Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 23

CHAPTER 23



Sinubukan kong h'wag ipahalata na naapektuhan ako sa kan'yang ginawa kanina. I almost gave in kung hindi lang s'ya tumigil. Now, our kisses turned into make out.

“Sweetie, I want you to meet my Mama,” ngiting pakilala ni Zahiro sa akin sa kan'yang Ina.

He placed his rough hand to my waist. Kahit magaspang ang kamay n'ya'y nagawa pa rin n'yang maging malambing sa akin.

Nang malaman naming dumating na ang Mama ni Zahiro ay agad na kaming bumaba para salubungin ito. Her smile was like an angel, that's why I couldn't take my eyes on her.

Matagal napatitig sa akin ang Mama ni Zahiro kaya naman mas lalo akong kinakabahan. I tilted my head to Zahiro when I felt like I'm going to run somewhere from being scared.

Ngitian naman ako ni Zahiro at hinalikan ako sa noo. I blushed on his sudden move. Walang hiya lang naman n'ya akong hinalikan sa harapan ng Mama n'ya. Walang pakialam kahit sino makakita sa kan'yang ginawa basta maiparamdam lamang ang kan'yang nararamdaman sa akin.

Akala ko ayaw na sa akin ng Mama ni Zahiro dahil ilang segundo rin itong nakatitig sa akin. Bigla na lamang n'ya akong ngitian at niyakap. Nanigas tuloy ako sa aking kinatatayuan.

“Masaya akong makilala ka, hija. Welcome to the family,” gaya nga sa inaasahan ko, malambing ang kan'yang boses.

“T-Thank you, Ma'am. Masaya rin po akong na-meet kayo.” Parang ewan na siguro ang ngiti ko. Naghahalo ang galak at kaba ko sa aking dibdib.

Humiwalay din kaagad s'ya sa yakap at saka niyakap si Zahiro. Surprisingly, Zahiro also hugged his mother. Now I know why caddel brothers are sweet and clingy.

“Finally naipakilala mo na sa akin ang girlfriend mo.”

Nanlaki naman ang mga mata ko at binalingan si Zahiro. Anong girlfriend?

Napakamot sa batok si Zahiro nang pinaningkitan ko s'ya ng mga mata. Halatang guilty, eh. Akala ko pinakilala n'ya ako sa Mama n'ya dahil manliligaw ko s'ya tapos nagulat na lamang ako na girlfriend na pala n'ya ako without me knowing.

“Sorry, Mama. Medyo natagalan,” mahina pa itong tumawa, kinakabahan din s'ya sa aking tingin.

Dapat lang kabahan s'ya dahil wala akong kaideya-ideya sa kan'yang pinagsasabi sa Mama n'ya.

Kahit nakakain na ako ay gusto ko pa ring sabayan ang Mama ni Zahiro sa hapag-kainan. Gabi na ngayon kaya naman hapunan na namin ito. Iyon nga lang wala rito ang dalawang kapatid ni Zahiro.

I heard that Airo and Khalvin was also living on their own apartment, just like Zahiro. Pumupunta lang sila rito kung kailan sila may time sa isang linggo. Zahiro told me about it.

“Si Zahiro na ang pinakahuling anak ko na nagpakilala ng kan'yang girlfriend. I thought he wouldn't be able to have a girlfriend. Masinsinan kasing pumili ang mga anak ko pagdating sa babae,” ngiting saad ng Mama ni Zahiro. “I knew that they are making sure that they will choose a right person. Maybe you already why they're doing that.”

Tumango naman ako sa kan'ya dahil sinabi na rin sa akin kanina ni Zahiro. Ayaw nilang hiwalayan ang babae kapag nakapili na sila dahil ayaw nilang masaktan ito. Hindi ko alam kung tama ba ang pinili nilang babae. Kung tama ba na ako iyong pinili n'ya.

Kahit gano'n pa man, masaya ako na pinili ako ni Zahiro. It means he's not going to hurt me katulad ng ginawa ni Jericho. Para akong diyamante sa kan'ya kung ituring n'ya kaya alam kong iingatan ako ni Zahiro.

“B-Bakit po, Tita?” tanong ko nang makitang nakatitig na naman sa akin ang Tita Kristiany.

“May naalala lang ako sa iyo, hija.”

Mukhang ayaw na n'yang dugtungin ang sasabihin n'ya. Para bang may nag-iwan ng marka sa kan'yang utak kaya may naalala s'ya sa akin. Hindi ko mawari kung malungkot ba s'ya o masaya sa ala-alang iyon. I hope it wasn't that bad.

Pagkatapos ang masayang hapunan ay napagpasyahan ko nang umuwi. Gusto pa nga ni Tita Kristiany na rito lamang matulog sa hacienda nila pero iniisip ko kasi na baka umuwi na si Mama at wala itong kasama sa bahay. At saka nahihiya rin naman ako.

Pagkarating namin sa kotse ay bigla ko na lamang hinampas sa braso si Zahiro nang maalalang ipinakilala n'ya akong girlfriend sa kan'yang Mama.

“Ano iyon, ah? Anong sinabi mo kay Tita?”

“Anong sinabi ko?”maang-maangan pa n'yang saad at pinaandar ang makina ng kotse. Hindi pa magawang makatingin sa akin.

“Akala ko ba nililigawan mo pa lamang ako? Sabi ng Mama no girlfriend mo ako.”

Binantayan ko talaga s'ya at hindi naman s'ya nakawala sa aking tanong. Mukhang tatakasan pa ako, eh.

“Baby sweetie...”

Pinaningkitan ko s'ya ng mga mata. Pinag-krus ko ang braso sa aking harapan at hinarap s'ya. Mukha tuloy s'yang tuta na pinapagalitan.

“Sagot, Amo,” tawag ko sa second name n'ya, napakamot s'ya sa batok.

“Doon naman pupunta ang relasyon natin. Gusto mo ako at mahal kita kaya siguradong magiging tayo pa rin sa huli. Mas maiging advance na kaagad,” mahabang paliwanag pa nito.

At gusto ko na lang s'yang palakpakan sa sinabi n'ya. Gosh, ano pa ba inaasahan ko Kay Zahiro? Sa una pa lang inaangkin na n'ya ako. Para bang takot na maunahan.

“Paano kung hindi kita sagutin kahit gusto kita, huh?” hamon ko rito. Agad namang sumalubong ang kilay n'ya pagkatapos n'yang ngumiti sa akin na para bang maganda ang dahilan n'ya.

“You're not planning to reject me, right?” tanong n'ya, nabahala na.

“Paandarin mo na ang kotse,” ngisian ko ito.

“Sweetie!” reklamo n'ya nang hindi ko s'ya sinagot. Tawang-tawa naman ako sa kan'yang harapan habang s'ya'y pikon na pikon ulit.

“Bakit? Anong gagawin mo kapag ni-reject kita?” tumatawa kong tanong sa kan'ya.

Iniwas n'ya ang tingin sa akin at mahigpit na hinawakan ang manibela ng kotse. It seems like his eyes became dark of a sudden. Gumalaw ang panga n'ya kaya naging mas naging makapal ang feature n'ya.

“Then I'll do my best again to make you fall for me. That you wouldn't think to leave me.” Napatingin s'ya sa akin. ParanParang kakapusin naman ako sa klaseng titig n'ya. “I don't easily give up just because I was rejected. Gagapang ako papunta sa 'yo, Babykel. Paghihirapan kong maabot ka.”

It makes my heart beat so wild. Parang kakapusin na ako ng hininga dahil sa bawat sinabi n'ya ay unti-unti n'yang kinukuha ang enerhiya ko.

Naninibago ako sa nararamdaman ko ngayon. Jericho never been like this to me. Para bang nilamangan ni Zahiro ito. Para bang gustong makasigurado ni Zahiro na s'ya ang pipiliin ko.

“Uhm, ready ka na ba na makilala si Mama?”

Agad na napatingin si Zahiro sa akin. Nabasag lamang ang katahimikan kasi nang nakarating kami sa tapat ng bahay ko.

Gusto ko sana s'yang kausapin kanina para mawala ang awkwardness namin pero umiiwas naman s'ya ng tingin sa akin. Maybe because he didn't also expected na sabihin iyon sa akin na dapat sa isipan lamang n'ya.

“Ngayon na?” mukhang nabuhayan naman ang boses n'ya.

Napatango naman ako na ikinangiti n'ya. Kinuha n'ya ang kamay kong nakapatong sa aking hita at binigyan ng malambing na halik, hindi n'ya inalis ang tingin sa akin.

“Ikaw lang naman ang hinihintay ko. I'm always ready.”

Si Zahiro lang talaga ang pinayagan ko na ma-meet ang Mama mo bukod kay Jericho noong nanliligaw s'ya. But it feels like it's different right now. Kakaiba ang pakiramdam ko ngayon na maipakilala si Zahiro kay Mama.

Tama nga ako na nandito ngayon si Mama. Hindi kasi s'ya umuuwi rito lalo na kung busy sa trabaho. Ngayon siguro magpapahinga na s'ya.

Naabutan ko s'ya sa kusina na nagluluto. Agad naman n'ya kaming nilingon nang mapansin na may tao.

“Oh, anak!” nakangiting bati n'ya. Mabilis n'yang pinatay ang apoy bago ako nilapitan.

“Ma,” ani ko at tinignan si Zahiro sa aking likuran.

Unti-unting nawala ang ngiti ni Mama nang makita si Zahiro sa aking likuran. Ngayon lang n'ya napansin na may kasama ako.

“Si Zahiro po pala, manliligaw ko, Ma,” pakilala ko rito ngunit hindi n'ya inalis ang tingin kay Zahiro.

Nang mas lalo n'yang natitigan si Zahiro ay kasabay no'n ang panlalaki ng nga mata n'ya. Para s'yang nanigas at gustong umatras.

Nagtaka naman ako sa inaasta ni Mama. Kilala ba n'ya si Zahiro?

“Hello, Ma'am. I'm Zahiro Amo Caddel, your daughter's suitor,” pagpapakilala ulit ni Zahiro na mas lalo lamang ikinalukot ng mukha ni Mama. She was trembling in fear.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro