Chapter 23 - Pagkakataon
Dumaan ang mga araw. Hindi na muli pang sumubok na magtext si Rose kay Tisoy. Si Tisoy naman naging busy sa pagaaral at pagtuturo ng Katekismo sa mga batang taga San Lorenzo. May pagkakataong binibisita siya ni Dean o naglalaro sila ng basketball kapag sabado. O kaya bumibisita si Mang Leo sa Nanay ni Tisoy o kumukuha ng ginataan na ipinaluluto ni Dei. Kinakamusta naman ni Tisoy si Rose at ipinakakamusta din naman ni Rose si Tisoy. Ikinukwento din ni Dean kay Rose at Leslie kapag nakakasama niya ito at kapag ipinakakamusta sila.
Mabilis na dumaan ang dalawang taon. Sixteen years old na sila Rose, Dean at Leslie. Pare-parehong grade 10. February yon, taon-taon kapag buwan ng pebrero nagkakaron ng Soiree (an evening of gathering and dancing) ang Don Bosco at Assumption. Dahil all boys ang Don Bosco at all girls naman ang Assumption pinagsasabay nila ito.
Paguwi ni Leslie ng Biyernes na yon sa Laundry Shop siya dumeretso. Nandon si Aling Rio at Tisoy. Tinatapos ang paglalaba ng mga nakaschedule na pipick-upin kinabukasan.
Leslie: Mommy may Soiree po three weeks from now, pwede po ba akong umattend? Eto po yung invitation.
Binasa naman ng Mommy niya.
Mommy ni Leslie: Pwede naman sa school naman yan eh. Pero papayagan lang kita kung si Tisoy ang isasama mo. Kahit ipagpatahi pa natin siya ng isusuot.
Leslie: Mommy naman eh, no offense meant Tisoy ha pero mommy may iba akong gustong kadate eh.
Mommy ni Leslie: Oy, ikaw na bata ka ang bata-bata mo pa date ka dyan. That's final hindi ka aattend kung hindi si Tisoy ang kasama mo. So, take it or leave it.
Leslie: Hindi ninyo pa nga alam kung pwede siya o hindi eh.
Mommy ni Leslie: Kung hindi siya pwede eh di hindi ka aattend.
Leslie: Mommy naman eh.
Mommy ni Leslie: I said that's final Leslie.
Lumapit si Leslie kay Tisoy.
Leslie: Pwede ka ba? Friday naman ng gabi yon.
Tisoy: Pwede naman, maaga naman ang uwi ko kapag Friday. Kaya lang ok lang ba sa yo na ako ang isasama mo?
Leslie: Kaysa naman hindi ako makapunta. At least kung ikaw ang kasama ko kilala mo naman yun eh. So ok lang makakasama ko pa din siya.
Tisoy: Ah, yung Kosa ko ba? Sige para makapunta ka ok lang sasamahan kita.
Leslie: Thanks ha. Mommy, pumayag na po si Tisoy.
Mommy ni Leslie: Sige, bukas ng umaga, pupunta tayo sa mananahi.
Nang gabing yon, hinihintay ni Leslie na yayain siya ni Dean. Tumawag ito.
Dean: Les, nakuha mo na yung invitation sa Soiree?
Leslie: Oo kaya lang bad-trip eh.
Dean: Bakit naman?
Leslie: Si Mama kasi ang pumili ng date ko. Hindi daw niya ako papayagan pag iba ang kasama ko.
Dean: Ah ganon ba? Pero ok na din yon kaysa naman hindi ka makapunta di ba?
Leslie: Yah, yun nga din inisip ko eh. So, will I see you there?
Dean: Syempre naman pupunta ako, nandon ka eh.
Leslie: sinong ka-date mo?
Dean: Ikaw sana eh, but I'm sure I can bring a friend. So, I'll see you there.
Leslie: Sorry ha, I would have said yes. Kaso nga si Mama eh.
Dean: Ok lang basta, save a dance for me ok?
Leslie: I will.
Kinabukasan, dumating si Dean sa mansyon, sabado ng umaga, bitbit ang invitation para sa Soiree.
Denver: Oh maaga ka yata?
Dean: Tito Ninong, may problema ako eh.
Iniabot nito ang invitation. Binasa naman ito ni Denver.
Denver: Oh anong problema, this is fun.
Dean: I need to bring a date.
Denver: So, don't tell me that you could not find one.
Dean: Maraming nagpiprisinta mga taga Assumption pero yung gusto kong idate, may kadate na eh. So, naisip ko since hindi ko maeenjoy yan ng kasama ko ang iba eh di si Rose na lang ang date ko sigurado pa akong mageenjoy akong kasama siya.
Denver: Ah, eh di yayain mo, malakas ka naman don eh.
Dean: Papayag nga ho yon, ang problema eh, nakita niyo ho ba ang theme? Prince and Princess? Hindi kaya masapak ako ng pinsan ko?
Dei: Bakit ka naman sasapakin?
Dean: Kasi Tita yayayain ko sa Soiree ang kaso ang theme Prince and Princess so kailangan nakagown siya.
Dei: Yun lang, parang hindi ko pa nakitang magsuot ng gown yon eh.
Mayamaya, lumabas ng bahay si Rose.
Dean: Morning Cous!
Rose: Hey, Good morning to you too. What brings you here on an early Saturday morning? Wala ba kayong basketball game ngayon nung ex-friend ko?
Dean: Meron, mamaya pang 10am. Inuna ko ng puntahan ito kasi I need to get your answer before Monday.
Rose: Answer to what?
Inabot ni Dean ang invitation. Binasa naman ito ni Rose.
Dean: Can you be my date?
Rose: Huh? Why me? Bakit hindi si...
hindi na naituloy ni Rose dahil biglang sumagot si Dean.
Dean: May kadate na siya eh.
Rose: awwwww kawawa naman ang cousin ko. Eh di let's find you another date. Si Sydney, si Veron or si Bea crush ka non.
Dean: Ayoko nga ng iba, hindi ako mageenjoy. So, would rather have you with me at least sure ako na mageenjoy akong kasama ka.
Rose: You're so sweet Cous! Are you sure about this? I mean ok lang, if you really want me to be your date.
Dean: Ok lang talaga? kahit na nakagown?
Rose: As in Ball gown?
Dean: Oo eh, kasi nga Prince and Princess.
Rose: Well, I don't have any ball gowns, but I can have one made for me pati yung tuxedo mo. Wait, when is this?
Dean: Three Fridays from now. I have found designs for my Costume just need the color of your gown para magterno tayo.
Rose: Ma, you think pwede pa ako magpatahi?
Dei: I think so, or we can find you something that is already made among the couturiers collection.
Rose: Well, If I will be a Princess I wanted to be Belle, so it would be yellow.
Dean: Talaga? Payag ka na?
Rose: Of course! I will not let you ruin your night just because may ka-date na si Leslie. I can do better, don't worry we'll find a way so you can be with Leslie that night.
Dean: Sigurado ka dyan Cous ha... I will owe you big time really. Kahit first and last dance lang niya solve na ako.
Rose: Oo nga, I'll make sure of that!
Dean: Yes!
Niyakap ni Dean si Rose at binuhat at inikot-ikot pa.
Rose: ano ba?! Put me down. Hala para ka namang nanalo sa lotto.
Dei: Mabuti pa kumain na muna tayo at pagkatapos sasamahan namin kayo sa Couturier. Tawagan mo na lang si Mommy at Daddy mo Dean. Tell them to meet us doon sa Couturier.
Dumating ang araw ng Soiree, sa isang Hotel ito sa Makati. Maagang dumating sa venue si Dean at Rose pagkaregister, pumasok sila agad sa loob at nagpicture taking. Ipinakilala ni Dean si Rose sa mga kaklase nito. Marami ang nagandahan kay Rose, proud na proud naman si Dean.
Dean: Oh di ba Cous, ang yabang ko, ang ganda ng kadate ko eh.
Rose: Huwag mo na akong bolahin. I will do as promised. Have you seen Leslie?
Dean: Hindi pa nga eh, wait itext ko tanong ko kung nasan na siya. She'd really be surprise.
Rose: Oo nga, she might scream.
Dean: Kaya lang Cous, sino kay yung kadate niya?
Rose: You should have asked her.
Dean: Masyado naman kasing maoobvious na selos ako kapag tinanong ko di ba.
Rose: So what, eh selos ka naman talaga.
Dean: Huwag ganon Cous, kahit papano may pride naman ako.
Rose: Ewan ko sa yo! Why don't you tell her you like her now. There's nothing wrong naman. As if naman pakakasalan mo na siya if you tell her.
Dean: So, you're suggesting for me to tell her, para ano? Mamaya ayaw pala niya sa akin eh di ang bata ko namang nabasted.
Natawa na lang si Rose. Mayamaya tumunog ang cellphone ni Dean, binasa niya ang message ni Leslie.
Dean: Cous, nasa entrance na daw siya, sunduin ko lang ha. Sama ka?
Rose: No, I'll stay here and take a selfie with the stairs and flowers.
Naiwan nga si Rose sa may hagdan, nagselfie ng ilang beses, hanggang sa nilapitan ng ilang kaklase ni Dean para magpapicture. Nagpunta naman si Dean sa entrance, nakita niya doon si Leslie. Naka-yellow din ito na gown, nakataas ang buhok at may tiara sa ulo.
Dean: Hi there! My beautiful Princess.
Leslie: Hey you! You looked like a handsome Prince. Teka sinabi ko ba na yellow ang kulay ng damit ko?
Dean: Nope, it's just a coincidence na yellow din kasi ang gown ng kadate ko eh. Oh nasan na ang kadate mo?
Leslie: Nagpapark lang ng kotse.
Dean: Mas matanda sa yo? Driving he's own car eh.
Leslie: Medyo. Ikaw nasan ang kadate mo?
Dean: Nandon sa stairs. Pinagkakaguluhan na ng mga kaklase ko.
Leslie: Wow! Maganda siguro?
Dean: Let's just say, magkalevel kayo. Babalikan ko muna ha. I'll see you pagpasok ninyo.
Leslie: Ok, see you!
Bumalik na si Dean sa tabi ni Rose at nakipagkwentuhan sa mga kaklase. Nagparegister naman sila Tisoy at Leslie. Tumayo si Tisoy at Leslie sa bandang gilid ng ballroom, tinitignan kung nasaan sila Dean. Nakita ito ni Leslie, tinawag niya at tinawag din naman ni Leslie si Dean. Excited na napatingin si Rose kay Leslie at napatingin naman si Tisoy sa pinanggalingan ng boses ni Dean. Nagulat si Tisoy at Rose ng makita ang isa't isa.
Sumeryosong pareho ang mukha nila.
Parehong, hindi makatingin sa isa't isa. Tumakbong palapit si Leslie kay Rose. Nakangiti ito.
Leslie: OMG Best this is a lovely surprise! Ang ganda mo! Bestfriends talaga tayo imagine pareho ang kulay na napili natin.
Pinilit ngumiti ni Rose, niyakap ang kaibigan at nagbeso sila. Nagmamadali namang lumapit si Dean kay Tisoy.
Dean: Tol, must na? Ayos to! Ikaw pala naman ang date ni Leslie, akala ko kung sino namamatay na ako sa selos eh. Mukha kang Prinsipe Tol, cool! Halika ipapakilala kita sa mga kaklase ko.
Samantala, isinama naman ni Leslie si Rose para ipakilala sa mga kaklase nito. Ilang sandali silang nagpicture taking. Ganon din sila Dean at Tisoy kasama ang mga kaklase ni Dean.
Ramdam ni Tisoy ang malakas na pagkabog ng dibdib niya. Kinakabahan siya, hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Si Rose naman, biglang nahiya at nanlalamig ang kamay. Mabuti na lang nakagwantes siya kaya hindi masyadong halata. Nagannounce na ang emcee na magsisimula na sila in a couple of minutes. Pinalabas na silang lahat sa lobby ng Ballroom. Kaya wala ng nagawa sila Rose at Tisoy para iwasan ang isa't isa. Hinila ni Leslie si Tisoy palapit kila Dean at Rose.
Tisoy: Hi!
Rose: Hello there!
Inayos ng organizer ang pila nila ayon sa registration na sinulat nila .Napunta sa bandang unahan sila Dean at Rose dahil una silang dumating at napunta naman sa likuran sila Tisoy at Leslie. Kaya nagkahiwalay din sila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro