Chapter 7
Chapter 7
Second Princes
Ngayon ko hiniling na sana'y kasing lakas at bilis nila ako upang maprotektahan ang aking sarili.
I could feel their tongue on my skin. It scared the hell out of me. Where are you, Zen?
My skin is only for your fangs...
I tried to struggle against them. I used my awful strength to push them away but that didn't seem to bother them.
Tears fell on my cheeks when both of their fangs pierced my skin. I forcefully closed my eyes thinking that it could possibly remove the pain, but as they gulped every drop of my blood my strength started to fade.
Zen, help me...
"Claret?"
Hindi ako sumagot nang marinig ang boses ni Casper. How could he casually call my name?!
"Claret?" shut up!
"Claret!"
Mas malakas na tawag niya ang nakapagpamulat sa akin. Malakas na sampal ng hangin ang muntik nang makahulog sa akin mula sa aking upuan kung hindi agad ako nakahawak sa mahabang lamesa.
Upuan? Lamesa?
Marahas akong napatayo at naging alerto sa paligid. Napaatras ako mula sa aking kinatatayuan nang makita ang dalawang bampirang kumagat sa akin.
Kasalukuyang nakangisi si Finn habang nakakunot ang noo ni Casper.
"What's wrong, Claret?" may bahid na pagtatakang tanong ni Casper.
Kumuyom ang dalawa kong kamay. "Isusumbong ko kayo kay Zen!"
"W-what? Inaano kita?"
"Kinagat n'yo ako!"
Nang sandaling hawakan ko ang leeg ko at sulyapan ang palapusuhan ko ay wala akong nakitang bahid ng kagat.
"Kinagat?"
Bigla na lang natawa si Finn na siyang nakapagpalingon sa amin ni Casper sa kanya.
"Seriously?! Finn, what did you do to her!?" sigaw ni Casper sa kanya.
Nilalaro pa rin ni Finn ang patalim sa kanyang kamay. Nang hawakan ko ang pisngi ko ay wala iyong hiwa nang ibato niya iyon sa akin.
"Just a few illusions. How was it, big sis?"
Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Ilusyon lang ang mga iyon?
"What the hell is wrong with you Finn?! Paano kung magsumbong talaga 'yan kay Zen? Sa tingin mo ba bubuhayin pa tayo ng baliw na 'yon?"
Napainom si Casper nang diretso sa kanyang baso na naglalaman ng pulang alak, kung alak pa nga ba iyon.
"Sit down, Claret. Everything was just an illusion. It was Finn's power." Finn nodded like it was just some sort of game.
Hindi niya ba alam ang takot na naramdaman ko dahil sa ginawa niya?
"Sorry about that. I just tried it to know if you could avoid it. You're not a vampire yet, huh? Hindi na nakapagtataka kaya nababaliw ngayon si Zen." He chuckled.
Kinakabahan man, bumalik na ako sa aking upuan. Ilang minuto kaming natahimik tatlo bago ako nagkaroon ng lakas ng loob magsalita. Mas lalo yatang tumitindi ang kaba ko kung mananatili kaming walang salita.
"B-bakit hindi kayo natutulog?"
"Tinatamad ako."
"Same here."
Tipid na sagot ng magkapatid. Pilit akong nag-isip ng pwede pang sabihin nang maalala ko ang sinabi nila kanina.
"Ano ang sinasabi n'yo na pinapakalma si Zen? Where is he?"
Hindi naman siguro nila dadalhin muli si Zen sa madilim na lugar na iyon? Hindi ba nila alam na may mga halimaw doon?
"Drinking?"
"Someone else's blood?" hindi ko inakalang may ilalakas pa pala ang boses ko. Another girl's neck? Hindi pa ba siya nasiyahan sa dugo ko?
Bigla akong nakaramdam ng matinding galit. Hindi ko alam kung para iyon sa aking sarili at sa paraan ng reaksyon ko ngayon o kay Zen at ang pangil niya sa ibang babae.
"He doesn't have a choice, Claret. He can't continuously drink blood from you. It will ignite the lustful fire on both of you... Then well... you're not a full vampire, big sis. Vampire se--"
"Alright!" hindi ko na pinatapos ang mahiwagang paliwanag ni Finn.
He chuckled again. "Just a few sips will do."
I was not convinced. Yumuko ako habang pinagmamasdan ang dalawa kong kamay na nakadaop sa aking kandungan.
"But what about those girls? Sa sandaling makainom sa kanila si Zen?" Is this damn jealousy?!
"Nothing. Iinom lang sa kanila si Zen. He can't cheat, Claret. Once a vampire met his or her mate, cheating is impossible. Zen will not desire other girls. My brother is already bound to you." Good.
"Maaari ko bang malaman ang mga kakayahan n'yong magkakapatid? Para hindi na ako magulat sa susunod." Muling natawa si Finn sa sinabi ko.
"Casper, ikaw na magpaliwanag sa kanya."
Tumango siya at sinalubong niya ang mga mata ko. "I'll start to our eldest."
"King Dastan Lancelot Gazellian, he's the eldest, the ruler of this Kingdom, Parsua Sartorias. He's the most skilled in terms of sword fight, and he's also a manipulator of blood."
"Oh..."
"Call him, King Dastan, Your Majesty... ikaw bahala. Just always remember respect when you're near him."
"But what do you mean by manipulator of blood?"
"Ah, I'm sorry. I forgot that humans are ignorant of unusual powers. Our King can do anything to his own blood, he can draw a sword, a whip or any weapon against his enemy."
"Oh..."
Gusto kong pumalakpak sa mga narinig ko ngunit pinigilan ko ang sarili ko.
"You can also fly?"
"Damn those vampire movies, ano pa ang kayang gawin namin sa mga napapanuod mo?" umiiling na sabi ni Finn.
"Vampires don't have wings, unless that certain vampire is a hybrid. But I never encountered one so far. We can't fly, Claret."
"Okay. Go on."
"Zen has the power of ice and snow."
Ngumiti ako. "Ang cool naman pala ni Zen, para pala siyang si Queen Elsa."
Sabay ngumiwi ang magkapatid sa sinabi ko. "Claret, don't compare us to those human movies."
"Oh, sorry. So... you're familiar with her?" nagtatakang tanong ko.
"Casper loves to travel. Madalas siya sa mundo ng mga tao kaya marami siyang nalalaman sa mundo n'yo."
Gusto ko pa sanang magtanong pero hinayaan ko nang magpatuloy si Casper.
"The third Gazellian is Lily. Aside from being the fastest vampire, she has the power of smoke. Poisonous smoke to be specific. Next is Finn with his illusions, after him is Caleb, the strongest vampire. Then Evan, he controls the thunder and lightning. Myself, I can manipulate the wind and my twin, Harper with her powerful music."
Bahagya nang nakaawang ang mga labi ko sa paghanga sa kanila. Ang mga inakala kong abilidad na sa telebisyon ko lang mapapanuod ay nandito na mismo sa mundong ginagalawan ko.
"What about you?" tanong ni Finn. "Ano kaya ang kakayahan niya, Casper?"
Pinakatitigan nila akong dalawa na parang masasagot doon ang katanungan nila.
"Magkakaroon ba ako ng katulad ng abilidad n'yo? I am just a bitten vampire."
"Soon. You will have. Let's just wait for your whole transformation. For now, continue to eat, act normal, and please don't say something that might cut our throats. I was just testing you a while ago, Zen is coming." Halos bulong na sabi ni Finn.
Sabay yumuko si Casper at Finn sa kanilang mga pagkain. Magsasalita pa sana ako nang biglang nabuksan ang pintuan.
Bigla na lang akong nakaramdam ng pagpasok ng malamig na hangin. Nawala ang pagkakahawak ko sa lamesa nang makitang bahagyang nagyelo iyon.
"Mahal na Prinsipe ng mga Nyebe..." bati ni Finn na parang hindi niya alam ang pagdating ni Zen.
Prinsipe ng mga Nyebe?
"Where's Claret?"
"She's here, brother." Inilahad ni Casper ang kamay niya sa akin.
Hindi ko na narinig magsalita si Zen. Sa isang iglap ay nasa tabi ko na siya habang ang kanyang ilang daliri'y marahang sinusuri ang leeg ko patungo sa aking mga braso na parang naghahanap ng marka ng pangil.
"We're just eating and getting to know each other. Right, Claret?"
Nakahawak sa aking upuan ang isang kamay ni Zen habang ang isa'y nasa kanyang baywang. Naniningkit ang kanyang mga mata sa dalawa niyang kapatid.
"Bakit hindi ako maniwala. What happened here, Claret?" masuyong yumuko muli sa akin si Zen nang mas masalubong niya ang aking mata. Sabay umiling ang dalawang bampira sa likuran na siyang nakapagpangisi sa akin.
"Kumakain lang kami."
The look in his face was not convinced, but in the end, he sighed in defeat. Napahinga nang maluwag ang kanyang dalawang kapatid.
"Saan ka galing?"
Natigilan si Zen sa tanong ko habang ngumisi naman ang dalawa niyang kapatid.
"I went to vampire court." He lied. Sinabi lang sa akin ng dalawa niyang kapatid na umiinom siya ng dugo ng ibang babae.
"Bukas ba ang vampire court ngayon, Casper? Hindi ba at vampire holiday ngayon?" painosenteng tanong ni Finn.
"Yes, it is vampire holiday today. Saang vampire court ka nagpunta, Zen?"
Hindi na ngayon makatingin sa akin ang Prinsipe ng mga Nyebe.
"Liar." Tumayo na ako at inirapan siya. Bakit biglang kumulo ang dugo ko? Alam ko nang kailangan niya ng dugo dahil hindi niya pa ako pwedeng matuloy na kagatin pero... bakit parang ayoko... Dapat ako lang.
"Claret, saglit..." nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi siya pinansin.
"Claret..."
Hindi na ako nagulat nang makita siya sa aking harapan. Higit siyang mabilis sa akin at kailanman ay hindi pa ako nakatakbo sa kanya, sa Prinsipe ng mga Nyebe.
"Why don't you go to that vampire court of yours and bite every girl you see? Please move. I need sleep."
"Who told you? My brothers?"
"Hindi na mahalaga kung sino ang nagsabi. The thing here is you bit another girl's neck." Pumiyok na ang boses ko na nakapagpapikit sa akin.
Ngumisi siya. "Are you jealous?"
"Bakit naman?! Just go! Kumakagat ka sa ibang babae. I won't ever allow you to bite me again. Never!"
Sinubukan kong itulak ang dibdib niya pero hindi siya natinag. Mas lumitaw ang ngisi niya na mas lalong nakapagpainit ng ulo ko.
"My beautiful deity is jealous. How can I please you?" bulong niya sa akin. Mabilis kong iniharang ang aking kamay sa mga labi niya nang papalapit na naman iyon sa leeg ko.
"No biting. I'm mad."
"Claret..."
Nangunot ang noo ko sa ginawa ng Prinsipe ng mga Nyebe. Did he just pout his lips?
"Nagpa-pacute ka ba sa akin Zen?"
"Why? do I look cute?"
"Cute ka sana, may pangil ka nga lang."
His mouth hung open. Umirap ako at nilampasan ko siya at nagpatuloy ako sa paglalakad. Ngunit sa huli ay nahabol niya pa rin ako.
"Are you really that mad? I'm sorry. Hindi na ako kakagat sa iba... Mauuhaw na lang ako..." yumakap siya sa likuran ko.
"You should! Hunt animals! Not girls' neck!"
"As you wish." Bulong niya na may kasamang halik sa aking leeg.
"Good."
"Hindi ka pa ba matutulog? Bukas pa tayo aalis." Mabilis niya akong nabuhat sa may bintana. Kasalukuyan kaming naupo roon habang nakasandal ako sa likuran niya, kapwa namin tanaw ang kabuuan ng labas ng palasyo.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa paraan ng pakikisama ko kay Zen. I was running away from him before but just in a blink... I just feel at home with him. Parang kanina lang ay pilit kong pinagtutulakan ang lalaking ito pero ngayon ay hinayaan ko siyang yumakap sa akin.
"Zen, maaari ko bang dalawin si lola?" humigpit ang yakap niya sa akin.
"I'll think about it."
"Sa totoo lang nalilito pa rin ako Zen. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga naririnig, nakikita at nararamdaman ko."
"That's why we're going to Leon. Siya ang magpapaliwanag sa'yo ng lahat." Humalik siya sa ibabaw ng ulo ko.
"Sinabi sa akin ni Finn at Casper na kaya mong gumawa ng snow. Alam mo bang hindi pa ako nakakakita ng snow? Can you do it for me?"
Hindi na sumagot si Zen. Biglang nabuksan ang bintana at halos matulala ako nang nagsimulang magpatakan ang mga nyebe mula sa kalangitan.
Unti-unting gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. "A-ang ganda, Zen..."
Marahang haplos sa pisngi ang naramdaman ko. "Yes, napakaganda..."
Nang lumingon ako sa kanya ay sa akin siya nakatingin. "Ang babaw ng kaligayahan mo, Claret..."
"Talaga? Lumaki kasi akong mag-isa kaya siguro ako ganito, walang kalaro at walang kausap kundi si lola. Hindi katulad mo, may pito kang kapatid at nakikita kong mahal na mahal n'yo ang isa't-isa. They even dragged me here just for you..."
Nagsisi ako sa huling salitang sinabi ko. Ngunit sa halip na magbigay ng kumento roon ay yumakap muli sa akin si Zen.
Nanatili kaming tahimik ni Zen habang tanaw ang labas ng palasyo, ngunit habang tumatagal ay nararamdaman kong mas bumababa ang tempertatura.
"Zen, malamig na..."
Saglit nagningas ang kanyang mga mata at sa isang iglap ay tumigil ang patak ng mga nyebe.
**
Patungo kami sa Parsua Deltora kung saan nakatigil daw doon ang tinatawag nilang si Leon na sinasabi nilang aking lolo. Sina Evan at Caleb ang siyang makakasama namin ni Zen sa paglalakbay, kapwa nakasakay na ang mga iyon sa kanilang mga kabayo.
"Mag-ingat kayo." Paalaala ni Lily. Nagawa pa niyang lumapit sa akin at bumulong na sana'y bantayan ko rin ang kanyang mga kapatid.
Hindi ba at higit silang malalakas sa akin? Ano iyong ibig sabihin ni Lily?
Sabay nang kumaway sa amin sina Lily at Harper. Tumango naman ang mga natitirang Gazellian na lalaki bago kami tuluyang makalayo sa palasyo.
Nang halos isang oras na ang biyahe, nagsimula na akong mainip. Nag-iisa lang naman ako sa loob ng karwahe kahit malaki iyon at kasya kaming apat. Nang sumilip ako sa bintana, kapwa nakapalibot sa akin ang tatlong magkakapatid.
Hindi ko maiwasang humanga sa kanila, kapwa unipormado, matitikas at nagsusumigaw ng kapangyarihan ang kanilang mga presensiya. Hindi ko akalain na mabibigyan ako ng pagkakataong maranasan ang ganito.
Ang kikisig nila...
Ipinilig ko ang sarili ko sa aking naiisip. "Zen, malayo pa ba tayo?"
"Claret, kakaalis pa lang natin sa palasyo." Tumaas ang sulok na kanyang labi na parang may nakakatawa sa tanong ko. Napanguso na ako, anong gagawin ko rito?
Muli akong bumalik sa pagkakaupo ko. Sinubukan kong matulog pero hindi ako makatulog. Sinubukan kong magbilang ng tupa pero hindi pa rin iyon gumana.
Bubuksan ko pa sanang muli ang bintana nang biglaang tumigil ang karwahe. Hindi ko na magawang buksan iyon dahil may nagpipigil mula sa labas.
"Zen...?"
"Oh! What a surprise! Ang pangalawang prinsipe ng Sartorias. Akala ko ay patay ka na? Kailan n'yo pa siya inilabas? Baka naman pati kababaihan dito sa Deltora ay pupuntiryahin mo." Mula iyon sa hindi pamilyar na boses ng lalaki.
"Rosh, kung gusto mo pang mabuhay nang matagal, tumabi ka." Si Zen ang sumagot sa kanya.
"Mainitin pa rin ang ulo mo. May kasama kayong babae? Bakit may karwahe?"
Hindi na ako nakasigaw nang makitang may lalaki na sa aking tabi. Agad niyang natakpan ang aking bibig.
"Where is he?!" alertong tanong ni Zen.
"You must be the deity. You're beautiful..." hinahaplos na niya ang aking mahabang buhok at nang akma niya na iyong hahalikan ay tuluyan na akong napasigaw nang biglang lumitaw si Zen. Sakal na niya ang lalaki at sa lakas niyon ay nahati sa dalawa ang karwahe. Sa isang iglap ay nawala sa harapan ko ang dalawang lalaki.
"Claret!" binuhat ako ni Evan mula sa sirang karwahe at inangkas niya ako sa kanyang kabayo.
"N-nasaan sila?"
Sabay itinuro nina Caleb at Evan ang isang direksyon. Sunud-sunod na pagtumba ng puno ang nakikita ko.
"Ano ang nangyayari roon?"
"Nadadaan nila. Quite a damage." Bumuntong-hininga si Evan.
"Who is he?"
"The Second Prince of Deltora, ganyan talaga sila ni Zen kung magkita. You should try to avoid him. He has the pheromone ability, kaya niyang akitin ang kahit sinong babae lalo na kung may koneksyon kay Zen. They are born to piss each other. Siguradong ikaw ang bagong pag-aawayan nila."
Nagsisimula nang magyelo ang kagubatan kung saan naglalaban sina Zen at Rosh.
"Hihintayin pa ba natin sila? Or should I knock them down?" tanong ni Caleb na nakatanaw na rin sa kagubatan.
"Ako na, baka mapansin ka nila. Madamay ka pa. Ikaw muna rito kay Claret."
"Okay."
Nang bumaba na si Evan mula sa kanyang kabayo ay si Caleb na ang pumalit sa kanya. Hindi na rin ako nagreklamo dahil hindi talaga ako marunong sumakay sa kabayo at baka biglang tumakbo iyon.
Tumakbo na nang mabilis si Evan patungo sa kagubatan.
"Ano ang gagawin niya?"
"Wait and see."
Napatingala ako sa kalangitan nang kumidlat iyon ng apat na boses na direktang tumama sa kagubatan.
Lumipas ang ilang minuto ay bumalik si Evan na may dalawang katawang umuusok sa kanyang mga balikat. Sina Zen at si Rosh na walang malay.
Ngumiwi ako sa kanila. "Tell me... What's with the second child? Bakit mukhang problema ang mga pangalawang prinsipe?"
Evan and Caleb laughed at my question. "Ask these toasted idiots."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro