Page 14
Page 14
---
Sobrang excited ako sa araw na 'to!
Happy eight months of love, Ayen! Alam mo ba kung paano ako nataranta pati na rin si Prix kanina habang inaayos ang set up ng date natin?
Humingi pa kami ng note sa office para magamit 'yong rooftop. Alam kong favorite color mo ang red kaya nanghiram pa kami ng tela sa HRM Department, mabuti nalang cute raw ako kaya sila na rin ang nag skirt sa table na gagamitin natin. 'Yong kapatid ko naman ang nagluto para sa dinner nating dalawa, todo suporta yon at botong-boto sayo. Nakakatuwa nga e.
Kinabit na rin namin ni Prix ang mga lights at inarrange ang scented candles sa sahig na nakapormang puso tapos may I love you, sabi kasi ni kapatid effective raw magpakilig 'tong ganito. Naku! Kapag hindi ito tumalab sayo, kukutusan ko talaga 'yon. Nagkalat rin ako ng pink and red roses' petals sa sahig. Niready ko na rin ang projector na maglalabas ng slideshows ng stolen shots mo.
Sobrang kinakabahan ako habang pinagmamasdan ang pinaghirapan namin nina Prix.
Pero nakakalungkot, kasi hindi mo man lang nakita kasi may pinuntahan ka.
Hindi ko tuloy alam kung ano kayang naramdaman mo kapag nakita mo 'to. Matutuwa ka kaya?
Hindi bale, kinuhanan ko naman ng litrato, ipapakita ko nalang sayo kapag hindi ka na busy.
Mas maganda sana kung nakita mo 'to ng personal. Sayang, Ayen kahit sinilip mo lang sana saglit bago ka pumunta kung saan man 'yang lakad mo.
Sorry, hindi ko lang maiwasang magtampo.
-PJ
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro