Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Chapter 8

Welcome

Nakaangkas pa rin ako sa kabayo ni Caleb habang may hila pa siyang isang kabayo kung saan nakasakay doon si Zen na wala pa ring malay. Si Evan naman ay gano'n din ang ginawa kay Rosh.

"Talaga bang ganito ang batian nila sa isa't isa?" sumulyap ako kay Zen at kay Rosh.

"Don't worry, Claret. They are fine."

"Paano kung sabay silang gumising? Magsisimula na naman sila, Evan." Tanong ni Caleb.

"Lightning again?"

"May pinagmulan ba ang pinag-aawayan nila? Parang ang laki ng galit nila sa isa't isa."

Pansin ko na saglit nagkatitigan si Evan at Caleb bago sabay ang mga iyong nagkibit-balikat.

"Maliit na bagay lang. Hindi matanggap ni Rosh na kaya siyang pantayan ni Zen sa bilang ng kababaihang humahanga sa kanya. Lalo na't wala naman si Zen na kapangyarihan na katulad ng sa kanya." Ngumiwi ako sa paliwanag ni Evan.

Pati pala rito sa mundo ng mga bampira ay babae rin ang problema.

"Kung ganoon ay kalaban pa natin ang lalaking ito?" itinuro ko si Rosh.

"Hindi. Sila lang ni Zen ang magkalaban. Pero kahit kailan hindi namin siya pinagkatiwalaan, madalas siyang traydor sa iba't-ibang sitwasyon." Sagot ni Caleb.

Hindi ba't mas mabuting iwanan na lang siya kung ganoon? Mas mabuting mag-ingat kami.

Nagpatuloy sa mabagal na pagtakbo ang aming mga kabayo hanggang sa mapansin ko ang paggalaw ni Zen.

"Evan, nagigising na ang Prinsipe ng mga Nyebe—" bigla nang nawala sa likuran ko si Caleb at huli na nang makita kong tumilapon ang katawan niya sa gilid ng daan. Bisig ni Zen ang yumakap mula sa aking likuran.

"Don't touch my girl, Caleb."

Nanlaki ang mga mata ko kay Zen. He could just ask his brother nicely!

"Zen! Ano ba ang ginawa mo?!" hinampas ko ang dibdib niya dahil sa pagkairita.

"Hinahawakan ka niya. I don't like that."

"Dahil hindi ako marunong sumakay sa kabayo! Bakit ba napaka-bayolente mo?!" hindi na niya ako pinansin.

"Itigil mo ang kabayo, Zen."

"What? Mas gusto mo na si Caleb kaysa sa akin? Anong ginawa niya sa'yo nang natutulog ako?"

Mas lalong uminit ang ulo ko sa mga pinagsasabi niya. Sobrang seloso niya. Hindi nakakatuwa!

"Stop this horse."

"Claret... gusto ko ako lang ang nakakalapit sa'yo..."

"I said stop this horse!" sigaw ko.

Mabilis niyang hinila ang renda ng kabayo, tumigil iyon at bumaba ako. Tumigil din ang kabayo ni Evan at ng natutulog na si Rosh.

"Hintayin natin si Caleb. Humingi ka ng patawad."

Umawang ang bibig niya. "Hell no! Hinawakan ka niya. Ayokong hinahawakan ka ng iba, Claret."

"Sino ang may kasalanan kung bakit nahati sa dalawa ang karwahe, Zen?! It was you! Hindi ako aangkas sa kabayo niya kung hindi mo iyon sinira!"

"But Rosh is trying to lure you... Aagawin ka niya sa akin... Aagawin ka nila sa akin..."

Narinig ko ang pagpipigil ni Evan sa kanyang pagtawa. "Shut the fuck up, Evan."

Evan held both of his hands up. "Wala akong ginagawa, Zen."

Umismid ako sa magkapatid. "Umangkas lang ako dahil hindi ako marunong mangabayo at natutulog ka. Hindi pwedeng sa tuwing may mapapalapit sa aking lalaki ay susugurin mo na agad. I don't like that. Paano kung mabuti naman ang intensyon?"

"I don't care about their intention. Ako lang dapat ang may intensyon sa'yo..." ako naman ngayon ang natulala kay Zen. Pinakikinggan niya ba ang sinasabi ko?

Bumaba na rin siya at nang akma niya akong hahawakan ay umiwas ako.

"Claret..."

Lumapit na sa amin si Evan na hindi mapawi ang ngisi. Sa katunayan ay pasipol-sipol pa iyon na parang natutuwa sa pagtatalo namin ni Zen.

Saglit lang ang hinintay namin nang makita namin si Caleb sakay ng kabayong iniwan ng Prinsipe ng mga Nyebe kanina.

"Caleb, oh aking kapatid! Maligayang pagbabalik!" salubong ni Evan sa kanya na may kasamang pagkaway.

Hindi siya sumagot sa halip ay masama ang titig niya kay Zen.

"Gago ka, Zen!"

Akala ko ay makakasaksi na naman ako ng panibagong gulo sa pagitan naman ngayon nina Zen at Caleb nang lahat kami ay natigilan sa biglang sinabi ng Prinsipe ng mga Nyebe, labas man iyon sa ilong niya.

"Paumanhin, kapatid..."

Natulala sina Evan at Caleb. Hindi pa ang mga iyon nakabawi hanggang sa isakay na ako ni Zen sa kabayo at yumakap sa akin.

"You heard it."

Napatango na lang ako. "B-but it's not sincere..."

"That's sincere."

Malayo na kami nang makahabol sina Caleb at Evan na hila pa rin ang isang kabayo.

"Tunay ba ang narinig ko? Tang ina." Kumento ni Caleb.

Hindi ko maiwasang ngumisi. Tipid kong nilingon sa likuran ko si Zen. Kunot ang noo niya na parang nagsisi sa paghingi niya ng paumanhin. Unang beses ba iyon?

Humilig ako sa kanya. "Humingi ng paumanhin ang lalaking may pangil..." nagbibirong sabi ko.

"You're not mad at me?" mas yumigpit ang yakap niya sa akin.

"Ang pag-ibig nga naman, nakakatunaw ng nyebe..." natatawang sabi ni Caleb.

"Tunaw na tunaw..." dagdag ni Evan.

Agad silang lumampas sa amin sa takot na biglang umatake si Zen dahil sa mga pang-aasar nila.

"Shut up, idiots!"

Mas bibilisan na sana ni Zen ang kabayo nang makita niya ang lalaking natutulog na nasa isa pang kabayo.

"What the hell?! What is that trash doing here?"

"Baka naman napatay mo na siya Evan." Kinakabahang tanong ko.

Hindi pa man nakakasagot si Evan nang may tumamang maliliit na yelong tumama sa katawan ni Rosh.

"Zen! Stop that!" hinampas ko ang braso niya.

Nagsimula nang kumilos si Rosh, muntik pa siyang mahulog sa kanyang kabayo bago tuluyang rumehistro sa kanya ang kanyang sitwasyon.

"Where is he?" alertong tanong niya sa kanyang sarili. Nakakuyom ang kanyang mga kamao na anumang oras ay handang umatake.

"I am here, Rosh. Gusto mo bang tuluyan na kita?"

Hindi sumagot sa kanya si Rosh dahil nasa akin na ang kanyang atensyon. Tatlong sunud-sunod na nyebe ang tumama sa kanyang mukha.

"Don't look at her!"

"Foolish second prince!"

Tinanggal niya ang natitirang yelo sa kanyang mukha. Inayos niya ang kanyang pagkakaupo sa kabayo at mabilis siyang nakapantay sa amin ni Zen.

"Anong pakay mo sa Deltora, Zen? Baka kailanganin n'yo ang aking tulong."

"No. Just disappear."

"Itanong mo na sa kanya Zen kung saan ang mansyon ni Leon sa Deltora. Mas matatagalan pa tayo kung hahanapin pa natin siya." Sabat ni Evan.

"Si Leon pala ang pakay nyo, bakit?"

"Shut up, Le'Vamuievos. Napakadaldal mo."

"Alam ko kung saan siya nakatigil ngayon. I can tell it if you'll introduce me to this beautiful deity." Humigpit muli ang yakap sa akin ni Zen.

"Rosh." Tawag ng dalawang kapatid ni Zen.

"Zen..." hinawakan ko na ang kanyang braso para kumalma siya. Bakit nga ba yelo ang kapangyarihan niya? Dapat apoy katulad ng ulo niyang mabilis mag- init.

Humalakhak si Rosh na umagaw sa atensyon namin.

"Her name is Claret Cordelia Amor..."

Nang banggitin niya ang pangalan ko, alam kong nasa loob na ako ng kanyang hipnotismo dahil ang aking mga mata'y kusa nang sinalubong ang nagniningas na mga mata ni Rosh.

Ano ang ginagawa niya sa akin?

"Oh shit! Don't look at his eyes! Close your eyes Claret! Zen ang mga mata ni Claret!" sigaw ni Evan.

Anong nangyayari sa akin? Bakit parang gusto kong hawakan ang mukha ni Rosh?

Bago pa tuluyang takpan ni Zen ang aking mga mata ay nakita ko ang sabay na pagsugod ni Evan at Caleb kay Rosh na kasalukuyang nakangisi sa akin. Agad kong naramdaman ang panlalamig ng aking katawan nang sandaling takpan ni Zen ang aking mga mata.

"Huwag kayong mag-alala. Hindi natuloy..." nagpatuloy sa paghalakhak si Rosh.

Malakas na dagundong ng kulog at kidlat, pagyanig ng lupa at biglang pagbaba ng temperatura ang siyang aking naramdaman.

Nagkakaroon ba ng paglalaban? Akala ko ba ay hindi siya kalaban? Ano iyong ginawa niya sa akin? Namamanhid ang katawan ko at tanging ang mukha niyang nakangisi ang tumatakbo sa isip ko.

"Claret..." lumukso ang dibdib ko nang tawagin ni Zen ang pangalan ko.

"Claret..."

Ako'y nakahiga na sa kanyang kandungan habang hinahabol ko ang aking paghinga. Bigla akong nakaramdam ng matinding panghihina. Ano iyong ginawa sa akin ni Rosh? Tila nalason ang aking buong katawan.

"It's either she'll love me or she'll die..." Sa saglit na pagtitig lang na iyon? Ito ba ang sinasabi ni Evan na kapangyarihan ni Rosh? Paano na ang mga kababaihan sa kakayanan niyang iyon?

"Claret..."

Magkalapat na ang mga noo namin ni Zen sa isa't-isa. At halos malusaw ang aking puso nang may maramdaman akong mainit na patak ng luha sa aking pisngi.

"Ilang taon kitang hinintay para mahawakan at mayakap. But you're in pain..." alam kong nakikita ni Zen ang paghihirap ko sa mga oras na iyon. Ang hirap sa paghinga, ang matinding pawis, ang panunuyo ng aking mga labi, panlalabo ng aking mga mata at pamumutla ng aking kulay.

I'm dying...

"Don't resist his spell Claret, j-just love him. Love him and don't die for me..." No...

Pumipikit na ang aking mga mata ngunit nilalabanan ko iyon. Napapalibutan kami ng makapal na bloke ng yelo na siyang pumuprotekta sa amin mula sa kalaban hindi kalayuan.

"Rosh..." gusto kong umiling at bawiin ang pangalang binanggit ko. Hindi siya ang gusto kong tawagin.

"Go... a-accept him. Live..."

Ramdam ko ang matinding sakit mula sa kanyang boses at sa kanyang mga mata. Hindi ko akalaing ganito pala ang kapangyarihang taglay ni Rosh, mapanganib... nakakatakot.

"Bite her, Zen! Bite her!" sigaw ni Evan.

Sa natitira kong lakas ay pilit akong tumango upang bigyan ng permiso si Zen. Hindi siya nagsayang ng segundo, mas kinabig niya ako at niyakap sa kanyang mga bisig. Nanghihina ma'y iniyakap ko rin ang aking mga braso sa kanya. Ang aking mga kamay ay kumuyom sa kanyang likuran nang damhin ng aking leeg ang kanyang mga pangil.

Halos mapunit ang kanyang kasuotan sa kalmot ko sa kanyang likuran nang sunod niyang kagatin ang mga aking balikat.

"Zen..." nasabunutan ko na lang siya nang kagatin niya ang itaas na bahagi ng aking dibdib.

"Wala na kayong magagawa! That prophecy is nothing but a farce! Hindi totoo ang mga itinakdang babae! Huwad ang babaeng iyan! She's not even a vampire to protect herself! She'll die useless..." lalong lumakas ang kulog at kidlat sa buong kapaligiran ganoon din ang mga pagyanig ng lupa.

Patuloy ang pagpatak ng mga nyebe at ang aking panghihina'y hindi tumitigil. Hindi tumatalab ang mga kagat sa akin ni Zen. Pilit niya akong ginagawang bampira pero pilit iyong tinatanggihan ng aking katawan.

Nasa mga braso ko na ang mga pangil ni Zen.

"Zen..."

Nagtutuluan na ang mga luha ko. Kaunting panahon ko lang siya nakasama pero sumasakit ang dibdib ko sa kaalamang iiwan ko siya.

Punung-puno na ng aking mga dugo ang kanyang mga labi, nagsimula na akong umiling sa kanya. Walang nangyayaring pagbabago. Ayaw na ng katawan ko, kung magpapalit iyon ay dapat matagal na akong naging bampira sa unang kagat pa lang niya.

"Keep biting her, Zen!" malakas na sigaw ni Caleb. Pilit gustong makalapit sa amin ni Rosh. Anong malaking problema niya sa mga babaeng nabanggit sa propesiya?

"Claret..."

Nasira na ang magarang saya na siyang suot ko. Ngayo'y nakayuko sa aking mga hita si Zen at wala siyang tigil sa pagkagat doon.

Ano ang bagay ang pumipigil sa pagpapalit ko bilang bampira?

Pilit kong kinapa ang kwintas na ibinigay sa akin ni lola. Ito ang tumulong sa akin noon mula sa halimaw na gustong kumain sa akin. Ano pa ang kayang gawin nito?

"Zen..." tumigil siya sa pagkagat sa akin at mabilis niyang hinawakan ang aking mukha.

"Remove my necklace, iiwan ko na sa'yo..." ilang beses siyang umiling sa akin.

"No, no... Claret..." pilit kong hinila ang kwintas ni lola para ibigay kay Zen.

Ngunit nang sandaling iyon ay mawala sa leeg ko parang may kung anong klase ng pagsabog ang naramdaman ko sa loob ng aking katawan.

"C-Claret?"

Mas lalong nanuyo ang aking lalamunan, hindi mula sa panghihina kundi dahil sa matinding pagkauhaw. Ang aking mga mata'y agad hinanap ang leeg ng Prinsipe ng mga Nyebe.

I could even see his veins. Paano ko iyon nakikita?

Ang takot at sakit mula sa mga mata ni Zen ay unti-unting nawala. Kusang ibinuka ng Prinsipe ng mga Nyebe ang kanyang mga braso para sa akin.

At nagningas ang kanyang mga mata, tulad nang unang beses lumapat ang kanyang mga pangil sa akin.

"I made it."

Hindi ko na alam kung saan ko kinuha ang aking bilis dahil natagpuan ko na ang aking sariling nakayakap sa kanyang katawan habang ang aking mga labi ay marahang dinadama ang kanyang leeg.

Kasagutan sa aking matinding uhaw.

Isang kagat sa kanyang leeg ang nagpabuhay sa aking nanghihinang katawan. Hindi ko akalaing makakaramdam ako ng ganitong klase ng pagkauhaw sa buong buhay ko.

Marahan niyang hinaplos ang aking mahabang buhok.

"Welcome to vampire world my Claret Cordelia Amor..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro