Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 33

CHAPTER 33


I couldn't still believed that I am seeing him right now in front of me. Iyong nararamdaman ko four years ago sa kan'ya ay tila agad kong naramdaman ngayon. S'ya pa rin kahit ilang taon na ang lumipas.

Masyado akong nagulat para makapagsalita sa kan'yang harapan. Hindi ko napaghandaan kung ano ang iaakto ko at ano ang unang salitang sasabihin ko kapag nakaharap ko na s'ya.

"Pakitingin lang po ng aso ni Ma'am, Doc. Nanghihina na, oh," basag ng lalaking kanina pa nagsasalita na ngayon lamang kami natauhan ni Zahiro. Para bang may sarili kaming mundo at bigla lamang umepal ang lalaking ito.

Tumikhim si Zahiro, hindi n'ya inalis ang tingin sa akin. "Ipasok mo s'ya sa kuwarto at paki higa na lang sa higaan," aniya at nauna nang pumasok sa kwartong sinasabi n'ya.

Kahit hindi makapaniwalang nakikita ko s'ya ngayon ay napasunod ako sa kan'ya. I need to act normal in front of him. Pero medyo mahirap pala kapag s'ya na ang kaharap ko. Sino bang hindi matataranta kung bigla na lamang nagpakita ang kanilang ex na mahal pa rin hanggang ngayon? Syempre isa na ako ro'n.

Pinahiga ko na ang aso kong si Amo sa kama, iyong higaan ng mga pasyente na aso. Agad akong umupo sa sofa sa gilid nang lumapit banda sa akin ni Zahiro. Hindi pa ako handa! Time freeze muna!

Ngunit napahiya lamang ako. Akala ko lalapitan n'ya talaga ako! Iyon pala ini-examine na n'ya ang aso ko.

Tahimik lamang ako sa aking inuupuan habang pinagmamasahan ang ginagawa ni Zahiro. He really pursued his dream to become a doctor of animals. Nakikita kong bagay sa kan'ya ang profession n'ya. Mahilig talaga s'ya sa animals noon pa man, lalo na ang aso.

"Anong nangyari sa aso mo?" biglang tanong n'ya na ikinabigla ko, nakabawi rin kaagad.

"Hinihingal s'ya kanina at hindi rin n'ya kinain ang pagkain na iniwan ko. Nanlalanta ang kan'yang katawan nang binuhat ko s'ya kanina," sagot ko rito, medyo kinakabahan ako na baka malala ang sakit ni Amo.

Tumango-tango si Zahiro at may kung anong ginagawa sa aso ko. Hinintay ko na lang hanggang sa matapos s'ya.

"Baby."

Bigla akong napatayo sa pagkakaupo nang tawagin n'ya ang pangalan ko. Nickname ko iyon pero parang iba ang way na pagkakatawag n'ya. Noon ganitong klaseng boses ang tawag n'ya sa akin kapag endearment talaga na 'baby' ang tawag sa akin.

"A-Ano ang symptoms n'ya kung bakit s'ya nagkakaganito?" tanong ko.

Inalis n'ya ang gloves n'ya, binalingan ako ng tingin. Parang nag-sway pa ang buhok n'yang nakabuhaghag nang lumingon ang ulo n'ya sa akin. His hair was still long, but even it looks like a hair of women, he looks manly to me.

"Let's take a sit first," aniya at lumapit s'ya sa akin. Umupo s'ya bigla sa sofa na inuupuan ko kanina, tinapik n'ya ang sofa na nasa gilid n'ya. "Umupo ka rito."

Medyo nataranta naman ako na umupo sa kan'yang katabi.

"Causes kung bakit nagkakaganito ang aso mo is because of dehydration, he lack of water. Kaya na sabi kong dehydrated ang aso is because sa symptoms n'ya na na-lo-loss ang appetite n'ya na kumain, gaya sa sinabi mo kanina. Then hinihingal s'ya at nawawalan ng gana na kumilos," pagpapaliwanag n'ya. "Pinapainom mo ba s'ya palagi ng tubig?"

Nanlulumo ma umiling ako. Mas madami ang pagkain na binibigay ko kaysa sa tubig. Wala akong alam sa pag-aalaga pa ng hayop dahil ngayon pa lang ako nag-aalaga.

"Dapat marami ang tubig ang binibigay mo sa kan'ya, lalo na kung may pinupuntahan ka, dapat maging handa ang tubig para sa aso. Importanteng umiinom ang mga hayop ng tubig in order to allows the cells in your dog's body to absorb nutrients. At saka mainit ang panahon ngayon."

Napatango naman ako sa kan'yang sinabi habang pinapakinggan s'ya. Kahit medyo distracted ako sa boses n'yang tila anghel tapos ang mga tingin n'ya pa nakatingin sa akin ay pinilit ko talaga na intindihin ang sinabi n'ya.

"H-Hindi naman malala siguro ang sakit n'ya? Magiging okay naman s'ya, 'di ba?" nag-aalala kong saad.

"Don't worry, hindi naman gano'n kalala ang sinapit n'ya. Basta painumin mo s'ya at ipuwesto sa hindi gano'n kainit na higaan," aniya pa na ikinahinga ko nang maluwag.

Nang tignan ko ulit ang kan'yang mukha ay naabutan ko ulit ang mga tingin n'ya na hindi maalis sa akin. Napalunok ako sa sariling laway. Kanina pa s'ya ganito, ah.

"Ma'am? Nakalimutan n'yo pala na ilagay ang information tungkol sa aso n'yo at perma n'yo na rin po."

Bigla ulit sumulpot ang lalaking iyong nakausap ko kanina sa loob ng kuwarto kaya naputol ang pagtitig namin sa isa't isa. Hindi nakatakas sa aking paningin nang umigting ang bagang ni Zahiro at salubong ang kilay na nakatingin sa lalaki.

Tumayo ako sa pagkakaupo at sumunod sa palaki palabas ng kuwarto. Medyo labag pa sa loob ko na umalis sa tabi ni Zahiro. Kahit tignan ko lamang s'ya ay tila gumiginhawa ang pakiramdam ko.

Ngunit kahit papaano masaya ako na sumunod si Zahiro sa aking likuran. Binigay sa akin ng lalaki ang patient's information para i-fill up ko. Ramdam kong nasa tabi ko lamang si Zahiro, nakatingin sa aking ginagawa.

"Iyong may mga checks lang po, Ma'am, ang susulatin n'yo," paalala ng lalaki na ikinatango ko.

Bahagyang yumukod ang katawan ko para makapagsulat sa lamesa. Nasa kalagitnaan ng pagsusulat ko ay bigla lamang may kamay na humawak sa aking kanang beywang, nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan.

Kahit hindi ko tignan ay alam kong pamilyar ang katawan ko sa kamay na nakahawak sa akin. Kasabay ng pagbilis ng pagtibok ng puso ko ay gano'n din kabilis ang pagsusulat ko.

"H-Heto, tapos na."

Tumayo ako nang matuwid at nanginginig pa na binigay sa lalaki ang sinulatan ko. Namamahinga pa rin ang palad ni Zahiro sa aking beywang kahit na nakatayo na ako nang maayos. Baka makita pa ng lalaki ang kamay ni Zahiro sa akin!

Nakatutok pa naman ang tingin ng lalaki sa information na sinulat ko. Biglang napakunot ang noo n'ya.

"Pangalan ng aso mo ay Amo?"

"Huh?"Mas lalong nagwawala ang puso ko nang tanungin ng lalaki iyon sa akin, napaawang ang labi ko. Kusang napabaling ang tingin ko kay Zahiro.

Kahit si Zahiro ay napakunot na rin ang noo at dahan-dahang tinignan ako. Pigil ang hininga ko nang tumaas ang kilay n'ya at napangisi ang mga labi na tila namamangha sa narinig.

Nakangusong umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung nainsulto ba s'ya dahil pinangalan ko s'ya sa aso o dahil nalaman n'yang hindi ko s'ya kayang makalimutan.

"Kapangalan kasi ni Doctor Caddel ang aso mo, Ma'am, second name n'ya," nakangiting saad ng lalaki saka napaangat ng tingin sa amin.

Ngunit alam kong dumapo na ang tingin ng lalaki sa kamay ni Zahiro sa akong beywang. Napaawang ang labi n'ya at napatikom din nang tignan s'ya nang mariin ni Zahiro. Kanina ko pa napapansin na masama ang tingin ni Zahiro sa lalaki simual kanina pa.

"Ipagtimpla mo kami ng gatas, Lance," utos ni Zahiro sa matigas na boses.

"S-Sige po, doc!" tarantang tugon ng lalaking nagngangalang Lance bago ito kumaripas ng takbo sa room na tingin ko'y kitchen.

"Bakit tayo maggagatas? Uuwi na kami ng aso ko," taka kong ani, saglit ko lamang s'ya tinignan at binawi rin naman. Baka ungkatin n'ya kasi kung bakit 'Amo' ang pangalan ng aso ko.

Hinapit n'ya ang beywang ko palapit sa kan'ya na ikinasinghap ko. Hindi ko magawang itulak s'ya nang amuyin n'ya ang buhok ko. Rinig ko ang bawat pagsinghot n'ya.

"Zahiro?" Hindi ko s'ya matignan dahil nakabaon na ang mukha n'ya sa tuktok ng buhok ko. Kitang-kita sa kamay ko kung gaano ako nanginginig dahil sa sabik na mahawakan s'ya. I bited my lips.

"Please, stay for a while. I miss you so much." Bumaba ang mukha n'ya hanggang sa idinantay n'ya ang kan'yang baba sa aking balikat, mas lalong niyakap n'ya ako. "How's my baby, hmm? Sapat na ba ang apat na taon na magkalayo tayo?"

Dinama ko ang kan'yang yakap kahit hindi ko matugunan ang kan'yang yakap. Pinikit ko ang mga mata ko at pasimpleng inamoy ang kan'yang pabango. His scent still the same. Nakakaadik lamang ang amoy n'ya.

"P-Paano mo ako nahanap? Kailan ka lumipat dito?" agad kong tanong.

"I already knew that you are here in San Pedro. Mag-iisang buwan na ako rito." Sumiksik ang mukha n'ya sa gilid ng leeg ko kaya napakapit ako sa kan'yang suot na lab gown. "Sobrang hirap na makita ka pero hindi man lang kita mahawakan. I waited for you. Maayos at nagbago na ako, baby. Kaya p'wede bang h'wag mo na akong iwan? Hindi ko na kayang humiwalay sa 'yo."

I felt how he missed me so much. Dama ko ang sakit at paghihirap n'ya sa kagustuhan na makasama ako. Parang napugto na ang pagtitimpi n'ya na makita ako ngayon.

Tumupad s'ya sa usapan na hindi muna kami magsasama hangga't hindi namin naaayos ang sarili namin. Kaya ngayon nagpakita s'ya sa akin dahil tapos na ang pinag-usapan namin.

"Hindi ko na sasayangin ang panahon na makasama, baby. Please, sabihin mong ako pa rin ang mahal mo," pagsusumamo n'ya.

Ngunit naputol lamang ang pagda-drama ni Zahiro nang biglang sumingit sa eksena si Lance. May dala itong dalawang kape sa magkabilang kamay.

"Ah, doc? Gatas n'yo po pala."

Humiwalay na ako sa yakap sa takot na baka anong isipin ng lalaki sa amin ni Zahiro. Ngunit huli na dahil nakita n'ya ang pagyakap at paghawak sa beywang ni Zahiro sa akin.

Marahas na sinuklay ni Zahiro ang buhok n'ya, para bang nawala na ang malambing nitong mukha.

"Gusto mong mawalan ng trabaho? Kanina ka pa, ah," anas ni Zahiro na ikinataranta naman ni Lance.

"Hala, doc. Sorry po talaga!"

Hindi ko na nagawang tugunan ang sinabi n'ya kanina dahil anong oras na rin. Sinabi ko na gusto ko nang umuwi at baka hinahanap ako ni Mama. Kaya nagpresenta s'ya na ihahatid ako. Hindi na rin ako tumanggi at pumayag.

"Dito ang bahay ko," ani ko pagkarating namin sa gate ng bahay ko.

"Alam ko," aniya na ikinatingin ko sa kan'ya.

"Alam mo na talaga no'ng una pa lang na dito na ako nakatira?" Kung gano'n hindi man lang s'ya nagpakita sa akin?

Ngumisi s'ya. "I have my ways, baby. Magkaharap lang ang bahay natin."

Tinuro pa n'ya ang sinasabi n'yang bahay. Nagulat naman ako na kay Mang Paying na bahay pala ang tinutukoy n'ya. Kung gano'n s'ya pala ang doktor na sinasabi ni Maria.

"We're going to see each other again," ngiting saad n'ya saka nilahad sa akin ang aso ko na kanina pa n'ya hawak.

Mabait naman ang aso ko kaya hindi ito nag-iinarte kung iba ang humahawak.

Nang makuha ko ang aso ay bigla na lamang n'ya akong pinatakan ng halik sa noo. Napatingala ako sa kan'ya at napaawang ang mga labi sa ginawa n'ya. Malambing lamang s'yang nakatingin sa akin.

"I want to settle already together with you. Gusto ko nang bumuo tayo ng pamilya dahil noon pa man, pangarap ko iyon kasama ka, baby. Ngunit mukhang mabilis para sa 'yo iyon kaya gusto ko ulit na maging boyfriend mo muna. Gusto ko ulit maging parte ng buhay mo."

Hindi ko iyon inaasahan. I didn't expect that he would say this to me after four years of seperated. Gaya nga sa sinabi n'ya, matagal na n'ya itong plano. He already planned our future together.

Mayaman na s'ya kahit hindi mag-doktor dahil alam kong may pinamana na mga businesses ang Mama n'ya sa kan'ya. Tapos na rin sa pag-aaral kaya gusto n'yang magkaroon na ng pamilya sa akin.

And it made my heart flutter. I also want that. I always dreamed to build a family with him. Kaya hindi na ako nag-entertain ng ibang manliligaw dahil deep inside of me, s'ya lang ang hahayaan na angkinin ako. S'ya lang ang tanging mamahalin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro