Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28 - Atensyon

Isang umaga, nagising si Rose sa ring ng cellphone niya. Sinagot niya ang tawag kahit hindi alam kung sino.

Rose:  Hello?

Tisoy:  Hi! Gising na, maaga ang pasok mo di ba?

Rose:  Who's this?

Tisoy:  Ms. U rise and shine!

Napabangon si Rose ng marealized kung sino ang kausap niya.

Rose:  Hey, good morning! Why?

Tisoy:  Wala, ginigising lang kita baka malate ka sa school eh. Sige na, tayo na.

Rose:  Yah, am up na.

Tisoy:  Tapos bumaba ka na para magbreakfast.

Rose:   Can I freshen up first?

Tisoy:  Sige na nga, parinig ha.

Ipinatong niya ang cellphone sa lalagyan ng tissue at tsaka naghilamos at nagmumog. Hinila ang tuwalya at nagpunas ng mukha.  Dinampot ang cellphone.

Rose:  Done.

Tisoy:  Sige na bumaba ka na at magbreakfast.

Rose:  Where are you ba?  

Tisoy:  Sa bahay, paalis na papuntang school.

Rose:  Ok sige, am already here sa kitchen.  Sige na go to school, baka magalit si Mama ang aga-aga telebabad eh.

Tisoy:  Hindi yan, sige put me on speaker.

Rose:  sure ka?

Tisoy:  Oo nga.

Rose: You're on speaker na.

Tisoy:  Good morning Tita Dei

Dei:  Good morning Hijo, ingat pagpasok.

Tisoy:  Thanks Tita.  Good morning Dennis!

Dei:  Good morning kuya, thanks doon sa pagdrawing ng assignment ko kagabi ha.

Tisoy:  Ok lang yon, aral mabuti ha.  Good morning Tito Den,

Rose:  Wala pa si ...

Narinig ni Rose na bumababa ng hagdan ang Papa niya at nagsalita.

Denver:  Good morning Hijo!

Tisoy:  Ingat po sa pagdrive.

Denver:  Thanks Hijo, Ingat ka din.

Tisoy:  O sige na kumain ka na ha.

Rose: Opo, sige na you might be late na.

Tisoy:  Good morning Ms. U! Bye!

Rose:  Si Tisoy talaga!  Early in the morning nangungulit.

Dei:  Siguro nabobored magisa. Maagang pumapasok si Rio diba?

Rose:  Probably.

Minsan naman nagulat siya paguwi niya galing sa school, si Tisoy ang nagbukas ng gate para sa kanila.  Pinagbuksan siya nito ng pinto ng Van.  Kinuha ang mga gamit niya at pinahawak siya sa braso.

Tisoy:  Tired?

Rose:  Yah, tapos may assignment pa ako sa Math at History.

Tisoy:  Sige magbihis ka na, tapos gawin natin yung assignment mo.

Ibinaba na nito ang mga gamit ni Rose sa lamesa sa salas at binalikan si Dennis.

Dennis:  Kuya tignan mo po.  Tama ba to?

Tisoy:  Ayos! Tama na lahat.

Dennis:  Madali naman pala eh.

Naghigh-five pa ang dalawa.

Dennis: Yes! Tapos na ako.

Binitbit ni Dennis ang mga libro at notebook na may assignment pati ang diary niya.

Dennis:  Ma, paki sign na po yung diary ko.

Inisa-isang tignan ni Dei ang mga notebook at libro at ng makitang nagawa na lahat ng assignment pinirmahan ang diary nito.

Dei:  Mukhang sinisipag kang magaral ah.

Dennis:  Mama, kailangan ngayon pa lang po galingan ko para nasa top ako ng klass hanggang maggrade twelve. Para kapag naging top 1 ako pwede din akong bigyan ni Papa ng kotse! Di ba Kuya Tisoy?

Tumango at ngumiti si Tisoy.

Dennis:  Totoo po ba yon Mama?

Dei:  Oo, tama si Kuya Tisoy eh si Kuya Dean mo nga bibigyan niya ng car kapag nag top 1 eh di lalo ka na, you are his only son.

Bumaba na si Rose, naupo sa tabi ni Tisoy. Kinuha ang libro niya sa Math at notebook. Kinuha ni Tisoy ang libro. Binasa ang unang problem na iso-solve at diniscuss nila ni Rose kung papano ito iso-solve. Makalipas ang isa't kalahating oras natapos nilang i-solve ang sampung problem.

Rose: That was cool, now I did not just answer it, I also know how to explain how to solve it.

Tisoy:  History naman tayo?  Mas madali to merorization lang ito eh. Basahin mo muna tapos ikwento mo sa akin  yung lahat ng naalala mo.

Matapos basahin, ikinuwento nga niya kay Tisoy kung anong nabasa, ikinocorrect naman ni Tisoy ang info niya kapag mali. Nang matapos ipinaulit namang ikwento sa Mama niya habang pinakikinggan ni Tisoy kung tama ang lahat ng info.  Tumingin siya kay Tisoy ng matapos siyang magkwento kay Dei. Nagthumbs-up si Tisoy.

Tisoy:  Now, you can answer the questionare.

Naging madali na para kay Rose na sagutan ang mga taong dahil naalala niya ang buong kwentong binasa niya.

Rose:  That was easy.

Tisoy:  Kase mas masarap makipagkwentuhan kaysa kinakabisado mo lang.

Rose:  Thanks Tisoy.

Pagdating naman ng Biyernes dahil dadalawa ang klase ni Tisoy sa umaga. Dumeretso ito sa IS. Tinawagan ni Tisoy si Dei at sinabing siya na ang susundo kay Rose. Palabas si Rose ng room niya ng makuha niya ang message ni Tisoy.

Tisoy:  Palabas ka na ba ng school? Nandito ako sa tabi ni Manong guard.

Nagulat si Rose, nagpaalam na sa mga kaklase at tumatakbo papunta sa gate ng IS.  Ngumiti si Tisoy ng makita si Rose.

Rose:  What are you doing here? 

Tisoy:  Sinusundo ka, maaga ang uwian ko kapag Friday.  Uwi na tayo o may kailangan ka pang daanan?

Rose:  I need to go to a bookstore. There's one near here just don't know how to go there.

Tisoy:  Manong guard, saan ho yung National Bookstore.

Guard:  Mga limang minutong lakaran, dyan pagdating ninyo ng 38th street kaliwa kayo tapos pagdating ng 32nd street kaliwa ulit  dadaanan ninyo yung university parkway at fx terminal nandon yung National Bookstore.

Tisoy:  Salamat po Manong. Akin na yang mga libro mo lagay ko sa bag ko para hindi mo hawak-hawak.  Dapat may extra bag ka na lang kung gusto mo ng nakashoulder bag ka para hindi mo bitbit ang mga ito eh.

Rose:  Mamaya I will buy sa bookstore.

Naglakad nga sila papunta sa bookstore.  Nasa danger side pumwesto si Tisoy at nakaalalay kay Rose sa bawat pagtawid nila.  Paminsan-minsan napapahawak sa kamay ni Rose si Tisoy para hindi sila magkahiwalay sa madaming tao balewala lang kay Rose pero si Tisoy kinakabog ang dibdib.  Matapos mabili ang kailangan sa bookstore, nakabili din sila ng leather bag para sa mga libro ni Rose. 

Rose:  Let's go buys something to drink.

Parang napahiya si Tisoy.

Tisoy:  Gutom at uhaw ka na no?  Pasensya ka na alam mo na limited ang budget pero kung ok lang sa yo ang siomai at gulaman or ...

Rose:  There... I like Paotsin.

Pumunta sila sa counter. 

Rose:  Tisoy, just buy one, share na lang tayo and 2 buko juice the small one.

Tisoy:  Sure ka mabubusog ka ba don. Kasya naman yung pera ko.

Rose:  Sure ako, if you don't mind sharing, I don't.

Umorder ng isang shrimp wanton with rice at 2 buko juice si Tisoy.  Nang dumating ang order nila inilabas ni Rose ang cellphone niya.

Rose:  Let's take a selfie with the food and the store pakita natin kay Dean at Leslie.

Masaya silang kumain. Napansin ni Tisoy na pinagpapawisan ang noo ni Rose.  Dinukot niya ang panyo sa bulsa at pinunasan ang noo nito.  Ngumiti si Rose.

Tisoy: Hindi ka sanay maglakad no, pinagpawisan ka eh.

Rose:  I like walking, sa states lagi kaming naglalakad nila Lolo.  It's just that iba yung init dito eh.

Tisoy:  Mas gusto mo sa states?

Rose:  No, I like it there noon, pero now I like it better here. I'm with my family, friends and you.

Napangiti si Tisoy pero kinakabahan din, yung ihiwalay siya ni Rose sa friends medyo alanganin siya don.

Tisoy:  Uwi na tayo, mahihirapan tayong mag cab pag inabot tayo ng 5pm.

Kumontak ng grab si Rose at maayos naman silang nakauwi ng Mansyon.  Sabado ng umaga alas nuebe pa lang nandon na si Tisoy, Dean at Damon.  Niyaya nilang magbasketball si Denver. Bumaba galing sa kwarto si Rose ng 9:30.

Rose:  Good morning Ma.

Dei:  Oh gising ka na pala.  Yayain mong dito maglunch si Leslie, nandyan sila Dean at Tisoy kalaro ng basketball ng Papa mo at Tito Damon.

Rose:  He's here?  I mean they are here?

Dei:  Ayaw mo ba?

Rose: No, it's ok naman Mama. It just seemed like he's giving us all his attention.

Dei:  Eh kanino pa ba naman niya ibibigay ang atensyon niya?  Kundi sa Nanay niya at mga kaibigan.  Maybe he is enjoying doing it di ba?  Remember its more fun sharing life with other people and maybe Tisoy really likes our companionship.

Bandang hapon, nagpaalam si Mang Leo na aalis sandali at babalik din. Nasa garden silang lahat non.  Naglalaro ng word factory sila  Dean, Leslie, Tisoy at Rose sa isang lamesa. Nagsuwsimming naman si Dennis, Raine at Richie.   Nagkukwentuhan naman sila Denver, Dei, Ryzza at Damon.  Pagbalik ni Mang Leo kasama si Aling Rio, may bitbit silang isang bilaong pancit at biko.

Aling Rio:  Magandang hapon.

Tisoy: Nay? bakit nandito kayo.

Tumayo si Dei at Ryzza at nagbeso kay Aling Rio.  Nagkatinginan naman si Denver at Damon.

Aling Rio:  Dinalhan namin kayo ng meryenda.

Mang Leo:  Den... Dei... 

Denver:  Kuya Leo.. bakit po?

Mang Leo:  Ahm... girlfriend ko si Rio.

Maluha-luha pa ito ng sabihin ang mga salitang yon. Niyakap ni Denver si Mang Leo ganon din ni Damon.  Naiiyak na niyakap ni Dei at Ryzza ang kanilang  Kuya Leo. Masayang masaya sila para dito. Dahil sa tinagal-tagal ibinuhos nito ang lahat ng oras para sa pamilya nila.  Ngayon nagkapanahon naman ito para sa sarili.  Alam nilang mas magiging masaya na ito.

Denver:  Eh di pano yan, Ate Rio na ang itatawag ko sa inyo.  Doon din naman pupunta yon.

Damon:  Oo nga, hindi na pinatatagal yan.  

Napatayo sila Tisoy, lumapit kay Rio at niyakap ito, naiyak si Rio. Nagmano kay Mang Leo. Lumapit si Rose at Dean kay Rio at nagmano.

Aling Rio:  Tisoy, ok lang ba?

Tisoy:  Oo naman Nay. Basta masaya ka.  Tay Leo, huwag mong paiiyakin ang Nanay ko ha.

Damon:  Yun oh, Tatay na ang tawag sa yo Kuya Leo. Ituluyan mo na yan.

Ryzza:  Kuya Leo, Ate Rio kapag napagdesisyunan na ninyong magpakasal sabihin nyo lang sagot ko ang kasal ninyo.

Mang Leo:  Salamat Ryzza.

Dean:  Ayos! Makakapagabay na ako!

Nagtawanan sila.

Denver:  At huwag na ninyong problemahin kung saan kayo titira, bukas ho ang pinto ng mansyon kung gusto ninyo dito. Pero matagal na ho naming napagusapan nila Daddy at Tatay na bigyan kayo ng house and lot kapag nagasawa kayo. Saan mo ba gusto Kuya, meron tayo sa Sanlo at sa Salcedo Village?

Mang Leo:  Yung tanggapin ninyo dito si Rio sobra-sobra na.

Denver:  Hindi Tay, malaki ang naitulong ninyo sa pagpapalago ng R&R kaya isipin na lang ninyo na yun ang pinagpaguran at pinaghirapan ninyo ng maraming taon.

Mang Leo:  Salamat ng marami. Eh di sa San Lorenzo na lang para hindi naman mapalayo si mahal sa trabaho niya.

Dei:  ay ang sweet ng tawagan nila Hon.

Hinampas ni Rio sa braso si Mang Leo. Bumungisngis si Rose at Leslie. Nagtawanan silang lahat.

Damon:  Oh tama na ang drama at kainan na!

Dei:  Ay teka kukuha ako ng pinggan.

Aling Rio:  Tulungan na kita.

Pinaupo ni Denver si Mang Leo.

Denver:  Kuya, seryoso ako, huwag mo ng patagalin yan. Yayain mo na ng kasal.

Mang Leo:  Ikaw talaga!  Tatatlong buwan pa lang naman kami. 

Denver:  Kuya naman, bakit hindi ka pa ba siguradong siya ang gusto mong makasama habang buhay?

Mang Leo:  Hindi yon, kung kaming dalawa lang ni Rio, mas gusto na naming magsama kahit pa walang kasal. Sinabi naman niya sa akin alam naman niya ang kaya kong ibigay sa kanya. Ang inaalala namin si Tisoy baka mabigla.

Denver:  Kuya, napakabait at maunawain na bata si Tisoy. Mas gugustuhin niyang  maging masaya ang Nanay niya.

Mang Leo:  Palagay mo?

Denver:  Sigurado ako Kuya.

Mang Leo:  Sige, hayaan mo at kakausapin  ko si Rio.

Masayang nagkainan silang lahat.  Tinawagan ni Dei sila Ed, Shane, Ken at Monique at sinabi ang magandang balita.  Nagpunta naman ang mga ito kasama ang mga anak.

Habang nagkakagulo ang lahat, nakita ni Denver si Tisoy na magisang nagshu-shoot ng bola sa court.  Pinuntahan niya ito.

Denver:  oh bat nandidito ka?

Tisoy:  Nagpapababa lang ho ng kinain.

Denver:  Tisoy, may problema ba?  Hindi ka ba masaya sa ibinalita ng Nanay Rio mo?

Tisoy:  Sobrang saya ko nga ho, mas ok nga ho yan, may magaalalaga na kay Nanay. Lalo na kapag... pumasok na ako ng seminaryo.

Denver:  Si Rose ba ang nasa isip mo?

Tisoy:  Kanina ho nung sinabi ko kay Mang Leo na huwag niyang paiiyakin ang Nanay ko. Naiisip ko kay Mang Leo ko ba dapat sabihin yon o sa sarili ko?  Tito Denver, papano ho kung mahulog ng tuluyan ang loob ni Rose sa akin. 

Denver:  Alam ni Rose na gusto mong magpari.  Minsan ko na siyang biniro na baka may gusto ka nga sa kanya ang sabi niya sa akin.  Papa, Tisoy will not like me that way kasi magpapari siya.  Kaya alam kong alam niya ang papasukin niya kung sakaling mahalin ka niya.

Tisoy:  Tito, ayoko ko hong sa kahit na anong paraan masaktan ko siya.

Denver:  Hindi ba ang sabi ng Tita Dei mo tama na ang pagiisip dahil maayos din ang lahat.  I-enjoy mo na lang ang panahong magkasama kayo.

Inakbayan ni Denver si Tisoy at napaisip. "Alam niya na magiging mahirap para sa dalawa kung sakali man pero ayaw din niyang pigilan ang kung ano mang mararamdaman ng anak dahil alam niyang yon ay bahagi ng pagbuo ng pagkatao nito."



























Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro