Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Page 4

Page 4
---

     Alam mo bang hanggang ngayon ang lapad pa rin ng ngiti ko? Hindi naman kasi porket lalaki, hindi na pwedeng kiligin.

     Kapag talaga naka-tyempo ako, kikidnapin kita. Gagawin kitang display dito sa bahay namin para araw-araw inspired ako dahil sayo.

     Hindi mo lang alam kung anong pagpipigil ang ginawa ko kanina para hindi makurot ang namumulang pisngi mo.

     Pasensya na, pinagtripan ka ng kaibigan kong si Prix. Hindi ko naman kasi alam na itutulak ka niya papunta sa'kin, na out of balance ka tuloy. Mabuti nalang nasalo kita! Actually, kahit hindi ka pa nahuhulog, nasalo na kita.

     Sana ikaw gano'n din. Sana saluhin mo rin ako, kasi matagal na akong na out of balance sayo.

     Ayen, huwag kang matakot mahulog sa'kin. Pangako hindi ka masasaktan.

-PJ

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro