Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 24

CHAPTER 24


"Uh, maupo ka muna rito, Amo," aya ko rito at hinila s'ya para paupuin sa sofa, tumabi s'ya sa akin.

Kahit gusto n'yang hawakan ang kamay ko ay hindi n'ya ginawa dahil nasa harapan si Mama. Magtataka lamang si Mama kung bakit gano'n kaagad ang kinikilos n'ya.

"Manliligaw?" takang tanong ni Mama, binalingan n'ya ako. "Anong ibig sabihin ito, anak? 'Di ba boyfriend mo si Jericho? Anong nangyayari?"

Tila may dumagan na mabigat sa dibdib ko. It was hard to explain kung ano man ang sitwasyon ko ngayon pero sinubukan ko naman na ipaliwanag kay Mama. I often saw her glancing at the person beside me habang nagpapaliwanag ako.

"That's why I have a courage to court your daughter, Ma'am. I hope you'll allow me to love your daughter," seryosong sambit ni Zahiro, nakatingin na sa ekpresyon ni Mama.

Siguro napansin n'ya ang pagkabalisa ni Mama at hindi ko alam kung bakit ganito ang inaakto ni Mama. Mukha naman kasing hindi s'ya kilala ni Zahiro.

"Hijo," ani Mama matapos n'yang pakalmahin ang sarili matapos marinig ang lahat ng sinabi ko. "Ilang buwan pa lamang hiwalay si Babykel at Jericho. Hindi dapat kayo magpadalos-dalos. Tatlong taon din silang magkasintahan kaya baka mahal pa nila ang isa't isa-"

"Ma!" maagap kong saad, hindi makapaniwalang tinignan s'ya.

Hindi iyon nagustuhan ni Zahiro sa seryoso pa lamang ng tingin nito.

Lumamlam naman ang mukha ni Mama at hinawakan ang kamay ko nang umupo s'ya sa tabi ko.

"Anak, ayaw kong nagpadalos-dalos ka sa desisyon. Sa tagal ng relasyon ni Jericho, alam kong mahal mo pa rin si Jericho. Hindi tamang solusyon na maghanap ka ng iba."

Nagsalubong ang kilay ko sa kan'yang sinabi. Sa una hindi ko maintindihan ang pinupunto ni Mama sa akin ngunit sa huling katagang sinabi n'ya ay napagtanto ko ito.

Bakit n'ya ito sinasabi sa akin gayong alam na n'ya kung bakit hiniwalayan ko si Jericho?

"Mama, kung inaalala n'yo na ginagawa kong panakip-butas si Zahiro, nagkakamali po kayo. Matagal na po kaming hiwalay ni Jericho at tanggap ko na iyon," pilit kong pinapaintindi rito kung bakit pumayag akong buksan ulit ang puso ko sa ibang tao.

Para sa akin wala sa oras at panahon kung kailan ako ma-i-inlove sa isang tao. I didn't choose to fall for him because I know that I'm a messed. Na para sa akin hindi ko magagawang suklian ng buong pagmamahal si Zahiro dahil sa sitwasyon ko na nakipaghiwalay ako sa dating karelasyon na nag-cheat sa akin.

Sinubukan kong iwasan si Zahiro dahil tingin ko hindi tama, hindi tama na mahulog sa kan'ya pagkatapos kong makipaghiwalay. It was an infatuation at first, but look at me now. I am willing to take a risk for him despite of what happened to me.

Mariing napatikop ang bibig ni Mama. Para pa rin s'yang balisa habang nakatingin sa aming dalawa ni Zahiro.

Maybe she was just worried about me.

"Pag-isipan mo ito ng mabuti, anak," para na s'yang nagmamakaawa na pakinggan ang kan'yang payo. "B-Baka sa huli magsisi ka sa desisyon mo. M-Mag-usap muna kayo ni Jericho tungkol dito. Hindi mo pa kilala ang lalaking ito-"

"Mama," for the last time, tinawag ko ulit ang pangalan n'ya.

Hindi ko nagustuhan ang mga sinasabi n'ya. Hindi ko kayang makipagbalikan sa taong nag-cheat sa akin kung iyon ang gusto ni Mama. At mas lalong hindi ko nagustuhan ang pinapakita n'ya kay Zahiro.

Parang gusto n'yang bumalik ako kay Jericho at pinapalayo ako kay Zahiro. I don't why she's doing this. Napatagpi-tagpi ko na ang lahat.

She doesn't like Zahiro for me that's why pinipilit n'ya ako kay Jericho.

"That boy cheated on her, Ma'am," nagsalita na si Zahiro na akala ko hindi na magsasalita. "Do you want your daughter to be with that cheater? Do you really want to see your daughter suffering because you want her for that boy?"

I could sense in his voice that he was already mad. Pero sa kabila ng inis at galit n'ya ay nagawa n'yang maging mahinahon.

"H-Hindi naman sa gano'n, hijo, anak," umiling si Mama at nagmamakaawang tumingin sa akin.

Mukhang natamaan naman si Mama, parang biglang may sumagi sa isipan n'ya kaya gano'n na lang s'ya na naaapektuhan. Nanghihina ang mga kamay n'yang nakakapit sa aking kamay.

"Maiintindihan ko po kung hindi kayo sigurado sa akin, na nag-aalangan pa kayo sa akin. H'wag po kayong mag-alala, gagawin ko po ang lahat para lagpasan ang inaasahan n'yo po'ng lalaki na magmamahal kay Babykel," saad ni Zahiro na tila nangangakong gagawin n'ya iyon kahit anong mangyari.

Wala nang masabi si Mama sa tinuran ni Zahiro. Knowing Zahiro, hindi s'ya papayag na mabaliwala ang lahat. He wasn't just asking for my Mama's permission, instead he came here just to proved that he deserved me.

Kahit parang wala sa sarili si Mama ay hinayaan n'ya si Zahiro. Maybe she think that Zahiro was right so she gave him a chance.

"S-Sorry talaga, Amo, ah? Hindi naman gano'n si Mama, eh. Baka nag-aalala lang s'ya sa akin," I tried to explain it to him.

Pagkatapos ng usapan ay hinatid ko si Zahiro rito sa kotse. Sumaglit muna ako rito sa loob ng kotse n'ya para pag-usapan ang inasta ni Mama kanina.

"I understand her, sweetie, but I couldn't stop from being irritated. " Hinawakan n'ya ang kamay ko at dinala sa kan'yang labi. Pikit-matang hinalikan n'ya iyon ng paulit-ulit. "Nag-iisa ka n'yang anak, at saka baka nabigla rin s'ya sa nalaman n'ya. Let's give your mother a time to think."

Tumango lamang ako habang tinitignan ang bawat ekpresyon sa kan'yang mukha. Bakit parang ang ganda n'yang lalaki lalo na kung seryoso at salubong ang kilay? Tulad na lang ngayon. Parang hindi pa rin maka-move on sa nangyari kanina.

He suddenly opened his eyes, tumama ang tingin n'ya sa aking mga mata. Sobrang dilim ang mga mata n'ya ngayon.

"Hindi ka babalik sa lalaking iyon, Baby."

I gulped and slowly nodded my head.

"Hindi na..."

Gumalaw ang bagang n'ya.

Hinawakan n'ya bigla ang magkabilang beywang ko at walang kahirap-hirap na binuhat para paupuin ako sa kan'yang kandungan. He doesn't care about my weight!

Huli na akong nakapag-react sa bilis at napahawak lamang sa kan'yang dibdib para kahit papaano hindi dumikit ang dibdib naming dalawa.

"You should tame me now that I'm mad," aniya at sumandig sa upuan n'ya habang nakakandong pa rin ako sa kan'yang hita.

"How?"

"You can hug me or whatever you want. You should found out how to tame me."

Napatitig pa ako nang ilang segundo sa kan'ya na puno ng pagtataka. Ibinaba ko ang tingin sa kan'yang katawan saka binalik ko ulit ang tingin sa mukha n'ya.

Nilunok ko ang kaba ko at hinawakan ang kan'yang pisngi. Nakatitig lamang at nakabantay s'ya sa ano man ang gagawin ko.

Nilapit ko ang mukha ko sa kan'yang pisngi. Dahan-dahan, pinatak-patakan ko ng halik ang pisngi n'ya habang marahan na hinahaplos ang naninigas n'yang panga. Mas lalo lamang iyon nanigas sa ginawa kong pagpapakalma sa kan'ya.

"How about this?" tanong ko sa mahinang boses, sinilip ko ang mukha n'ya.

Salubong ang kilay n'ya habang nakapikit ang mga mata. Imbes na napakalma ko na s'ya sa galit ay ibang bagay naman ang pinoproblema n'ya ngayon. Mukhang mas pinalala ko ang sitwasyon n'ya dahil hirap na hirap s'yang huminga. He groaned.

"Touch my jaw," aniya nang binitiwan ko ang naninigas n'yang bagang. Binalik ko naman ang palad ko roon at binaba ang mga labi sa kan'yang leeg.

As I sipped and kissed the side of his neck while caressing his jaw, his rough and big hands hugged my small back. Madiing nakahawak s'ya sa beywang at sa batok ko.

"Ahh, baby sweetie," he moaned in delightful while I'm still giving him kisses and pleaure in his neck.

He like it and at the same time he was in control. Halata naman sa madiin n'yang paghawak sa akin na tila ayaw akong pigilan.

Napangiti ako nang pagkatapos kong iwanan s'ya ng mga halik sa leeg at balikat. Kahit mataas s'ya ay pinulupot ko ang braso sa kan'yang leeg, mahigpit na akong nakayakap sa kan'ya.

"You really know how to tame me, huh?" he chuckled at the side of my ear. Then he tightened his hugged to my body. Sobrang higpit na ramdam ko na ang mainit n'yang katawan kahit may suot kami.

Pikit matang nakangiti ako sa bawat halik n'ya sa tuktok ng noo at paghaplos ng malaking palad n'ya sa buhok ko. Pa simple pa n'yang kinagat nang marahan ang balikat ko at hahalikan din pagkatapos.

Naging sapat iyon sa akin. Tumatawa pa ako sa mga kanta n'ya na gawa-gawa lamang. Tapos panggigilan ulit ako ng kagat sa balikat kapag lumalakas ang tawa ko. Sinasadya ba naman pangitin ang boses n'ya.

"Gabi na, umuwi ka na." Kahit ayaw kong humiwalay sa yakap ay ginawa ko pa rin.

He groaned in displeased and pulled my body for another cuddle. Mukhang naaadik na sa pagyakap sa akin.

"Amo!"

"Pumunta ka sa music room bukas. Hintayin mong matapos ang kanta namin," aniya at s'ya na mismo ang humiwalay sa yakap. "Kakain muna tayo sa apartment ko bukas, ipagluluto kita bago kita iuwi."

"Okay," I responded bago ako bumalik sa passenger seat para ayusin ang buhok ko.

Nakatingin s'ya sa aking ginagawa at nanakawan ako ng halik sa pisngi habang pinapahidan ng wet wipes ang leeg ko na namawis. Gosh, hinalik-halikan pa naman ako kanina ni Zahiro banda rito.

"I'm so in love with you, sweetie," aniya bigla pagkatapos akong halikan sa noo. Malambing s'yang nakatingin sa akin.

Napapatalon na lamang ang puso ko sa tuwing sinasabi n'yang mahal n'ya ako. Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay, at baka naman nahihiya lang ako.

"You don't have to answer. Maghihintay ako," aniya bago hinalikan ang palad ko. "Pumasok ka na sa loob. A baby should sleep early in the evening."

Napanguso naman ako sa kan'yang sinabi ngunit tumango rin. Bini-baby n'ya talaga ako at nagugustuhan ko naman! Nagugustuhan ko ang mga pinapakita n'ya sa akin.

Unti-unting nasasanay na ako sa kan'ya.

•••
There's a possibility that HDC will have more than chapter 30+. So there's 5+ left chapters before we proceed to Zahiro's POV.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro