Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 30

CHAPTER 30



Puno ng pait, galit at lungkot ang lumukob sa akin. Sa mga panahon na malinaw pa sa akin na binawian ng buhay si Papa nang malaman na niloloko s'ya ni Mama. Iyong pakiramdam na sobrang mahal ni Papa si Mama ngunit dahil sa alam ni Mama na hindi rin magtatagal si Papa, humanap kaagad s'ya ng iba.

"Anak ko? Babykel."

Mas binilisan ko ang paglagay ng pagkain sa plato nang marinig ang pagtawag sa akin ni Papa. Dala-dala ang pagkain ay tumungo ako sa sala kung nasa'n nakahiga s'ya sa sofa.

"Pinagluto kita ng pagkain, Papa." Nilapag ko ang plato sa lamesa. Umupo ako sa sahig kung saan nakaharap ako sa kan'ya at para na rin mapantayan ko ang kan'yang mukha.

Gusto ko na talagang tumigil sa pag-aaral dahil araw-araw nag-aalala ako kay Papa. Ilang beses na s'yang inatake sa puso at dinadala sa hospital kaya nakatatakot na iwan s'ya rito sa bahay. Si Mama kasi nagtatrabaho sa labas, kaya sinong magbabantay kay Papa kung wala kami?

"Malapit na maging dalaga ang anak ko, malapit na birthday mo. Pasensya na, anak, kung hindi kita mabibigyan ng engrandeng selebrasyon, ah? Lahat napupunta sa hospital at sa panggamot ko."

Kahit may sakit si Papa ay hindi iyon halata sa kan'yang boses. Pero alam kong tinatago n'ya lamang iyon para hindi ko balakin na mag-stop sa pag-aaral. Minsan ko na ring nasabi na titigil muna ako para mabantayan s'ya ngunit hindi talaga s'ya pumayag.

Dinantay ko ang aking noo sa kan'yang braso kahit nakaupo ako, ngitian ko s'ya.

"Ayos lang, Papa. Kahit sa susunod na taon p'wede naman tayong maghanda para sa birthday ko. Sa ngayon, ang wish ko lang ay gumaling ka na," I hopefully said as I stared to my lovingly Father who raised me well.

Mahal na mahal ko si Papa kaya hindi ko kayang makitang naghihirap s'ya. Parang ang unfair lang dahil kung sino pa ang mga mababait na tao, sila ang binibigyan ng malalang sakit. Kailanman hindi n'ya ako pinagbuhatan ng kamay at minahal n'ya ako na parang isang mamahaling bagay ako.

"Masuwerte ako na binigyan ako ng pagkakataon na magkaroon ng anak. Nahirapan kami no'ng una ni Mama mo na magkaanak pero kahit gano'n hindi kami tumigil hangga't magkaroon kami ng kahit isang anak," nakangiting pagkukuwento ni Papa, hinalikan n'ya ang aking noo. "At binigay ka nga sa amin. Kaya gano'n na lamang ako kaalaga sa 'yo no'ng baby ka pa lang dahil matagal ka na naming hinintay ni Mama mo na lumabas."

Ang mga salita ni Papa ay tumagos sa dibdib ko na dahilan kung bakit sumisikip ang dibdib ko. Parang hindi ako makahinga.

Hanggang sa sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko habang tinitignan ang payat n'yang mukha at katawan. Parang gusto ko na lang higpitan ang yakap ko sa kan'ya para kahit papaano maibsan ang sakit n'ya. Nang maisip n'ya na hindi s'ya nag-iisa na lumalaban.

Noong una hindi ko maintindihan kung bakit palagi akong niyayakap ni Papa kapag nagkataon. Kumislap ang mga mata n'ya at sunod no'n tutulo ang mga luha n'ya. Para bang aalis s'ya ng ibang bansa.

Iyon pala ay may pahiwatig na s'ya sa akin. Gusto na n'yang sulitin ang mga araw na kasama ako. Gusto n'yang bigyan ng masasayang alaala hangga't bata pa ako.

Ngunit hindi lang pala iyon ang dahilan kung bakit tuwing nag-iisa si Papa ay umiiyak s'ya.

Nakasalampak sa sahig si Papa, mahigpit ang hawak n'ya sa kan'yang dibdib habang hinahabol ang hininga. Nadatnan ko s'yang gano'n pagdating ko galing eskwelahan.

"Papa!" Taranta akong lumapit sa kan'ya kung sana nakaluhod s'ya sa harapan ng kuwarto nila ni Mama.

Tila piniga ang dibdib ko nang makitang may kasamang lalaki si Mama sa loob ng kuwarto. Kahit si Mama ay nagulat din nang makita kaming dalawa ni Papa na nakatingin sa kan'ya na puno ng sakit. Like she betrayed us all this time.

"M-Mahal, anak, magpapaliwanag ako, huh?" Tarantang sinuot ni Mama ang kan'yang damit at sinubukan kaming lapitan.

Ang lalaki n'ya ay tulala lamang na nakaupo sa kama. Hindi rin inaasahan na nadadatnan namin silang may ginagawang kalokohan.

Hindi ko hinayaan si Mama at pinaghahampas s'ya sa sobrang galit ko. Ang Papa ko, may sakit habang ang Mama ko may ginagawang kalokohan sa likuran namin.

"Bakit mo 'to ginawa, Mama! Mama!" para akong masisiraan ng utak habang sinisigaw iyon, tila gusto ko s'yang saktan dahil sa ginawa n'ya kay Papa.

Kahit hindi sabihin ni Mama, alam ko kung ano ang kasalanang ginawa n'ya. Alam kong mas sinira n'ya ang puso ni Papa dahil sa pagkakamali na iyon.

"D-Dahil lang sa may sakit ako, Farkel, hindi ibig sabihin no'n na ganituhin mo ako! Kailan mo pa ako n-niloloko, huh? Anong ginawa kong kasalanan sa 'yo para gawin mo i-ito sa akin!" nanghihinang anas ni Papa at mas lalo lamang n'yang piniga ang kan'yang dibdib na tila lumala ang pagkirot nito.

Puno ng sakit ang boses ni Papa no'ng mga panahon na iyon, iyon ang huling salitang binitiwan n'ya bago s'ya binawian ng buhay. Hindi na s'ya nakaabot ng hospital, sa bahay pa lang, binawian na s'ya ng buhay. Sa bahay pa lang, nawasak na ang kan'yang puso.

Kaya hindi ako masisisi ni Mama kung gano'n na lamang ang galit ko sa kan'ya. Na umabot pa ng ilang taon ay hindi ko s'ya magawang makausap nang matino. Tawagin na n'ya akong walang respeto pero nawala na ang respeto ko sa kan'ya simula nang hindi n'ya nirespeto si Papa, sa mismong bahay pa n'ya dinala ang kan'yang naging kabit.

Nalaman ko na simula no'ng nakasakit si Papa ay nanlalaki na si Mama. Ayaw ko sanang paniwalaan noon ang mga kapit-bahay namin ngunit lahat ng iyon ay tugma sa nakita ko.

"Nandito ako para kausapin ka, Babykel," salita ng lalaki na ayaw ko na makita pa. Sa tuwing nakikita ko silang magkasama ni Mama, masamang alaala lamang ang hatid nila.

Hindi ko alam kung saan nakuha ng lalaking ito ang lakas para pumunta rito at kausapin ako na parang wala s'yang ginawang kasalanan.

"Sorry po pero hindi kita kilala para kausapin ko."

"Far!" bulalas ni Mama kaya napabaling ako sa kan'ya.

"Akala ko ba hindi ka na makikipagkita sa kan'ya, Mama? Hanggang ba naman na wala na si Papa hinahayaan mo pa s'yang pumunta rito."

"Walang alam ang Mama mo na pupunta ako ngayon dito," singit ng lalaki sa usapan, masama ko s'yang tinignan. "Pumunta ako rito para makausap ka tungkol sa anak ko."

"Ano naman ang kinalaman ko roon?"

"Archo, hayaan mo na ang mga bata," bigla na lamang pakisaup si Mama sa lalaki, ngayon ko lang nalaman na Archo ang pangalan.

Napailing ang lalaking nagngangalang Archo.

"Kung ano ang puno gano'n din ang bunga. Kaya hindi na ako magtataka kung may namana ang anak ko sa akin," ngising saad ni Archo at hindi ko iyon nagustuhan.

"Please lang, umalis na po kayo." Mariin kong tinuro ang labas ngunit hindi s'ya nagpatinag, nanatili ang kan'yang ngisi at tingin sa akin.

"Ayaw mo bang malaman kung sino ang anak ko?"

"Wala po akong pakialam. Umalis na po kayo-"

"Isang Caddel ang napangasawa ko. Kristiany Caddel ang pangalan n'ya," sambit n'ya na ikinatigil ko. Caddel, pamilyar din ang pangalan ng binanggit n'ya.

Matagal akong napatitig sa kan'ya at hindi ko kayang matanggap ang pumasok sa utak ko. Hindi maaari ito.

"Pamilyar ba sa 'yo ang mukha ko? Kamukha ko lang naman ang tatlo kong anak," tipid na ngiti n'yang saad, ni hindi ko mahanap ang sinseridad sa ngiti n'ya.

Mas lalong hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kan'ya. Pinipigilan s'ya ni Mama na magsalita nang mapansin kung saan papatungo ang usapan na ito ngunit nanatili akong naghihintay sa susunod n'yang sasabihin.

"Hindi. . ."

"Alam ko ang iniisip mo. Oo, anak ko si Zahiro," aniya, nagugustuhan n'ya ang nakikitang pagkagulat sa aking mukha. Tila isa s'yang kamatayan na pinapabilog ang utak ko. "Ngayon ko lang nalaman kung bakit lumalapit s'ya sa 'yo, at ginawa ka n'yang girlfriend."

"Archo, ano ba! Tama na sabi!"

Mas lalong hindi mapakali si Mama kaya sobrang nalilito ang isip ko kung ano ang gustong ipahiwatig ng lalaking ito.

"Anong ibig n'yo pong sabihin?"

He nodded repeatedly, para bang naiintindihan na n'ya ang lahat.

"Hanggang ngayon galit ka sa akin, ano kaya ang mararamdaman mo kapag nalaman mo na sa una pa lang alam ni Zahiro na anak ka ng naging girlfriend ko noon? O tamang sabihin na kabit ako ng Mama mo?" nanunuya n'yang sabi.

"Ano ba ang ginagawa mo, Archo!" Hinila na ni Mama ang braso ng lalaki, inis na nakatingin dito. "Hayaan mo na ang mga bata, h'wag mo naman silang idamay sa kagaguhan mo."

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko iyon pero bakit nga ba s'ya nag-aaksaya ng oras na sabihin sa akin itong lahat?

Hindi matanggap ng sistema ko kung ano ang gustong ipahiwatig sa akin ng lalaking ito, ang lalaking hindi ko alam na Ama pala ni Zahiro. Kaya pala pamilyar sa akin si Zahiro. Kaya pala nang makita ko ulit ang naging lalaki noon ni Mama ay si Zahiro kaagad ang pumasok sa isipan ko.

Mahinang tumawa si Archo, ang Ama ni Zahiro, napailing ito.

"Gusto ko lang balaan ang anak mo, Farkel, na hindi gano'n katino si Zahiro. Palagi n'ya akong hinahamon dahil sa sobrang galit n'ya sa akin. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ginawa n'yang girlfriend ang anak mo," he menacingly laughed as his eyes directly went to me.

"Hindi ba kapani-paniwala, hija? Ngayon, tanungin mo ang matino kong anak kung alam s'ya sa nakaraan namin ng Mama mo. Tanungin mo s'ya kung bakit nakipaglapit s'ya sa 'yo."

Marahas akong napailing sa kan'ya at lumuluha na umakyat papunta sa kuwarto ko. Wala na akong pakialam kung ano ang tingin n'ya sa akin. I locked myself, at doon ko na binuhos ang luha ko.

Kanina ko pa kinukumbinsi na sinisiraan n'ya lamang kami ngunit paano nga kung totoo ang sinabi ng Ama ni Zahiro? Parang hindi ko yata kayang tanggapin iyon.

Gusto kong marinig mismo kay Zahiro ang lahat. Shit. Kaya ba nagawa ni Zahiro na mapalapit sa akin sa maikling panahon na iyon dahil may dahilan s'ya? Imposible naman na magustuhan n'ya kaagad ako sa isang iglap.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro