Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 28

CHAPTER 28



“H'wag mo s'yang sirain sa akin. P'wede ba? H'wag mo akong kausapin kung kasinungalingan lang naman ang sasabihin mo,” mariin kong saad. “Tapos na tayo at may panibagong buhay na tayo sa sari-sarili nating minamahal, Jericho. Bumalik ka kay Narra—”

“Hindi ko s'ya sinisiraan sa 'yo, Far! S'ya ana sumira sa atin!” agap n'yang saad, pinutol kaagad ako sa pagsasalita. Gusto na kaagad itama ang iniisip ko. “Gusto ko lang balaan ka na h'wag magtiwala kay Zahiro dahil hindi mo pa nakikita ang tunay n'yang ugali. He was obsessed with you.”

Ginugulo n'ya isipan ko. Napailing na lamang ako. Gagawin n'ya talaga ang lahat para masira kami. Hindi ko maintindihan kung paanong naging kasalanan ni Zahiro na masira ang aming relasyon gayong s'ya naman ang nagdesisyon na magloko.

“Ikaw ang mas obsessed, Jericho. Tumigil ka na.”

I hurriedly went inside the room but Jericho became aggressive. Lumitaw kaagad ang inis sa kan'yang mukha pagkapasok namin. Tila may tensyon na nakapaligid sa bawat sulok ng kuwarto dahil napatigil ang banda sa pagtugtog nang makitang pumasok kami pareho ni Jericho.

“Ayaw mong maniwala?” Nakangiti s'ya ng sarkastiko, hindi ko nagugustuhan ang binibigay n'yang ngisi.

“Jericho,” matigas na sambit ni Zahiro.

Tinignan ko si Zahiro na seryosong lumapit sa akin. Ngunit hinila lamang ako bigla ni Jericho, pinapalayo ako kay Zahiro. Nagtagis naman ang bagang ni Zahiro sa paghawak ni Jericho sa akin.

“Girlfriend ko ang hawak mo, Jericho. Alam mo ang magiging kahinatnan kapag manggugulo k—”

“Wala na akong pakialam, Zahiro! Ginagamit mo lamang iyan sa akin dahil takot ka na malaman ni Far na ikaw ang dahilan kung bakit naging ganito kami. Inagaw mo s'ya sa akin! Ako ang boyfriend ni Far!” Tila napugto ang pagtitimpi ni Jericho kaya gano'n na lamang ang galit n'ya. Lumalabas na ang ugat sa gilid ng leeg n'ya.

Natahimik si Zahiro. Kinakabahan naman ako sa klaseng ekpresyon na pinapakita n'ya kay Jericho.

Tumaas ang sulok ng labi ni Zahiro ngunit nakakamatay naman ang tingin nito. Alam kong malapit nang sumabog si Zahiro at hindi na rin ito natutuwa sa pinaggagawa ni Jericho. He was running out of patients.

“Ako ang boyfriend ni Baby at wala nang iba,” madiing sambit ni Zahiro sa bawat salita, gustong iparating na sa kan'ya lamang ako.

Mabilis n'ya akong nahila kaya malakas na tumama ang mukha ko sa kan'yang dibdib. Hindi na nagawa ni Jericho na hilahin ako dahil sa sobrang higpit ang pagkakapulupot ni Zahiro sa aking beywang. Sa sobrang higpit na pagkakahawak n'ya ay napapatihin na lamang ako sa kan'yang harapan, kulang na lang ay buhatin ako.

Galit na galit tuloy si Jericho sa ginawang paghila ni Zahiro sa akin. Mabilis kaagad s'yang inawat ng mga bandmates nang akmang susugurin n'ya si Zahiro.

“Tama na, Jericho.” Nanghihina na inawat bigla ni Narra si Jericho sa braso. Mukha rin itong kinakabahan.

Mariin namang umiling si Jericho at hindi talaga titigil hangga't matapos ang kaguluhang ito.

“Takot ka, Zahiro? Sabihin mo kay Far na inutusan mo si Narra na akitin ako. Sabihin mo sa kan'ya na plano mo akong siraan sa kan'ya para makuha mo s'ya.” Nanliliksik ang mga mata ni Jericho na ngisian si Zahiro. “Ano pa nga ba ang paraan mo para mapahiwalay kami, 'di ba? Syempre hahanap ka ng dahilan para kusang humiwalay sa akin si Far. Nagmamalinis ka, eh!”

Umalingawngaw ang boses ni Jericho sa aking tainga na ikinalamig ng kamay ko. Para akong nabingi sa kan'yang sinabi dahil paulit-ulit iyon na nagre-replay sa aking utak hanggang sa naging malinaw sa akin ang sinabi ni Jericho.

Inangat ko ang tingin kay Zahiro, naguguluhan ang aking mga mukha sa kan'ya.

“Ano ang sinasabi n'ya, Zahiro?” naging mahina ang pagkakasabi ko no'n na halos bulong na lamang.

Dahan-dahang bumaba ang tingin ni Zahiro sa akin. Sumisikip ang dibdib ko at nakatulala sa malamig n'yang titig. Para akong kakapusin ng hininga dahil hindi s'ya nagsasalita.

“Zahiro, sumagot ka!” inis kong asik at humiwalay sa kan'yang pagkakahawak, nakawala naman ako. Hinampas ko na lamang ang kamay n'ya na akmang hahawak sa akin.

“Matagal mo nang alam na may namamagitan sa kanila? Hindi mo sinabi sa akin at hinayaan mo ako hanggang sa kusa kong mahuli ang pinaggagawa nila?”

It makes sense now. Napagtagpi-tagpi ko an lahat kung bakit gano'n na lamang kabilis na nagbago ang pakikitungo sa akin ni Jericho. Kaya pala nand'yan palagi sa akin si Zahiro dahil una pa lang, alam n'yang pinagloloko na ako ni Jericho.

“Inutusan mo si Narra na akitin si Jericho? ” dugto kong tanong.

Galit ako. Galit ako dahil ngayon ko lamang nalaman na matagal na akong nagiging tanga sa relasyon namin ni Jericho noon. Dagdagan pa ni Zahiro. Totoo ba talaga ang sinabi ni Jericho?

“Baby sweetie,” aniya, nanghihina akong tinignan.“Matagal na kitang binibigyan ng pahiwatig tungkol sa kanila pero ikaw itong sarado ang isipan, Baby. You're busy pushing me away. Malaki rin ang tiwala mo kay Jericho kaya ang hirap na sabihin sa 'yo ang lahat.”

Nanginginig ang labi ko ngunit sa puntong iyon ay hindi ko magawang umiyak. Sobrang na-dissapoint lamang ako sa aking sarili dahil matagal na akong bulag.

Bakas ang panghihina sa mukha ni Zahiro habang nakatingin sa akin. And then I realize that he was right. Even from the begging that I like him, I still want to continue my relationship with Jericho because I trust him. Tatlong taon din ang pinagsamahan namin kaya gano'n kagrabe ang tiwala ko Kay Jericho.

Akala ko kapag matagal mo nang kilala ang tao ay mapagkakatiwalaan mo na ito ngunit hindi pala. Hindi lahat ng tao na matagal mo nang kilala ay mapagkakatiwalaan mo dahil lamang sa kilala mo na ang katangian nito.

'Trust me'

Dalawang salita na sa una lamang ipaparanas sa 'yo. Parang pinatikim ka lamang sa matatamis nilang salita.


“Narinig mo, Far? Inamin n'ya rin na matagal na n'yang alam ito. Hinayaan n'ya si Narra na akitin ako para mapunta s'ya sa 'yo—”

“Naiintindihan ko na, Jericho,” mariin na putol ko sa kan'yang gustong sabihin, nakakarindi. “Kung talagang mahal mo ako, hindi ka matutukso dahil lang sa inakit ka n'ya. Kung mahal mo ako, hindi mo kakayanin na makipagtalik kay Narra.”

Gusto kong isigaw iyon sa kan'ya para naman tumatak naman sa isipan n'ya ang mga sinasabi ko. His reason was not enough and will never be enough. Cheating is cheating. Malaking impact na makasira iyon sa relasyon dahil kahit man ang dahilan mo, nagloko ka pa rin.

Napayuko si Narra at tumakbo palabas ng kuwarto. Nakatayo pa rin si Jericho sa kan'yang puwesto at tila pinoproseso ang sinabi ko. Walang pakialam na nasasaktan din ngayon si Narra.

“Bitaw, Zahiro,” ani ko dahil kanina pa s'ya nakahawak sa aking braso, takot na baka tumakbo ako sa labas at iwan s'ya.

Galit ako kay Zahiro dahil sa ginawa nitong pagmanipula ng sitwasyon, kung totoo man na inutusan n'ya si Narra na akitin si Jericho. Nasabi na rin ni Narra na may gusto s'ya kay Jericho kaya sumang-ayon na rin siguro. Hindi kasalan ni Zahiro kung nagloko si Jericho at kumagat sa tukso. Si Jericho pa rin ang nagdesisyon no'n.

Napapikit ang mga mata ko. Kahit nakahawak pa rin sa aking braso si Zahiro ay umalis pa rin ako sa kwartong iyon. Nahihilo lamang ako dahil sa walang kwentang dahilan ni Jericho. Sa tingin n'ya ba sapat na iyon para magloko?

“Bitiwan mo ako, Zahiro,” malamig kong utos dito nang nakarating kami sa labas ng gate. Hanggang dito ay sinundan pa rin n'ya ako at nagpahila sa akin.

Mas lalong humigpit ang hawak sa akin ni Zahiro.

“Galit ka ba sa akin?” tanong n'ya at pinaharap sa kan'ya.

Tiningala ko s'ya, agaran ding iniwas ang tingin dahil sa malalim n'yang titig. I don't want to be hypnotized to his stares, I'm still mad at everything.

“Ano pa ang ginawa kong kasalanan, Zahiro? Hindi mo talaga sasabihin sa akin ito hangga't hindi ko nalalaman?”

Dinala n'ya ang kamay ko sa kan'yang labi. Mahigpit ang pagkakahawak n'ya sa kamay ko nang hinalikan n'ya ito ng dahan-dahan. Malalim ang tingin n'ya sa akin.

“Hindi ka naman babalik sa kan'ya dahil lang sa may kasalanan din ako, 'di ba?”

His eyes darkened to the thought that I will leave him just because he manipulated the situation. Dahil din sa dahilan ni Jericho.

Binawi ko ang kamay ko na nakalapat pa rin sa kan'yang labi. Kahit inalis ko iyon ay lumipat naman ang kamay n'ya sa magkabilang gilid ko.

“Hindi ka babalik sa kan'ya. Hindi ka babalik sa isang katulad n'ya,” ulit n'ya sa mariing salita. Bahagyang yumuko ang kan'yang mukha para silipin ang aking mukha.

“I won't,” agap kong saad dahil nawawalan na s'ya ng pasensya.

I'm also afraid that he might do something just because I remained silent. Hindi n'ya magugustuhan kapag pinili ko muli si Jericho. Pero gaya nga sa sinabi ko kapag nag-cheat, wala ng rason para bumalik.

Kahit natatakot sa kan'yang tingin ay tumingin pa rin ako. Tila nagbabanta ang kan'yang tingin sa akin na kapag humiwalay ako sa kan'ya ay hindi n'ya ako titigilan.

“Bakit mo iyon ginawa, Zahiro? Totoo bang inutusan mo si Narra na gawin iyon kay Jericho?” I know he know what I am talking about.

“Hindi pa man ako nakagawa ng hakbang, niloloko ka na n'ya sa likuran mo, Baby. Binantaan ko na s'ya na kapag niloko ka n'ya ulit ay makakarating ito sa iyo kaya dapat umiwas na s'ya sa tukso,” marahas n'yang saad. “Inutusan ko lamang ang babaeng iyon na kunin ang atensyon ni Jericho, but I didn't tell her to f*ck him. I just did you a favor, baby. Kung hindi iyon ginawa ay hindi ka makikipaghiwalay sa kan'ya. It's not my fault if he's unfaithful.”

I took a deep breathe and avoided my gaze to him. Hindi ko akalain na kaya n'ya itong gawin para lang kusa kong hiwalayan si Jericho. He really did manipulated the situation. Maaga n'yang ginawa iyon para hindi na ako manatili sa relasyong iyon.

And aside from that, he did it because he wants me for him self. Sa una pa lang sinabi n'yang mahal n'ya ako. Nag-iwan na s'ya ng sign na hindi nagtatagal ang relasyon namin ni Jericho. He already expected this to happened, he already expected to claimed me after that.

“May itatanong ka pa? I'm willing to tell you everything,” aniya matapos ang ilang minutong katahimikan.

Hinaplos n'ya ang beywang ko at saka unti-unti akong niyakap, tila tinitignan pa kung aatras ako. He sighted when he finally embraced me tightly.

Umiling ako sa kan'yang tanong. Kahit galit ako sa ginawa n'ya ay mas nanaig pa rin ang pagmamahal ko. Sobrang hirap magalit sa kan'ya at nanghihina na lamang ako sa kan'ya. Hindi pa rin makapaniwala na kayang gawin ito ni Zahiro para lamang sa akin. I need to understand everything, parang hindi pa kaya ng utak ko sa aking nalaman.

“I hope you understand why I did that thing. I couldn't stand knowing that you're still in relationship with that boy.” Bumaba ang kan'yang mukha sa aking leeg at doon namahinga. “Talagang aagawin kita para mapasaakin ka lang. I love you so much, sweetie.”

Kusang pumikit ang mga mata ko nang dahan-dahan n'yang inilapat ang labi sa akin. He tilted his head to kissed me more. Malamyos at nakakahilo ang klaseng halik n'ya kahit hindi kasama ang dila namin. Just our lips being connected.

Ako na mismo ang humiwalay nang tumagal ng ilang minuto ang halikan namin. Para na akong kakapusin ng hininga at mukhang gusto pa n'ya kahit naghahabol din s'ya ng hininga. Tila inaantok ang mga mata n'yang nakatingin sa aking mga labi at mata.

I gripped his shirt when I saw a glimpse of dark sade of his eyes. It was like a warning, a deadly warning na hindi mo kakayanin na kalabanin s'ya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro