CHAPTER 19
CHAPTER 19
“Huh? Bakit mo naman nasabi iyan?” komento ko kaagad nang marinig ang huling sinambit n'ya. Bakit naman n'ya naisip na may gusto ako sa bandang iyon? And how did he know that I went to the concert?
He combed his hair frustratedly, he was irritated now. “You were happy when you watch them singing in the crowd. Tsk, sino ang mas magaling na banda para sa iyo?”
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa inaakto ni Zahiro ngayon. Naiinis pala s'ya dahil may ibang banda akong sinusuportahan bukod sa kanila.
“S-Syempre mas magaling kayo. Bakit mo man kinukumpara ang galing n'yo sa kanila? ”
“They have a lot of supporters kumpara sa amin.”
“Dahil hindi naman kayo tumatanggap ng concert at saka, hanggang school at gig sa bar lang kayo tumutugtog. Madami na kayong supporters n'yan. Paano pa kaya kapag pumasok kayo music industry?” komento, hindi lang para pagaanin ang loob n'ya kundi iyon ang napapansin ko.
Three years na silang tumutugtog sa school pero wala pa akong naririnig na nagpa-plano sila na taasin pa ang pangarap nila.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa kan'yang labi dahil sa mahaba kong komento. He was amused.
“If ever we became a star, would you watch our concert then?” random n'yang tanong.
I putted my lips. “Syempre susuportahan ko kayo. Dadalo ako sa concert n'yo kapag nangyari iyon. May plano ba kayo?”
Mukhang napapaisip naman s'ya sa tanong ko. My heart was racing in excitement because he was still smiling at me. May parte sa akin na gusto ko na abutin nila iyon. For sure, buong San Jose kaagad ang susuporta.
“Iyong mga band mates ko gusto nila. Wala pa kasi sa aking isipan na pumasok sa gano'ng kalaking opportunity dahil gusto ko munang makapagtapos sa pag-aaral,” pagkukuwento n'ya sa akin.
“Pero malay mo, magbago ang desisyon ko. There's a lot of time para mag-desisyon para d'yan kaya sa ngayon, i-e-enjoy ko muna iyong pagtugtog ko at kanta ko.”
Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang pinapakinggan ang kan'yang pangarap. Kahit ako mas priority ko ang pag-aaral bago ko problemahin na maging isa sa actress o 'di kaya writer sa pelikula.
Napahaba ang kuwentuhan namin ni Zahiro at namalayan na lamang na bumababa na ang sulat ng araw.
Unti-unti ko tuloy nakilala ang pagkatao ni Zahiro. The way he talk to me was gentle. Ibang-iba sa personality na sinasabi nila. Siguro magaspang talaga ang ugali ni Zahiro kapag na-trigger s'ya o hindi n'ya nagustuhan ang isang tao. Napahanga n'ya ako.
“H'wag mo na akong layuan sa susunod. Sa tingin ko kailangan mo na s'yang harapin dahil hindi habang buhay na iiwasan mo s'ya,” aniya bigla. “Matatakot ka lang palagi sa tuwing iniiwasan mo s'ya, Baby.”
I heaved a sighed. “Yeah, I really should after a month na iniiwasan kong magtagpo ang landas namin, ” I agreed to him.
Napangiti s'ya sa aking sagot.
“Sweetie. . . I want to court you. Ayos lang kung tumagal dahil sa nangyari sa 'yo.”
Gulat ang mukha kong nakatingin sa kan'ya. It's been a month still he want to pursue me?
“Pero—”
Nilapat n'ya ang hintuturo sa aking labi dahilan ng pagkatigil ko. Sobrang lapit na ng mukha namin sa kan'yang ginawa.
“I know what you're thinking. Alam kong gasgas na itong line ng mga lalaki pero ibahin mo ako. I haven't dated any women in my life, hindi rin ako na-involve sa kahit kaninong babae. Ngayon lang ako nagkagusto ng ganito,” aniya, namumungay ang mga mata na nakatingin sa labi ko.
“Sobra pa sa gusto ang nararamdaman ko sa 'yo, Baby. Sa mahigit isang buwan na minahal kita kahit alam kong may mahal kang iba, hindi ako makakapayag na hindi maging parte ng buhay mo ngayon na wala na dapat akong ipangamba.”
Tila mauubusan ako ng hangin sa pagpigil ng hininga ko. Tagos sa dibdib ko ang lahat ng mga sinabi n'ya, nakatatak na. Ramdam ko ang sinsero sa kan'yang nga sinabi. Sobrang gaan sa pakiramdam na marinig sa kan'ya ang mga iyon ngunit hindi ko maiwasan na mangamba.
What if magloloko rin s'ya katulad ni Jericho? What if he would find someone else sa kalagitnaan ng pagsasama namin?
Pero lahat ng iyon ay sandaling nawala sa isipan ko nang hawakan n'ya ang aking pisngi.
“Z-Zahiro.”
“Iniisip mo pa rin ba s'ya?” He roamed his eyes in my face. “Gusto kong alisin s'ya sa isipan mo. Hahayaan mo ba ako, Baby?”
I know what he was thinking. I know what he was planning to do. It scared me but somehow I like this feeling.
Without thinking any consequences, I nodded. Tumambol ang dibdib ko nang ngumiti s'ya, it was a deadly smile.
At tuluyan n'yang sinakop ang mga labi ko sa sandaling iyon. Kusang napapikit ang mga mata ko sa damping halik n'ya at sa paghaplos sa aking pisngi.
Sinipsip n'ya ang ibabang labi ko at padampi-dampi ulit ng halik. I automatically opened my eyes nang humiwalay s'ya sa halik at isinandal ang mga noo namin.
Sabay kaming nagpakawala ng malalim na hininga dahil sa halik na iyon. Nanlalambot na tinignan ko ang mga mata n'ya n'ya at gano'n din s'ya. Parang gusto pa nga n'yang humalik pa pero pinigilan lamang.
He licked his lower lip while staring at my parted lips. The thumb of his hand caressed my cheeks.
“Sobrang bilis ko ba? I-I'm still courting you, but I'm already kissing you,” lumabas ang maliit na ngiti sa labi n'ya habang kumikinang ang mga mata n'yang nakatingin sa akin. “How's my kiss? I-It's my first time so. . .”
“First time mo?” ulit ko sa hindi makapaniwalang boses.
Oo nga pala, kasasabi n'ya lang na wala s'yang naging girlfriend o babae na na-involve sa kan'ya. I didn't know na pati pala ang halik ay bago lang sa kan'ya. Kaya pala parang may kakaiba sa halik n'ya kanina.
Humiwalay naman s'ya sa pagkakahawak sa akin at marahan na sinuklay ang kan'yang mahabang buhok sa lalaking paraan. Hindi s'ya makatingin sa akin at nahihiya na. Napangisi tuloy ako.
“Don't give me that kind of look, sweetie. You should be thankful that you're my first kiss.”
Pinigilan ko naman na tumawa sa kan'yang sinabi at naging reaksyon.
“Hindi halata na first time mo,” ani ko at napailing. May parte sa akin na masaya dahil ako ang una n'ya.
He groaned and stood up because of embarrassment.
“Kahit wala akong karanasan, baka matakot ka sa dami kong alam,” tila nagbabanta n'yang sambit. “Tsk, ihahatid na kita. You're making fun of me.”
“Tingin ko nga madami kang alam. Paano pala iyan, hindi ka marunong humalik,” nagawa ko pang magbiro sa kan'ya.
Napangisi s'ya at napailing, mukhang hindi pa tanggap na hindi s'ya marunong kanina.
“Kapag nag-practice tayong dalawa ay matututo talaga ako n'yan. Baka ako pa ang magturo sa 'yo, so don't challenge me, sweetie.”
Parang kamatis na ang pisngi ko sa pinag-uusapan namin hanggang sa inihatid n'ya ako sa bahay gamit ang motorcycle n'ya. Mukha kasing may plano s'ya ngunit tila sabik pa ako na kinakabahan.
Simula no'ng nagkita at nagkausap kami ay hindi ko na s'ya iniiwasan. Gano'n din ang mga kabanda n'ya na mukhang masaya nang makita ako.
“Bakit hindi kumalat sa school ang hiwalayan n'yo ni Jericho? Talagang hiwalay na kayo?” Ronah asked me. Naritong kami sa room namin habang hinihintay ang aming instructor.
“Hindi naman required na ipagkalat. Wala namang magagawa ang tao kung hiwalay kami,” ani ko na ikinatango n'ya bilang pagsang-ayon.
“Sabagay. Sikat din kasi si Jericho dahil myembro s'ya ng banda nila Zahiro kaya akala ko kakalat talaga. Mahigit isang buwan din pala kayong hiwalay. Ano ba ang dahilan?” kuryuso n'yang tanong.
“Mahabang storya pero paiikliin ko n alang para sa 'yo.” Lumapit ako sa kan'ya para bumulong. “Don't spread this, okay? Jericho cheated on me.”
“Huh?” Hindi makapaniwalang saad s'ya at tinignan pa ang paligid dahil sa malakas n'yang pagsinghap. “Hala, hindi ako makapaniwala, Babykel. As in hindi ko ma-imagine na kaya ka n'yang lokohin. Sobrang bait kasi n'ya at mukhang matured mag-isip saka alam ang mga dapat gawin.”
Kaya nga isa rin sa nagustuhan ko noon kay Jericho dahil sa rason na iyon. Noon kasi iniisip ko na mas attractive ang gano'ng lalaki. Iyong mabait at tila hindi gagawa ng masama. At saka itong malabong saktan ako.
But right now, napatunayan ko na kayang magbago ng isang tao sa isang iglap lang. Iyong akala mo gano'n pa rin ang trato n'ya sa 'yo kahit tumagal kayo, pero ano ang nangyari sa amin? He hurt me gayong alam n'ya na kinasusuklaman ko ang mga taong nagc-cheat.
“Katakot pala magmahal.” Nanginginig pa na niyakap ni Ronah ang kan'yang sarili.“Marami na akong na-e-encounter na kagaya ng relasyon n'yo with different scenarios. Kaya sobrang ilang ko talaga sa mga lalaki dahil iniisip ko na maghihiwalay din naman kami.”
Parehas din pala ang iniisip namin. Takot man na mag-risk sa panibagong tao na bubuo sa akin ngayon, susubukan ko.
Ang hinihiling ko lang ay sana ito na ang pinakahuling lalaki na mamahalin ko, pinakahuling lalaki na mamahalin ako ng sobra.
Knowing about Caddel brothers, grabe ito magmahal. Katulad na lang sa boyfriend ngayon ni Yannie na si Khalvin, hindi magpapahuli si Airo na may Sibyl ngayon.
“Ayos lang ba na manonood ka ng practice ng banda nila Zahiro ngayon?” alanganin na tanong ni Ronah pagkarating namin sa music room.
Pinalidad na tumango ako. “Kakayanin ko naman. Ang banda lang naman ang pinunta ko rito, hindi s'ya,”tukoy ko Kay Jericho.
For now, I don't care kung makikita ko s'ya ngayon. Mas mabuting makita n'ya na wala na sa akin ang ginawa n'ya kahit kahit grabe ang ginawa n'ya sa akin.
Umalis na si Ronah para umuwi at iniwan ako sa harapan ng music room. Tuluyan na akong pumasok sa loob.
Tahimik akong umupo sa sofa na palagi kong inuupuan at tinignan silang lahat na tumutugtog.
Napansin kaagad ako ni Jericho nang hindi sinasadyang napatingin ako sa kan'ya. Bahagyang nanlaki ang mga mata n'ya at ngitian ako ng tipid. Malamlam ang mga mata n'ya sa akin at tuluyan nang nawala sa tono ang pagtugtog ng kan'yang piano nang makita ako.
Huli na akong napansin ng ibang banda. Nagtataka siguro kung bakit bigla na lang tumigil si Jericho at nakatingin sa akin. Sabay silang napalingon sa akin.
“Baby!” Kaway sa akin ni Allen, gano'n din ang ginawa ko at sinenyasan silang magpatuloy na.
Nang dumapo ang tingin ko kay Zahiro ay seryoso na itong nakatingin sa akin bago sinamaan ng tingin si Allen na tinutulak-tulak s'ya na tila inaasar ito.
Tuwid akong napaupo sa sofa nang lapitan ako ni Zahiro. Hindi na itinuloy ng banda ang kanilang pag-eensayo dahil tumigil na si Zahiro sa pagtugtog ng electric guitar.
“Akala ko ba walang pahinga ngayon, Amo, huh?” nanunuyang tanong ni Kertian pagkalapit nila sa akin.
“Shut up, Kertian. Tapos na ang practice natin kaya makakauwi na kayo,” sambit ni Zahiro na ikinareklamo ng ibang kasama n'ya.
“Nakita lang si Baby gusto na kaagad umalis. Desisyon ka palagi, Hiro? Desisyon ka?” sarkastikong saad ni Allen.
Hindi s'ya pinansin ni Zahiro at nilapitan ako. Tulad ng nakasanayan ay kinuha na lamang n'ya ang bag ko bago ko pa naman isabit sa aking balikat.
“Asus! Dumadamoves na, oh!” tukso ni Kertian.
Pinamulahan naman ako ng pisngi sa panunukso nila.
“Akala ko makakapanood pa ako ng practice n'yo,” ani ko pagkalabas namin sa room. Nauna nang nagpaalam ang ibang kasama ni Zahiro at ramdam ko naman na nasa likuran lang namin si Jericho.
“May pupuntahan tayo hangga't hindi pa lumulubog ang araw,” ani Zahiro at sinabayan ako sa paglalakad.
Napatigil lamang ako sa paglalakad, gano'n din si Zahiro nang biglang sumulpot si Jericho sa harapan namin. Kita ko ang pagtagis ng bagang ni Zahiro. Handa na sana s'yang magsalita nang pinigilan ko s'ya sa braso at inilingan ito.
“F-Far, may importante akong sasabihin.” Alanganin na tumingin si Jericho kay Zahiro.
Parang takot ito na ngayon ay nandito si Zahiro. Nag-aalangan s'ya na sabihin ang gusto n'yang sabihin dahil sa kasama ko. Hindi ko alam kung takot ba s'ya sa intimated na awra ni Zahiro o sa ibang dahilan. Parang gusto na kasi n'ya akong hilahin at ilayo kay Zahiro sa tingin pa lamang n'ya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro