CHAPTER 05
CHAPTER 05
Natahimik si Naroah sa sinabi ni Zahiro, kahit ako hindi makapagsalita. Mukhang silang dalawa lang ang nakakaintindi no'n at ako naman ay walang kaalam-alam.
Hindi na lamang akong nag-abalang tanungin sila. Sa klase pa lang ng tingin ngayon ni Zahiro ay tila hina-hypnotize na ako. Nagbigay iyon ng nginig sa aking katawan at parang katapusan ko na ang lahat.
I shouldn't feel this way towards him. It's not right, at natatakot ako na lumala pa ang nararamdaman kong ito.
My mind already warned myself that once I involve myself to him, I wouldn't be able to escape from him.
Nilunok ko ang laway na nakabara sa aking lalamunan at umiwas ng tingin sa kan'ya. Naroah keep on asking him some random questions, and I think ginawa n'ya lang iyon para iwasan ang seryosong usapan. Naroah doesn't like serious topic that much.
Magiging uncomfortable ako kung hindi kaagad ako tatakas ngayon. But why it is hard to escape from his stare?
Huminga ako nang malalim para mabawasan ang tensyon na nararamdaman ko sa kan'ya. Ayaw kong isipin kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko sa kan'ya. In order to stop this tension, I should stay away from him.
Nagbilang ako ng limang segundo bago hinarap si Naroah. Ayaw ko s'yang tignan at baka manginig lang ako sa nerbyos.
“Pasensya na, Naroah, mauuna na ako. Let's talk some other time.”
Iyong wala nang sagabal.
Hindi na nagtaka pa si Naroah at tumango. He even smiled at me like cheering me up that I could make it passed the quizzes later.
“Kaya mo iyan, Bab— aray!” Napangiwi at napabaluktot ang tagiliran n'ya nang may ginawa si Zahiro sa gilid ng baywang n'ya.
Pinanlakihan s'ya ng mga mata ni Zahiro at hindi pa rin inaalis ang kamay sa tagiliran ni Naroah.
He was so obvious right now, and that makes me scared. Ayaw kong mapansin n'ya ako at tignan ng kakaiba. Kailan man hindi ko nabalitaan na may hinahabol s'yang babae.
Ayaw kong manatili roon at gusto ko nang tumakas. Kaya nang makakita ako ng tricyle na papunta sa itaas kung saan ang mga departments ay agad akong pumara.
Rinig ko pa ang pahabol na pagtawag ni Naroah sa aking pangalan. I didn't mind him.
Hindi na ako lumingon at nag-aksaya ng panahon. Mabilis akong pumasok sa tricycle sa likuran banda at kasabay no'n ang pagharurot ng sinasakyan ko.
Hawak ang taas-baba kong dibdib, pinakalma ko ang dibdib kong gusto lumabas na sa sobrang lakas ng pagkabog nito.
Tinignan ko sa salamin sa itaas kung saan makikita ang mga estudyanteng naglalakad. Ngunit isa lamang ang agaw pansin sa mga mata ko, hindi na sila naglalakad ni Naroah at nakatingin lamang sa papalayo kong tricyle.
Seryoso s'yang nakatanaw sa akin. Kahit sa malayo, nagagawa pa rin n'yang bigyan ako makahulugang tingin.
It was like he's telling me that I couldn't escape from him. Na kahit saan man ako magpunta, hahanapin pa rin ako.
Buti na lang hindi gano'n kagrabe ang intensidad ang binibigay n'ya sa akin. Muntik na akong mawala sa reyalidad at buti na lang sakto ang binayad kong pamasahe sa driver, at nakarating ako sa music room na hindi naliligaw.
Really, I should stop thinking about him. I felt like I'm cheating on my boyfriend if I kept on thinking some other man.
Ine-expect ko na madadatnan ko si Jericho rito dahil nasabi n'yang mauuna s'ya rito. At nandito nga s'ya, nakaupo sa harapan ng piano na tinutugtog n'ya. Ngunit kaagad akong natigilan sa aking kinatatayuan.
Kasama n'ya ang kaibigan n'ya. They are laughing. Para bang may nakakatawa sa kanilang pinag-uusapan.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon na nakikita ko silang dalawa na masaya at nakangiti sa isa't isa.
Sa tagal nilang magkaibigan, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pagkalito sa aking isipan. Ayaw kong aminin na nagseselos ako dahil mas close silang dalawa.
“Babykel!”
Nilingon ko si Kertian nang tawagin n'ya ako. Tinignan ko ulit sila Jericho, hindi pa n'ya ako napansin dahil busy ito sa kan'yang ginagawa habang nakikipag-usap kay Narra.
“Good morning, Babykel,” bati ni Kertian nang makalapit sa akin. “Kumain ka na ba? May sandwiches at tubig do'n sa lamesa. Kuha ka na lang.”
Ngitian ko s'ya. “Good morning din. Hindi na, busog na kasi ako.” Totoo iyon, ang dami kong kinain kanina sa bahay.
“Oh, sige, basta kumuha ka lang kung gusto mo,” aniya at inilibot ang paningin sa buong silid. “Wala pa rin si Hiro. Kanina pa namin s'ya hinihintay at sabi raw on the way na.”
Napatikom ang bibig ko. Mabait talaga si Kertian. Malumanay magsalita at tila nag-aalala pa sa kaibigan n'ya. I thought he would be mad since Hiro was already late to his practice. And he's also considering my existence.
Tinignan n'ya ang hawak na cellphone bago ako binalingan. “Puntahan mo na boyfriend mo, Babykel.”
“Ah, sige.”
Kahit ayaw kong maistorbo ang pag-uusap nina Jericho at Narra ay lumapit pa rin ako sa kanila.
Curious din ako sa kanilang pinag-uusapan. Agad din silang tumigil sa pag-uusap nang makita ako. I saw how Jericho's eyes widened in shocked, pero kaagad ding nawala iyon at napatayo sa pagkakaupo para harapin ako.
Hindi nakatakas sa paningin ko kung paano n'ya binitiwan ang palapulsuhan ni Narra. Tumambol ang dibdib ko na tila may pumitik doon.
“Babykel, you're here already.”
Inilipat ko ang paningin kay Narra na ngayon ay nakangiti sa akin.
“Hey, Babykel! Miss na kita.” Niyakap n'ya ako bigla na hindi ko napaghandaan. Kaagad naman s'yang kumalas para harapin ako. She's smiling so wide.
Napabuga ako nang hininga. Mabait si Narra. Hindi ko maintindihan kung bakit pinagdududahan ko s'ya. Baka epekto lang ito sa pagkaselos ko. Ayaw kong bigyan ng malisya ang paghawak ni Jericho sa palapulsuhan ni Narra.
“Miss din kita... Wala kang klase?” I tried to sound like it's a normal question.
There's a part of me that I want her to leave dahil nandito na ako. But I don't want to be rude. Mabait ang tao at matagal ko na s'yang kilala dahil bago kami magkakilala ni Jericho, magkaibigan na sila. Ayaw kong sirain ang pagkakaibigan nila.
Tinignan naman n'ya ang kan'yang cellphone at agad nataranta.
“Hala may klase nga ako. Napasarap ako sa usapan,” aniya at ginulo ang buhok. “I have to go, guys. Balik na lang ako, Jer, kapag free time para manood sa banda n'yo, ah.”
Nang marinig ang huling sinabi n'ya ay napabaling ang mga mata ko kay Jericho. Hinanap ko sa mga mata n'ya kung ano ang iaakto n'ya at binasa kung ano man ang iniisip n'ya ngayon.
Masyadong malaki ang ngiti ang ngiti n'ya kay Narra na tumango. “Sige na umalis ka na. Ako pa ang sisihin mo kung ma-late ka.”
Tumawa lamang si Narra at nagpaalam ulit sa amin na aalis na.
Hindi ako nagsalita hanggang sa nakaalis na si Narra. Hindi ko alam ang sasabihin ko. May namumuong takot sa dibdib ko na ayaw kong maramdaman at ayaw kong mangyari ang iniisip ko.
“Far.”
Napaangat ang tingin ko sa kan'ya. Where's my good morning, my angel? Hindi n'ya ako binati sa text kaya I expected na babatiin n'ya ako ngayong nasa harapan na ako.
Sinawalang bahala ko ang negatibong bagay na nasa isip ko. Tinawid ko ang aming distansya at hinalikan s'ya sa pisngi.
“Good morning, my angel.”
Nanlaki ang mga mata n'ya sa gulat dahil sa inakto ko. Pero kaagad din s'yang nakabawi at hinapit ang baywang ko papalapit sa kan'ya.
Pinatakan n'ya ng halik ang aking noo at mahinang tumawa roon. Mukhang kinikilig pa nga. Sunod naman n'yang inilapit ang mukha sa akin.
“Good morning, my angel. Sobrang ganda mo ngayong araw kaya natameme ako,” he chuckled. “Minsan mo lang akong tawagin sa endearment, ah. But I loved it.”
Tuluyan na nga nawala ang takot sa aking dibdib nang ilapit pa n'ya ang mukha sa akin at pinatakan ng magaan na halik ang aking mga labi.
Napapikit ako at lumapit sa kan'ya. Gagalawin na n'ya ang mga labi nang bigla na lang may malakas na bagay na bumagsak.
Agad akong bumitaw kay Jericho at tinignan ang likuran kung saan ko narinig ang pagbagsak. Bigla rin akong nahiya na baka may nakakita sa aming ginawa.
Binagsak pala ni Zahiro ang electric guitar sa tabi, mukhang kararating lang. Kahit ang mga kasama n'ya ay nagulat din sa lakas ng impact ng pagkabagsak. Mukhang hindi naman nasira ang electric guitar.
Kumapit ako sa polo shirt ni Jericho nang makita ang mapanganib n'yang tingin. Bigla s'yang napatingin sa gawi namin at parang nakatingin s'ya sa kamay ni Jericho na nakadantay pa rin sa aking baywang.
Mas lalo nga lang nandilim ang mga mata n'ya nang makita ang kamay ko na banda sa dibdib ni Jericho.
Iniwas ko ang tingin sa kan'ya at unti-unting binitiwan ang polo shirt ni Jericho. Medyo lumayo na ako kay Jericho dahil magsisimula na sila ngayong nandito na si Zahiro.
“Bakit mo naman binagsak ang electric guitar ko, Zahiro? Sa 'yo ba iyan, huh?” inis na tanong ni Addan, s'ya itong drummer at nakilala ko sa birthday ni Zahiro kahapon.
Kunot-noo na binalingan ni Zahiro ang kasama n'ya na tila wala pa sa sarili. Tinignan ni Zahiro ang binagsak n'yang gitara at tarantang kinuha ito. Mukhang natauhan na sa kan'yang ginawa.
“Sorry, bro, hindi ko sinasadya,” paumanhin n'ya kahit mukhang sinadya naman ang ginawa. Iyon nga lang mukhang sinsero naman dahil sa kaibigan pala n'ya ang gitara.
Napailing si Addan at umupo sa harapan ng mga drums. “Ano ba nangyayari sa 'yo, ah? Kahapon mo pa pinag-iinitan ang mga gamit kung ano ang makita mo.”
“Babayarin ko na lang,” ani Zahiro at tumungo na sa tabi nito.
“H'wag na. Bayaran mo na lang kapag nasira mo,” seryosong ani Addan.
Agad napunta ang atensyon ko Kay Jericho nang magsalita ito.
“My angel, upo ka muna pala. Magsisimula na kami,” marahan n'yang sambit at hinawakan ako sa balikat para igaya ako sa bakanteng upuan.
“Jericho, paupuin mo s'ya rito.”
Bigla na lang sumingit si Zahiro dala ang maliit na sofa na kakasya sa akin. Hindi ko alam kung paanong binitiwan ni Zahiro ang gitara para lang kunin ang sofa at maibigay sa akin.
Inilapag ni Zahiro sa harapan ko ang sofa at tinignan ako. Mariin itong nakatingin sa akin at tila may hinihintay na may sabihin ako.
“Salamat sa pag-welcome sa girlfriend ko, Hiro,” ngiting sabi ni Jericho at sinilip ang mukha ko. “Upo ka rito, my angel, para komportable ka habang nagre-review.”
Mukhang nabasa naman ni Jericho ang tinext ko, alam n'yang may quiz ako. Wala siguro s'yang load kaya hindi naka-reply. Napangiti ako at nakuntento na roon. At least binasa n'ya ang text ko.
“Double time, Jericho, ” striktong usal ni Zahiro, tila na-dissapoint at bumalik na lamang sa kan'yang puwesto kanina.
Hindi ko alam kung ako lang ba nakaramdam ng ganito. Parang mabigat ang presensya ni Zahiro ngayon. Bigla ba naman naging seryoso at strikto. Kakabahan ka pala kapag naging ka-member mo ito sa band.
Hindi pa sumisigaw peo halata sa boses nito na nawawalan na s'ya ng pasensya at gustong sumabog. I don't know, ganito kasi ang pakiramdam ko sa kan'ya.
Tumungo na sila sa harapan. Bago iyon, hinalikan muna ako sa noo ni Jericho at patakbong lumapit sa kanila. Sa ibang direksiyon tumingin si Zahiro. Napatiim bagang ito at binaba ang tingin sa sahig.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro