Chapter 5
Chapter 5
Mess
Paanong sa isang iglap ang simpleng buhay ko kasama ang aking lola sa kabundukan ay biglang naglaho na parang bula? Bakit sa dami ng babaeng nabubuhay, ako ang naharap sa ganitong sitwasyon?
Isang sitwasyon na hindi ko akalaing aking mapagdaraanan.
Tila napaso ako sa mga salitang sinabi ni Zen. Nagsimula akong umatras papalayo sa kanya nang sandaling bitiwan niya ang kamay ko. Ano ang pakiramdam na iyon? Bakit hinayaan ko siyang kagatin ako? Bakit hinayaan ko ang sarili kong magpatangay sa ganoong emosyon?
Ang mainit niyang labi sa aking balat ang siyang dahilan kung bakit tila tinakasan ako ng aking malinaw na pag-iisip. Isang pangyayaring ngayon ay palaisipan na. Ano ang epektong iyon na inihahatid sa 'kin ng lalaking nasa harapan ko?
Nang tinangka niya akong muling hawakan, marahas kong iniwas ang aking mga kamay mula sa kanya. May tila kung anong emosyon ang gumuhit sa kanyang mga mata nang gawin ko iyon.
Sakit?
"Zen, mas makabubuting huwag mo muna siyang biglain sa mga pangyayari." Pormal na boses ng tinatawag nilang Kamahalan ang napagpatigil kay Zen upang patuloy akong lapitan.
"Nasaksihan na natin at ng buong konseho ang pagniningas ng kanyang mga mata. The whole imperial court of Parsua Sartorias are now convinced that she's our deity from the other world." Sabi ng babaeng tinatawag nilang si Lily.
"This is enough."
Nang sandaling tumayo na si Kamahalan, tuluyan nang namatay ang mga nakasinding apoy sa bawat simbo at kusang nabuhay ang mga ilaw. Inaasahan kong makakasaksi ako ng napakaraming bampira dahil sa mga matang nakita ko sa kadiliman ngunit ang sumalubong lamang sa akin ay ang walong bampirang siyang unang sumalubong sa akin.
"Mas mabuting ako muna ang kumausap sa kanya. Hindi mo magagawang makapagpaliwanag nang maayos sa kanya, Zen at malaki ang posibilidad na mauwi lamang iyon sa iyong pagkagat." Umismid si Zen sa sinabi ni Lily.
Sa isang iglap ay nasa tabi ko na siya habang nakahawak sa aking braso. Ano ang dapat niyang ipaliwanag sa akin? Hindi ko gustong maging bampira katulad nila.
"Halika na, Claret."
Kung papipiliin ako kung sino ang maaari kong samahan, higit kong pipiliin si Lily kaysa kay Zen. Wala akong tiwala sa nagiging reaksyon ng katawan ko sa tuwing lumalapit siya sa akin.
"Claret..." muling tinawag ni Zen ang pangalan ko na tila kinukumbinsi akong sa kanya ako sumama.
Tinalikuran ko na siya at sumama na ako kay Lily.
"Lily, sana'y ipaliwanag mo sa kanya nang maayos." Tumaas ang kilay ni Lily bago lumingon pabalik kay Zen.
"Zen, my dearest brother, you're such an entertainment. Hindi ako sanay na ganyan ka."
"Shut up."
"Lily, we'll join!" sabi ng batang babae sa kambal.
Ibinalik ako ni Lily at ng kambal sa silid kung saan ako unang nagising at nasisiguro kong iyon ang silid ni Zen. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla ko na namang naramdaman ang kanyang kagat.
Kasalukuyan kaming nakapalibot sa harap ng isang bilog na lamesa.
"We have a very big family tree." Panimula ni Lily.
"Nakapagtataka talaga. Nakita kong nagkulay pula ang mata niya nang kagatin siya ni Zen. Bakit hindi pa siya nagkakapangil? I can't even feel her strength. Parang tao pa rin siya." The little girl looked at me curiously. Halos sumakay na siya sa lamesa para lamang mas lapitan ang mukha ko. Samantalang nananatiling tahimik ang batang lalaki sa isang sulok.
"There are changes, Harper. Luminaw na ang mata niya na dating malabo at mas humaba na ang buhok niya." Sagot sa kanya ni Lily.
"Minor changes." Harper said with a nod. She was about to tell us something when she snapped her fingers.
"We should at least introduce ourselves first, right? Hindi pa tayo kilala ni Claret." Her smile widened.
"I am Princess Harper Esmeralda Gazellian, the youngest Gazellian." She formally spread her royal dress in front of me and bowed in a princess' way.
Hindi na ako nakagalaw pa nang lumapit na rin sa akin ang kanyang kakambal. The little boy held one of my hands, and gave a gentle kiss on it.
"Prince Casper Lancelot Gazellia, I am Harper's twin." Tipid siyang ngumiti sa akin.
I heard a soft chuckle. "Kilala mo na naman siguro ako? Princess Lily Esmeralda Gazellian, I am the third born. Sunod ako kay Zen."
Kumuyom ang mga kamay ko sa aking kasuotan matapos ang kanilang pagpapaliwanag sa akin.
"H-hindi n'yo kailangang magpakilala sa akin. Hindi rin ako magtatagal dito. Ibalik n'yo ako sa dati. Hindi ako bampira katulad n'yo."
Wala akong nais yakapin ang buhay bampira, kung maituturing nga ba iyong isang buhay.
"You have a vampire blood Claret. You're not a pure human. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit hindi ipinaliwanag sa'yo ni Olivia ang lahat."
Dapat ko ba siyang paniwalaan? Totoo ba talagang may alam na si lola simula pa lamang?
Nagsimulang maglatag si Lily ng isang lumang mapa sa lamesa.
"Makinig ka nang mabuti, Claret..."
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may hawak nang maliit na patalim si Lily. Napangiwi ako nang gumawa siya ng hiwa sa gitna ng kanyang palad, pinatulo ang kanyang sariling dugo sa lumang mapa at ang bawat patak nito'y nagmistulang tinta na nagbibigay buhay sa bawat detalye nito.
"Ang mundong ito ay nahahati sa limang emperyo. Ang bawat emperyong ito ay nahahati sa mga kaharian. Hindi ko na ipapaliwanag sa'yo ang kabuuan ng natitirang apat na emperyo. Mas gusto kong pagtuunan mo ng pansin ang emperyong kinalalagyan mo ngayon. Nasa emperyo ka ng Parsua kung saan nahahati ito sa apat na kaharian. Parsua Sartorias, Parsua Avalon, Parsua Deltora at Parsua Trafadore. Kasalukuyan kang nasa kaharian ng Parsua Sartorias kung saan makikilala mo ang pamilya ng mga Gazellian, kami iyon. Kaming walo na siyang sumalubong sa'yo kanina, magkakapatid kami."
Tila umikot ang mundo ko sa mahabang sinabi ni Lily.
"N-nakakalito..."
"Sa una lang iyan."
"Sa bawat ika-isanlibong taon ng emperyo ay may isinisilang na apat na lalaking nakatakda sa mga mortal na babaeng lumaki sa kabilang mundo. Sa kaharian namin, si Zen ang nagkaroon ng marka. Tanging piling lalaki lang ang nagkakaroon nito."
Mas lalong sumakit ang ulo ko sa sunod na ipinaliwanag ni Lily. Bakit kailangang itakda sila sa mga mortal na kagaya ko? Bakit hindi sa kapwa nila bampira na lamang?
"Bawat itinakdang bampira ay may sariling simbolismo. Are you familiar with card games and their symbols? Prince Zen of Parsua Sartorias possessed the spade mark on his back. It was his prophecy mark and proof that he's one of the destined princes from the prophecy."
"The marks are spade, clubs, heart and diamond." Harper added.
Kusa kong nadala sa aking labi ang ilang daliri ko nang maalala ang parehong disenyo ng aming lumang salamin sa bahay. My grandmother's antique mirror inside our bathroom has a spade design on top of it.
Ang siyang dinaanan ko kung bakit ako nandito!
"A-ang salamin!" napatayo na ako mula sa aking kinauupuan at pilit kong iginala ang aking paningin sa buong paligid na umaasang makikita ang salamin.
"Itinago na ni Zen ang salamin, Claret. Hindi ka na makakabalik. Pag-aari ka na ng kapatid namin." Uminit ang dugo ko sa sinabi ni Harper.
"Hindi niya ako pag-aari! Walang nagmamay-ari sa sarili ko!"
"Tanggapin mo na, Claret. Kailangan ka ng buong kaharian ng Parsua Sartorias. Mas mapapatatag ang kaharian kapag nandito ang presensiya mo. Hindi ka lang isang ordinaryong bampira. Sa sandaling nagsama-sama ang dugo ng apat na babae mula sa kabilang mundo magagawa n'yo ang lahat ng gugustuhin n'yo. Kayong apat na babae ang kapangyarihan ng buong emperyo. Hindi mo pwedeng takbuhan ito."
Habang tumatagal ay mas lalo ko nang hindi nagugustuhan ang mga naririnig ko.
"Ayoko nito... Nagkakamali kayo, hindi ako ang kailangan n'yo..." nagsimula nang uminit ang sulok ng aking mata.
Hindi ko nais mabuhay sa dilim, sa pag-inom ng dugo at mabuhay kasama nila. Mas hihilingin ko pang mamatay.
"Hindi siya nakikinig sa atin, Lily. Bakit hindi natin siya dalhin kay Leon?"
Leon? Pangalan iyon ng lolo ko.
"Mas mabuti."
"Sino si Leon?" sabat ko.
"One of the most trusted political advisors in Parsua Sartorias' imperial court, Leon Doyle. He's your grandfather, right?"
Suminghap ako. "Matagal nang patay si lolo."
Sabay silang nagkibit-balikat sa akin.
Nanghihina na ako sa mga naririnig ko. Tila nais ko na lang tumulala at isipin kung ano na ba talaga ang dapat kong gawin.
"May paraan ba para maibalik ako sa dati?"
"None." Si Casper na ang sumagot.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko at mariin ko iyong inihawak sa isa't-isa.
"May nais ka pa bang itanong, Claret?" tanong ni Lily.
Nag-aalinlangan pa akong itanong iyon ngunit pagkakataon ko na ito.
"Bakit naka-cadena si Zen kung kayo ang namumuno rito? Bakit kailangan n'yong sabihin na mamamatay na siya nang sunduin n'yo ako?"
Nakita ko ang tipid na pagngisi ng tatlong magkakapatid bago nila iyon itago sa akin.
"For the empire's safety. Marami nang nabibiktimang kababaihan si Zen sa buong nasasakupan ng Parsua Sartorias sa tuwing nauuhaw siya. Ngunit walang dugo ang sasagot ng kanyang uhaw kundi ang sa'yo, kaya kahit maubos niya ang dugo ng isang babae ay patuloy siyang mauuhaw hanggang sa hindi niya namamalayang nakikitil niya na pala ito."
Bigla kong nayakap ang aking sarili habang nabubuo sa aking imahe ang mukha ni Zen labas ang kanyang pangil at may dugo sa kanyang mga labi. Ang kaninang mainit na reaksyon ay nilamon ng lamig at pangangatal sa katawan. Paano kung ganoon din ang gawin niya sa akin?
"Lily, magagalit sa'yo si Zen. Sinisiraan mo siya kay Claret." Ngumuso si Harper kay Lily.
"Hindi pa naman ako tapos. Nang sandaling sumapit ang iyong ikalabimpitong taon, ito rin ang araw kung saan malalaman na namin kung sinong lalaki sa kaharian ang nakatakda sa'yo. Nang lumitaw na ang marka kay Zen, dito na siya nagsimulang mauhaw sa dugo mo. Sa kasamaang palad, hindi ka pa pwedeng makatawid sa mundong ito hangga't wala ka pa sa tamang edad. Habang hinihintay ni Zen ang ika-labingwalong taong gulang mo, nagsimula na siyang maging baliw sa kahahanap ng dugong sasagot sa uhaw niya. Dahil buong kaharian na ang apektado sa pagkauhaw niya sa'yo, napagdesisyunan na ikulong muna siya malayo sa lahat. Hinahatiran namin siya ng dugo sa ilalim ng palasyong ito kapag kailangan niya na talaga ng dugo."
"Bakit mukhang hindi dugo ang hinihintay niya nang dumating ako? Pinagkamalan niya akong prostitute na maghuhubad sa harapan niya!"
"Wala na kaming alam sa bagay na iyan. Baka si Caleb at Evan ang may pakana. You know... boys and their fangs. But look at the bright side now. Nang dahil sa pagdating mo, malakas na ulit si Zen. Buong akala ko talaga ay mamamatay na siya. Kung makikita mo lang kung paano siya dumaing at magmakaawa sa amin... He said these heart tagging words--"
Harper giggled and Casper grinned, while Lily continued with her story.
"Mamamatay na ako. I need her blood, please find her. Mamamatay na 'ko. Just kill me, I need her blood. Hindi na 'ko tatagal... Ito na siguro ang aking katapusan... Mamamatay na akong hindi siya nasisilayan... Mamamatay ako sa kalungkutan... Kill me please..." umiiling na si Harper habang kagat ang labi na tila pinipigil ang hindi pagtawa.
"Zen was exaggerating that time, pero maaawa ka talaga sa kanya. Para siyang tangang bampirang mamamatay. I cried too, si Kamahalan naman awang-awa sa kapatid kaya agad kaming hinila ni Caleb para magtungo sa mundo ng mga tao at kunin ka. We were so desperate, Claret. Buhay ni Zen ang pinag-uusapan kaya naging agresibo kami pagdating sa'yo. Zen is our brother and we're willing to do everything for him. Gano'n kami sa isa't-isa."
"B-but now that he's fine, hindi ba dapat ay hayaan n'yo na ako? Nagawa ko na ang kailangan n'yo. He was saved, away from death. At least give my freedom back."
"You are good for Zen and you are good for this kingdom. Huwag mo nang isipin na umalis dito. Nararapat ka sa mundong ito, Claret. Your purpose is to live with our brother for the rest of your life."
Hindi ko matanggap ang mga salitang iyon. I have my own purpose and it doesn't depend on someone else.
"My purpose? Be his food?"
Sarkastikong sagot ko. Pero hindi ko inaasahan ang natanggap ko mula kay Lily. Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Ang hapdi at kirot nito ang namayani sa akin.
Mariin kong sinalubong ang mata ni Lily at pilit kong hindi inilabas ang reaksyon ko. Wala akong natatandaang mali sa mga sinabi ko.
"You'll never be his food. He's longing for you because you are his mate! Matagal ang pinaghintay sa'yo ni Zen! Hinintay ka ng kapatid ko tapos pinagtatabuyan mo siya?"
Sinabi ko ba sa kanya na hintayin niya ako? Kung hindi ako pagkain, ano pa ang papel ko sa kanya?
"I don't like this." Lumabas na si Casper ng silid.
Hindi man lang natinag sa pag-alis niya si Lily na alam kong anumang minuto ay susugod na naman sa akin. Ano nga ba ang laban ko sa kanya? Vampires are known for their strength. Ano naman ang magagawa ko para protektahan ang aking sarili galing sa kanya?
"Alam mo ba ang ginawa sa'yo ni Zen kanina? It was not just a bite. It was a vampire's kiss. Inangkin ka ni Zen sa harap ng pinakamakakapangyarihang bampira sa buong kahariang ito. Sabihin mo nga ulit? Pagkain ka ba talaga?" galit na tanong sa akin ni Lily.
"Hindi tinatanggihan ang isang Gazellian, Claret..." umiiling na sabi sa akin ni Harper.
Akala ko ay magtatagal pa ang magtatalo sa pagitan namin, pero nang sandaling kumurap ako ay wala na ang dalawang magkapatid.
Nanghihina akong nagtungo sa kama, isinubsob ang sarili doon at hinayaan tumulo ang aking mga luha. Ilang minuto kong hinayaan ang sariling ibuhos lahat ang sama ng loob ko hanggang sa maramdaman kong may umupo sa kama.
"Claret..."
Isang tawag lang ng pangalan ko gamit ang kanyang boses, tila nagwala na ang sistema ko. Ang kaninang kalungkutan, takot at matinding galit ay biglang nawala ng isang iglap dahil lamang sa malambot niyang pagtawag sa akin.
"Claret..."
Hindi ko man nakikita, alam kong hinawakan niya ang dulo ng ilang hibla ng buhok ko.
"Claret..."
Gusto kong sigawan ang sarili ko nang kusang bumangon iyon. Kasalukuyang nakayuko ang mukha ko sa kama at pilit iniiwasan ang kanyang mga mata.
Hindi naging mahirap sa kanya ang ikulong ako nang mahigpit sa kanyang mga bisig at halik sa ibabaw ng aking ulo ang siyang nakapagpapigil sa aking pagpupumiglas.
"Zen..."
Halos hindi ko makilala ang sarili kong boses nang tawagin ang kanyang pangalan. Pilit kong ginulo ang isipan ko at kinukumbinsing humiwalay sa kanya. Mali ito... Aalis ako, malayo sa kanya at sa mundong ito.
Sinubukan ko ulit pumiglas at paghahampasin siya habang tumutulo ang aking mga luha.
"Naiinis ako sa'yo at naiinis ako sa sarili ko. Ano itong ginagawa mo sa akin, Zen? Nagagalit ako sa'yo dahil ginawa mo akong ganito. P-pero... bakit? Anong ginawa mo sa akin? Your fangs..." nangangatal ang mga kamay kong sinapo ang magkabilang pisngi ng prinsipeng ipinakilalang siyang itinakda sa akin.
"Please... bite me again, Prince Zen..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro