CHAPTER 12
CHAPTER 12
Ako nga siguro ang may mali sa aming dalawa. Siguro tama s'ya, masyado akong demanding sa kan'yang atensyon na hindi ako mapakali kung ano ang pinaggagawa n'ya habang wala ako sa kan'yang tabi.
Sinisisi ko ang lahat sa aking sarili habang nilalabas ko ang sakit sa pamamagitan ng pag-iyak ko. Kasalan ko siguro ang lahat kung bakit magulo na ang relasyon namin.
But I was deeply hurt when he left me in that place. Hindi n'ya man lang ako nilingon. Hindi n'ya ako tinext o tinawagan hanggang sa sumapit na ang tatlong araw.
Nasasaktan ako dahil hindi n'ya man lang inalam kung nakauwi na ba ako dahil pagabi na no'n. Tinanong ko tuloy sa aking sarili kung may pakialam ba s'ya sa akin. Kung masyadong nagalit s'ya sa akin kaya natiis n'ya ako.
So maybe, ako talaga ang mali sa aming dalawa.
Sinusubukan kong kumapit sa relasyon na ito dahil sa ilang taon na rin ang pinagsamahan namin. But I knew to myself that I'm slowly losing myself. Minsan sumasagi sa aking isip na buwagin na lamang ang ano mang mero'n sa amin.
“Ma, saan ka na naman pupunta?” pagod kong tanong sa kan'ya at pabagsak na umupo sa sofa.
She was busy compiling some papers when she saw me. Ngumiti s'ya nang malapad.
“Babayaran ko ang mga pinag-utangan ko anak. Madami na kasi ang pera ko,” aniya na ikinasalubong ng kilay ko.
“Kanino galing ang pera?” I seriously asked her. Nawala tuloy ang malapad n'yang ngiti nang makitang nagdududa ako sa pinaggagawa n'ya.
“Anak, naman.”
Iniwas ko ang tingin sa kan'ya. Palagi na lamang namin ito pinagtatalunan. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako na hindi n'ya magawang iwan ang lalaking naging dahilan ng pagkasira ng pamilya namin.
I almost felt my tears forming in the side of my eyes. Just now, I realize that because of love, I was deeply hurting. . . emotionally hurting.
P'wede bang hilingin na sana isang araw lang akong masaktan? Napapagod na ako na sa tuwing naaalala ko ang mga iyon ay winawarak ang puso ko, na minsan hindi ako makatulog ng mahimbing sa gabi.
My boyfriend left me without trying to fix our problems and then this. . . patuloy pa rin nakikipagkita si Mama sa lalaking naging kabit n'ya.
Ang Papa ko. . . nasasaktan ako sa tuwing sumasagi sa isipan ko kung paano namatay si Papa. Saksi ako kung paano lumaban si Papa sa kan'yang sakit para sa aming dalawa ni Mama.
Minahal lang naman n'ya si Mama pero bakit gano'n ang sinukli ni Mama. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng galit ngunit kinikimkim ko lamang dahil kahit ano pa man, mahal ko si Mama.
“Anak, h'wag kang umiyak.” Umupo si Mama sa aking tabi at pinunasan ang aking luha sa pisngi.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang bumabalik sa aking isipan ang mukha ni Papa. Hanggang sa memorya na lamang s'ya at hindi ko na s'ya mayayakap pa.
“M-Maiintindihan ko po naman kung may iba ka nang mahal ngayon, Mama. Tatanggapin ko na magkaroon ka ng panibagong lalaki na mamahalin mo,” umiiyak kong saad at umiwas sa kan'yang haplos. “Ngunit hindi ko matatanggap na s'ya pa rin ang lalaking kinikita mo.”
Nasasaktan naman n'ya akong tinignan.
“Anak naman, intindihin mo ako kahit sa ganito lan—”
Mariin akong napailing at tumayo sa pagkakaupo. Hindi ko nakayanang marinig ang kan'yang sinabi.
“Hindi. Hindi ko maiintindihan kung bakit umaasa ka pa rin sa kabit mo, Ma. Mahal mo ba s'ya na hindi mo kayang bitiwan? Tuluyan na bang nawala ang pagmamahal mo kay Papa no'ng mga panahon na nakikipagkita ka sa lalaking iyon?” I painfully asked her, still afraid that she maybe love that man more than her family.
Umiwas ako ng tingin nang makitang umiiyak s'ya sa aking harapan. I couldn't stand seeing her crying like this, but I don't want her to end up with that man.
“M-Mahal ko kayo ni Papa, anak. P-Please, hintayin mo na itama ko ang lahat.”
Nasasaktan na tumango ako at iniwan s'ya roon na umiiyak. Ayaw ko na pahabain pa ang usapan dahil sa ilang beses na kinumbinsi ko s'ya na iwan ang lalaking iyon, palaging ganito ang sinasabi n'ya. Nauubusan na ako ng oras sa kahihintay na itama n'ya ang lahat.
With my heavy heart, tumungo ako sa bahay ni Jericho para umattend sa birthday ng kan'yang kapatid.
Kahit ayaw akong kausapin ni Jericho ay pupunta pa rin ako kaarawan ng kapatid n'ya. I promised to her sister that I'll be in her birthday. Wala namang sinabi si Jericho na bawal akong pumunta.
“Hija, kumusta ka na? Hindi ka na dumadalaw sa amin, ah,” bungad na tanong ng Ina ni Jericho pagkapasok ko sa kanilang bahay.
Hindi ko na natignan pa ang mga tao sa labas at loob ng bahay nila dahil sa Ina ni Jericho na nakatuon ang atensyon ko.
I smiled at her and gave her a hug.
“Naging busy rin kasi sa school, Tita, eh,” I tried to give her a warm smile so she wouldn't notice the sadness that I am feeling right now.
“Naku, ayos lang. Nagtataka lamang ako na matagal ka nang hindi pumupunta rito. Miss na kita tuloy. Oh, oo nga pala, nando'n na mga kasama ni Jericho sa loob. Kumain ka na rin,” aniya at iginaya ako.
Iyong mga kabanda pala ni Jericho ang tinutukoy ni Tita na nandito na. Hindi ko akalain na pupunta sila rito, lalo na si Zahiro. Siguro tinuring na nilang kaibigan si Jericho dahil kabanda nila ito.
Pansin kong tumagal ang titig sa akin ni Zahiro. Lumapit ako sa kanilang puwesto, kasabay no'n ang pagkurap ng mga mata n'ya.
“Akala ko hindi ka pupunta, Baby. Bakit ngayon ka lang? Hinintay ka pa naman namin,” ani Kertian at tinapik ang upuan na bakante sa kan'yang tabi.
“Ah, may ginawa lamang ako sa bahay,” marahan kong sabi at ngitian s'ya.
Uupo na sana ako sa kan'yang tabi ngunit kaagad na kinuha ni Zahiro ang atensyon ko.
“Dito ka umupo sa aking tabi, Baby.” Tinapik-tapik pa ni Zahiro ang sofa sa kan'yang tabi at seryosong sinenyasan akong umupo roon.
Tinignan tuloy si Zahiro ng makahulugan ng mga kasama n'ya. Tinapunan pa ni Allen ng plastic bottle si Zahiro at tumama ito sa dibdib. Nang-aasar na tinignan ni Allen si Zahiro.
“Ikaw, ah. H'wag mo na ituloy ang binabalak mo, Hiro. Naku, akala ko ba hindi ka tutulad sa Ama mo?”
Kumunot ang noo ko nang marinig iyon. Pangalawang beses ko na sigurong narinig na sinasambit nila ang Ama ni Zahiro.
Wala na akong nagawa nang hilahin ako ni Zahiro na umupo sa kan'yang tabi. Muntik na nga akong mapaupo sa kan'yang hita kung hindi kaagad n'ya ako inalalayan. Good thing, he immediately held my waist bago pa man mangyari iyon.
“Sorry,” mahinang paumanhin ni Zahiro. Mukhang masyado akong mahina ngayon kaya madali lamang akong mahila na parang hangin.
“Zahiro!” sabay na tawag ng tatlo na ikinasinghal ni Zahiro.
“Ano na naman?!”
“Masyado kang tutok kay Baby kasi. Matanda ka na kaya dapat alam mo na ang ginagawa mo, Zahiro. Naku! Binabalaan kita.” Parang binabalaan tuloy ni Addan si Zahiro.
Maybe I knew what are they talking about. Alam na pala nila na may gusto si Zahiro sa akin. Then maybe they are talking about the way na itrato ako ni Zahiro ngayon.
Dahil do'n, lumayo ako ng kaunti kay Zahiro para bigyan ng espasyo ang pagitan namin. He didn't commented about what I did.
“Binata pa ako. Kung makatanda naman ito,” anas ni Zahiro. “I know what I am doing so just shut up and watched. I have may ways.”
Naguguluhan naman akong nakatingin sa kanila. Hindi ko na naintindihan pa ang huling sinambit ni Zahiro. Napabuga na lamang ng hininga ang mga kaibigan ni Zahiro at napailing-iling.
“Bahala ka d'yan,” ani Kertian.
Kumain na lamang ako habang hinihintay ang kapatid ni Jericho. I'm going to give my gift to her.
A few minutes later, mas dumami pa ang besita. Good thing na malapad ang bahay nila Jericho, lalo na sa labas kaya kasya ang mga bisita. May kaya naman kasi ang pamilya nila.
Iyong masasabi ko talaga malaki ang bahay ay kila Zahiro. Nah, why I am comparing them anyway?
“Halikayo, hija, mga hijo. Picture muna tayo roon, oh.” Turo ni Tita sa unahan kung saan nakaupo ang kapatid ni Jericho. Doon nakalagay ang nga malalaking balloon.
I saw Jericho holding his cellphone. It seems like he's texting someone. He looks so happy right now.
Nakayukong sumunod ako kay Tita at gano'n din sila Zahiro. Hindi pa kami napansin ni Jericho dahil abala ito sa pagce-cellphone.
“Jericho, ask someone to take a picture of us,” utos ni Tita at doon na gumalaw si Jericho.
Ako kaagad ang unang nakita n'ya pag-angat n'ya ng tingin. Saglit s'yang natigilan ngunit hindi na s'ya tumagal pa nang utusan s'ya ni Tita. He immediately called his cousin to take us a picture.
Inayos ko muna ang suot kong floral dress na hanggang itaas ng tuhod ang haba. Off-shoulder ang dress kaya kita ang maputi kong leeg at ang nasa itaas ng dibdib ko.
“Ate!” tawag ni Kristine, ang kapatid ni Jericho.
Tumango ako rito at ngumiti. Gusto ko sana s'yang yakapin ngunit nagsisimula na ang pag-picture sa amin. Tumabi na lamang ako kay Zahiro dahil malapit ako sa kan'yang puwesto.
Umangat ang tingin ko sa kan'ya nang kalabitin n'ya ako ngunit wala namang itong sinabi at tinignan lamang ang mga mata ko. Parang may hinahanap ito.
Ngunit nawala din ang tingin ko sa kan'ya nang napansin si Jericho sa aking tabi. Hindi s'ya tumingin sa akin. Galit pa rin siguro s'ya dahil parang hangin ako sa kan'yang tabi.
“Wait! Bakit hindi ako kasali, huh?”
Bago pa man mag-umpisa ang pagkuha ng litrato ay kaagad na nakahabol si Narra. Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang makita ang kan'yang suot.
Muntik na akong matumba dahil sa pagsingit n'ya sa pagitan namon ni Jericho. Buti na lamang ay may humawak sa aking beywang.
Ngunit hindi na nagawang tignan ang umalalay sa akin dahil sa sobrang gulat ko sa pagsulpot ni Narra. S'ya na iyong katabi ko sa gilid imbes na si Jericho.
“Ay! Sorry, Babykel, dito lang ako, ah?” malapad s'yang nakangiti sa akin.
I couldn't utter a word. I was damn speechless right now. Tila tinarak ng ilang beses ang dibdib ko. Hindi na rin normal ang paghinga ko nang makita ang kan'yang suot at paghawak n'ya sa braso ni Jericho.
“D*mn. Baby?”
Napakurap ako at napalingon kay Zahiro nang bigla n'ya akong tinawag. Para akong nagising sa malalim na pag-iisip at sa masamang pangitain.
Nang makita ang mukha ni Zahiro na nag-aalala sa akin ay tila lumuluha ang puso ko. Pinigilan ko ang pagpatak ng luha ko kaya naman lahat ng sakit ay lumipat sa dibdib ko, nakakimkim.
“Are you alright?” he whispered.
I bited my lower lip and shook my head. Pinilit ko na lamang ang sarili kong tumingin sa camera at nang matapos ang pekeng ngiti sa aking labi.
“Alright, thank you everyone! P'wede na kayong bumalik sa table n'yo,” saad ni Tita.
Hindi ko na magawang tignan si Jericho dahil kausap na nito si Narra. Ang epal ko naman siguro para sirain ang masaya nilang pag-uusap. Para bang matagal na silang hindi nag-uusap.
Tahimik akong umupo sa aking upuan at gano'n din si Zahiro sa aking tabi. Nakita ko banda sa gilid ko ang pag-upo rin ni Jericho at ni Narra sa tapat namin.
I greeted my teeth. Agad kong ininum ang soft drinks sa aking harapan sa inis ko.
Ako na naman ba ang magiging mali, ngayon na nakikita kong hindi na ako kailangan ni Jericho dahil nandito naman si Narra? Hindi man lang n'ya ako kinausap at mas tinuon ang atensyon sa kaibigan n'ya.
“Ako na bahala sa pagkain mo. Wait lang,” nakangiting sambit ni Jericho at tumungo sa mga handaan para kuhanin ng pagkain si Narra.
Just wow. Ako na girlfriend pero hindi n'ya nagawang tapunan ng tingin. Para bang nakalimutan na ako ang girlfriend n'ya.
“Hey, guys. Naikuwento sa akin ni Jericho na may bagong kanta kayo,” malaanghel namang ngumiti si Narra sa mga kaibigan ni Zahiro, even to me.
Hindi na siguro maipinta ang mukha ko ngayon. I don't know how to pretend like I wasn't irritated at her.
Nagkatinginan lamang ang tatlong kaibigan ni Zahiro at ngitian lamang si Narra. Mukhang wala ring paki kay Narra dahil ako ang kinausap kaagad nila.
“May problema ba kayo ni Jericho, Baby?” concern na tanong ni Allen, medyo malapit ang bibig n'ya sa aking taenga.
“I don't know,” iyon lamang ang tanging tugon ko. Nag-aalala tuloy silang nakatingin sa akin. Mas lalong pinag-aaralan ni Zahiro ang kinikilos ko.
“Uhm, guys, ano pala name ng band n'yo?” Narra awkwardly asked. She maybe felt that the three man doesn't want to talk to her.
“Wala,” si Kertian na ang sumagot dahil mukhang walang balak sila Zahiro. Mas lalong salubong ang kilay ni Addan habang nakatitig sa hawak n'yang alak.
Nahihiya namang tumawa si Narra at walang masabi. Nabuhayan lamang ito nang bumalik sa kan'yang puwesto si Jericho.
“Eat now. Nangangayat ka na, oh,” concern na sabi ni Jericho.
“What are you doing?”
Napabaling ang tingin namin kay Zahiro dahil sa madiin nitong salita. Kahit si Jericho at Narra ay natigilan sa sobrang dilim ng tingin ni Zahiro.
“Huh?” Takang tinignan ni Jericho si Zahiro dahil nasa kan'ya nakatingin ito.
“Are you f*cking kidding me, Jericho?”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro