Chapter 16 - The realization
Narinig nila ang boses ni Dennis... Papasok ito ng Venue kasunod si Denver, Dei, Evelyn at Therese. Sinalubong agad ni Yaya ang dalawang matanda at inihatid sa lamesa ng mga ito.
Dennis: WOW! ANG GANDA!
Tumatakbong lumapit ito kay Rose, niyakap siya ni Dennis.
Dennis: Ate, this is amazing! May mga lumulutang pa na ghost. Hala! Tsaka nandon si Voldemort sa door. Thank you talaga Ate!
Rose: You're welcome, as long as you are happy with what we did I am happy too. You will have to thank Tisoy too. He did a lot.
Lumapit si Dennis kay Tisoy, yayakap sana ito.
Tisoy: Oh wag na Den, amoy pawis si Kuya eh. Maganda ba? Idea ni ate mo lahat yan.
Dennis: SOBRA-SOBRANG GANDA!
Lumapit si Denver at Dei. Niyakap nila si Rose. Tinapik ni Denver sa balikat si Tisoy.
Dei: This is so beautiful darling!
Denver: You nailed it Baby! And thanks Tisoy for all the help.
Tisoy: Ok lang ho yon, Tita, Tito labas muna ako, magpapatuyo lang ako ng pawis.
Kinuha ni Rose ang malaking kahon ng regalo niya kay Dennis. Pinabuksan, tuwang-tuwa ito ng makita ang authentic na costume ni Harry Potter pati na ang wand at salamin. Nagtatalon si Dennis sa tuwa. Nagmamadaling binitbit ang kahon at hinila si Dei papasok ng kwarto. Sinundan sila ni Denver at Rose na tumatawa.
Kumuha ng isang robe si Rose sa mga nakahanger don sa kwarto. Iniabot niya ito kay Denver. Isinuot naman ito ni Denver.
Rose: Wow, Papa bagay sa yo ang robe ni Prof. Snape. Mama, this is yours ikaw naman si Prof. Mcganigal.
Nagtawanan sila. May mga pangalan kasi sa dibdib ang mga robe. Nilagyan din niya ng scar si Dennis sa noo at isinuot dito ang eye glass.
Rose: Mama, magbibihis po muna ako, pakidala na lang po si Dennis don sa photographer magpipicture taking pa sila eh.
Lumabas na ang mga ito. Nakasalubong nila si Tisoy.
Tisoy: Wow! Akala ko si Harry Potter ah ikaw pala Dennis.
Dumerecho na sila sa mga tables. Naupo si Denver at Dei sa lamesang pinuwestuhan nila Therese. Bitbit ni Rose ang robe para sa mga Lola niya at nakabihis na ito ng lumabas. Nakamaikling black na fleeted skirt, nakaputing long sleeves na polo, nakapatong ang gray sleeveless v-neck na sweatshirt at stripes na maroon at gold na necktie. Nagkasalubong sila ni Tisoy. Tinukso siya nito.
Tisoy: Hermoine ikaw ba yan?
Hinampas niya si Tisoy sa braso.
Rose: San ka punta?
Tisoy: Don na lang ako sa kwarto, may banyo daw yon, maghihilamos na lang ako.
Mayamaya, dumating si Mang Leo kasama si Aling Rio. Ipinakilala ni Mang Leo ito sa pamilya ni Rose at doon na pinaupo sa lamesa nila, kakwentuhan niya sila Evelyn at Therese. Pinuntahan naman ni Mang Leo si Tisoy, may dala itong tuwalya, at mga damit na pamalit.
Tisoy: Salamat ho. Mang Leo, paki samahan ang Nanay ko ha, baka po mahiya eh.
Mang Leo: Doon pinaupo nila Denver sa lamesa nila, huwag kang magalala at sasamahan ko.
Naligo at nagbihis si Tisoy.
Samantala, halos magkakasabay na nagdatingan ang pamilya nila Dean, Ed at Shane, Kenji at Monique at nila Leslie. Sa lamesa din nila Denver pinaupo ang Mama at Papa ni Leslie. Si lance naman lumapit agad at naupo sa tabi ni Dennis.
Dean: Oh nasan na si Tisoy?
Rose: Nandon sa kwarto, let's go para masuot na ninyo yung robe.
Pagpasok nila nakita nila si Tisoy na nakahiga sa kama at nakapaligo na, nakapikit ito.
Dean: Tol! Ano, napagod ka na ba?
Napatayo si Tisoy.
Tisoy: Hindi, nagpapahinga lang.
Rose: Cous, nadala mo?
Dean: Syempre, o Tisoy, palitan mo na yang, damit mo.
Inilabas ni Dean ang isang puting long sleeves na polo, maroon na sleeveless v-neck na sweatshirt, black na slacks, itim na medyas at black na leather shoes.
Dean: Ayan bro, kapareho yan ng suot ko blue nga lang ang sweatshirt ko. Sabi ko sa yo marami niyan si Daddy, yan sinusuot nila sa states eh.
Tisoy: Salamat Tol ha, kahit ano naman ok lang eh.
Dean: Hindi pwede kailangan, nasa theme ang itsura natin. Para pogi!
Pumasok sa banyo si Tisoy at nagbihis. Inilabas ni Rose ang tatlong necktie na kapareho ng suot niya at isang sweatshirt na gray kapareho ng sa kanya.
Rose: O best para pare-pareho tayo.
Leslie: Thanks best, alam mo ba ilang beses ko pang tinignan ang outfit nila sa movie. Wala akong fleeted skirt pero at least ito black.
Dean: Kaya pala mahaba din ang medyas mo Les eh. Oy ayos itong necktie.
Paglabas ni Tisoy, natawa siya.
Tisoy: Kakanta ba tayo?
Nagtawanan sila. Isinuot niya ang necktie at ibinigay ni Rose sa kanila ang mga robe nila. Ang kay Dean may pangalan na Neville, kay Leslie naman Luna at ang kay Tisoy, may pangalan na Ron at ang sinuot ni Rose may pangalan na Hermoine. Binitbit nila ang iba pang robe na para sa pamilya nila Rose.
Paglabas nilang apat ng kwarto, nakita sila ni Ryzza.
Ryzza: Look at that...
Itinuro sila ni Ryzza. Napatingin ang lahat sa kanila.
Dei: Awwww, they looked cute.
Lumapit sila sa lamesa nila Denver.
Rose: Look Mama, what do you think? Bagay ba sa amin?
Dei: Bagay na bagay.
Rose: Syempre, dapat kayo din lahat nakacostume.
Inabutan nila ng mga robes ang mga Tito at Tita nila Rose pati na si Evelyn at Therese. Tinawag ni Dei ang photographer at nagpakuha sila ng litrato. Pinilit din ni Dei na magpakuha silang apat nila Rose, Tisoy, Dean at Leslie. Pumwesto na sila Dean at Leslie sa registration table at si Rose at Tisoy naman nagikot para tignan kung ready na ang lahat. Eksaktong 3:30 nagpalabas ng appetizer at drinks si Rose para sa mga adults at binuksan na din ang mga food cart na pinilahan ng mga batang nagdadatingan.
Dumating din si Father Ben at ang childrens choir. Eksaktong alas kwatro ng magsimula ang program na sinimulan sa isang opening prayer ni Father Ben at pagbabasbas ng pagkain. Habang naglalaro ang mga bata, kumakain naman ng appetizer at umiinom ng wine ang mga adults. Kinanta ng Children's Choir para kay Dennis ang kantang "Bless the beast and the children". Nasarapan at nagenjoy din ang mga tao sa pagkain. Pinalabas din ang isang video na gawa ni Dean. Isang masayang birthday party ang naganap. Masayang masaya si Dennis, nagustuhan ng mga kaklase at kaibigan niya ang itsura ng lugar. Nagkaron din ng isang magic show, at pinatayo pa si Dennis sa harap ng magician at pinahawak ang kanyang wand. Sinasabihan siya ng magician na ikumpas ang kanyang wand at nangyayari ang magic nito. Kaya parang si Dennis mismo ang nagmamagic. Namangha ang mga bata ng palutangin ng Magician at ni Dennis ang isang maliit na mesa sa ere. Nagpalakpakan ang lahat. Lalong bumilib ang mga bata ng tawagin si Hagrid at pumasok ito sa Venue. Idinubsmash nito ang ilang scenes sa Harry Potter the movie. Tuwang-tuwa si Dennis.
Emcee: Bago mamigay ng loot bags si Dennis may isang activity pa siya para sa inyo. Meron din siyang pabitin. Nakikita ba ninyo kung nasaan?
Humindi ang mga bata.
Emcee: Ang request ni Dennis ipikit ninyo ang mata ninyo at takpan. Tapos pagbilang niya ng tatlo titingin kayo sa taas. Ok?
Sumagot naman ang mga bata.
Emcee: Ok sige, yuko na kayo, close your eyes at takpan. Dapat lahat ha, kasi hindi bibilang si Dennis hanggang hindi kayo nakatakip ng mata.
Habang nagsasalita ang emcee, hinawi ni Tisoy ang mga lobo na nakatakip sa itim na kumot. Tumayo siya sa tapat ng gitna ng kumot. Sinenyasan ni Tisoy na bumilang si Dennis.
Dennis: One, two, three
Hinala ni Tisoy ang itim na kumot at tumambad sa kanila ang 8 ft by 8ft na pabitin na gawa sa lubid. Punong-puno ito ng mga laruan at mga pagkain.
Dennis: Wow! Ang laki! Ang daming toys at food!
Nagtatalon ang mga bata at nagpalakpakan ang lahat.
Emcee: Grabe ang pabitin mo Dennis kasing laki ni Hagrid. Oh mga kids, hindi ninyo kailangang umalis sa pwesto ninyo at hindi ninyo kailangang mag-agawan kasi ang dami niyan. Basta talon lang kayo para marami kayong makuha. 1, 2, 3 go!
Ibinaba at itinaas ni Tisoy at ng Head waiter ang pabitin ng ilang ulit hanggang hindi nauubos ang mga nakasabit dito. Pati ang ilang magulang nakihila na din. Tawanan ng tawanan ang mga bata. Tinawag sa stage si Denver at Dei para sa kanilang wish kay Dennis at Thank you speech. Tapos si Dennis naman ang tinawag para magspeech.
Dennis: Thank you po sa lahat ng dumating sa party ko, you have made my birthday a happy one. Papa and Mama, thank you for paying for this party and for always showing me how much you love me. Lola My at Lola Nay, thank you for always taking care of me. I love you po. Father Ben thanks po for blessing this party and yung mga kasama ko po sa Childrens choir, thanks for that lovely song. Mga classmates, neighbors thanks for all the gifts and greetings. Kuya Dean, thank you sa paggawa ng Video. Sa mga relatives, Tito Damon, Tita Ryzza, Tito Ed, Tita Shane, Tito Kenji and Tita Monique and to all my cousins thanks for everything. Tatay Leo, Yaya, thanks and love you po. And to everyone who made this possible salamat po ng madaming madami. Ate Rose, you are the best Ate in the world talaga and I am so happy that you are here with us na. Thank you so much ate and love you walang halong bola. And para sa gigantic na pabitin, Kuya Tisoy, nasan ka ba? Ayun, siya po ang gumawa niya. Salamat Kuya, the best ka talaga. Lolo Tay, Lolo Dy and Lola Rosario, thank you for for always watching over me. Thank you Lord, and to God be the glory.
Nagpalakpakan ang lahat, namigay na ng loot bags si Dennis sa mga bata. Namigay naman ng giveaways si Rose at Tisoy. Naguwian na ang lahat ng bisita at puro kamaganak na lang ang nandon. Kasama ang Nanay ni Tisoy, Mama ni Leslie at si Father Ben, at nakaikot na silang lahat sa isang mesa habang ang mga anak naman na maliliit kasama ng mga Yaya, sila Dennis, Raine at Lance nasa isang mesa kumakain pa rin. Nakatayo sa di kalayuan sila Tisoy, Rose, Dean at Leslie. Nagkukwentuhan.
Dean: Cous, that was a very successful party. Tisoy, grabe ang laki ng pabitin ha.
Leslie: Oo the venue is amazing, best sa birthday ni Lance kapag may party tulungan mo ako ha.
Rose: Oo naman.
Tisoy: Idea ni Rose yang pabitin, buti nga natuwa si Dennis eh.
Pinagmamasdan ni Ryzza ang mga ito, lalo na si Tisoy. Natutuwa kasi siya dito.
Ryzza: Father Ben, matagal na ho bang Sakristan si Tisoy?
Father Ben: Oo, dose anyos pa lang nagsasakristan na siya.
Denver: Rio, mabait ang anak mo at laging maasahan.
Rio: Nakatulong ng malaki si Father Ben, para maging ganyan siya. Si Father Ben na kasi ang naging takbuhan niya. Kaya nga ata gustong magpari eh. Hindi naman sa ayaw ko pero dadalawa na lang kami mas gusto ko sana na magkapamilya siya para madagdagan naman kami at magkaapo ako.
Father Ben: Sinabi ko naman sa kanya na mahaba pa ang panahon, malalaman din niya ang talagang para sa kanya. Teka Rio, eh bakit hindi ka na lang magasawa ulit. Pwede pa naman, bata ka pa, you 're late 30's at maganda naman.
Rio: Si Father Ben talaga.
Dei: Pero may point si Father Ben. Hon, ipakilala nga natin si Rio sa mga ibang friends mo.
Nagtawanan sila. Biglang napatayo si Ryzza. Lumapit sa tabi nila Dei. Bahagyang hininaan ang boses.
Ryzza: Father Ben, pamilyar sa akin ang mukha ni Tisoy hindi dahil sa nakikita ko siya sa misa, naalala ko na kung saan ko siya nakita.
Dei: Saan?
Ryzza: Father, si Tisoy ba ang sakristan na kasama mo nung binasbasan mo si Tito Ted on his death bed?
Tumango si Father Ben.
Dei: So, si Tisoy yung nagconvince kay Rose to let go of her Lolo.
Shane: So, siya yung niyakap ni Rose?
Tumango-tango lang si Father Ben.
Father Ben: Noong hindi pa sila nagkakakilala napapanaginipan na ni Tisoy palagi ang tagpong yon. Ramdam daw niya na parang pinupunit ang dibdib niya sa bawat paghikbi ni Rose. Sa palagay ko, nung bulungan ni Tisoy si Rose, nakita ng Tatay mo Dei ang taong pwede niyang pagiwanan sa kanyang apo. Dahil nung yumakap si Rose sa kanya, ang nasabi lang ni Tisoy, "tahan na, nandito lang ako." Ganon kamahal ni Teodoro si Rose, hindi niya ito maiwan hanggang hindi niya nasisiguro ang kapakanan nito.
Denver: Papano mo nalaman yan Father?
Father Ben: Nung magkakilala na sila, akala ni Tisoy matatapos na ang mga panaginip niya pero hindi at napapanaginipan pa rin daw niya pero ngayon nakikita na niya ang mukha nito. Lumapit siya sa akin at itinanong ang ibig sabihin ng mga panaginip niya. Kaya noon pa lang Rio, alam ko na kung sino ang magiging kakumpitensya ng Diyos sa anak mo.
Rio: Yes! At least may chance akong magkaapo. Sorry Lord.
Nagtawanan silang lahat. Napatingin sa kanila si Rose at Tisoy.
Rose: Why are they laughing so hard?
Tisoy: Baka masaya lang yung pinagkukwentuhan nila.
Dean: Guys, nagugutom pa ako, kain ulit tayo.
Nagkatinginan si Tisoy at Rose, natawang pareho
Leslie: Oh bakit?
Tisoy at Rose: Hindi pa pala ako kumakain.
Leslie: Aba eh, let's go kumain na!
Inilahad ni Tisoy ang kamay sa harap ni Rose... at tinignan ito.
Tisoy: Let's go?
Ihinawak naman ni Rose ang kamay niya sa kamay ni Tisoy.
Rose: Tara let's! Oh tagalog yon.
Natawa si Tisoy, magkahawak kamay silang naglakad papunta sa buffet table. Nakita yon ni Ed, itinuro niya ang mga ito sa lahat. Napatingin naman ang lahat kila Rose at Tisoy.
Damon: Hala, Father, mukhang tagilid ka!
Lalo silang nagtawanan.
,
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro