Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24 - Catching up

Habang inaayos ang pila.  Bumubulong si Tisoy kay Leslie.

Tisoy:  Les, hindi mo ba talaga alam na si Rose ang kasama ni Dean?

Leslie:  Cross my heart, hope to die Tisoy, hindi talaga. Nung magkausap kami ni Dean noon lang niya nalaman na may date na ako kaya naghanap siya ng iba. 

Tisoy:  Pano to? Anong sasabihin ko? 

Leslie:  Kahit ano, magkaibigan pa rin naman kayo hindi ba?  Hindi nga lang kayo nagkikita.

Tisoy:  Les, two years ago, nagsend siya ng mga messages, hindi ako sumagot. Baka mamaya nagalit yon eh.

Leslie:  Eh di simulan mo sa "Sorry hindi na ako nakasagot sa mga messages mo."

Tisoy:  Kapag tinanong kung bakit?

Leslie:  eh di sabihin mo kung bakit?  Teka bakit nga ba?

Tisoy:  Hindi ko kasi alam ang isasagot ko sa kanya eh.

Leslie:  Yun ang sabihin mo sa kanya. You know that there is no other best way but to be honest hindi ba?

Tisoy:  Kinakabahan talaga ako eh, baka tarayan na naman ako, awayin.  Lord, help me hindi ko na yata kakayanin.

Leslie:  Believe me Tisoy, nagbago na siya.  Kaya sigurado akong hindi ka niya aawayin.

Tisoy:  Basta, kapag inaway ako uuwi ako.

Leslie:  Sige, pustahan.  Kapag inaway ka, umuwi ka dalhin mo pati kotse at babayaran pa kita ng one thousand.  Kapag hindi ka inaway ililibre mo kami ng pares mamaya pagkatapos ng party.

Tisoy:  Sa ganitong itsura natin, magpapares tayo?  

Leslie:  May pera ka ba?

Tisoy:  Meron,  kakukuha ko lang nung sweldo galing sa Sanlo Org.

Leslie:  Eh di sa Starbucks mo kami ilibre.  Deal?

Tisoy:  Sige Deal!

Samantala, kinakalabit naman ni Rose si Dean.

Rose:  Did you set this up Dean?

Dean:  Of course not. Hindi sinabi sa akin ni Leslie na si Tisoy ang date niya.  Kung alam kong si Tisoy palagay mo magseselos ako?

Rose:  Sabagay, you have a point there.  So, papano to?

Dean:  Anong papano?  Kausapin mo.

Rose:  Eh baka galit pa yon sa akin. Remember he never answered my text messages when I was saying sorry.

Dean:  I don't think na nagtatanim ng sama ng loob si Tisoy.  Am sure wala na yon, ang tagal na non eh.

Rose:  Cous, can I go home na?

Dean:  Cous naman eh, you promised me na gagawan mo ng paraan na maisayaw ko si Leslie di ba?  Besides papano ka uuwi eh wala kang sasakyan.

Rose:  Magca-cab.

Dean:  Cous naman eh, don't you think it's about time, you two clear things up?  Isa pa, don't you think it's strange na nagkita kayo.  Imagine, bakit ni hindi ko natanong si Leslie kung sino ang date niya at hindi ko din nasabi sa kanya na ikaw ang date ko eh ang daming pagkakataon na pwede naming masabi yon sa isa't isa?  I think it's destined na mangyari yon.  The universe is acting up para maging ok na kayo.

Rose:  You think?

Dean:  I believe so.

Rose:  You're just a hopeless romantic. Pati kami idinadamay mo dyan sa paniniwala mo sa Destiny.

Dean:  I know you believe in it too Cous.  Because your parents are a proof.

Rose:  Ang story ng parents ko is one of a kind Dean.  I don't think it is bound to happen to me.

Dean:  You cannot predict the future Cous, so might as well accept what's in front of you right now and stop trying to run away from it.

Rose:  Fine!  If anything goes wrong, uuwi talaga ako.

Dean:  Fine, itatawag pa kita ng taxi.

Narinig na nilang nagsalita ang Emcee.

Emcee:  Welcome to Don Bosco School and Assumption School Soiree.  We will now start with the entrance of the Royalty.  As I call your names please enter the ballroom.

Inumpisahan ang pagtawag simula sa nasa pinakahuli ng pila.  Pang anim na tinawag sila Leslie at Tisoy.

Emcee: Our next pair is Ms. Leslie Buenaventura, a grade 10 student from Assumption school with her Escort. Mr. Richard Reyes, a 2nd year AB Philosophy Student from University of Sto. Tomas.

Kitang-kita ni Rose si Tisoy ng dumaan ito sa harap nila.  Nagpalakpakan ang lahat. Sumisigaw pa si Dean. Malayo pa simpleng pinagmamasdan ni Rose si Tisoy ang nasa isip, "After two years of not seeing him, it seems like he's looking more handsome and matured now. He looked like a real Prince."

Narinig pa niyang, nagbubulungan ang ilang mga babae sa paligid nila. "ang gwapo naman ng date ni Leslie." "College student na pala, ang gwapo. Swerte ni Les." "Siguro boyfriend ni Leslie yan kung hindi naman sana suitor niya di ba? ang cute niya eh."

Pagdating sa stage sinuotan ng wrist corsage ni Tisoy si Leslie, humarap sila sa audience at nagbow na parang mga Prinsipe at Prinsesa. Patuloy ang pagtawag sa mga kasunod na pares hanggang tawagin sila Dean at Rose.

Emcee: Our next pair is Mr. Richard Dean Bryant, a grade 10 student of Don Bosco School and Ms. Denierose Mendoza-Richards, a grade 10 student of International School Manila.

Kitang-kita ni Tisoy ng maglakad papasok sila Rose at Dean, at pinagmamasdan niya si Rose ang nasa isip..."Habang tumatagal lalo siyang gumanda, gracefull kumilos at ang ngiti nakakahawa."

Rinig na rinig niya ang mga komento ng mga ibang estudyanteng nasa paligid nila. "That's why she looked elegant taga IS pala eh." " Pare, ang ganda niya no para talagang prinsesa, gf ba ni Dean yan?" "That's Dean's cousin, sobrang yaman niyan, my Dad does business with them sa Forbes nakatira yan eh." " She's 16 yet she moves like an elegant woman. Na-love at first sight yata ako eh."

Napakunot ang noo ni Tisoy sa narinig, nilingon at pinagsino ang lalaki. Nang marealized niya ang ginawa niya pinagsabihan ang sarili... "Eh ano naman kung may mainlove sa kanya, maganda naman talaga siya, eh bakit affected ka Tisoy, umayos ka nga."

Umakyat si Dean at Rose sa stage, sinuotan ng wrist corsage ni Dean si Rose, napawow ang mga nandon, dahil isang imported na wild orchid ang bulaklak ng wrist corsage na ibinigay ni Dean kay Rose. May nagbiro pa rito. "Ibang klase ka talaga Bryant, mukhang imported ang bulaklak ah." Natawa na lang si Dean. Humarap sila sa audience at nagbow. Sa lamesa kung saan nakapwesto sila Tisoy dinala ni Dean si Rose. Nagumpisa ang program sa isang Invocation. Nang matapos, sabay pa si Dean at Tisoy na hinila ang upuan sa pagitan nilang dalawa nagkatinginan sila at natawa. 

Rose:  Thanks, Cous!

Leslie:  Thank you Tisoy.

Nakinig sila sa unang song number at nanood sa isang dance number.  Mayamaya, binuksan na ang buffet table para sa lahat. 

Dean:  Kami na ni Tisoy ang kukuha ng food.  Akin na yung ticket ninyo.

Iniabot ni Rose ang ticket niya kay Dean at iniabot naman ni Leslie ang ticket niya kay Tisoy. Bago umalis.

Tisoy:  Excuse lang ladies, kuha lang kami ng food. 

Tumingin si Rose kay Tisoy at ngumiti.

Rose:  Ok.

Nang makalayo ang dalawa.

Rose:  Best, anong sabi niya?  Disappointed ba na nandito ako?

Leslie:  Hindi, nagulat oo pero disappointed I doubt it.  Kaninang naglalakad kayo papasok hindi maalis ang tingin sa yo eh.  Pero natatakot din  siya na baka awayin  mo siya dahil sa hindi niya pagsagot sa yo.

Rose:  It's been a long time, ok na yon.

Leslie:  Yun din ang sabi ko sa kanya eh.

Mabilis namang nakabalik sila Tisoy at Dean.  Inilapag ni Dean ang isang pinggan sa harap ni Leslie. Wala ng nagawa si Tisoy kung hindi ilapag ang isang pinggan sa harap ni Rose,

Rose:  Thank you.

Tisoy:  You're welcome.

Habang kumakain, casual na naguusap silang apat tungkol sa kung gaano kasarap ang pagkain at kaganda ang design ng hotel.  Ikinukwento ni  Leslie at Dean kung papanong nabuo ang committee para sa Soiree na yon. Umikot ang  ilang Teachers binigyan sila ng kapirasong papel para ilagay ang pangalan ng isang lalaki at isang babae para tanghaling Star of the Night. Inilagay ni Tisoy ang pangalan ni Rose at ni Dean.  Inilagay naman ni Rose ang pangalan ni Tisoy at Leslie.  Nagkatinginan naman sila Leslie at Dean pareho nilang inilagay ang pangalan ni Tisoy at Rose.

Pagkatapos ng human bingo game. Nagsayaw ng cotillion ang pinagsamang  grupo ng estudyante mula sa Don Bosco at Assumption para sa pagbubukas ng dance floor.  Nagulat si Tisoy at Rose na kasali pala si Dean at Rose sa Cotillion at magkapareha pa sila. Nagkatinginan si Tisoy at Rose, kinuha ni Tisoy ang cellphone ni Leslie.

Tisoy:  I'll take the video ang you take the pictures.

Rose:  Ok.

Tuwang-tuwang pinanood nila ang mga kaibigan.  Nang matapos ang performance. Nagopen na ang dance floor.  Ipinakita nila kay Dean at Rose ang mga litrato. 

Dean: Cous, ano sayaw na tayo?

Rose:  Sure.

Leslie:  Sige kayo naman, kuhanan ko kayo ng picture.

Tisoy:  Ikaw ha may dance number pala kayo eh.

Namula si Leslie.

Leslie:  Maganda naman ba ang pagkakasayaw namin?

Tisoy:  You looked comfortable with each other.  Les, yung totoo, gusto mo si Kosa ko no?

Ngumiti lang si Leslie.

Tisoy:  Les di ba silence means yes?  Halika na nga sumayaw na tayo.

Sumayaw sila sa tabi nila Dean.

Dean:  Tol, marunong ka palang sumayaw.

Tisoy:  Loko ka, anong palagay mo sa akin parehong kaliwa ang paa.  

Biglang tumugtog ang trumpets, natawa si Rose at Leslie dahil pareho ng step sila Dean at Tisoy.

Leslie:  Nagpractice kayong dalawa no.

Nagtawanan sila. Hindi man direktang naguusap si Tisoy at Rose, nagenjoy pa rin naman silang apat.  Nang mapagod, naupo sila at uminom ng lemonade.  Mayamaya, lumapit kay Rose ang isa sa kaklase ni Dean na ipinakilala kay Rose at niyaya siyang magsayaw.  Tumingin si Rose kay Dean.

Dean:  Ok lang yan Cous, upbeat naman eh. Go.

Sumayaw naman si Rose, bawat matatapos na kanta.  Kauupo pa lang may magyaya na naman sa kanya pati kay Leslie. Tahimik na si Tisoy at nakakunot ang noo.

Dean:  Tol, ok ka lang?

Tisoy: Oo naman.

Dean:  Eh, bat nakakunot ang noo mo?  Selos ka?

Tisoy:  Hindi, ano lang baka napapagod na siya, I mean sila hindi lang makatanggi.

Dean:  Asus, kunyari ka pa.  Bakit hindi mo kasi yayaing sumayaw?

Tisoy: Sabi ko nga baka napapagod na eh bat ko yayayain?

Natapos ang upbeat music at pabalik na sila  Rose at Leslie ng mapansin ni Dean na may palapit na babae sa kanilang dalawa ni Tisoy.

Dean:  Tol, tayo bilis. 

Napatayo naman si Tisoy.  Hinarang ni Dean si Leslie at Rose.

Dean:  Sayaw tayo ulit may papalapit na babae sa amin eh.

Napabalik sa dance floor sila Rose at Leslie. Hinawakan ni Dean sa bewang si Leslie. Nakatayo lang si Tisoy at Rose sa gitna ng dance floor. Isang love song ang tumugtog.

Tisoy:  Ahm, ok lang  sayaw tayo?

Rose:  Yah, sure.

Hinawakan ni Tisoy sa bewang si Rose at ipinatong naman ni Rose ang dalawang kamay sa balikat ni Tisoy.  Pareho silang hindi makatingin sa isa't isa. Kaya kinausap na lang ni Rose si Dean.

Rose:  Sino ba yong palapit sa inyo?  Do you know them?

Dean:  Kilala ko, kaya nga ayaw ko eh.

Nilingon ni Leslie ang mga babaeng kagagaling lang sa lamesa nila.

Leslie: Hala, si Bea yon ah.  Baka magalit sa akin yon.

Dean:  At bakit naman siya magagalit?

Leslie:  May crush sa yo yon eh. 

Dean:  Sabihin mo may girlfriend na ako at hindi na ako available.

Leslie:  May girlfriend ka na?

Dean:  Hindi wala pa. Pero sabihin mo meron na sabihin mo girlfriend ko since birth.

Natawa si Rose at Tisoy.  Napatingin si Dean sa kanila.

Dean:  kayong dalawa ang tsismoso ninyo. Bakit kayo nakikinig sa usapan namin. Magusap nga kayo.

Bumungisngis si Rose.

Tisoy:  Oh bakit?

Rose: Funny kasi si Dean eh. 

Mayamaya dumami ang tao sa dance floor. Nasiksik na sila.

Rose:  Ay! 

Tisoy:  Ok ka lang? 

Rose:  Yah, ok lang. Medyo, masikip lang.

Tisoy:  Gusto mo upo na tayo?

Rose: If you don't mind dito na lang tayo kasi baka pag naupo ako may magyayang magsayaw eh slowdance. 

Tisoy:  Pwede ka namang tumanggi.

Rose:  I know I can, pero the guy would feel rejected di ba?  And I don't like to make anyone feel rejected by me.

Tisoy:  Kaya pala.

Rose:  Kaya pala ano?

Tisoy:  Nothing, forget it tapos na yon.

Rose:  Tisoy, I learned my lesson.  I already said Sorry a couple of times kahit hindi mo ako sinasagot. If you gave me a chance I could have said sorry in person pero you didn't reply so I thought, you changed your number.

Hindi nakaimik si Tisoy. Bumuntong hininga at tsaka nagsalita.

Tisoy:  Nakuha ko lahat ng message mo. I did appreciate that you said sorry. It's just that, hindi ko alam kung anong isasagot ko.  Pasensya ka na ha.

Rose:  It's ok, truth is.  I didn't really expect that you would answer.  I know I have hurt you but I wanted to at least try.

Hindi na nila namalayan na halos magkadikit na sila sa sobrang siksikan ng tao sa dancefloor. Naramdaman ni Tisoy na pinagsalikop na ni Rose ang kamay nito sa batok niya. Kumabog ang dibdib niya. Biglang may nagtulakan sa likod ni Rose. Lalo itong napadikit kay Tisoy. Hinapit siya ni Tisoy sa bewang at inikot.

Tisoy:  Guys, dahandahan, nakakatama na kayo eh.

Nang maramdamang halos nakayakap na sila sa isa't isa kinabahan si Rose, naramdaman niyang bumibilis at lumalakas ang tibok ng puso niya.

Tisoy:  Ok ka lang ba?

Rose:  Yah, pero parang nasosophocate na ako.  Can we just go get some drinks?

Tisoy:  Sige.

Lumakad silang palayo sa dance floor. Nakaalalay pa rin si Tisoy sa likod ni Rose. Lumapit sila sa refreshment table at humingi ng lemonade.  Pagkatapos maubos ang isang baso.

Tisoy:  Ok ka na?  Or do you need some air.

Rose:  Can we go out? Kahit a few minutes lang.

Iniabot niya ang kamay kay Rose at humawak naman ito.  Pagdating sa pinto, bumitiw si Rose at inilagay ang dalawang kamay sa likod.  Naglakad-lakad sila sa aisle sa labas ng ballroom.  Natahimik silang pareho at mayamaya sabay na nagsalita "kamusta?"

Tisoy:  Sige, mauna ka na.

Rose:  So, How are you?

Tisoy:  Ok lang eto medyo busy sa school.  Iba na pala kapag college na eh.  Yung mga professor walang pakialam kung may natututunan ka ba o wala basta turo lang ng turo kaya kailangan talaga nagse-self study eh.  Ikaw?  Kamusta?

Rose:  I'm doing fine. I am enjoying it now than before. May friends na ako sa school, ipinakilala ko nga kay Leslie at Dean eh.

Tisoy:  Sino sila Sydney at Veron?

Rose:  Hey, you remembered them.  Yah, them and some guy friends. Si Craig, amerikano.  Si Jake half chinese, half pinoy and si Kyle, half Thailander.

Tisoy:  Kyle, yung suitor mo?

Rose:  Hindi ko suitor yon.

Tisoy:  Ah sabi ni Dean, mukha daw may gusto sa yo kaya akala ko manliligaw mo.

Rose:  I can't have suitors yet, baka bumangon sa grave ang mga Lolo ko.

Nakita nilang lumabas sila Dean at Leslie.

Dean:  Pasok na kayo, magaannouce na ng winners.

Sumunod naman sila at bumalik sa upuan nila.

Emcee:  Before we end tonights celebration, here is what you've all been waiting for.  The annoucement of our Special awards for tonight.  We have a few more awards to give out so let's start with The Face of the night... This award is given to the person who's face really looked blooming tonight.   From Don Bosco, Mr. Norman Legaspi and from Assumption, Ms.  Leslie Buenaventura!

Pumalakpak at nagsigawan ang lahat. Inalalayan ni Dean si Leslie paakyat ng stage. Binigyan sila Leslie ng glass trophy, bouquet of flowers at sash.

Emcee:  Now, we proceed to the Soiree's King and Queen, the winner of this award  was chosen by all the Teachers and admin personnel.   For their absolute King and Queen Look.  The DBSAS Soiree's King is none other than... Mr. Richard Dean Bryant, whose costume is tailored similarly to Prince William  and The DBSAS Soiree's Queen is none other than  Ms. Jessica Quesumbing let's give them a big round of applause.

Nagsigawan at nagpalakpakan ang lahat.  Masayang masaya si  Tisoy at Rose para sa mga kaibigan.  Kinuhanan nila ng video at pictures ang mga ito.  Sinuotan si Dean at Jessica ng Kapa, sash, korona at binigyan ng setro.  Pinaupo sila sa trono na nasa gitna ng stage kung saan  nakatayo sa kaliwang gilid nito sila Norman at Leslie.

Emcee:  To complete the Royalty of the night.  The last award are the Stars of the night. This are the people you have voted for earlier this night.  I will call the top 3 names. As I call your name.  Please come up to the stage para makita ng lahat how dashing and gorgeous you looked like. Let's start with the girls... Ms. Genevieve Velasco, Ms. Denierose Mendoza-Richards and Ms. Bea Fontanilla.

Nagpalakpakan ang audience. Umakyat naman ang tinawag. Hinatid pa ni Tisoy si Rose sa stage.

Emcee:  Dyan lang muna kayo, now we call on the Boys, Mr. Jerome Santiago, Mr. Stanley Buenaflor and Mr. Richard Reyes. 

Nagtilian naman ang mga babae. Nagkatinginan sila Dean at Leslie. Parehong masaya na nakasama ang mga kaibigan nila.  

Emcee:  To complete our royalty for tonight, garnering 85% of the total votes. From the boys, The DBSAS Soiree Star of the night is Mr. Richard Reyes!

Napasigaw si Dean pati si Leslie.  Sinuotan si Tisoy ng Sash at binigyan ng trophy  Tumayo siya sa kaliwang gilid ng trono nila Dean. 

Emcee:  Last but definitely not the least, garnering 92% of the total votes.  From the ladies, The DBSAS Soiree Star of the night is none other than, Ms. Denierose Mendoza-Richards.

Ang daming lalake ang nagsigawan ng Yes!!! Binigyan si Rose ng bouquet ng flowers, trophy at sinuotan ng sash.  Pinatayo si Rose sa tabi ni Tisoy.  Nagpicture taking sila kasama ng mga Teachers at Admin Staff ng dalawang school.

Emcee:  To put the celebration to a close, let's have the Royal Dance from our Royalties of the night. Bumaba silang anim sa stage at tumayo sa gitna ng Dance Floor.  Tinugtog ang Blue Danube at sumayaw sila.

Habang tangan ni Tisoy ang kamay at bewang ni Rose, napatitig siya dito.

Rose:  Why are you looking at me like that?

Tisoy:  I just realized, you have grown to be a fine young lady, and your smile looks genuine.

Rose:  Because I am really happy.






















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro