Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27 - Confused

Simula ng araw na yon.  Hindi na mapakali si Tisoy, lagi ng nagiisip.  Kaya makalipas ang ilang linggo, isang araw galing sa pagmimisa sa labas si Father Ben.  Dinatnan niya si Tisoy na nakaupo sa isang concrete bench sa ilalim ng isang puno sa parking area ng Santuario.

Tisoy:  Magandang hapon po Father.

Father Ben:  Oh kamusta na?  Mabuti naman nadalaw ka.

Tisoy:  Namiss ko na ho ang pakikipagkwentuhan sa inyo eh.  Alam naman ninyo si Father Sam medyo may idad na, mas gusto na lang na matulog kaysa makipaghuntahan.

Father Ben:  Oo nga sa mga mission work nga laging tulog yon sa byahe.  Mabuti pa samahan mo ako sa kwarto ko at ng makapagbihis ako, naiinitan na ako eh.

Pinaupo siya ni Father Ben sa upuan doon at naglabas ng softdrinks sa can. Nang makapagpalit ng sando, naupo sa tapat ni Tisoy.

Father Ben:  Kamusta ang pagaaral mo?  Anong year ka na nga ba?

Tisoy:  Maayos naman ho Father, patapos na ho ng second year. AB Philosophy.

Father Ben:  Ang Nanay mo kamusta, sinusumpong pa rin ba?

Tisoy:  Hindi na ho. Sa palagay ko din ho masaya si Nanay, mukha ho kasing nagkakamabutihan sila ni Mang Leo, yun hong tagapamahala ng Mansyon nila Mr. Richards.

Father Ben:  Aba, mabuti naman kung ganon. Mabait na tao yung si Leo at mahal na mahal yon ng pamilya Richards na parang kapamilya na din.  Ngayon na wala na si Ricardo at Teodoro, malamang na yon na halos ang tumatayong ama doon sa mansyon.  Masaya ka ba naman para sa Nanay mo?

Tisoy:  Opo Father, nakikita ko naman ho kasing masaya si Nanay at inaalagaan ni Mang Leo.  Hatid sundo nga ho kahit saan magpunta si Nanay eh.  Minsan nahihiya ako kila Tito Denver baka hindi na nagagawa ang trabaho pero sabi naman ni Tito Denver, hindi naman daw.

Father Ben:  Kung ganon, ano ang ipinagkakaganyan mo?

Tisoy:  Ho?

Father Ben:  Kilala kita Tisoy, malikot ang mata at kamay mo kapag may malalim kang iniisip.  Anong problema.

Tisoy:  Nagkabati na ho kami ni Rose.  Aksidente hong nagkita kami sa Soiree nila Dean. Father, pakiramdam ko ho nagkakasala ako sa Diyos pero hindi ko ho mapigilan ang sarili ko na magustuhan siya. Ramdam ko ho ang saya kapag nakikita ko sya, magaan ang pakiramdam ko kapag nakikita ko siyang nakangiti at masaya. Nung nagsasayaw kami ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ayaw ko hong nasasaktan, napapagod o nahihirapan siya. Basta, parang lahat ng bagay gusto kong pagaanin para sa kanya.  Tapos nung isang beses inis na inis ako na may mga lalaking nakipagkilala sa kanya. Nagseselos ako Father.  At may pagkakataon na pakiramdam ko masasabi ko na sa kanya na mahal ko siya.  Mali ho ito, hindi ba Father? 

Father Ben:  Hindi mali ang nararamdaman mo Tisoy.  Normal yan.  At lalong hindi mali ang magmahal.

Tisoy:  Pero Father, alam mong gusto kong maglingkod sa Diyos.

Father Ben:  Hindi ko naman sinabing baguhin mo ang plano mo eh.  Katulad ng sinabi ko sa yo noon. Walang masama na magmahal ka, walang masama ng iparamdam mo ang pagmamahal na yan dahil bata ka pa naman.  Ako dalawang beses akong nagmahal Tisoy bago ako naging pari.  Hindi mali na iacknowledge mo ang feelings mo o kahit pa sabihin mo sa kanya hindi yon mali.  Pero hindi magiging madali yan.  Kung ngayon nararamdaman mo yan at mahalin ka rin niya mahihirapan kayong pareho kapag dumating ang oras na panahon na para magdesisyon na. Maari kayong magkasakitan.

Tisoy:  Anong gagawin ko Father, nalilito na ho ako.

Father Ben:  You only have two options Tisoy.  Una, ang iwasan at layuan siya ngayon pa lang. Para hindi na kayo umabot pa sa puntong magkakasakitan kayo pero kahit kaylan hindi mo malalaman kung mahal ka rin niya at hindi mo mararamdaman kung papano ang magmahal at mahalin.  Pangalawa, tanggapin mo ang nararamdaman mo. Namnamin mo ang bawat oras na makakasama mo siya.  Iparamdam mo sa kanya na mahal mo siya.  Gumawa ka ng magaganda at masasayang alala kasama siya at tanggapin ang ano mang sakit na darating sa inyong dalawa.  Buksan mo ang puso mo sa Diyos aminin mo sa kanya ang nararamdaman mo at humingi ka ng gabay na ituro niya sa yo ang daang gusto niyang tahakin mo.

Tisoy:  Father, kung ako lang ang masasaktan, kakayanin ko yon.  Pero kung masasaktan ko siya baka hindi ko kayanin ang kung ano mang mangyayari sa kanya.

Father Ben:  Tisoy, kung mas lamang sa loob mo na mahalin siya gawin mo. Hindi mo naman kailangang sabihin na ngayon sa kanya.  Bata pa naman kayo, pero kung sa palagay mo mas magiging masaya ka at matatahimik ang loob mo na nakakasama mo siya gawin mo.  Kaakibat ng pagmamahal ang sakit Tisoy. Hindi naman tayo nasasaktan ng mga taong hindi natin mahal.

Tisoy:  Maraming salamat po Father.  Tutuloy na ho ako para makapagpahinga kayo.

Father Ben:  Yumuko ka Tisoy at tanggapin mo ang pagbabasbas ko. 

Lumuhod si Tisoy at yumuko sa harap ni Father Ben.  Hinawakan ni Father Ben ang ibabaw ng ulo niya.  Bumulong ng panalangin sa Diyos.

Father Ben:  Humayo ka Tisoy at kasihan ka nawa ng poong may kapal.

Nagmano si Tisoy kay Father Ben at lumabas na ng kwarto nito.  Dumerecho si Tisoy sa loob ng simbahan, lumuhod sa harap ng altar at taimtim na nagdasal.

Tisoy:  Panginoon ko at Diyos ko,  gabayan po ninyo ako sa dapat kong gawin, ituro po ninyo ang daan na dapat kong tahakin patungo sa paanan ninyo.  Itinataas ko po ang aking puso sampu ng mga nararamdaman nito, binubuksan ko po ang puso ko sa inyo, nawa po ay itulot ninyo ang naaayon sa inyong kalooban.

Pumikit si Tisoy at hindi na napigil ang sariling maiyak.  Hindi na niya alam kung gaano siya katagal doon. Namumugto ang matang naglakad siya palabas ng simbahan, hindi alam kung saan pupunta basta naglakad lang siya ng naglakad. Para siyang nagising sa pagkakatulog ng marinig niya ang isang pamilyar na boses.

Dei:  Tisoy!  Kanina ka pa ba dyan?  Bakit hindi ka nagdoorbell.

Tisoy:  Huh?! Tita Dei?

Luminga-linga si Tisoy at nakita niya ang sarili sa harap ng gate ng mansyon.  Lumapit si Dei sa gate at pinagbuksan siya.

Dei:  Tisoy bakit namumugto ang mata mo? Bakit ka umiiyak?  May nangyari ba sa inyo? Halika, pumasok ka muna.

Inalalayan ni Dei si Tisoy hanggang makapasok sila sa salas, pinaupo sa set at binigyan ng tubig. Bumaba naman si Denver ng hagdan.  Tumayo si Tisoy. Kinamayan si Denver, ramdam ni Denver hindi kasing stiff ang pakikipagkamay nito tulad noon.  Ngayon parang may pagaalinlangan. Hindi niya binitiwan ang kamay nito.

Tisoy:  Good afternoon po.  Pasensiya na ho sa abala. 

Denver:  Maupo ka, anong problema?

Hindi makaimik si Tisoy.  Tinapik ni Denver ang kamay ni Tisoy.

Denver:  Huwag kang matakot Tisoy, makikinig kami at kung ano man yon, kahit kaylan hindi ka namin huhusgahan.  Nagteary-eyed agad ang mata ni Tisoy.

Tisoy: Nandidito po ba si Rose? kung nandiyan po babalik na lang ako sa ibang araw.

Dei:  Wala siya Hijo, nandon kila Dean at malamang mamayang gabi pa umuwi.

Tisoy:  Ang totoo po hindi ko din alam kung papano akong nakarating dito. Galing ho ako ng simbahan at kinausap ko si Father Ben.  Ang sabi niya, aminin ko sa Diyos ang nararamdaman ko at hingin ko sa kanyang ituro sa akin ang dapat kong gawin.  Paglabas ko ng simbahan naglakad lang ako ng walang direksyong pupuntahan.  Nagulat na lang ho ako ng marinig ko ang boses mo Tita Dei.

Dei:  Then the Lord sent you here to talk to us.  Ano ba ang gumugulo sa isip mo Hijo?

Tisoy:  Alam naman po ninyong pangarap kong maging pari.  Pero ngayon po naguguluhan ako kasi may iba akong nararamdaman. Alam po ba ninyong nagkakilala na kami ni Rose noong bata pa kami, I was twelve and she was ten, nabunggo ho niya ako sa simbahan at nabali ang  mga kandilang tinda ko. Inaaway ko siya sinigawan pero imbes na makipagaway sa akin nagsorry lang siya at binayaran ako. Simula ho non hindi ko na nakalimutan ang batang yon dahil malaki ho ang naitulong ng perang ibinayad niya.  At tinawag ko pa nga ho siya ng Miss na maganda at Ms. U. Totoo pong nagandahan ako non sa kanya pati sa ugali niya.

Denver:  Ikaw pala yon? Naalala ko pa paalis sila non ng mga Lolo at Lola niya tinutukso siya ni Dean kaya naikwento niya ang nangyari.

Tisoy:  Hindi lang ho yon, ako din ho yung Sakristan na kasama ni Father Ben nung nagaagaw buhay si Sir Teodoro.

Dei:  So,ikaw yung bumulong sa kanya kaya she let his Lolo go at yung niyakap niya?

Tisoy:  Opo, pero hindi po alam ni Rose na ako yon hanggang ngayon at sa palagay ko po hindi na niya kailangang malaman pa.

Denver:  Pwede ba naming malaman kung ano ang ibinulong mo sa kanya?

Tisoy:  Sabi ko po Hinihintay na ng Diyos ang Lolo niya kapag hindi niya ito binitiwan baka mawala ang liwanag na daan patungo sa Diyos.  Gusto ba niyang hindi makapasok ang lolo niya doon. Sinabi ko din po na mahal siya nito hindi nito makuhang umalis ng hindi niya sinasabing pwede na itong umalis.

Dei:  Ngayon, bakit ka naguguluhan Tisoy.

Tisoy:  Hindi lang ho yon, nung niyakap po niya ako, may kung anong nagtulak po sa akin na sabihing, "tahan na, nandito lang ako." Matapos ko hong sabihin yon, tsaka nalagutan ng hininga si Sir Teodoro.  Noong hindi ko pa po nakikilala si Rose palagi ko pang napapanaginipan yon at ramdam ko po yung sakit sa dibdib sa bawat paghikbi ni Rose kahit ni hindi ko nakita ang mukha niya. Kahit po nakilala ko na siya madalas ko paring napapanaginipan yon na parang isang paalala ng mga salitang binitiwan ko sa kanya.  Sabi po ni Father parang hinintay lang daw ni Sir Teodoro na may mapagiwanan siya sa minamahal niyang apo. Nung una po lahat ginagawa ko para matulungan si Rose dahil gusto kong tuparin ang pangakong binitiwan ko. Nung nagalit siya sa akin at umiwas ako. Nawala na ho sa isip ko ang pangakong yon.  Pero simula ho kasi ng magkita kaming muli. Pakiramdam namin pareho na tadhana ang gumagawa ng paraan para magkasama kaming muli.  Pero Tita Dei, papano hong mangyayari yon eh marubdob ho ang hangarin kong magpari?

Denver:  Tisoy, tapatin mo ako may nararamdaman ka ba para sa dalagita ko. 

Tisoy:  Tito, I will be honest with you, I like her so much. Masaya ako at magaan ang pakiramdam ko kapag napapasaya ko siya at nakikita ko siyang nakangiti. At mas nasasaktan ako kapag nakikita kong malungkot siya at nahihirapan.  May ilang pagkakataon na rin  ho na naiinis ako ng may nakipagkilala sa kanyang lalaki at may narinig akong lalaki na nagsabing na-love at first sight daw siya kay Rose.  Minsan ko na din hong wala sa loob na muntik masabing mahal ko siya.

Denver:  Aba eh, mahal mo nga.

Tisoy:  Ho?

Denver: Ang babae, inaanalize nila ang nararamdaman, pinagaaralan at pinagiisipan.  Tayong mga lalaki hindi, kahit malinaw pa sa liwanag ang araw sa mga ikinikilos natin hindi natin yon namamalayan at isang araw it will just dawned on you.  Bigla mo lang masasabi o maiisip na mahal ko na pala siya.

Tisoy:  Tito, maniwala ho kayo hindi ko ho sinasadya, nung sumayaw kami sa Soiree at mapadikit siya sa akin kumakabog ho ng malakas ang dibdib ko na parang sasabog.

Denver:  I know the feeling, naiintindihan kita.

Tisoy: Hindi ko na ho alam ang gagawin ko kasi po ayokong pagdating ang araw at nagdesisyon ako masaktan ko lang siya eh.  Pero ayoko din naman hong iwasan siya at pigilin ito dahil ayokong mawalan ng pagkakataong maramdaman kung papano ang magmahal at mahalin. Wala naman ho akong balak na sabihin kay Rose ang nararamdaman ko kasi alam ko naman hong bata pa siya eh. Sana po maintindihan ninyo ako. Ayoko din ho kasing magalit kayo sa akin.

Dei:  Maraming salamat Tisoy. Alam mo Tisoy ngayon lang ako nakakilala ng taong katulad mo na bata pa sigurado na sa gusto niyang mangyari sa buhay.  Bihira yan.  Maraming salamat din na ikino-consider mo ang mararamdaman namin.  Bihira din ang lalaking ganyan. Kaya pagpapalain ng Diyos ang mabuti mong puso Tisoy.  Ibibigay niya sa yo ang kaligayahang nararapat para sa yo.

Denver:  Walang magulang na tatanggi sa taong ang gusto lang ay pasayahin, alagaan, tulungan at mahalin ang kanilang anak.  Kaya bukas ang tahanan namin para sa yo Tisoy.  Kung gusto mo siyang dalawin, ipasyal, yayaing kumain sa labas, walang problema don. Basta yon ang gusto niya pababayaan naman siya at malaki naman ang tiwala namin sa inyo.

Dei:  Kung ang inaalala mo naman ay ang masasaktan siya,  dadaan at dadaanan kayo sa ganyan.  Gustuhin man o hindi mararanasan ninyo ang masaktan dahil nagmamahal kayo. Masasaktan lang naman tayo ng mga taong mahal natin eh. Kung sakaling magkaron ng katugon ang pagmamahal mo sa puso ng anak ko hindi rin namin tututulan dahil kilala namin ang anak namin, hindi niya gagawin  ang isang bagay ng hindi niya pinagiisipan kaya masaktan man siya walang ibang may kasalanan kung hindi siya lang.

Denver:  Matapang si Rose Tisoy, kakayanin niya ang kahit na anong sakit.  Kung sakaling masaktan mo siya sa pagdaan ng panahon naghihilom ang sugat, gumagaling hanggang maging isang peklat simbolo ng mga masasaya at masasakit na alala.

Tisoy:  Maraming salamat po sa pangunawa ninyo.  Promise po hindi ko liligawan si Rose. Hayaan ninyo lang ho akong makasama siya at alagaan siya kahit papano.

Dei:  Katulad ng sinabi ng Tito Denver mo, bukas ang tahanan namin para sa yo.

Niyakap ni Dei si Tisoy. Inilayo niya ito at hinawakan ang kamay.

Dei:  Sabi nga sa Romans 8:28 - "And we know that all things work together for good to those who love God, to those who are the called according to His purpose."  Kaya tama na yang pagiisip at pagaalala.






























Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro