Chapter 15 - Knight in shining armour
Alas diyes kinse ng makarating sila sa venue. Wala pang tao don kaya inilabas na nila ang isang telang itim na nakarolyo. Itinali ang mga laruan at goodies na inihanda nila para don. Halos kalahati ng venue ang nasakop ng pabitin na gawa sa lubid. Nagpatulong si tisoy sa staff ng Venue na ikabit ito sa kisame ng lugar. Tuwang tuwa si Rose ng makita ito. Sinubukang ibaba at itaas ito ni Tisoy, pumalakpak si Rose at nginitian siya ng pagkatamis-tamis.
Staff: Ayos yang pabitin mo Sir, giant eh.
Tisoy: Yan ang gusto nung manager eh.
Tinakpan ng itim na tela ang pabitin. At saka pinalipad sa ilalim nito ang mga lobo ng may nakacurl na ribbons pababa. Nagmukhang design lang ito.
Dumating na din ang Hizon's catering at inayos ang lugar. Sa pinakastage ang backdrop ay plywood na pinintahan ng mismong itsura ng harapan ng Hogwarts. May human size na standee ni Dumbledor na nakatayo sa tapat ng pinto nito. Sa gilid sa bandang kanan ng stage may kahoy na tower sa ibabaw nito ang sorting hat at may witches broom na nakasandal sa harap ng concrete tower. May hawlang puti na may puting kuwago sa loob. Sa bandang kaliwa naman ang cake table.
Sa likod ng Venue sa bandang kanan inilagay ang photobooth backdrop isang plywood na pinintahan at pinagmukhang bricked wall - ang pader may nakasulat na Platform 9 3/4 - nagmukha itong replica ng dinadaanan nila Harry Potter para makapunta sa plaform ng Hogwarts Express, may kalahating shopping cart pa ito na nakadikit sa backdrop. Sa bandang kaliwa naman ang buffet table na may nakahiwalay na salad bar at dessert bar.
May human size na mouning Mirtle, fat lady at headless horseman na isinabit sa kisame sa tapat ng mga tables para sa adults nagmukha itong ghosts na nakalutang sa hangin dahil clear na nylon ang ipinangsabit dito. Pagpasok ng pinto may human size na Voldemort sa kaliwa kung saan nakalagay ang registration table sa harap nito. Nanood sila Rose at Tisoy habang inaayos ang lahat ng ito.
Tisoy: Wow, ang galing naman ng decorations.
May mataas na white and red na balloon pillars sa magkabilang gilid ng stage. May maliliit na lamesa sa mismong stage, sa isa nakalagay ang mga giveaways at prizes at sa kabila naman daw ang mga gifts. Ipinatong ni Dei ang regalo niya, isang malaking kahon ito. Naiayos na din ang table para sa cake. Ang itsura nito pinagpatongpatong na mga libro ang ilalim at nasa ibabaw ang sorting hat, napapaligiran ito ng cupcakes na may maliliit na sorting hat sa ibabaw. Kaso hindi maipatong ang cake sa table dahil mas mataas ito sa balloon arc na nakadesign. Nagpanic si Rose.
Rose: That can't be! How can we put the cake on there?
Tisoy: Oh cool ka lang, kung alisin na lang natin yung baloon arc? Maganda naman na yung cake itself kahit walang design na baloon eh.
Umiling si Rose, nakasimangot. Tinawag ni Tisoy ang Headwaiter. Tinanong kung pwede pa nilang pataasin yung arc, pwede naman daw.
Tisoy: Paki na lang Kuya, kahit may additional cost basta dapat mas mataas sa cake yung balloon arc.
Pumayag naman yung Headwaiter, ok lang daw at libre na lang din. Napatalon sa tuwa si Rose at niyakap si Tisoy. Mabilis na natapos ang pagaayos. Nakaupo si Rose ng lapitan ng Waiter.
Headwaiter: Ms. Rose, before the party po habang naghihintay na magsimula ang program may iseserve po ba tayong appetizer and drinks lalo na po sa mga Adults.
Rose: Oo nga no? Sa kids kasi yung hotdog, popcorn at french fries. Kuya, nawala yon sa isip ko. I can buy pero anong maisusuggest mo?
Headwaiter: yun pong bread pan and nachos, pwede akong gumawa ng dip, mayonaise, sour cream at tuna flakes, powder pepper at white onions.
Isinulat ni Rose ang sinabi ng Headwaiter
Rose: Ok po, tapos wine na lang and iced tea?
Headwaiter: Yes Mam.
Bumalik na ang Headwaiter sa ginagawa niya. Naiiyak na si Rose, magaalas dos na, wala pa yung lechon, tapos kailangan pang bumili ng mga appetizers at wine. Pati yung robes na ipinatahi niya hindi pa din dumarating. Walang kamalaymalay si Tisong na masayang lumapit sa kanya.
Tisoy: Ok na yung set up ng Mcdo para don sa kids area. Dumating na din yung Hagrid Mascot. Naiexplain ko na din yung games and prizes na may mga pangalan yun for each game tapos yung mga walang names para sa mga games na iaadd nila. Everything is ready na and we still have an hour and a half left.
Rose: Everything for the kids are ready pero yung sa adults hindi, I forgot the appetizers and drinks. I'm so stupid talaga!
Tumulo ang luha nito, inis na inis sa sairli na pinahid ang luha.
Tisoy: Hey, oh huwag kang umiyak, we still have time. Don't stress yourself out. Ano ba ang bibilhin? Lalakad na kami ni Mang Leo.
Rose: Here is the list, siguro buy 10 box of nachos and 20 pcs. nung bread pan buy the biggest pack. Tapos 2 packs ng mayo at sour cream. Tapos 5 bottles ng white wine at red wine. Here's 10 thousand pesos, hindi ko alam how much per bottle yung wine eh. The rest bahala ka na.
Tisoy: Sige, bibilhin ko na muna ito.
Rose: But you still have to go home and change and pick up Tita Rio.
Tisoy: Gagawin ko yan kapag natapos na lahat dito ok lang na malate kami ni Nanay, pwede naman magsimula ang party ng wala kami. What else is missing?
Rose: Yung lechon at yung mga robes.
Tisoy: O tawagan mo na sila at alamin mo kung nasaan na baka naman papunta na eh nagaaalala ka sa wala.
Rose: Ok I will.
Tisoy: Pwede ba, don't cry. Maayos natin lahat yan.
Pinilit niyang ngumiti. Ngumiti na din si Tisoy at tumatakbong lumabas ng venue. Hinanap si Mang Leo. Nakita naman niya ito agad.
Tisoy: Mang Leo, saan ang pinakamalapit na grocery at wine store?
Mang Leo: Dalawang kalsada mula dito merong wine store tapos sa di kalayuan may grocery din bakit?
Tisoy: Nakalimutan ni Rose ang appetizer at drinks ng adults, ayun umiiyak na naman. Halika na bumili na po tayo, unahin natin yung wine store para maibalik na ninyo dito. Tapos sunduin na ninyo si Nanay.
Mang Leo: Eh, ikaw?
Tisoy: Kaya ko na hong bumalik dito dalawang kalsada lang naman eh. At hindi na ho ako magbibihis kukulangin na tayo sa oras kapag hinintay pa ninyo ako.
Ganon nga ang ginawa nila. Nagulat si Rose ng makitang bitbit ni Mang Leo ang mga wine at inaabot sa Headwaiter, nilapitan niya ito.
Rose: Tay, nasan si Tisoy?
Mang Leo: Nagpaiwan na sa grocery mahaba kasi ang pila, ipinadaaan na ito dito para mapalamig at kaya na daw niyang bumalik ditong magisa, sunduin ko na lang daw ang Nanay niya at hindi na siya magbibihis. Huwag ka na ngang malungkot at natataranta si Tisoy kapag umiiyak ka eh. O sige na, susunduin ko na si Rio.
Pagtalikod ni Mang Leo, tinawagan ni Rose si Dean.
Dean: Hello Cous! Kamusta? Ready na ba dyan?
Rose: Yah, everything is fine with the help of Tisoy.
Dean: Talaga, mabuti naman may nakatulong ka. Anong oras na, bakit hindi pa siya nagpupunta dito para magbihis.
Rose: Cous, yon nga I forgot somethings and Tisoy went to buy them sa grocery so hindi na siya aabot dyan at ayaw na ding pumunta para magbihis ok na daw yung suot niya. Eh he's been wearing that since last night. Can you do me a favor?
Dean: Sure, ano ba yon?
Rose: The clothes that you have for him to wear can you just bring them na lang? Pati rubber shoes ha, kasi he's wearing sleepers.
Dean: No, problem Cous. Don't worry, ilalagay ko na lang sa knapsack and we are on our way.
Dumating na ang lechon, inayos na ng waiter sa table nito. Dumating na din ang mga robes. Nang makabalik si Tisoy, pawis na pawis ito dahil ang dalawang kalsada palang sinasabi ni Mang Leo, napakahahabang kalsada. Humihingal itong inabot ang anim na plastic bags na bitbit niya sa Headwaiter.
Tisoy: Paki prepare na yung dip Kuya. Eksaktong 3pm magdaratingan ang mga bisita.
Nakita ni Tisoy na kausap ni Rose ang nagdeliver ng mga Robes, ipinasok nila ito sa kwarto na nasa gilid ng venue. Habol ni Tisoy ang hininga at basang-basa ng pawis ang t-shirt nito. Nakita siya ni Rose. Tinawag ang waiter para humingi ng iced water.
Rose: What happened to you? You're sweating.
Inabot ni Rose ang tubig na malamig kay Tisoy. Ininom naman ito bago siya sinagot.
Tisoy: Nilakad at tinakbo ko pabalik dito. Ginagawa na nila yung dip. Ano ok na ba lahat?
Rose: Yah, ok na.
Umupo si Rose sa tabi ni Tisoy. Lumipat naman ng upuan si Tisoy.
Tisoy: Pinagpapawisan ako, huwag kang dumikit sa akin.
Ipinatong ni Rose ang kamay niya sa kamay ni Tisoy na nakapatong sa sariling hita at pinisil/
Rose: Tisoy, thanks for being here, for helping out and for everything.
Tisoy: Pinisil din ni Tisoy ang kamay niya. Wala yon, di ba nga ang magkaibigan nagtutulungan.
Rose: Basta! Thank you pa din.
Tumayo si Rose at biglang hinalikan si Tisoy sa pisngi. Nagulat si Tisoy at natulala. Hinabol na lang ng tingin ang papalayong dalagita.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro