HEWS III
-----------------------------------------------------------
kzm/17 : First Round of Editing - Done
-----------------------------------------------------------
Sky.
"Sorry, I'm late. My uniform got stained, because of orange juice."
Nilingon ko siya.
What?!
Na-estatwa ako sa aking kinauupuan.
Hindi ako nakagalaw at parang umakyat lahat ng dugo ko sa aking ulo.
Nanatili ako sa ganoong posisyon. Hinayaan ko nalang ang aking sarili na tignan siya sa Peripheral Vision ko.
Nakita ko siyang umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. Umiiling-iling ito.
What the?! Totoo ba talaga 'to?!
"Magpasalamat ka sa mga kaibigan mo. " Madiin niyang pagkakasabi.
Napalunok ako.
I know he is pertaining to Yami and Thylane.
"I'm really sorry. I didn't mean that. " Hinarap ko siya.
Walang mangyayari kung papairalin ko pa 'yong pride ko. Kasalanan ko naman talaga e.
"Tch. Reasons." Umiiling-iling pa rin ito .
Nakakainis siya! Humihingi na nga ako ng sorry e. Alam kong kasalanan ko, pero masakit masabihan na puro rason lang ako.
"Hindi ko talaga sinasadya. Sorry, " saad kong muli.
Naiinis ako sa totoo lang. Pero imbes na pairalin ko pa 'yong inis ko, hinayaan ko nalang.
Napabuntong hininga ako.
"Okay, dear contestants, we will start now. " Ibinalik ko ang aking tingin sa harapan nang marinig ang announcement galing sa speaker.
Inayos ko ang aking sarili at umayos na rin sa pagkakaupo.
"Relax, Sky. Focus ka sa debate. Kaya mo 'yan." Bulong ko sa aking sarili.
"For the first pair, Yvette Soriano and Alex Martin. Please proceed here in front," saad ng speaker.
Tumayo ang isang lalakeng nasa unahan at pumunta kaagad sa harap. Tumayo rin ang babaeng nasa tabi ko. Siya siguro si Yvette.
Mukha silang palaban pareho. Hindi ko tuloy maiwasang isipin 'yong katabi ko ngayon. Mukha siyang nangangain e.
Dahan-dahan ko itong nilingon. Mahirap na. Baka mamaya mapansin na naman niya ako at sabihan pa ng kung ano.
Tinitigan ko siya nang tuluyan ko siyang malingon.
Pogi naman, in fairness. Moreno siya. Sobrang tangos ng ilong niya. Sobrang ganda ng hairstyle niya, at mukhang malambot ang buhok nito. Idagdag mo na rin yung mata niya na sobra kung mangusap. At tiyaka yung kissable lips niya!
H-ha?! Kissable lips?!
Natampal ko ng wala sa oras ang braso ko.
"Sky, tumigil ka nga!" Bulong ko sa aking sarili at tinapik-tapik ang aking mga pisngi.
Ugh! Para na akong ka-uri noong mga babae sa C.R. dahil sa mga pinagsasabi ko.
"Sky, huwag kang ganiyan," saad kong muli at mas nilakasan ang mga tapik.
"You know, you look like crazy right now."
Napatigil ako nang marinig ko siyang magsalita.
"Ay, grabe ka kuya! Maka-crazy ka naman diyan!" Bulyaw ko sa kaniya at napatawa lang ito.
Nakakainsulto 'yong tawa niya! Nakakagigil!
"I don't know what are you up to . But seriously speaking, you look crazy," saad nito at binigyan ako ng nalalakokong ngiti.
Napaka talaga!
"Hindi ba puwedeng kinakabahan lang?!" Pasigaw kong sagot.
Nakakataas ng presyon ng dugo 'yong presensiya niya! Kung 'yong iba, baliw na baliw sa kaniya, pwes ako hindi! Nagiging abnormal lang 'yong blood pressure ko.
"Oh. So you're nervous huh?" Pang-aasar niya lalo. Tinataas-taas pa niya 'yung kilay niya.
Umiinit talaga ang dugo ko sa isang 'to.
"What's wrong about being nervous?" Pagtataray ko naman sa kaniya.
"I don't know, because I don't feel it." Sagot na naman niyang muli.
Grabe! Ang lakas nga naman talaga noong hangin dito. Dinaig pa 'yung aircon dito sa Event's Hall.
"Napakayabang nga naman po, opo." Sarcastic kong sagot sa kanya.
"Who? Me? " Tanong niya sabay turo sa kaniyang sarili.
Napaka-obvious na ngalang, tatanungin pa.
"Ay hindi, hindi. Baka 'yung security guard doon sa gate. " Pagtataray kong muli.
Hindi ako nagtataray sa kahit na sino. Pero parang magiging exemption ata 'tong isang 'to.
"Wow! Let me remind you , miss. Ikaw lang naman 'yong nagtapon ng Orange juice sa damit ko. Ikaw pa 'tong may ganang sumagot sa akin? " Sumbat niya sa akin.
Napapikit ako ng mariin .
Huminga muna ako ng malalim bago ko iminulat ang aking mga mata. Tinignan ko siyang muli.
"You know what, Mr. Tuazon. I am 100% aware na may nagawa akong kasalanan sa'yo. Nag-sorry na ako, multiple times."
Tumigil ako saglit.
Inantay ko ang magiging reaksiyon niya, pero wala. Napabuntong hininga nalang ako at nagsalitang muli.
"Isa lang ang pakiusap ko sa'yo. Sana kung may galit ka sa akin, tratuhin mo ako sa kung anong nararapat mong itrato sa akin. Hindi 'yong lahat ng galit mo sa mundo, ibubuntong mo sa akin." Napatigil akong muli. Tinignan ko siya at nakatingin lang ito sa akin. Wala pa ring reaksiyon.
Hindi ko alam kung manhid siya o sadyang ganiyan lang talaga siya.
"Galit ka sa akin? E di magalit ka. Alam ko namang may kasalanan ako. Pero sana wag mong ipagdamot 'yong respeto mo sa akin, dahil lang sa orange juice na hindi ko naman sinasadyang matapon sa'yo." Pagpapatuloy ko.
Dedma pa rin ito kaya pinili ko na lang na panoodin ang nag-dedebate sa harapan.
Andami ko tuloy na-miss dahil lang sa pakikipagtalo ko rito sa mokong na 'to.
"There you have it. Thank you Yvette Soriano and Alex Martin for that breath-taking debate." Pag-aannounce ng speaker. Nabalot din ng palakpakan ang silid.
Ano ba yan?! Tapos na pala.
Napasimangot nalang ako.
"Now , for the next battle,"
"Gael Reagan Tuazon and Sky Xaia Asuncion. "
Sht! Ito na!
I was expecting this, but not this early. Akala ko mamaya pa.
"Please proceed here in front. "
Tumayo ako at pupunta na sana sa harapan nang biglang may humigit sa aking braso at pumigil sa akin.
"Good luck, sayo." Binigyan niya ako ng mapang-asar na tingin.
"Bitawan mo nga ako!" Pilit kong binabawi 'yung braso ko sa kaniya.
"Sungit mo ah? I'm just sending you a good luck. Baka kasi umiyak ka mamaya." Pang-aasar na naman niya.
Hindi ata ako titigilan ng isang to!
"Yabang!" Nilakasan ko ang pagbawi ng aking braso, at suwerteng nabawi ko naman ito.
Inirapan ko siya at tuluyan nang tinungo ang harapan. Ramdam ko naman ang pagsunod nito sa akin.
Pumwesto ako sa isang lokasyon ng microphone. Pumwesto naman siya sa isa pang microphone na nasa harapan ko lang.
"Okay, Mr. Tuazon and Ms. Asuncion. Here's your topic. " Paninimula ng speaker.
Kinakabahan ako sa totoo lang. Pero hindi ko na pinahalata at baka asarin na naman ako ni Mr. Yabang.
"Who are better? Men or Women?" Tanong ng speaker.
Grabe yung topic. Sobrang lalim. Up to now, hindi ko pa rin alam kung bakit pinagtatalunan 'yan.
"Mr. Tuazon, ikaw sa men's side. Ms. Asuncion, ipaglaban mo ang women's side."
Tumango kaming pareho.
"Gael Tuazon, the stage is yours," saad ng speaker bilang hudyat na sisimulan na ni Mr. Yabang na ipaglaban ang side niya.
"Sa skills palang sa trabaho, wala na. We all know that men are much better than women." Napatigil ito.
"Men can do many things, that women can not. Heavy works, Dangerous activities, and many more. Why? because we, men, are more credible than women as always. " Pagpapatuloy nito.
"I bet to disagree," ani ko.
"You, men, can't live without us . " Paninimula ko.
"Who gives your needs? Us. " Pagpapatuloy ko.
"I'm sorry, Mr. Tuazon. But we can also do heavy works, same as yours."
"Hindi lang 'yun. We also cook, care, do the laundry, do the ironing. Kapag hindi niyo alam, saan ang una niyong punta? Sa amin. " Pagpapatuloy kong muli at tinitigan siya sa mata.
"Aminin man natin or hindi, women are weaker than men. " Sagot naman nito.
"So you are not weak huh? You just look stronger , because of your physical appearance. But with all due respect, women are better than you. " Sumbat ko.
"I didn't say that we are not weak. I just said that you are weaker than us. " Sagot niyang muli.
"We may adm---" Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang biglang nagsalita ang speaker.
"STOP! " Malakas na sigaw nito.
"That's enough for us to hear. Thank you Mr. Tuazon and Ms. Asuncion. You may now go back to your designated seats."
Hala, ang bilis naman no'n. Masyado ata naming nasobrahan 'yong sagutan.
Nagbow nalang kaming pareho sa audience.
Binalingan niya ako kaya inirapan ko nalang siya.
Nakakainis pa rin talaga!
Bumalik na ako sa aking upuan at ganoon din ang ginawa niya.
Buong durasyon ng debate, nagsasamaan lang kami ng tingin. Ilang pares na 'yong nagdebate pero hindi ko pa rin mawala 'yong inis ko sa kaniya.
Sinusungitan niya ako kaya sinasabayan ko nalang siya. Ganoon kaming dalawa hanggang natapos na 'yong huling pares.
"Okay guys, here are the results." Announce ng speaker.
Agad akong nagdasal na sana kung hindi man ako manalo sa debate na 'to, sana deserving 'yong manalo.
"So we got the winners by looking at your scores."
"Third place goes to Yvette Soriano , College of Technology." Masiglang sabi ng speaker.
Napasigaw naman sa sobrang saya itong katabi ko. Agad siyang pumunta sa harapan at kinuha ang kaniyang mga award.
"The second place goes to.." Binuksan niya ang isang envelope na naglalaman ng isa pang resulta.
Nakakatense naman to! Nakakakaba!
"Oh, I'm sorry." Napatigil siya.
"We don't have a second placer and a first placer. "
Nabalot ng bulungan ang paligid. Napakunot ako ng noo.
Ano? Bakit?
"Because we have a tie!"
"Congratulations, Gael Reagan Tuazon and Sky Xaia Asuncion! "
What?!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro