Page 2
Page 2
---
Nakatingin ako sayo kanina mula sa malayo, hinihintay kong lumingon ka pero hindi mo ginawa. Pero okay na rin 'yon, hindi ko rin kasi alam ang gagawin ko kapag tumingin ka sa'kin.
Bakit ba kahit nakatalikod ka ang ganda mo pa rin? Kung paano sumabay ang itim at mahahabang buhok sa galaw mo. Kung paano marahang kumembot ang beywang mo sa tuwing naglalalad ka. Lahat perpekto!
Hindi ko namalayan, sinusundan na pala kita. Pumasok ka sa Cafeteria at umorder ka nanaman ng paborito mong burger at choco hot fudge shake.
Ang clumsy mo talagang kumain, pero ang cute mo pa rin. Paano mo ba nagagawa 'yon?
How can you make my heart pound like this as if I run a hundred miles? May magic ka ba? Pahiram nga ako para magamit ko rin sa'yo nang magustuhan mo rin ako.
Ayen, sana dumating ang araw na mapansin mo rin ako.
-PJ
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro