Chapter 6
Chapter 6
Hunger
My heart, mind and body were contradicting with one another. Hindi sila magkasundo sa tuwing malapit sa akin si Zen.
Sumisigaw ang isipan ko ng pagtanggi sa kanya. Isa siyang bampira at ang paraan ng pamumuhay niya ay hindi ko pinangarap kailanman. Paano sila kumakain? Bumibiktima ng mga tao? Papaano ako mabubuhay sa ganoon?
Mali ito.
Nakatitig sa akin ang mga mata ni Zen na nagsisimula muling magningas ng pula. Sunod-sunod namatay ang mga kandilang nakapaligid sa kabuuan ng kanyang silid at mas lalong nabigyan ng pansin ang mga matang mariing nakatitig sa aking leeg.
"Zen..."
I called his name again. Gusto ko nang sampalin ang sarili ko sa ginagawa ko. Akala ko'y makakarinig ako ng salita mula sa kanya ngunit iba ang aking natanggap. Mabilis kaming nawala sa kama at natagpuan ko ang aking sarili sa ibabaw ng lamesa. Ang magarang plorerang nakapatong dito ay kasalukuyan nang basag dahil sa ginawang paghawi ni Zen.
Simula nang kagatin niya ako sa gitna ng mga apoy at sa harap ng daang mga mata ng bampira, tila nakahanap na ng sariling susundin ang aking buong katawan.
"I heard your words... Akala ko ba ayaw mo sa akin?" bulong niya sa akin habang yumayakap ang kanyang braso sa aking bewang.
Sa halip na sumagot ay sinapo ng aking mga kamay ang kanyang magkabilang pisngi.
"I want to see your fangs..."
Bahagya niyang inawang ang kanyang mga labi upang makita ko nang maayos ang kanyang mga pangil. Kusang nanulay roon ang ilan sa aking mga daliri, damang-dama ng mga iyon ang tulis at talim na anumang oras ay maaaring makahiwa sa akin.
Hinahanap-hanap ko... sa kabila nang pilit kong panlalaban sa aking sarili. Akala ko ay hahayaan ako ni Zen gawin iyon pero hinawakan niya na ang palapulsuhan ko para pigilan ako.
"You're seducing me, Claret..." bulong muli niya.
Nalipat ang aming posisyon, nakaharap na ako sa malamig na pader habang nasa likuran ko si Zen na sinisimulan nang hawiin ang aking mahabang buhok. Napakuyom na lang ang aking mga kamay, hinuli iyon ni Zen at itinaas sa aking ulo.
"Zen..." I sinfully uttered his name when I felt the warm touch of his tongue on my neck.
"Claret Cordelia Amor, ang tagal kitang hinintay..." mariin akong pumikit nang mahalit na ang kasuotan ko.
"Let's try on your shoulder..." I nodded slowly.
I gulped when his fangs started to trace my shoulders. His grip tightened, my body's on fire, and my knees wobbled.
Kakagat na siya...
"Oh my goodness! Holy blue fire!" boses ni Lily ang nakapagpamulat sa akin.
Nawala sa likuran ko si Zen at natagpuan ko na ang sarili ko sa likuran ni Lily. Lumapit na sa akin si Harper para balutan ng kumot ang katawan ko.
Malayo na sa akin si Zen na kasalukuyang pumipiglas mula kay Caleb at sa isa pa niyang kapatid.
"What the hell is wrong with you?! Hindi nyo ba alam na may ginagawa kami?" halos pumutok ang ugat ni Zen sa kanyang noo dahil sa galit.
"Sinabi ko na sa inyo, hindi magandang iwan mag-isa si Claret. Our brother will definitely attack her." Sumulyap sa akin si Lily mula sa aking unahan habang naka-krus ang mga braso.
"There is nothing wrong with it. She is my mate. Ano ang problema n'yong apat? Find your mate! Malalaman n'yo rin ang nararamdaman ko. I've been longing for her for years."
Bumuntong-hininga si Lily.
"Alam naming walang mali Zen, but please see the situation. Hindi pa rin tuluyang nagbabago si Claret. Sa mga mata nating mga bampira, isa pa rin siyang tao. Walang pagbabago sa kanya kundi ang kanyang pisikal na anyo. Oo, nakita natin na nagningas ang mga mata niya, pero agad din itong Nawala. Tatlong beses mo na siyang kinagat hindi ba? Yet she's still a human, tama ang sabi ni Harper. I can't feel her strength. Hindi ka niya masasabayan Zen, it's dangerous for her."
Marahas na kinalas ni Zen ang mga brasong pumipigil sa kanya.
"Caleb. Evan." Tawag niya sa dalawa niyang kapatid na nakapagpatigil sa mga iyon para hawakan siyang muli.
"Makinig ka na lang kay Lily, Zen. Learn to wait. She can't handle a vampire sex yet." Kaswal na sabi ni Caleb na may kasamang pagtawa. Hindi ko napigilang yumuko sa sinabi niya.
Malapit na ba roon ang ginagawa namin? Nahihiya ako sa sarili ko. Pinalaki ako ng aking lola na ilag sa mga lalaki, pero ito ako ngayon at inihahain ang sarili sa isang makisig na bampira.
"At mas lalong hindi niya pa kayang magbuntis ng isang bampira. You're killing her Zen." Sabi ni Lily.
Bakit umabot na sa pagbubuntis?
"Alright. Pwede n'yo na kaming iwan."
"We can't Zen, mahigpit na pinag-uutos ni Kamahalan na huwag kayong pagsamahin sa iisang kwarto hangga't hindi pa siya tuluyang nagiging bampira." Sagot sa kanya ni Lily.
"What the hell?! Are you serious?"
"Sumunod ka na lang Zen." Nagsalita na rin si Evan na katabi si Caleb.
"Napapansin kong may mali kay Dastan. Galit pa rin ba siya sa akin dahil ako ang nagkamarka? Na hindi siyang panganay? I am the chosen one. Huwag niya akong pag-initan kung bakit hindi siya ang napili."
"ZEN!" halos sabay sumigaw sa kanya ang mga kapatid niya.
"Tanga ka ba? Si Dastan ang nagdala rito kay Claret dahil naaawa na siya sa'yo."
Habang nagtatalo sila, biglang lumabas sa isipan ko ang imahe ni Kamahalan. Hindi maipagkakaila ang kanyang kakisigan. He's perfect at imposibleng hindi siya hangaan ng sinuman na makakakita sa kanya. Nang sulyapan ko si Zen, ilang beses akong napalunok dahil ang prinsipeng umaangkin sa akin ay higit sa kakisigan ang taglay. Ito ay kasalanan sa mga kababaihan. He's sinfully beyond perfection.
Ang katulad kong pinalaking puro at mailap sa mga kalalakihan ay nagkaroon ng kagustuhang kahit minsan ay hindi sumagi sa isipan ko noon pa man.
Wala sa sarili kong itinago ang aking kamay na siyang hinalikan ni Kamahalan nang una kaming magkita nang marinig ang mga sinasabi ni Zen tungkol sa hari. Ayokong maging sanhi ng komplikasyon sa pagitan nila.
"I may not have that spade mark, but I can make you the queen beautiful Cordelia Amor." Anong ibig niyang sabihin dito?
"Hindi ako tanga, Lily. Our King is interested with my deity. Nag-iinit ang dugo ko sa paraan ng pagtitig niya kay Claret. Hindi ako mag-aalinlangang agawin ang posisyon niya sa kahariang ito kapag tinangka niyang hawakan si Claret. She' mine. Ayokong may ibang mga matang tumititig sa kanya. Kahit kapatid ko pa..."
"Zen..." tawag ko sa kanya.
"Are you mad, Zen? Darating na ang mapapangasawa ni Dastan. Itigil mo 'yang kasalanang pinagsasabi mo." Iritadong sagot sa kanya ni Lily. "Caleb, Evan. Ilabas n'yo na si Zen, kami na muna ang magbabantay kay Claret."
Hindi na hinintay ni Zen ang mga kapatid niya dahil siya na mismo ang lumabas ng kwarto.
Naiwan kaming muli nina Lily at Harper sa silid.
"Mukhang wala na rin tayong pagpipilian, we will stay in this room together until you fully turn into a vampire. Hindi namin kayo pwedeng hayaang mag-isa ni Zen. Narinig mo naman siguro ang usapan namin?" tumango ako. Nakakahiya, nang nag-uusap lang kami kanina ay halos ayawan ko si Zen. Pero kung hindi pa sila dumating...
"Magliliwanag na. Kailangan na rin siguro nating matulog." Sumilip ako sa bintana, mag-uumaga na nga.
"Hindi na ako makakatulog..."
Nagpatuloy sa paghiga ang magkapatid na bampira bago sumagot sa akin.
"Tatangayin ka rin ng antok. Ang araw ay gabi sa mga bampira. Samantalang gising tayo tuwing gabi. Pwede rin naman tayong hindi matulog pero nasanay na kami na ganito." Paliwanag sa akin ni Harper.
"Don't worry, hindi tayo masusunog sa araw ng mundong ito. Hindi ito tuluyang sumisikat, parang hapon lang sa mundo n'yo ang umaga rito." Ani ni Lily.
"Ano ang sinasabi ni Zen na taon? Hindi ba at isang taon lang naman niya hinanap ang dugo ko?" nagtatakang tanong ko.
"It was seven years, Claret..." natigil ako sa paghiga sa sinabi ni Lily.
"Pitong taong naka-kadena si Zen?! Hinayaan n'yo ang kapatid niyo sa madilim na lugar na 'yon?!"
"Mas mabuti iyon kaysa hatulan siya ng kamatayan ng mga konseho sa bilang ng mga babaeng bampirang posible niyang mabiktima dahil sa pagka-uhaw sa'yo."
"Kung ganoon, ilang taon na si Zen?" tanong ko sa kanila. Sabay silang natawa sa katanungan ko.
"Hindi na namin binibilang ang edad namin." Ngumuso ako sa sinabi ni Lily.
Kung nasa mundo kaya ng mga tao si Zen, ano kaya ang posisyon nila bilang tao? A college student? No, he could be working already.
A business man? Umiling ako.
A teacher? Hindi rin.
Engineer? Hmm...
Sa huli napangisi ako. Zen could be a sexy dentist!
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Kahit siguro walang anaesthesia maraming magpapabunot ng ngipin sa kanya.
Hindi ko na nahabol ang pinag-uusapan nina Harper at Lily. Kaya nagtanong na lamang ako muli sa kanila.
"Maaari ba akong dumalaw kay lola?"
"Kausapin mo si Zen, siya ang nagtago ng salamin." Sagot ni Lily.
"Marami pa akong katanungan."
"Si Leon na ang magpapaliwanag sa'yo ng lahat, Claret." Sabi ni Harper na nakapikit na ang mga mata.
Akala ko ay makakatulog ako katulad ng magkapatid pero hindi ako dinadalaw ng antok, kaya lumabas muna ako ng silid. Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa kabila ng sinabi nilang mag-uumaga na, madilim pa rin sa loob ng palasyo.
"Saan ka pupunta?"
Napahawak ako sa dibdib ko nang marinig ang boses ni Casper mula sa likuran ko.
"I need fresh air."
Nang tangkain kong humakbang muli ay napasigaw na ako nang bigla akong hampasin nang napakalamig na hangin na hindi ko alam kung saan nagmula. Pilit kong pinagsasalipot ang aking nagugulong buhok dahil sa lakas ng hangin.
Ano ang nangyayari?
Tiningnan ko kung saan ang pinakamalapit na bintana para isarado ko iyon pero ang mga matang namumula ni Casper ang aking agad na napansin. Sa kanya ito nanggagaling!
"T-tama na, Casper!" nang sabihin ko iyon ay natigil ang hangin.
"Ano pa ang kailangan mo?" kaswal na tanong niya.
Pinakalma ko ang sarili ko na huwag siyang sakalin. Kahit mas matangkad ako sa kanya at mas mukha akong mas matanda sa kanya, alam kong higit siyang malakas sa akin. Patunay na ang hanging iyon.
"You must be hungry. Follow me."
Hindi ko sana gustong sumunod pero wala akong pinagpilian. Habang patuloy kami sa paglalakad, unti-unti akong nilamon ng pagsisisi. Sana'y hindi na lang ako umalis sa silid na iyon.
Hindi sana ako makakakita ng tila buhay ng mga larawan at estatwa na siyang aming nadadanan.
"N-nasaan si Zen?"
"Pinapakalma ng mga kapatid ko." Tipid niyang sagot.
Nang makarating kami sa kanilang napakalaking hapag-kainan ay agad tumungo ang mga unipormadong mga tauhan nang makita si Casper at nang ako na ang pumasok lahat sila ay biglang lumuhod na parang isa akong dyosang kailangang igalang.
"Maaari na kayong umalis..." hindi pa ako nakakakurap ay bigla nang nawala sa aking paningin ang mga taga-sunod na nakaluhod kanina.
"Maupo ka..."
Sumunod ako. Nanatili akong tahimik hanggang sa dumating na 'yong mga pagkain. Laking pasasalamat ko nang makitang hindi iyon ang lamang loob na sariwa na siyang inaasahan ko.
"Eat."
Akala ko ay matutuwa ako sa pagkain pero napaka-imposible niyon kung may mga matang nakatitig sa'yo.
"B-bakit hindi ka kumakain?"
"I'm full."
Pagtutuunan ko na sana muli ng pansin ang aking pagkain nang nahagip ng mga mata ko na dalawa na ang bampirang nasa aking harapan. Kasalukuyang nakataas sa lamesa ang mga paa ng bagong dating na bampira. Hindi ko maipaliwanag kung bakit hindi na maganda ang kutob ko sa patalim na nilalaro ng kanyang mga kamay.
Bigla akong kinabahan, hindi ito maganda. Zen...
"Parang baliw si Zen nang matikman ang dugo ng babaeng 'yan. I wonder how her blood tastes..." humawak na ako nang mahigpit sa kutsara at tinidor na gamit ko.
"Inaantok na ako... Mauuna na 'ko sa inyo..."
Nang akma na akong tatayo mula sa aking upuan, napahugot na ako ng marahas na paghinga nang makaramdam ako ng kirot sa kanang pisngi ko.
Nanlaki ang mata ko nang makitang wala na ang patalim na hawak ng bagong bampira. Nangangatal ang aking mga kamay nang hawakan ko ang maliit na kirot sa aking pisngi. At nang tingnan ko ang kamay na ginamit ko, agad kong nakita ang dugo mula sa pisngi ko.
Ibinato niya sa akin ang patalim!
Nagsimula nang humataw ang dibdib ko. Ibang kaba ang nararamdaman ko. Nang tingnan ko ang dalawang bampira ay nawala na sila sa kanilang mga kinauupuan. Where are they?
Hindi na ako nakapagsalita pa nang may nagtakip sa aking bibig. Pilit akong nagpapalag pero masyadong malakas ang bampirang kasalukyang gumagapos sa akin.
"Let me wipe that blood for you..." bulong niya.
I tried to scream and struggle against him when I felt his tongue on my cheek. Tears stung on my eyes.
Zen, where are you? Please... save me...
"Finn, don't drink too much." Casper reminded the second vampire. Kakagatin niya ako!
Finn tilted my head for his access, while Casper's fangs were tracing my wrist. No...
Zen, help me...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro