CHAPTER 06
CHAPTER 06
Hindi naman masakit sa tainga habang tumutugtog sila. Nakakarelax ito kaya naman ginanahan akong mag-review.
“Anong trip mo, Zahiro? Rock song dapat ang ipa-practice natin hindi iyong parang namatayan,” rinig kong sambit ng isang kasama n'ya kaya napaangat na ako ng tingin. Si Allen iyon, hawak ang gitara n'ya.
“Mamaya na lang, okay? Gusto ko munang i-practice natin ang bagong kanta natin. It's a love song, pampatay ba ang kantang ito sa iyo?” sarkastikong tanong ni Zahiro na, tila naiinis o natatawa rin ito na marinig na pampatay ang kanta nila.
Sa sobrang smooth at bagal ng kanta aakalain na sad love song pero hindi naman pampatay. Loko talaga ang kasama si Allen.
Nagbangayan pa sila kaya binalik ko atensyon sa nire-review ko ngunit ang hindi iyon nangyari dahil in-occupied na ni Zahiro ang isip ko.
Nakita at narinig ko lang naman ang playful side n'ya. Akala ko hindi s'ya iyong klaseng tao na mabibiro mo at magaling lamang ito sa pagkuha ng atensyon ng babae. Hindi ko akalain na makikipagbangayan s'ya sa mga kasama n'ya na parang bata.
“Jericho.”
Napabaling naman ang atensyon n'ya sa akin nang tawagin ko s'ya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa at nilapitan s'ya.
“Papasok ka na sa klase mo?” he asked as I stood in front of him.
“Oo, eh.”
Napakagat ako sa sariling labi at napalingon sa mga kasama n'ya na nasa amin na ang atensyon. Bigla naman akong nahiya roon. Kuryuso tuloy sila nakatingin sa amin.
“Pero hindi kita maihahatid.” Sinuyod n'ya ang tingin sa mga kasama n'ya at binalik ang tingin sa akin. “Ayos lang ba sa iyo kung hindi kita masamahan? Pasensya na at abala pa kami, hindi ko sila magawang iwan dito.”
Mabilis ko namang iniling ang aking ulo at namumula na sa hiya. Ayaw ko naman isipin nila na maarte ako at nagpapahatid pa.
“No, it's okay. Magpapaalam lang sana ako na aalis na ako, Jer.”
Alanganin tuloy s'ya kung ihahatid ba ako pero gaya nga sa sinabi n'ya, mas ayaw n'yang iwan ang kan'yang nga kasama. Maybe nahihiya lang s'ya na umalis dito dahil kasisimula pa lamang n'ya. I understand him.
Nagkawala s'ya ng buntong hininga. “Nasanay na ako noon na hinahatid-sundo ka. Don't worry, babawi ako sa susunod, my angel.”
Tipid lamang akong ngumiti at binalingan ang kasama n'ya na abala na ngayon sa pagkalikot ng mga instruments nila. Saglit lamang akong natigilan nang sumulyap sa akin si Zahiro.
Hindi naman iyon nagtagal at iniwas n'ya ang tingin. His jaw clenched and diverted his attention to his electric guitar, he strummed it with his free style tuned.
Hindi ko na hinintay na magsalita pa si Jericho at isinabit ang bag sa aking balikat.
“I'll go ahead now,” ani ko sa mga banda na ikinabaling ulit nila sa akin.
“Sige, Babykel. Ingat!” sabi ni Kertian at tumango naman ang kasama nito sa akin.
I smiled at them. Hindi na ako nag-abala pa'ng tumingin kay Zahiro at lumabas ng room. I'll consider as a sin if I looked on his way.
Napabaling ang tingin ng mga babae tuloy sa akin pagkakitang lumabas ako sa music room. Their curiosity eyes was visible.
Hindi ko na lamang iyon pinansin at umalis doon. Medyo malayo ang lalakarin ko papunta sa department namin pero ayos lang naman dahil may kaunting oras pa bago nagsimula ang klase.
Hanggang sa nakarating ako sa labas ng building ay pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Nagtataka tuloy ako kung bakit mukhang gulat na gulat silang nakatingin sa akin... sa aking likuran.
Dahil do'n napalingon na ako. I was stunned in my ground. Nakasunod lang naman sa aking likuran si Zahiro!
Kaya naman pala kanina pa ako pinagtitinginan ng mga estudyante dahil kanina pa s'ya nakasunod sa akin.
Tumigil s'ya nang makitang nahuli ko s'yang nakasunod sa akin. Umiwas ito ng tingin at napalunok sa sariling laway na para bang nahuli sa krimen.
“Are you following me?” kunot-noo kong tanong. Baka kasi nagkakamali lang ako. Bakit naman n'ya ako susundan?
Tuluyan na s'yang napabaling sa akin ng tingin. His hands was in his pocket. Agaw-pansin din ang buhok n'yang sumasayaw sa hangin. He looked a ruthless alpha, like he won't let me escape from him.
“I'll take to your class,” he just said that without denying it. Ibig sabihin sinusundan talaga n'ya ako.
“Bakit mo ako ihahatid?” tanong ko ulit. He keep on doing this and he won't stop, kahit sinasabi ko na s'ya na kung ano man ang binabalak n'ya ay tumigil na s'ya.
Hindi ko na nagawang makapag-atras nang kinain n'ya ang distansya namin.
“Dahil gusto ko. Lumakad ka na at h'wag mo na akong pansinin sa likuran,” sagot n'ya sa baritonong boses kahit sinubukan naman n'yang maging malumanay. Lalaking-lalaki ang boses n'ya.
“But I don't you to following me around. Ano ba ang gusto mo?” hindi ko na napigilan na mainis dito.
He should stay away from me or some people will noticed kung ano ang pinaggagawa n'ya ngayon.
Hindi s'ya nagsalita at tinignan lamang ang kabuohan ng itsura ko, lalo na ang inis sa aking mukha. Binabaliwala n'ya ang lahat at para bang hindi s'ya natatakot sa pinapakita n'yang interest sa akin.
His eyes was directly staring at me, and then his gaze went to my gritting teeth... to my lips.
“Speak up!” inis kong sabi na ikinabalik ng tingin n'ya sa mga mata ko.
“Baby, why are you pushing me away? Gusto ko lang naman makasigurado na makakarating ka sa klase mo,” he said like pleading to me. And I can't believe na maririnig ko ang ganitong tono sa kan'yang pananalita.
“I think you're not in a right mind, Mr. Caddel. Talagang tinatanong mo pa iyan sa akin. Look those people.” Tinuro ko ang mga tao sa paligid, ang iba't nakatingin. “You're famous here in our university, and I don't want them to know kung ano man ang tinatrato mo sa akin.”
“Why are you mad at me? Bakit si Naroah pinayagan mong mapalapit sa 'yo tapos ako hindi?” mariin n'yang tanong at saglit lamang nanliksik ang mga mata n'ya at agad ding nawala.
Napahilamos na lamang ang palad ko sa aking mukha. Paano nga kami napunta sa sitwasyong ito?
“Why are you comparing yourself to Naroah? Kaibigan ko s'ya, Zahiro.”
He scoffed and looked away.“He likes you, and I like you, too. The only difference is we're not friends like you two.”
Kahit nagulat man sa kan'yang pag-amin ay nagawa ko namang hindi mautal sa kan'yang harapan. Totoo nga na may gusto ito sa akin. But how did it happened?
“Exactly, kaya hanggang ngayon stranger ka pa rin sa akin. We don't know each other kaya bakit mo ako sinusundan na parang stalker? Do you know that it's making me uncomfortable?” And that's it, I already said to him how I felt from the beginning.
Napabaling tuloy s'ya sa akin nang sabihin ko ang huling katagang iyon. Parang naging malikot tuloy ang mga mata n'ya at hindi alam kung hahawakan ba ako. Ngunit sa huli hindi n'ya tinuloy ang binabalak n'ya.
Ginulo n'ya ang kan'yang buhok. “L-Look, hindi ko sinasadya na maging uncomfortable ka sa akin. Baby, gusto ko lang naman makasigurado na makakarating ka sa klase. I have no bad intention.”
Looking at him right now, he looks like he was begging to get my attention.
Napabuga ako nang malalim na hininga. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na iyon ginawa. Napakagat tuloy s'ya sa sariling labi at suplado na namang umiwas ng tingin. Gano'n kabilis magbago ang ekpresyon n'ya kaya nakaka-intimidate din.
“H-Hindi ko alam kung nagsasabi ka ng totoo, na gusto mo ako. Pero may boyfriend ako, Zahiro. You knew that already,” sinubukan kong maging mahinahon habang sinasabi iyon. “Kaya sinasabi ko sa 'yo na tigilan mo ako dahil hindi makakabuti sa iyo, at sa aming relasyon din ni Jericho. Lumayo ka na hangga't maaga pa.”
Mas lalo lamang nagsalubong ang kilay n'ya. Para bang hindi n'ya naiintindihan ang mga sinasabi ko.
Medyo matagal din s'yang natahimik bago nagsalita.
“Anong gusto mong gawin ko para mapalapit sa 'yo? If you only want friends to be close to you, then I want to be your friend even I want more than that.” Napatagis ang bagang n'ya at nanlalambot na nakatingin sa akin.
Napatingin tuloy ako sa aking paligid at kinabahan na baka may makarinig. This guy doesn't care if someone will found out that he likes someone like me. And I don't want to be involve in this guy.
“Ayaw kong may makakita sa atin na ganito. Stay right here and don't follow me.”
Nauubos na ang pasensya ko sa kan'ya at tinalikuran na s'ya.
At gaya nga sa inaasahan ko, hindi s'ya nagpatinag. Sinundan pa talaga ako, hindi nakikinig. Hinayaan ko na lamang at baka mainis ako sa kan'ya. Hindi rin naman s'ya nagsalita na kaya ayos na rin.
Much better if I act like I don't know him, pero sino ba ang hindi nakakilala sa kan'ya? Everyone know him.
Sana nga lang hindi makarating kay Jericho ang pinaggagawa ni Zahiro na ito. Kanina mukha naman s'yang guilty na sinusundan ako na alam n'yang uncomfortable ako pero hindi ko alam kung may problema ba Ito sa utak at sinusundan pa rin ako.
It's normal to like someone, pero iyong sa kan'ya hindi normal. He looks like a d*mn stalker, one of my secret admirer.
Diretso akong pumasok sa room. Nang nakapasok ako ay sinilip ko kung nand'yan pa ba s'ya sa labas. Para akong aatakihin sa puso nang makitang nakatingin s'ya sa akin mula labas.
Napansin tuloy s'ya ng mga kaklase ko at ako naman ay umakto na walang pakialam.
He stared at me for a few moments and then he finally walked away.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro