Page 3
Page 3
---
My best friend Prix saw this diary of mine, mabuti na lang naagaw ko kaagad kaya hanggang first page lang ang nabasa niya. Kung magkasya lang sana siya sa bag ko, pinasok ko na siya. Ang kulit, sobra!
Simula nang mabasa niya ang diary ko, hindi na siya tumigil katutukso sa'kin. Kaya nga lagi kong dala 'tong diary ko para maligtas sa kamay ng pakialamera't pakialamero pero wala. Iba talaga ang skills ni Prix sa pangingialam ng gamit.
I know I turned red everytime na tinutukso ka niya sa'kin. I wanted to punch his big mouth, kaya lumabas nalang ako ng room bago ko siya ma-suntok sa sobrang kilig at asar. Nakakabakla.
And then boom! Lahat ng ka-badtripan at asar ko sa katawan nawala. Alam mo kung bakit? Kasi nakita nanaman kita. Nasa labas ka ng classroom niyo, nakikinig ka ng music. Kung kantahan kaya kita? Makikinig ka ba?
I'm enjoying my view right now, but you turn your head and meet my gaze. Then you smile muntik na akong mabulunan sa sarili kong laway. That was the very first time you smiled at me. Kahit limang segundo lang 'yon at oo binilang ko, feeling cloud nine na ako! Ito na yata ang pinakamasayang limang segundo ng buhay ko.
Ayen, ngitian mo ako ulit bukas ha!
-PJ
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro