Page 9
Page 9
---
Nagkamali yata ako. Hindi yata oo ang ibig sabihin no'n. Ayen, iniiwasan mo ba ako? Naiilang ka ba sa'kin? Bakit hindi mo na ako pinapansin?
Kanina nakita kitang papasok sa school, ang dami mong dala kaya tumakbo ako papalapit sayo para tulungan kita. Pero sabi mo kaya mo kahit medyo mahuhulog na 'yong iba mo pang dala.
Noong recess naman, binilhan kita ng pagkain pero tinanggihan mo kasi busog ka, ganoon din sa lunch. Paano ka nabusog, hindi naman kita nakitang kumain?
Nitong uwian nakita kitang pumasok sa isang resto, sinundan kita doon at nakita ko kung paano mo sunggaban ang mga pagkaing inorder mo.
Sinusubukan mo lang ba ako kaya ka gan'yan? Siguro nga. Hindi bale, hindi naman kita susukuan!
-PJ
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro