisoy:  Take your hands off her.

Binitiwan ni Kyle si Rose. 

Kyle:  Fine, sorry.

Hinawakan ni Tisoy si Rose sa braso.

Tisoy:  Upo na tayo.

Nagulat si Rose pero sumama naman kay Tisoy. Narinig pa ni Tisoy na nagsalita si Kyle.

Kyle:  No worries, Tisoy she's all yours.

Pero dere-derecho lang ito sa lamesa nila. Tinungga ang Baileys na nasa baso.   Naguusap naman ang magkakaibigan habang sumasayaw.

Dean:  Nakita ninyo yon?

Veron:  I did!

Sydney:  Mee to.

Kyle:  Told you... he got jealous.

Leslie:  You think?

Pagupo nila Rose at Tisoy.  Humingi ng tubig na malamig si Rose.

Rose:  Are you still okay?

Tisoy:  I'm fine. Nakakainis lang eh.

Nilagyan ulit ni Tisoy ng Bailey's ang baso pinuno at tsaka ininom, bottoms up.

Rose:  Which is nakakainis?

Tisoy:  Manhid ka ba talaga?  Hindi mo ba nararamdaman na hinahawakan ka nung Kyle na yon kung saan saan? Tsinatsansingan ka na hindi mo pa alam.

Rose:  What?  Tisoy, he's my friend.  He will not do that.

Tisoy:  Ewan ko sa yo!

Tumayo si Tisoy at lumabas ng Venue.  Nagkatinginan si Denver at Dei.  Sinundan ito ni Rose. Nagmamadaling sumunod din ang mga kaibigan nila.

Dei:  Dean, anong nangyari? 

Dean:  Wala Tita, LQ lang don't worry kaming bahala dito.

Huminto si Tisoy sa gilid ng Van nila Rose, sinubukang buksan ang pinto nito.  Nabuksan naman, naupo. 

Lumapit si Rose sa kanya.

Rose:  Are you mad?

Tisoy:  Ang sinasabi ko lang ingatan mo yang sarili mo.  Hindi yung kung kani-kanino ka dumidikit.

Rose:  Wait, hindi ako dumidikit sa kanya.  I was just dancing. He was the one who was touching me.

Tisoy:  Then you should have told him to take his hands off you. Eh, parang gustong-gusto mo naman.

Rose: Well, what if I liked it?  

Tisoy:  so, gusto mo nga?

Rose:  I said what if... eh ano ngayon sa yo?

Tisoy:  I don't like it! 

Rose:  Huh?

Tisoy:  You heard me... I don't like it! Naiinis ako kapag hinahawakan ka ng iba!  Pero kung gusto mo si Kyle. Fine, all you have to do is say it para hindi na kita pinakikialaman.  I mean I was just protecting you.

Rose:  I can take care of myself, why do you need to protect me?

Tisoy:  Damn it!  I like you Rose! I shouldn't but I do! Ok is that clear enough?  Can we just not talk about it?

Natahimik si Rose.  Ang mga kaibigan nila nasa kabilang gilid ng Van nagtatago at rinig na rinig nila ang pagtatalo ng dalawa.

Rose:  Let's go back in, they might be looking for us.

Tumayo si Tisoy,  sumuray. Napahawak sa  Van, sumandal. Tumama na ang magkahalong J&B at Bailey's na ininom niya.

Rose:  Just stay here, I'll get you some water.

Nauna ng nagbalikan sa loob ang mga kaibigan nila.  Lumapit si  Rose kay Denver.

Rose:  Papa, can someone drive us sa house nila Tay Leo, I think Tisoy is drunk.

Denver:  Oo nak,  si Manong Pitong. 

Lumapit si Dean.

Dean:  San na si Tisoy?

Rose:  Nasa Van, he's drunk I'll take him home.  

Dean:  Sasamahan ka na namin ni Leslie.

Lumapit si Rose kay Mang Leo at Aling Rio.

Rose:  Tay Leo, borrow ng keys sa house ninyo, we'll take Tisoy home,  He's drunk na eh.

Aling Rio: Ok lang ba siya?

Rose:  Yes, Nay, we'll take care of him.  Just enjoy your night.

Aling Rio:  Thanks Hija.

Humalik na si Rose sa pisngi ni Rio at Leo.  Dumaan sa lamesa nila ng mga kaklase.  Nagpaalam na din ang mga ito.  Lumapit kila Mang Leo, tapos kila Denver at sinabing uuwi na din.  Tinawag ni Denver ang driver at ipinahatid na sila.  Pagbaba inalalayan ni Dean at Rose si Tisoy sa magkabilang braso, hindi na ito halos makalakad.  Binuksan ni Leslie ang gate, pagkapasok nila Rose, isinara. Binuksan naman ni Leslie ang pinto. Ipinasok ni Rose at Dean si Tisoy.  Bumusina ang driver at umalis na.

Leslie:  Iderecho niyo na siya sa kwarto niya.  Magiinit ako ng tubig.

Naiakyat naman ni Rose at Dean si Tisoy at naihiga sa kwarto niya.

Dean:  Hanap mo siya ng damit at bibihisan ko.

Binuksan ni Rose ang kabinet at kumuha ng t-shirt at shorts.  Narinig ni Tisoy ang boses ni Dean. 

Tisoy:  Kosa, nalasing ako nakakahiya.

Dean:  ok lang yon, hindi naman halata eh. Nakalabas ka naman ng venue.

Tisoy:  Kosa, si Rose?  Baka magalit si Rose.

Sumenyas si Rose kay Dean na huwag sabihin na nandon siya.

Dean:  Hindi yon magagalit, hindi ka niya nakita.

Tisoy:  Kosa, salamat inuwi mo na ako, kung nakita ako ni Rose wala turn-off yon tol.

Dean:  Sus, eh ano kung maturn-off?  Hindi mo naman nililigawan yon.

Tisoy:  Hindi nga, pero Kosa secret lang natin ha, gusto ko yung pinsan mo.  Kahit hindi pwede gusto ko pa rin siya.

Dean:  Sigurado ka?  Gusto mo siya?

Tisoy:  Oo nga Kosa, gustong-gusto ko siya.  Eto pa isang sikreto Kosa, nung bata pa siya nagwish siya sana daw yung batang tumawag sa kanya ng Ms. U makilala niya kapag dalaga na siya para pwede niyang maging boyfriend.  Oh di ba ang saklap?  Ako gusto niyang maging boyfriend papano yon?

Dean:  Oh bakit pwede naman yon ah.

Tisoy: Kosa, nakalimutan mo na ba, magpapari ako.  Ano ba itong nangyayari sa akin Kosa? Niloloko ata ako ng tadhana eh.  Nagkahiwalay na kami noon di ba.  Sana hindi na lang kami ulit pinagtagpo. Ang hirap eh, hirap na hirap na ang loob ko eh. Sobrang saya ko kapag kasama ko siya Kosa parang ayaw ko ng matapos ang araw kapag kasama ko siya pero pakiramdam ko naman nagkakasala ako sa Diyos sa ginagawa ko eh.  Ewan ko Kosa.

Bigla itong napatayo, tumakbo sa banyo at nasuka.  Narinig nila ang nagflash ito, paglabas dere-deretso sa kama.  Inayos ni Rose at Dean sa pagkakahiga.  Hinubaran ni Dean ng Barong at kamisa chino at ng pantalon. Nakaboxers naman ito.  Umakyat si Leslie bitbit ang maiinit-init na tubig sa planggana.

Rose:  You guys rest sa sala, I'll take care of him.

Bumaba na ang dalawa, uminom sila ng kape habang ikinukwento ni Dean kay Leslie ang mga sinabi ni Tisoy.

Naiwan si Rose sa kwarto, kumuha siya ng face towel at pinunasan si Tisoy. Habang pinagmamasdan ang mukha nito hindi niya napigil ang umiyak.  Nasa isip niya, "Tama si Tisoy, masakit kung magbiro ang tadhana. Masaya siyang malaman na gusto siya ni Tisoy pero nalulungkot din siya na malaman na nahihirapan ito."

Pinunasan niya ang mukha, leeg, braso at katawan habang walang tigil sa pagtulo ang luha niya. Tinuyo ng bath towel ang katawan nito at saka sinuuot ng t-shirt.  Binanlawan niya ang face towel at pinunasang muli ang  mukha nito.  Parang nahimasmasan naman ito nagmulat ng mata. Mabilis na nagpahid ng luha  si Rose.

Tisoy:  Rose?  Bakit ka umiiyak.

Rose:  Nothing.

Naupo si Tisoy, sumandal sa headboard.

Tisoy:  Pwede ba yung umiiyak ka ng walang dahilan?

Rose:  I mean, I was worried, kanina ka pa kasi hindi magising eh.

Tisoy:  Gising na ako. Tahan na, nandito lang ako. Tahan na, nandito lang ako.

Lalong naiyak si Rose ng marinig ang mga katagang yon, pamilyar sa kanya ang mga salitang yon, pati ang boses ng lalaking nagsabi non sa kanya. Bumalik sa ala-ala niya ang gabing nagpapaalam siya sa kanyang Lolo Tatay.  Niyakap niya si Tisoy, katulad ng pagkakayakap niya dito ng gabing yon. At umiyak siya sa balikat nito kung papano siyang umiiyak noon.  Ewan niya kung bakit pero pakiramdam niya pareho ang sakit na naramdaman niya noon sa sakit na nararamdaman niya ng oras na yon.

Niyakap siya ni Tisoy ng mahigpit.  Kahit hindi niya alam kung bakit umiiyak si Rose, tahimik lang niyang pinilit na aluin ito. Hinaplos niya ang likod at buhok nito at paulit-ulit na sinabing, "Tahan na Rose, nandito lang ako."

Si Dean at Leslie, nasa tapat ng pinto, pinagmamasdan ang dalawa. Hindi napigil ni Dean ang maluha.

Leslie:  Oh bakit?

Dean:  Ganyang-ganyan ang itsura nila noong malagutan ng hininga si Lolo Tatay. Ganyang-ganyan din ang pagiyak ni Rose pati ang pagkakayakap nila sa isa't isa at yang sinasabi ni Tisoy, yan din ang sinabi niya noon. Les, tadhana ang gumagawa nito.

Leslie:  Kung totoo ang sinasabi mo bakit sila nasasaktan ng ganyan?





























Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro