CHAPTER 16
CHAPTER 16
Napapansin ko na malaki ang galit ni Zahiro sa mga ginawa ni Jericho sa akin. I don't think na dahil lamang iyon sa akin, may ibang dahilan pa at nagtataka ako kung ano pa ang dahilan n'ya.
Parang nagiging ibang tao kasi s'ya kapag na-trigger s'ya. He was so mad and ready to attacked Jericho kung wala lang s'yang inaalalang tao. I've heard a lot of him, gagawa s'ya ng gulo kung may kinagagalitan s'yang bagay.
Pagkatapos kong kumain ng tanghalian ay balik ulit kami sa pag-e-ensayo. Nanonood pa rin si Zahiro sa akin sa ibaba ng stage. Hindi ko inaasahan na pupuntahan n'ya ako rito.
Kanina pa n'ya binabantayan ang galaw ko at tila malalim din ang iniisip n'ya. He was sitting in the wooden chair with his strong legs apart. His wearing a white long sleeves button ups and black slacks. He looks so good on his outfit.
I tried to concentrate on what I am doing right now pero ang hirap n'yang alisin sa isipan. Paano ko s'ya makakalimutan nito gayong kahit wala s'ya sa aking paligid ay iniisip ko pa rin s'ya? Akala ko madali lang na hindi s'ya isipin.
Hanggang sa natapos ako sa aking ginagawa ay nando'n pa rin s'ya sa ibaba, hinihintay ako. Mahigit isang oras din nakalipas pero matiyaga s'yang naghihintay sa akin.
I gulped as I walked towards him. Hindi ko magawang alisin ang titig sa kan'ya lalo na namamangha ako sa taglay n'yang kaguwapuhan.
His hair was tied in messy bun. May ilang hibla pa na maliliit na buhok sa kan'yang noo na humaharang.
Titig na titig s'ya sa akin hanggang sa nakatayo na ako sa kan'yang harapan. Ngayon ay nakaangat na ang tingin n'ya sa akin.
“Are you waiting for me?” I asked him even it was obvious. I don't know how to start a conversation kaya iyon lamang ang tanging naisip kong tanungin.
Inilihis n'ya ang tingin sa akin at kunot-noong nakatingin sa ibang direksiyon. Tinignan ko tuloy ang tinitignan n'ya, iyong kapatid pala n'ya'y nandito.
“Nandito pala si Airo,” bigla na lamang lumabas sa aking bibig na ikinabaling ni Zahiro sa akin, nagtagpo ang mga kilay n'ya.
Napatayo s'ya sa pagkakaupo.
“Kilala mo s'ya?” Tila hindi s'ya natutuwa sa kan'yang nalaman.
Nagtataka ko tuloy s'yang tinignan. Binalingan ko ulit ng tingin si Airo dahil agaw pansin ito sa amphitheater. Sa magkakapatid kasi si Airo ang may pinakahabang buhok sa magkakapatid na Caddel.
Agad nawala ang tingin ko kay Airo nang biglang inangat ni Zahiro ang baba ko para ipaharap sa kan'ya. Nanlaki sa gulat ang mga mata ko.
“A-Ano?” I stuttered when I saw how irritated he was.
“Don't look at him! Nag-uusap tayo rito tapos kung saan-saan ka na nakatingin.”
“Tinignan ko lang, Zahiro. Anong masama roon?” taka ko ulit na tanong at marahan na inalis ang kamay n'yang nakahawak sa baba ko.
Sometimes I don't really get him. Out of nowhere naiinis na lamang s'ya.
Napaasik s'ya dahil sa pagiging iritado at bigla na lamang akong hinila palabas ng amphitheatre.
“Ang bag ko!” angal ko.
“Nasa akin na. Ihahatid na kita sa inyo,” he seriously said habang hinihila pa rin ako.
“Huh?!”
Ano ba ang ginagawa n'ya? Bigla na lamang s'yang nanghihila tapos sasabihin na ihahatid ako. Hindi man lang ako na-inform tungkol dito.
“Wait lang, Zahiro. What's wrong with you? Bakit bigla ka na lang naiinis d'yan?” Huminto ako sa paglalakad kaya hindi n'ya na ako nahila pa. Hawak n'ya ang aking kamay ay binalingan n'ya ako ng tingin.
“You're looking at him. Ang tagal mo pa s'yang tinitigan, huh?” tila nunuya pa ang boses nito at suplado akong tinignan. “I'm better than him, baby. So why don't you just look at me instead, hmm?”
Napatagal ang titig ko sa kan'ya dahil sa nagtataka na ako sa kan'yang inaakto. Napakurap na lamang ako nang umismid s'ya at umiwas ng tingin sa akin. Namumula ang mga tainga n'ya.
“Y-You're jealous?” I asked him to confirmed it. Wala akong maisip na dahilan pa kung bakit s'ya nagkakaganito kasi.
Humigpit ang hawak n'ya sa aking kamay at pabulong na kinakausap na ang sarili.
“Yes, I'm f*cking jealous,” mahina at mariin n'yang anas, mariing napalapat ang labi ko.
“Zahiro, you don't have to be jealous. Tinignan ko lang, eh. Wala naman akong gusto sa kan'ya,” ani ko, unbelievable. Pati kapatid pinagseselosan na. If I am right, may girlfriend na si Airo.
Dahil doon ay kahit papaano kumalma na si Zahiro. Suplada pa rin nga lang ang mga mata n'ya na binalingan ako ng tingin. Ang nagtatagis n'yang bagang ay nakanguso na.
There's a moment of silence between us. Pagkatapos ng ilang minuto ay binasag ko na rin.
Napabuga muna ako ng hininga bago kinalas ang kamay n'yang nakahawak sa akin. Napababa tukoy ang tingin n'ya nang gawin ko iyon.
“Zahiro, listen. You have to stop doing this. T-Tigilan na sana nating magkita dahil hindi ito tama.”
“What are you saying?” Hinawakan ang balikat ko para ipaharap sa kan'ya dahil hindi ko magawang sabihin ng diretso sa kan'yang mukha ang katagang iyon. “Bakit naman ako titigil? Anong mali kung magkita tayo? Wala naman tayong ginagawang masama.”
I took a deep breathe. Gulong-gulo na ang puso't isipan ko, nagwawala ngayon na nakatingin si Zahiro sa akin. He doesn't understand why I have to do this.
“Maraming tao ang maghihinala kung bakit tayo magkasama parati. They already knew that I have a boyfriend tapos makikita nilang may kasama akong ibang lalaki. I-I don't want to look like I was cheating on him.”
“But we both knew that you're not cheating. Magkaibigan tayo, Baby,” paintindi naman n'ya sa akin.
Umiling ako rito. “Yes, b-but we should set boundaries. May gusto ka sa akin at ayaw kong umasa ka. May boyfriend ako, dapat umiwas ka na hangga't maaga pa dahil hindi ko masusuklian ang nararamdaman mo.”
Gan'yan din ang sinabi ko kay Naroah. Pero sa kanilang dalawa mas nahirapan ako kay Zahiro. Because right now, naisip ko na nagugustuhan ko na rin si Zahiro at ayaw kong umabot pa na magkasala ako.
Ngayon na sa kan'ya na tinitibok ng puso ko, kailangan ko nang ayusin ang namamagitan sa amin ni Jericho. Ayaw kong manatili sa relasyon kung hindi naman pala s'ya ang mahal ko.
Unti-unting bumitaw si Zahiro sa pagkakahawak sa akin. Napaatras s'ya kaya hindi na gano'n kalapit ang katawan namin.
Seryosong napatango-tango si Zahiro. Hindi s'ya makatingin sa akin at tila malalim ang iniisip nito habang nakatingin sa malayo.
“Yeah, you still love that cheater guy.”
“Huh?” Nagulat ako sa kan'yang sinabi. The way he said makes my body trembled. Ano ba ang pinagsasabi n'ya?
His was darkly looking at me. Nanindig ang balahibo ko dahil do'n. Mukhang nagalit ko pa s'ya na tinataboy ko s'ya.
“Hinatayin mo na lang at makikita mo ang tunay na pagkatao ng lalaking minamahal mo, Baby. I will proved to you that you choose a wrong guy,” his voice was low but it was like he sent a thunder bolts as the way he said that.
I was dumbfounded. Natauhan lamang ako nang sinabit n'ya ang bag sa aking balikat at mabilis na lumakad palayo sa akin.
Napahawak ako sa aking dibdib. Hindi na normal ang pagtibok ng puso ko. It wasn't because I have a feeling to him, but because I'm afraid of what might happen to the next day.
It was like he said those word with a cursed spell. Sa sandaling iyon, natakot ako sa kan'ya. Now I know why most of people was afraid with him.
At dumating na nga ang panahon na kinatatakutan ko. Lahat ng mga ibig ipahiwatig sa akin ni Zahiro ay naintindihan ko na.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro