Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 13

CHAPTER 13



“Are you f*cking kidding me, Jericho?”

“Hey, tumigil ka muna, bro,” awat ni Kertian nang mapansin ang delikadong tono sa boses ni Zahiro.

Natahimik si Jericho at takot namang tumingin kay Zahiro.

“Why are you entertaining some other girl? I think you're blind na hindi mo napansin ang girlfriend mo,” galit na boses ni Zahiro.

Napatingin tuloy si Jericho sa akin at nanginginig ulit na tinignan si Zahiro.

“B-Bro, she's not just some other girl. She's my friend—”

“Wow, a f*cking friend, huh?” agad na asik ni Zahiro at hindi makapaniwalang tumawa. Tila ba isa s'yang kontrabida sa pelikula. “I'm sorry but I think that girl is more likely your girlfriend than Babykel. Do you have a f*cking feelings? Parang hangin lang si Babykel dito tapos iba ang ini-entertain mo.”

“Tama na, Zahiro, tama na,” awat naman ni Addan at hinila na patayo si Zahiro. “Magpalamig ka muna sa labas. H'wag gumawa ng gulo dahil hindi tayo taga rito.”

Hindi inalis ni Zahiro ang tingin n'ya kay Jericho at Narra. Galit na iniwaksi nito ang kamay ni Addan sa kan'yang balikat.

“Wala akong pakialam. Son of a b*tch!”

Pagkatapos n'yang magmura ay tuluyan nang umalis.

Napayuko ako at pasimpleng pinunasan ang nangingilid kong luha sa gilid ng mata ko. Hindi tuloy alam ni Jericho kung paano ako kakausapin ngayon.

He want to say something to me but he's more than frightened now. I don't if it is because of what Zahiro said, dahil ba sa akin, o baka sa ibang rason.

“Far—”

Tinawag ako ni Jericho ngunit umalis ako roon at piniling puntahan si Zahiro. Nawalan na rin ako ng gana na makita silang dalawa ni Narra.

Gusto kong makausap si Zahiro tungkol sa sinabi n'ya kay Jericho. He was so angry, at dahil nakita n'ya ang pagtrato sa akin ni Jericho. Siguro naubos na ang pasensya n'ya kaya hindi nakapagtimpi.

Hindi ko kaagad nakita si Zahiro sa labas ng bahay kaya naman lumabas ako ng gate. Then I saw him beside his motorcycle, smoking.

Naninigarilyo pala s'ya at nakakagulat na malaman iyon ngayon. Masama ang tingin nito sa kawalan habang bumubuga ng usok ng sigarilyo.

I know that he was not in a mood right now, but still I want to talk to him.

“Why are you smoking?” I asked him and then gulped as I stand in his front.

Lumipat ang tingin n'ya sa akin. Nanlalaki ang mga mata n'yang binitiwan ang sigarilyo at mabilis na tinapakan. Sobrang lapit namin nang umalis s'ya sa pagkakasandig.

“Baby, bakit ka lumabas? You should enjoy the party.” He gently held my left forearm, and I find him gentle when he did that.

“I'm the one who asked first. Galit ka ba kay Jericho?”

Dahil do'n ay sumama ulit ang timpla ng mukha n'ya at umiwas ng tingin.

Halos hindi na ako makahinga sa kan'yang pinapakita ngayon sa akin. His expression was deadly staring at somewhere while he maintained to held me gently. I don't know how he do that. Posible pala na maging malumanay sa pagkakahawak sa kabila ng galit mo.

“Hindi ko nagustuhan ang pagtrato n'ya sa 'yo. I don't like it, nakakagalit lang kung isipin,” iling-iling n'yang sagot.

I avoided his gazed. Sumasagi lang sa isipan ko na wala talaga s'yang planong kumustahan ako o ayusin ang relasyon namin. It's getting worse each passing day.

Nasasaktan lang ako sa isipang umasa ako na sa akin n'ya ireregalo ang dress na binili n'ya dahil birthday ko na next week. Ngayon, tila sinampal sa akin ang katotohanan. Ano naman ang magiging rason kung bakit n'ya niregaluhan si Narra ng dress?

Zahiro was right, mukha silang magkarelasyon kanina kung umasta habang ako hindi pinapansin.

“Why did you follow me?” tanong ulit ni Zahiro na ikinatingin ko sa kan'ya.

“Ahh.” Saglit akong nag-isip ng isasagot. “Galit kanina kasi kaya gusto kong malaman kung saan ka pupunta. At saka. . . ayaw ko rin mag-stay roon.”

Matagal n'ya akong tinitigan. Mukhang naintindihan n'ya ang gusto kong iparating.

Akala ko maaawa s'ya dahil sa nangyari sa akin ngunit madiin at seryoso lang s'yang nakatingin. Kasanayan na siguro n'yang mag-isip ng malalim bago magsalita.

“So, you want to be with me now? You don't want to be with your boyfriend? ” he asked darkly and I gulped as I stared at him.

I didn't feel anything when he asked if I want to be with my boyfriend. Noon naman masaya ako sa isipang boyfriend ko si Jericho. Ngunit ngayon parang na-dissapoint na lamang ako.

Seryoso s'yang tumingin sa akin nang lapitan n'ya ako lalo. “Tell me if you want to be with me, and I will let you experience how to value a woman like you.”

Nanlaki ang mga mata ko. Nakaramdam kaagad ako ng kaba sa kan'yang sinabi.

“A-Anong ibig mong sabihin?” Umiwas ako ng tingin dito. “Kung tama ang iniisip ko, ayaw kong mag-cheat, Zahiro. Hindi iyon tama—”

“Hindi ko sinabing mag-cheat ka. It's a sin to cheat with your boyfriend, okay?” agap n'yang saad. “Ang sinasabi ko ngayon, aalis tayo rito at dadalhin kita sa lugar na makalimutan mo panandalian ang sakit sa ginawa ng lalaking iyon.”

Pinamulahan naman ako ng pisngi dahil sa maling akala. Mukhang nagalit pa nga s'ya nang sabihin ang salitang 'cheat'.

Iniisip ko kasi na gusto n'yang ayain ako na mag-cheat dahil inamin n'ya namang gusto n'ya ako. I think hindi s'ya kagaya ng iba.

Naglalaban ang isip at puso ko sa magiging desisyon ko ngayon. Kahit sa tingin hindi tama ang gusto kong mangyari ay sinunod ko pa rjn ang puso ko. I want to be with him just for now. Gusto kong makapag-isip ng maayos.

“Sige, sasama ako sa 'yo.”

At kasabay no'n ang pagngiti n'ya ng malawak, but it seems like it was a smirk.

Sumakay ako sa kan'yang motorscycle at hinayaan ko na lang s'ya kung saan n'ya ako dadalhin. I don't care anymore, as long as I'm away with negativity. Away from heartache.

Huminto kami sa harapan ng malaking sign board. Alam ko kaagad na rito n'ya ako dadalhin sa Gem's Kitchen. I think it is a restaurant pero no'ng nakababa na kami at pumasok sa gate ay wala naman akong nakitang restaurant.

Takang tinignan ko tuloy si Zahiro na malaki na ang ngiti ngayon.

“Dinala mo ako sa restaurant, right?” I asked him and he nodded.

“Yes, but it wasn't just a restaurant, mas higit pa roon. Promise, you'll going to love this place,” nakangiting sagot n'ya at hinawakan ako sa braso para hilahin.

Napansin ko tuloy na nature theme ang nasa paligid ko. Sobrang green ng paligid. Magkahawak kamay pa rin kaming tumawid sa tulay na gawa sa kawayan dahil may umaagos na ilog sa ilalim.

Sobrang namangha talaga ako. Tama nga si Zahiro na hindi lang basta-basta na restaurant ang pinuntahan namin dahil maraming mga bulaklak sa bawat gilid namin habang naglalakad kami sa gitna.

And in front of us, hanggang second floor na restaurant. Makikita kung ano man ang mero'n sa loob dahil walang pader at pinto.

I think this place is hidden since hindi ko talaga nahalata na may ganito rito. Maybe because it's part of the forest.

“Bakit walang tao?” Kahit namamangha pa rin sa paligid ay napansin kong may kakaiba rito. Walang tao sa mga table.

“Iilan lang ang nakakaalam nito dahil tago. At saka kakaumpisa lang nila last month,” tugon ni Zahiro.

Napatango ako, tama nga ako.

Pagkalapit namin sa napiling table namin ay agad na lumapit sa amin ang waiter. He was smiling wide as he greet us.

“Good morning, Sir and Ma'am! Welcome to Gem's Kitchen!”

Nawala ang tingin ko sa waiter nang alalayan ako ni Zahiro sa pag-upo. Bigla akong natigilan sa kan'yang pagsikop ng buhok ko na humaharang sa aking mukha. Seryoso lamang n'ya iyong ginawa bago umupo sa aking harapan.

“Can I have the menu?” Zahiro asked the waiter.

Dali-dali namang binigay ng waiter ang menu sa aming dalawa. Mukhang nagulat din s'ya sa ginawa ni Zahiro, even me.

Agad naman akong nakapili ng gusto ko. Sabay naming binigay ni Zahiro ang aming order bago umalis ang waiter. Kaya naman ilang minuto kami maghihintay rito.

“Hello, Sir and Ma'am! We would like to take you a picture if it's okay with you po, Ma'am and Sir.” Biglang sulpot ng babae na may camera pa'ng hawak. “May mga magaganda ng view po rito kaya baka gusto n'yo ng bagong profile at cover photo.”

Good vibes ang dating ng babae at mukhang kinikilig pa sa aming dalawa ni Zahiro. Pumayag kaming dalawa ni Zahiro kaya naman unang take namin ng picture ay sa malawak na flower garden.

Nagulat pa ako nang akbayan ako ni Zahiro at ngumiti sa camera. Hindi tuloy ako nakapag-ready at nakuhanan kaagad kami ng picture habang nakatingin ako kay Zahiro. Ayan tuloy nangangasar akong tinignan ni Zahiro.

“You're staring at me, huh? Maganda tuloy ang mga pictures.”

Inikutan ko ito ng mga mata. “Bigla-bigla ka ba naman nang-aakbay.”

“Eh, iyon ang gusto ko. Alangan namang tumayo tayo na parang statue sa harapan ng camera,” he sarcastically said. Marunong na talagang magpilosopo 'no.

Kung saan-saan pa kami nagpa-picture. Sobrang ganda pa ng pagkakakuha ng babae sa amin. Na-enjoy ko tuloy.

“Send ko mamaya sa 'yo ang pic,” nakangiti kong saad kay Zahiro pagkabalik namin sa aming table. The food is already serve na kasi.

“Okay, but accept my friends request first.” Biglang naging seryoso s'ya, nagtatampo.

Napangisi ako. Na-unfriend ko kasi s'ya pagkatapos ng pag-accept ko sa kan'yang friend request. Then he added me again pero hindi ko na in-accept.

“I-profile mo muna ang mukha mo bago kita i-accept. Mukha kasing dummy account ang sa 'yo.” Napansin ko kasi na instruments ang pino-profile n'ya. Mukhang hindi s'ya mahilig mag-profile ng kan'yang mukha.

Sumalubong ang kan'yang kilay. “Hindi ako nag-p-profile ng mukha ko, Baby.”

“Walang profile picture mo, walang accept ng friend request, ” pinalidad kong saad na ikinareklamo ng mukha n'ya.

Nagsimula na akong kumain at s'ya naman ay may kinakalikot na sa cellphone. Bigla na lang tumunog ang cellphone ko kaya naman saglit kong binitiwan ang kutsara ko at tinignan kung anong mero'n.

Napalingon ako sandali kay Zahiro nang makitang may message request s'ya ulit. Nang tignan ko ay napatulala ako sa kan'yang bagong profile.

Hindi na instrument ang nando'n, kundi ang kan'yang nakangiting mukha. Mukhang s'ya lang kumuha ng sariling litrato n'ya rito.

Malapad akong ngumiti kay Zahiro naukhang nahihiya pa sa kan'yang pagpalit ng profile. Suplado pa akong tinignan.

“Already accepted your friend request. Nahihiya ka pala mag-profile picture, ah,” nanunuya kong saad na ikinaikot ng mga mata n'ya sa panlalaking paraan.

“I have no choice. You won't accept me anyway.”

Natawa na lamang ako at pinagpatuloy ang kinakain ko. Nakatutuwa lamang malaman ang tungkol sa kan'ya. Akala ko hindi s'ya nahihiya dahil sanay na s'ya sa tingin ng mga tao pero roon lang pala s'ya mahihiya sa pag-profile ng mukha n'ya.

I guess he was not into social media. Kaunti lang kasi pino-post n'ya roon.

After namin kumain ay random na nagkukuwentuhan kami. Ang mas tumatak sa kan'yang sinabi sa akin ay iyong tungkol sa kanilang magkakapatid. Mukhang close na close silang magkakapatid dahil napapangiti na si Zahiro sa tuwing may nakatutuwang pangyayari s'yang natatandaan.

Naikuwento rin n'ya ang tungkol sa kan'yang Ina ngunit ang ipinagtataka ko ay hindi n'ya binabanggit ang tungkol sa kan'yang Ama. Hindi ko iyon tinanong pa sa kan'ya dahil mukhang may malalim s'yang dahilan.

“Kakanta ka ba? Saan mo nakuha ang gitara?” tanong ko nang makitang may dala na s'yang gitara at umupo sa aking tabi.

We're sitting on the grass right now. Nasa harapan namin ay iyong malawak na lupain ng mga bulaklak. Talagang tinupad ni Zahiro na s'ya mismo ang magtatanggal ng sakit sa aking nararamdaman ngayon. For now, I felt peace.

“I heard that your birthday is on next week. So I want to dedicate this song for you, kakantahan kita,” nakangiti n'yang sabi.

Bago pa man ako makapagsalita ay nagsimula na s'yang magtugtog ng gitara. Naisara ko ang bibig ko at hinayaan s'yang kumanta.

I didn't heard this song, it's unfamiliar. Pero magandang pakinggan ang kanta. Tila hinihili at hina-hypnotize n'ya ako sa paraan ng pagtingin at pagbigkas ng bawat lyrics n'ya.

I felt so special right now. Sobra akong na-overwhelm dahil talagang binibigla n'ya ako sa mga surprise n'ya. Sobrang effort n'ya kaya naman nahihiya rin ako minsan sa kan'ya.

He was actually a nice guy, akala ko mayabang s'yang tao. Maganda ang trato n'ya sa akin at hinahaplos no'n ang puso ko.

He was a serious kind of person, that's what they know, but when I'm already close to him, medyo playful at palabiro rin. Maybe that was his true personality.

As I stared at his face, I just realize that his handsomeness was out of this world, it's more like a Greek God. Staring at him right now, I could see his deadly charm, just like Apollo.

“If ever I were a man that you love,
I would be faithful enough to be deserving your love,” huling kanta n'ya bago ngitian ako. Tumitig pa s'ya sa akin nang tumigil na s'ya sa pagkanta.

Kahit naiilang ako sa kan'yang tingin ay pinalakpakan ko s'ya. I even laughed just to ease the awkwardness. Natawa na lamang tuloy s'ya sa aking ginawa.

Damn, he can light up my mood just with his smile. The way he brushed his long hair, it was hot. His glimmering brown eyes, a perfect description of his beauty.

“Kaya naman pala maraming na-i-inlove sa 'yo dahil maganda ang boses mo. Maganda ang kanta, grabe. Bakit ngayon ko lang narinig iyan? Ano pala title ng kanta?” I commented and asked him, nanghihinayang din dahil ngayon ko lang nalaman ang ganitong kanta.

“Thanks for the complement, sweetie,” nanunuya n'yang saad at baritonong tumawa. Tinaasan ko tuloy s'ya ng kilay.

“The title of the song is 'If ever', I wrote that song for you and also my gift for you.”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro