Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Page 15

Page 15
---

     Gusto kong suntukin 'yong kapatid ko kanina kasi ang aga-aga niyang mambulabog. Pero noong sinabi niyang nasa salas ka at naghihintay daig ko pa si flash sa sobrang bilis ng pagkilos.

     Sabi ko na nga ba, babawi ka e.

     Excited na ako sa surprise mo! Pero hindi ko naman inexpect na sobrang magugulat ako sa surprise mo. 'Yung surprise mo kasi, nakakaiyak.

     “I want break up. Let’s stop this relationship.”

     Bungad mo sakin nang makalapit ako sayo. Tapos na ang april fools, hindi ba? May na nga e.

     Hindi pa man ako nakakapagsalita, tumalikod ka na agad at umalis. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

     Sa unang pagkakataon, umiyak ako sa harap ng kapatid ko.

     Ayen, bakit ka bumitaw? Bakit ganoon kadali?

-PJ

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro