Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

1st Shot

"Rai, pa-serve naman sa labas nito," inabot ko ang tray na may mga kape sa kapatid ko. Tumango naman siya at dahan-dahang dinala sa labas na kung saan ay hinihintay ng mga customer ang inorder nila. Pinunasan ko ang counter at inayos ang mga gamit.

The bell chimed, signalling that another customer has entered our shop kaya naman tinigil ko ang paglilinis at inayos ang sarili para at least presentable naman. Magulo man ang buhay ko, at least maayos naman hitsura ko. Charot.

I greeted the customer and smiled. Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang mga daliri habang nakatitig sa menu namin. I took the opportunity to suggest our latest product. "Sir, try niyo po yung best seller namin na chocolate supreme with free drink of your choice," I gestured to the banner on the wall with the said delicacy on it. "Sige, isang ganoon na dine-in at mocha frappe 'yung drink," sabi niya at naglabas ng pera mula sa kanyang wallet. "Anong size po sir?" "Large," aniya. In-input ko sa cash register ang order niya. "That will be one hundred and twelve pesos, sir," sabi ko at ibinigay niya ang bayad na sinuklian ko naman. Umalis na siya at ako naman ay sinimulan na ang inorder niya.

I was in the middle of mixing when my little bro came back. "Oh bakit ngayon ka lang? Tulungan mo ako dito kumuha ka ng isang slice ng cheesecake," napakamot siya ng ulo na ikinangiti ko. "Sige na para makalaro kayo ng mga kaibigan mo mamaya," nagustuhan niya yata ang sinabi ko kaya naman agad siyang kumuha ng platito at pumunta sa ref. I topped the frappe with whipped cream and added some caramel drizzle as well as a sprinkle of chocolate powder.

Maingat kong kinuha iyon at inilagay sa tray sa tabi ng chocolate cake na inihanda ni Rai. Kukunin ko na sana iyon nang unahan ako ng ading ko. "Ako na ate, kaninong order ito?" "Huwag na, kaya ko na. Maglaro ka-" "Minsan na nga lang ako tumulong, ayaw mo pa?" Masungit niyang sabi at tuluyang kinuha ang tray pero maingat rin upang hindi matapon ang mga laman noon. "Sige sulitin ko na ito. Doon 'yan sa kuya sa.." I glanced around and found the customer sitting on the sofa at mukhang nagrereview siya. "Sa may sofa," tinuro ko kay Rai kung saan siya nakaupo. Tumango naman ang kapatid ko at umalis.

I took a cloth and wiped the glasses I just washed with it. Pagkatapos ay iniligpit ko ang mga ginamit ko kanina. "Ate," I heard Rai from behind. May kailangan siguro ito. "Bakit?" Tanong ko nang di siya hinaharap. Busy ako. "Nandito mga kaibigan ko, pwede tumambay kami doon sa sulok? Di kami mag-iingay promise!" Napatingin ako sa kanya at nakitang itinaas niya ang kanyang kanang kamay na tila nanunumpa. Nasulyapan ko ang kanyang mga kaibigan na sina Ron at Gray na nasa pintuan. "Hindi kayo magbabasketball?" Napansin ko kasing may hawak na bola si Ron at nakasuot sila ng jersey.

"Hindi po ate, alibi ko lang itong damit para makalabas. E alam mo naman si Clem," ani Ron at pinaikot ang bola sa daliri niya. "Sige pero huwag masyadong maingay ha? Kung hindi, ako mismo sisipa sa inyo palabas," tumango sila at umupo sa pinakasulok na upuan na malayo sa mga customers. Wala na akong magawa kaya naman pinagmasdan ko ang mga customers.

May magjowa sa kabilang sulok, mayroong guro na tila gumagawa ng lesson plan o nagchecheck yata ng test papers, may lalaki na nagtitipa sa kanyang laptop, may mag-ama na nagtatawanan, at 'yung college student na nasa sofa.

He took my attention. Seryoso siyang nagtitipa sa laptop niya at paminsan minsa'y nagsusulat sa kanyang kwaderno. Sipag mag-aral ah. Nakaharap siya sa banda ko kaya kitang kita ko ang uniform niya. Mukhang schoolmate ko 'to. Nanatiling nakabukas ang unang dalawang butones ng kanyang polo kaya kita ang puti niyang t-shirt. May suot siyang pulseras na kulay pink. Cute. Napansin ko rin na may sticker na pambata sa laptop niya na mukhang out of place sa seryoso niyang hitsura.

Ayy Barbie sabi ko na!

Tinignan ko ang orasan at nakitang mag-aalas sais na. Mamayang alas siyete pa ang dating ni tita Jane upang ituloy ang pagmamanage ng shop. Alas otso pa ang klase ko mamaya at walking distance lang ang shop sa eskwelahan kaya naman hindi ako mahihirapan sa pagpasok mamaya. Puro night classes kasi ako at nagtatrabaho sa café pag umaga. Napilitan lang naman ako mag-night class dahil nasa ospital ang ama ko at walang magbabantay ng shop. We can't just close down the shop because it is the only thing that keeps us moving. Nag-aaral pa lang kami ng kapatid kong si Rai kaya medyo nahihirapan din kaming gumalaw at gawin ang mga nais namin kasi priority ang pagpapagamot ni papa. Sinusuportahan naman kami ng tita ko pero hindi naman pwedeng umasa lang kami sa kanya.

The bell rang once more and a group of students entered the shop. Dumeretso sila sa sofa sa kabilang dulo ng shop. Puro libro at laptop rin ang dala-dala nila at tila nagmamadali na gumawa ng proyekto. Naisip kong last minute nila ginawa iyon kaya medyo napangiti ako. Ganoon rin ako noong high schcool. Imagine, hatinggabi yung deadline tapos magpapasa ako sa guro ko isang minuto bago hatinggabi. It's very risky and it shouldn't be repeated often.

Walang tumayo sa kanila upang mag-order at hula ko ay makiki-wifi sila pero hindi ko iyon inalinta kaya naman kinuha ko ang order slip at pumunta sa table nila. "Hello! May I take your orders?" Nakangiti kong sabi. Napansin ako ng isang estudyanteng babae at siniko ang mga kasama niya.

"Isa pong cappucino," banggit ng lalaking nakasalamin. "Hot chocolate for me," sabi ng babaeng naka-liptint yata. "Macchiato sakin," aniya ng lalaki na nagtitipa sa laptop. "One latte with a slice of red velvet cake po sa akin ate," sabi ng babaeng unang nakapansin sa akin kanina.

"Padagdag rin po ng blueberry cupcake ate!" Masayang sabi ng lalaking nakasalamin. "Uy pahati sa muffin, ubos na pera ko sa projects e," sabi ng nagtitipa sa laptop.

"Wala na pong idadagdag na order?" Tanong ko na umiling naman sila. Kaya naman inulit kong banggitin ang mga order nila para ma-verify kung may mali bang order o may papalitan sila. "Okay na po ate- Huy hindi ganyan ang hitsura ng ibong adarna! Palitan mo! Mukha namang maya 'yan e!" Sabi ng babae na hindi nakaliptint. Mabuti at wala namang reklamo kaya naman bumalik na ako sa bar counter at sinimulang gawin ang mga inumin nila.

"Ate Amity, pwedeng tumulong?" Nilingon ko at nakita si Gray at Rai na nakatayo sa kabilang side ng counter. "Huwag na, kaunti lang ito," sabi ko at naglagay ng tag-iisang shot ng espresso sa mga baso. "May klase ka pa, tulungan ka na namin," ani Rai. Alam kong kukulitin nila ako kaya naman pumayag ako.

"Sige na nga! Gray, ikaw sa macchiato. Lagyan mo iyan ng milk foam hanggang dito," tinuro ko kung hanggang saan niya ilalagay ang foam para sa macchiato. "Tapos maglabas ka ng isang slice ng red velvet at isang blueberry muffin at ilagay mo sa platito," nag-salute siya at sinimulan na ang nakatakda.

"Ikaw naman Rai, gawin mo itong cappuccino at ang isa naman ay hot chocolate," kabisado naman ni Rai ang paggawa ng iilang inumin kaya hindi ko na kailangan sabihin sa kanya. kung ano ang gagawin. "Ron-" napatigil ako nang mapansing wala si Ron. "Si Ro-" tinakpan ni Rai ang bunganga ko. "Shh ate wag kang maingay! Umalis na si Ron, wag mo babanggitin ang pangalan niya," "Bakit naman?" "Kuya niya kasi iyong nasa sofa," pasimpleng itinuro ni Rai ang college student sa sofa. "Eh? Kuya niya 'yun?" Bulong ko. Tumango si Rai. Nagzipper ako ng bibig at nag-thumbs up. "Sige. Pinadaan mo ba siya sa back door?"

"Oo. Tinakpan namin siya tapos dineretso sa back door para makatakas."

"Ano ba yan ang weak niyo. Dapat e tinawag niyo ako para dinistract ko yung kuya," sabi ko at naglagay ng steamed milk at milk foam sa isang baso.

"Pupuntahan ka sana namin e kumukuha ka naman ng order doon," nginuso ni Gray ang grupo ng mga estudyante. Kumuha siya ng isang slice ng red velvet sa ref at inilagay sa platito.

Nang matapos namin ang mga order ay nagkusa si Gray at Rai na idala iyon sa mga estudyante. Napatingin ako sa orasan at nakitang pasado alas siyete na. Late si tita, galing hospital siguro. Naiintindihan ko naman dahil lagpas trenta na ang edad niya ay hindi pa siya nag-aasawa. Nagtrabaho siya bilang nurse sa Amerika at napauwi lang noong isang buwan nang maospital ang aking ama. Nag-apply siya bilang nurse sa Salubris at natanggap agad dahil sa kanyang credibilidad. Siya rin ang nag-aasikaso kay papa kaya laking tuwa namin noon nag-offer siyang tumulong sa shop.

As if on cue, pumasok si Tita Jane. "Naku, Amity! Pasensya na, walang kasing masakyan e," sabi niya habang ibinababa ang gamit niya at inilagay sa may baba ng counter. "Ayos lang tita, wala naman gaanong customer e."

Legit kaunti na lang ang customer. Ang grupo ng mga estudyante at ang college student na kuya pala ni Ron na lang ang natira. Si Rai at Gray naman ay naglalaro ng minecraft sa gilid.

"Mag-ayos ka na, ako na bahala dito," sabi ni tita at inalis ang apron ko at isinuot niya sa sarili. "Mamaya pa naman ako papasok-" panimula ko pero pinutol niya ako. "Ayshushushu! May klase ka pa. Iyon muna ang pagtuunan mo ng pansin, kaya na namin ni Rai dito. 'Di ba Rai?" tinulak niya ako paalis ng counter. Sumang-ayon naman si Rai.

"Pero-" "Ay wala nang pero-pero! Magpahinga ka muna kung ayaw mo pang pumasok ng eskwelahan! Tsupi!" Pagtataboy niya sa akin. No choice naman ako kundi sumunod na lang sa utos niya. Alas siyete pa lang naman kaya napagdesisyunan ko munang umuwi at magshower dahil amoy kape ako. Baka nerbyusin ang mga nasa paligid ko kapag.

Our house is just two blocks away from the coffee shop and I had no trouble going home in time. When I reached the house, agad akong dumeretso sa banyo at nagshower. After that, I changed into some decent casual clothes. I gathered my things at inayos sa aking backpack. Nagpusitsit ako ng pabango sa damit bago umalis ng bahay.

Nasa tapat na ako ng gate ng school nang mapansin ako. Naiwan ko ang ID at phone ko! Sinulyapan ko ang orasan. May dalawampung minuto pa. Basic. Halos tapat na nga ng main gate ang shop e.

I opened the double doors of the coffee shop and the strong smell of coffee greeted me. The group of students are still here as well as the college boy and a few more customers are busy sipping coffee. I saw Tita Jane organizing the ingredients, there is no sign of Gray and I guess sinundo na siya ng parents niya. And my little brother is washing the dishes. What a rare sight. Bihira gumawa ng gawaing bahay si Rai.

"Oh bakit ka bumalik? You left remember?" bungad ni tita nang mapansin ako. "Tita talaga, naiwan ko lang ID ko! Kung ano-anong pelikula ang pinapanood mo, kaya hindi ka nagkakaboyfriend e!" "Kala mo naman may boyfriend ka! Hoy pare-parehas tayong single dito!" Pag-akusa niya sa akin. Napansin kong nakabingisngis si Rai sa likod. Alangan namang hayaan kong ako lang ang inaasar?

"Si Rai nagbabagong buhay o! Inlove siguro ito. Yiieee! Tataas na grades niya!" Sinundot ko ang tagiliran niya na agad naman niyang iniwasan. Malakas kiliti ng batang ito e. "Ate naman! Mababasag yung iniinnaw ko!" "Woo! Kungkunam met!" Pinitik ko ang tainga niya na agad naman niyang napasigaw sa sakit.

Nakita ko rin na nakasabit ang ID ko sa may wall kaya kinuha ko iyon. "O siya nakuha mo na ID mo, alis ka na ulit! Ganyan naman kayo e mga mag-iiwan!" Hugot ni tita. Akala mo naman may pinag-huhugutan, e NBSB iyan. I just laughed and waved goodbye at them.

"Kuya! Daan ka sa shop after ng shift mo ha? May bago kaming kape, try mo!" Bati ko kay kuya guard nang mai-tap ko ang ID sa sensor ng gate. Tumawa siya. "O sige, daan ako mamaya." Nagpaalam na ako at patuloy na naglakad sa loob ng campus.

Kahit na lagi akong umiinom at nakakaamoy ng kape, ang hirap talagang pilitin ang sarili ko na magising at makinig sa lecture. Don't worry self, last day na ito. Sabado ulit bukas.

"Psst!"

Nabuhay ang diwa ko. "Psst! Amity!" Ano ba yan sitsit ng sitsit! Sino ba iyon? Nilingon ko ang nasa likod ko at nakita si Ria. Nakabungisngis siya at nag-finger heart nang lumingon ako. Kinusilapan ko siya. "Bakit?" Ma-attitude kong tanong pero alam niyang joke lang iyon at hindi seryoso ang mukha ko.
"May chika ako! Halika, bilis!" Tila mahikang nakaupo ako agad sa tabi niya. Wala pa si prof kaya chill lang kami ng classmates ko. Kaunti lang kami, mga tatlumpu kaya naman may kanya-kanyang mundo ang iba.

"Anong chismis na naman iyan?" tanong ko. "Eto, bago ito! Alam mo ba-" "Hindi pa." Putol ko sa kanya at tumawa. "Bwisit ka talaga. Pero gusto mo bang marinig?" "Sige ano na naman iyan?" "Kilala mo si Katerina?" "Oo, bakit?" "Break na daw sila ni Joel!"

I gasped. Katerina Legazpi is our school's campus queen. She's a beauty and really smart and sabi nila, 4 years na daw sila ni Joel Hermano. So it's a big shock for everyone to hear that the campus couple broke up. Sure ako, maraming magtwi-tweet nito.

"'Di nga? Legit?! Hala sayang naman!" "Oo nga legit! Kalat na nga sa campus e!" Ria rolled her eyes. The door opened and the professor walked in.

The lecture ended in two hours luckily kasi late si prof ng thirty minutes. Kanya-kanyang sukbit ng bag ang mga kaklase ko. I even heard na some of them will drink. I shook my head. Ano bang makukuha sa alak na iyan? Mas maganda kapag kape kaya. Kung alak ang iinumin mo, mapapatawag ka sa ex mo ng di oras, tapos iiyak-iyak ka. E kung sa kape naman, nerbyos lang, wala nang iba. Of course, kung nasobrahan lang naman iyon.

Inilagay ko ang earphones sa tainga ko at isinasabay sa beat ang lakad ko. I don't know why pero hindi ako mapakali kung sobrang tahimik.

I kept walking hanggang makarating ako sa tapat ng four pillars. Ito ang pinaka-trademark ng Saint Mary's University at mas lalong pinaganda ang tanawin dahil napapalibutan ito ng mga puno na may nakasabit na fairy light. Ang cute lang kasi ito ang isa sa mga dahilan kung bakit mas maganda ang night classes kaysa sa pang-araw.

Nakalabas na ako ng gate nang makitang sarado na ang shop. Alas diez kasi ang closing time. I made it home safe and sound. Nakapatay ang mga ilaw at tanging street light na lamang ang nagpapailaw sa paligid.

Pagkapasok ko ng kwarto ay agad kong initsa ang bag ko sa upuan. Mabuti at wala kaming project kaya deretso ako sa night routine ko. Naghilamos ako at nagsipilyo. Nagdadalawang isip ako kung magmamask pa ba ako o huwag na pero nagdesisyon akong huwag na lang dahil tinatamad ako. Besides, nagmask naman ako noong isang araw kaya in-skip ko na iyon. I applied toner, moisturizer and some night cream before going to sleep.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro