Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 21

CHAPTER 21

“Drink this.” Inabot sa akin ni Zahiro ang malamig na tubig na nasa plastic bottle.

Tinanggap ko naman ito at ininom. Kahit papaano kumalma ang loob ko. Ayaw ko nang isipan pa ulit ang babaeng iyon. Nakakasama lang sa akin.

“Do you like to eat something? Mag-o-order na ako sa counter,” ani Zahiro.

Lumapit s'ya sa akin para ayusin ang buhok kong humaharang sa pisngi ko. Lalo na iyong dumikit sa pisngi ko dahil sa natuyong luha ko.

Napaangat ang namumungay at pagod kong mga mata. He licked his lower lip and stared at me too.

Wala sa sariling binasa ko ang aking labi ngunit nang napagtanto ang aking ginawa ay umiwas ako ng tingin.

“Ah, ano. . . ham and cheese na pizza sana tapos isang litrong coke.”

“Sweetie, hindi natin mauubos ang isang litrong coke,” malambing n'yang aniya na ikinasimangot ko.

“Sinong may sabing hati tayo sa isang litro? Akin iyon, mag-order ka ng sa iyo.”

Kumunot ang noo n'ya, mukhang gulat na gulat pa.

“Twelve onze lang na coke, Baby. Gusto mo bang magkasakit?”  Parang tatay ko s'ya na pinapangaralan ang anak.

“Eh, kasi naman nauuhaw na ako sa soft drinks.”

Napailing s'ya sa akin at hinalikan ang pisngi ko. “No. Kahit gusto kong mabusog ka ay ayaw ko naman na unhealthy ang iniinom mo o kinakain mo. Mamaya gagawan kita ng orange juice sa bahay at iyon na lang inumin mo.”

“Sa apartment mo ba?” tanong ko.

Medyo na-di-distract ako sa malambing n'yang paghaplos sa likuran ng palad ko habang nakapalibot na ang braso n'ya sa aking beywang. Naalala ko tuloy na nasa publiko kami. Kahit papaano may kaunting tao na rito.

We're in the same restaurant na pinuntahan namin. Our hidden place.

“Hindi, sa hacienda namin,” pagtatama n'ya.

“Really? Anong gagawin natin doon?” nagtataka kong tanong. Matagal-tagal din na hindi ako nakapunta roon. Iyong last time na pumunta ako roon ay no'ng birthday n'ya.

“Nando'n si Kuya Khalvin para ipakilala ang girlfriend n'ya. And I want to introduce you to my mother. Kinukulit na n'ya ako tungkol sa 'yo.”

Bigla naman akong kinabahan at may parte naman sa akin na nasasabik na nakapunta ulit doon. And he want to me to introduce to his mother? Then nasabi na n'ya rito ang tungkol sa kan'ya?

“Your mother knew me?” tanong ko, hindi pa rin makapaniwala.

Sumingkit ang mga mata n'ya sa gilid nang tumawa ito sa baritonong boses. Damn, even his voice was sexy.

“So cute.” Mabilis n'ya akong hinalikan sa pisngi at hindi man lang ako nakapag-react kaagad. “Kilala ka na n'ya dahil nasabi ko kay Mama ang tungkol sa atin.”

Nang makarating sa kanilang hacienda ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Nanliligaw pa lang si Zahiro ngunit parang sigurado na s'ya na hihigit ang relasyon namin kaya gusto n'ya kaagad akong ipakilala sa kan'yang Mama.

“Manang, nasa'n si Mama?” tanong ni Zahiro na kasam-bahay sa hacienda.

“Ay, magandang hapon, hijo!” gulat na usal ng kasam-bahay sa pagsulpot namin ni Zahiro sa pinto habang naglilinis s'ya.

“Mamaya pa uuwi ang Mama mo, hijo. Hintayin mo na lang,” nakangiting sambit nito.

Napabaling ako ng tingin kay Zahiro nang hawakan n'ya ang aking beywang at hinaplos ang buhok ko sa likuran. At sa harapan pa mismo ng kasam-bahay! Gulat tuloy napatingin ito sa amin. Hindi siguro naasahan na may babaeng kasama si Zahiro at ganito pa ang inaakto n'ya.

“Sige, Manang. Sa kusina po muna kami,” seryosong saad ni Zahiro at tanging mabilis na tango lamang ang naisagot ng kasam-bahay.

I think she's forty years and above. Mukhang mataas din ang posisyon sa hacienda dahil sa magarbo n'yang uniform.

“Upo ka muna rito.” Nilahad n'ya ang upuan sa akin at inalalayan pa akong umupo dahil high chair iyon.

“Anong gagawin natin dito?”

Medyo naiilang tuloy ako sa posisyon namin ngayon. Hawak n'ya ang magkabilang beywang ko habang nasa harapan ko s'ya. His charming eyes are intently stared at me. His feature was strong that sometimes I thought he was mad in everything, lalo na iyong mga taong nakakasalamuha n'ya.

“Ano kasi gagawin natin?” Tinulak ko pa s'ya nang mahina dahil ayaw pa n'yang alisin ang titig sa akin.

Unti-unting umukit ang ngisi sa labi n'ya. He's enjoying this.

“Bakit? Anong gusto mong gawin natin?” makahulugan n'yang tanong na ikinaikot ng mga mata ko.

“Seryoso, Amo.”

“Amo?” Napataas ang isang kilay n'ya. “Ngayon mo lang ako tinawag sa second name ko, ah.”

“Para maiba naman,” kibat-balikat kong sagot. “Kakaiba kaya ang pangalan mo. Amo, parang unggoy,” dugtong ko pa at saka tumawa sa kan'yang mukha.

“Baby,” aniya at nakabusangot na ang mukha. Pinaningkitan n'ya ako ng mga mata.

Natatawang tinuro ko ang mukha n'ya na parang binawi ang kasiyahan n'ya.

“Tuwang-tuwa ka?” taas-kilay n'yang tanong sa akin nang hindi pa ako tumigil. Napapahampas na ako sa kan'yang braso dahil sa napabusangot ang mukha n'ya.

“Oo, for now on Amo na tawag ko sa 'yo,” hagikgik kong sabi at kinulong ang pisngi n'ya sa mga palad ko. Ang sarap lang tignan na nakasimangot s'ya sa akin.

Napailing s'ya at napangisi na lamang sa aking kalokohan. “Whatever you want, sweetie baby.”

Kusang napatigil naman ako nang marinig ang endearment n'ya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay kapag tinatawag n'ya akong gano'n.

Hinawakan n'ya bigla nang mahigpit ang beywang ko at nilapit ang mukha sa akin. Wala pa ako sa aking sarili nang binigyan n'ya ako ng masuyong halik sa labi.

Muntik na akong mapatulala dahil do'n. Nasasanay na talaga ang lalaking ito sa kakahalik sa akin.

Tinulak ko ang noo n'ya nang akmang pailaliman ang halik. Namumungay ang mga mata n'ya ngunit ilang segundo rin ay taka akong tinignan.

“Sumusobra ka na, tigil na, ah,” sermon ko rito at tinulak ulit s'ya para lumayo ito sa akin.

He licked his lips, still staring at me.

“But, baby—”

“Heh! Magluto ka na lang, gutom ako.” Pagtataboy ko pa rito at sinenyasan s'ya na magluto na.

Nakasimangot na napakamot s'ya sa ulo at sinunod naman ang sinabi ko.

Nakakatawa lamang s'yang tignan habang naghihiwa s'ya ng karne. Eh, kasi naman salubong pa rin ang kilay at kung sisilipin n'ya ako sa aking puwesto ay mas lalong umiigting ang panga n'ya. Nagtatampo kaagad dahil hindi ko s'ya pinagbigyan.

“Zahiro.”

“Hiro.”

“Amo.”

Kanina ko pa s'ya tinatawag pero nagbibingihan lamang s'ya. Mas lalong sumasalunong ang kilay n'ya sa tuwing nagpapansin ako sa kan'ya, tulad na lang ngayon.

Patalon akong bumaba sa high chair kaya naalarma s'ya.

“H'wag kang tatalon ng gano'n!” saway n'ya at mahinang napamura at pinababalik ako sa upuan pero nagmatigas ako.

“Gusto kong tignan ang niluluto mo.”

Suplado pa rin ang mukha n'ya. Ramdam ko naman na kanina pa n'ya ako binabantayan kahit iyong atensyon n'ya'y nasa niluluto. Nagsusuplado lang talaga ito.

“Fine.”

Bumalik na s'ya sa pagluluto. Napangiti ako nang malawak sa aking naiisip.

I circled my arms to his waist that made him jumped. Nanigas pa ang katawan nito sa ginawa kong pagyakap sa kan'ya mula sa likuran.

I giggled when he let me hugged him and continued of what he was doing. Gano'n pa rin, he still want me to baby him. Hindi ko alam na may ganitong side pala ang isang Zahiro Amo Caddel. Paano pa kaya ang ibang kapatid nito?

“Amo?” I cutely said, sinilip ko pa ang mukha n'ya sa gilid.

Parang nilalabanan pa n'ya ang sarili na hindi ako pansinin. Nagmamatigas kahit halatang gustong gusto naman ang yakap ko. He's a cutie.

“Daddy?” sinubukan ko ulit s'yang tawagin.

Mas malapad na ang ngiti ko ngayon dahil mukhang sobrang naaapektuhan na s'ya sa ginagawa ko. Naalala ko tuloy no'ng kaarawan n'ya.

Medyo may pagka-flirt s'ya no'n. I introduced myself to him that time, then akala n'ya siguro nakikipag-flirt din ako. Napahiya tuloy s'ya no'ng nagpakilala s'ya na si Daddy raw s'ya. Baliw talaga.

“Ayaw mo na kay baby sweetie mo?” mas pinalambing ko pa ang boses ko.

Malalim s'yang bumuntong-hininga, para bang nahihirapan s'ya.

“I'm so in love with you. How can I say that I don't want you when from the beginning, I wanted you all by myself, hmm?”

I bited my lips para pigilan ang malawak na pagngiti ko. May kung anong kiliti sa akin nang marinig ang katagang iyon sa kan'ya. Now I'm sure that I'm in love with him also. Hindi na ito simpleng pagkagusto sa kan'ya.

Iyon nga lang kumawala ako sa pagkakayakap kay Amo nang makita ang nanunuyang tingin ni Khalvin kasama si Yannie. Mukhang kanina pa sila rito. Sobrang pula ko na siguro ngayon.

“Matatapos na ang niluluto ko. Doon na kayo sa dining hall, bilis na,” pagtataboy ni Zahiro sa kapatid nito, kasama ang kasintahan.

Hndi naman nagustuhan ni Zahiro ang paggawang pag-istorbo ni Khalvin sa amin. Halata naman sa mukha ni Zahiro na nabitin s'ya sa pagyakap ko. Kaya naman pala kanina pa nag-e-emote dahil gusto lang n'ya na lambingin ko s'ya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro