Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Chapter 5.

Pagdating na pagdating ko sa school, hinanap ko agad ang dalawang bruha kong kaibigan. Akala ba nila makakatakas sila sakin? Matapos nila kong iwan sa mall at ang naging simula ng kamalasan ko kahapon. Hmp!

Nakita ko sila sa room namin at buti na lang wala pa sila Bettany dahil baka madagdagan pa ang pagkulo ng ulo ko.

Habang naglalakad ako papalapit sakanila, nanlilisik na ang mga mata ko sa sobrang pagtatampo.

"Ahem!" papansin kong sabi at napatingin lang sila sakin. "May nakakalimutan yata kayo." sabi ko pa.

Sila naman nag-iisip ng parang wala silang kaalam-alam sa nangyari sa mall. Maya maya pa ay bigla na lang silang ngumiti sakin.

"Bes, sorry nagmamadali kasi ako eh. Pinauwi ako ni papa kasi may importante daw siyang sasabihin sakin kaya nakalimutan ko ng magpaalam." sabi ni Jen.

"Ako naman nakalimutan ko na may gagawin pa ko sa bahay. Kaya umuwi na kaming dalawa at sa pagmamadali namin ayun na nga nakalimutan ka naming sabihan." sabi naman ni Anne.

"Uso naman kasi ang text o tawag diba?"

"Sorry talaga, bes." sabay pa nilang sabi.

At dahil mabait ako tinanggap ko na apology nila. Tyka mukhang sincere naman.

"Teka, Jen. Ano nga palang sinabi sayo ng papa mo?" tanong ni Anne.

"May bisita kami kahapon. Pinakilala niya sakin." 

"Sino naman?" tanong ko naman.

"Ayon, girlfriend at soon-to-be wife ni papa."

"At soon-to-be mother mo." sabi ni Anne

"Pero okay lang ba sayo na mag-asawa ulit papa mo?" dagdag ko.

"Correction. Step mother. Para sakin okay lang tutal matagal na din namang patay si mama tyka ang saya saya ni papa pag magkasama silang dalawa." nakangiting sabi ni Jen.

Tumango naman kami kasi may point naman siya. Nakakainggit nga eh kasi may tatay pa siya, ako wala. Hindi ko man lang nakilala.

Nakadepress naman. (-.-)

Akmang magsasalita si Anne nang dumating si Bettany.

"Oh, look. If it isn't the three losers." maarteng sabi ni Bettany sabay tawa naman ng mga demonyita niyang alagad.

"Ano na namang pinag-uusapan niyo, losers? Na maganda ko? Sexy? O itong bago kong floral skirt?" dagdag pa niya.

Napataas ako ng kilay. "Maganda? Sexy? Nagpapatawa ka ba? Psh."

"Floral skirt ba yan? Akala kasi namin ligaw na damo lang." sabi naman ni Jen. Hindi na namin napigilang tumawa.

Si Anne naman paulit-ulit sinasabi yung ligaw na damo habang tumatawa. XD

"Whatever." sabay irap ni Bettany at umupo sa pwesto nila.

**********************************

Isang van ang sumalubong sakin pag-uwi ko. Nakita kong may mga lalaking nagpapasok ng mga cabinet at mga box sa bahay.

Pag pasok ko sa loob, si Chance agad nakita ko. Tyka ko lang na pansin na hindi pala siya pumasok ngayong araw. Baka kasi inuna niya 'tong pag-aayos ng kwarto niya.

Dito na talaga siya titira? Kaloka. Sana hindi siya magtagal dito. Baka pag kaming dalawa lang dito sa bahay, mapanis lang laway ko. Ang suplado kasi, di mo man lang makausap.

"Ermie, nasan si Tita?" ako na unang nagsalita. Kahiya naman sakanya eh.

Tumingin lang siya sakin nang nakataas ang kilay. Bwisit talaga 'to eh.

"Hoy! Ermie! Nasaan ang tita ko?"

Hindi parin ako pinansin. Kainis. Makakain na nga lang.

Buti pala nagpunta ko ng kusina at nakita ko yung sticky note na nakadikit sa ref.

"Astrid, uuwi muna ko ng Bicol. Si Ate Maya kasi nagkasakit at kailangan ng kasama hindi pa kasi niya kaya. Ilang linggo din siguro ko dito. May iniwan akong pera sa drawer ng study table mo. Kasya na siguro yan. Ikaw ng bahala sa bahay at kay Chance. Behave. Ingat kayo. Text mo pag may problema.
- ang napakaganda mong Tita"

PROBLEMA???!!

PROBLEMA???!!

Napakalaki ng problema ko!!!!

Bakit?! Bakit ngayon pa?! Kaasar naman!

Ayokong makasama si Chance dito sa bahay nang ako lang. (T^T)

Whhhhhyyyyy??!!! Whhhhyyyyyy??!!!

I mentally slap my face. Okay. OA na, Astrid. Tama na. XD

Napatalon naman ako dahil sa malakas na kalabog galing sa itaas. Napatingin ako sa kanan ko....

At SURPRISE!!

Nakasandal si Chance sa pader habang nakatitig lang sakin. Wala akong makitang emosyon sa mga mata niya. Eto yung mga pagkakataon kung kailan gusto ko na talagang hiramin ang special ability ni Edward Cullen. XD

Ang hirap kayang manghula nang isip ng iba lalo na isang taong hindi palasalita at kasama ko pa sa bahay. Tsk. Tsk.

"Weirdo." mahinang sabi niya at umakyat sa taas.

"Sungit!" sigaw ko sakanya.

Nawalan tuloy ako ng gana kaya ginawa ko na lang homework ko at natulog na.

______________________________________

Sino kayang magandang character ang ipoportray nila Jen at Monica?

Don't forget to vote, fan, and comment. :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro