Chapter 3
Chapter 3
Mirror
Marahang pagsuklay sa aking buhok ang siyang gumising sa akin. Hindi na ako nagulat sa ganitong pakiramdam dahil madalas itong ginagawa sa akin ni lola. Ngunit sa paanong paraan niya ako nadala rito?
"Alam kong gising ka na Claret." Paos na boses ni lola ang nagpamulat sa akin. Umiyak ba siya?
Ang aking mga mata'y sinalubong ng pamilyar na paliguan na siyang aking nakalakihan. Ang malamlam na sinag ng dalawang lamparang nakasabit sa kawayang dingding ang siyang nagbigay buhay sa aming mga anino, na ilang beses ko nang nasasaksihan sa tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan.
Kasalukuyang nakababad sa paliguang gawa sa kawayan na naglalaman ng purong gatas ang aking buong katawan. Ang mainit na yakap nito'y tila hindi lang ginhawa ang dala kundi kakaibang lakas na hanggang ngayo'y hindi ko mawari.
Wala sa sarili akong sumulyap sa bilog na buwan mula sa labas ng bintana. Hindi ko maiwasang hindi humanga sa angking gandang ipinakikita nito sa akin. Ang ganda nito'y hindi kumupas sa aking mga mata kailanman.
Ngunit sa kabila ng aking paghanga sa ganda ng buwan, bigla na lamang sumagi sa isip ko ang mga taong nagtungo sa aming bahay kanina. Pilit kong iniisip na sana'y parte lamang sila ng isang kakaibang panaginip, ngunit ang mga nangyari'y napakalinaw...
"Lola, may mga bisita ba tayo kanina?"
Nagsisimula na si Lola na itaas ang aking mahabang buhok.
"Bisita? Wala tayong bisita."
Gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. "Kung ganoon ay panaginip nga lang pala? Walang Kamahalan? Walang ikalawang prinsipe? Siguro'y napagod nga lang ako para sa ganoong klase ng panaginip."
Hinintay kong may sabihin si lola at simulan akong pagsabihan dahil sa mga kakaibang sinasabi ko, ngunit nanatili siyang tahimik.
"Lola?"
Kumunot ang noo ko nang mapansin ang hindi pamilyar na salamin sa aking harapan. Nasa dulong parte ng paliguan ang malaking salamin at hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kilabot sa aking buong katawan.
"Lola, bakit ngayon ko lang nakita ang salamin na iyan?"
Sa kabila ng malamlam na liwanag mula sa dalawang lampara, hindi pumalya ang malaking salamin upang ipakita ang aking malinaw na repleksyon.
"Spade?" nasambit ko nang mas mapagmasdan ang disenyo ng salamin sa bandang itaas.
Biglang pumasok sa isip ko ang lalaking tinatawag nilang Kamahalan sa panaginip ko. Lalo na nang maalala ko ang ilang mga katagang sinabi niya, "I may not have a spade birthmark..."
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko? Bakit sobrang linaw ng mga detalye? Posible kayang hindi nagsasabi ng totoo si lola at totoo ang mga nakita ko? Interesado ang mga taong iyon sa aking dugo.
Muntik na akong mapatayo mula sa pagkakababad ng aking katawan sa aking paliguan nang marinig ko ang malakas na tunog ng aming lumang orasan, hudyat ng pagsapit ng alas-dose.
"Maligayang kaarawan, Claret, mahal kong apo..." ngumiti ako nang humalik si lola sa ibabaw ng aking ulo.
"Salamat po..."
"Tumingin ka sa salamin, ibibigay ko sa'yo ang aking regalo."
Sinunod ko ang sinabi ni lola, at mas lalong lumawak ang aking ngiti nang isuot niya sa akin ang isang simpleng kwintas na may itim na bato.
Marahan kong hinawakan iyon habang nakatitig sa repleksyon sa salamin.
"Ang ganda po..." hindi ko akalaing kwintas ang ibibigay sa akin ni lola.
"Mangako kang hinding hindi mo iyan tatanggalin sa katawan mo kahit anong mangyari." Mabilis akong tumango.
"Bigay mo po ito lola, hindi ko na ito tatanggalin sa katawan ko." Natutuwang sabi ko habang pinagmamasdan ang sarili kong suot ang regalo ni lola.
"Pwede na po ba akong magpaligaw?" nagbibirong tanong ko.
"Maaari na..." muntik nang umawang ang bibig ko sa hindi inaasahang sagot mula kay lola.
"Lola...?" usal ko na may pagtataka.
Humiwalay saglit sa akin si lola upang kunin na ang aking kasuotan na kanya na ring inihanda.
"Gawin mo ang gusto mo, nasa hustong gulang ka na." Ngumuso ako at hindi na nagsalita. Sa halip ay muli akong tumanaw sa bilog na buwan.
Ngunit ang inaakala kong mananatiling maganda sa aking mga mata'y siyang naging dahilan ng bigla kong pagsigaw.
Nagkulay pula ang buwan!
"Lola! Ang buwan!" pilit kong inagaw ang atensyon ni lola.
"Pula?"
Marahas kong itinuro sa kanya ang buwan, ngunit nang sabay namin iyong tingnan ay wala man lang bahid na kulay ang sumalubong sa amin.
"Claret..." pinakatitigan ako ni lola na parang kinukwestyon niya ang ginawa kong kilos.
"Lola, nakita ko po. Nagkulay pula ang buwan! Gaya ng mga mata ng babae sa panaginip ko. Nagkulay--" natigil ang aking anumang sasabihin dahil ang gatas na siyang nakayakap sa aking buong katawan ay naging dugo.
Sumigaw akong muli at marahas na napatayo. Hindi ko na inalintana ang aking buong kahubaran makaalis lamang sa paliguan kong punong-puno ng dugo.
"Naging dugo..." nagsimulang mangatal ang buo kong katawan at pilit tinalikuran ang pinanggalingan ko. Ano itong nangyayari sa akin?
"Puro dugo... Ano itong mga nakikita ko? Natatakot po ako..." maging ang boses ko'y nagsimula nang mangatal.
"Ano ba ang nangyayari sa'yo apo? Dugo? Purong gatas lang ang nakikita ko. Halika at babanlawan na kita." Pinilit kong sumilip sa aking paliguan, at katulad ng sa buwan ay wala itong pinakitang siyang dapat kong katakutan.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Ano ang nangyayari sa akin?
Nang matapos akong tulungan ni lola na banlawan ang katawan ko, siya mismo ang nagbalot sa katawan ko ng puting tuwalya.
"Halika at tutuyuin kita sa harap ng salamin." Hindi ako nagsalita at sumunod na lamang sa kanya.
Kasalukuyan akong nakaupo sa isang lumang upuan habang nasa likuran si lola at pinupunasan ang aking buhok. Hindi na bago sa akin na makita niya ang aking buong kahubaran, kung tutuusin ay mas kabisado niya pa kaysa sa akin ang bawat kurba ng aking katawan.
Habang abala si lola sa pagpunas sa aking buhok, sinubukan kong humanap ng maaaring ipintas sa akin. Maliit ba ang dibdib ko?
Umikot ang mga mata ko nang maalala ang sinabi ng babae sa akin at ang nais ng prinsipeng sinasabi nilang kailangan ang dugo ko.
"Ikaw na ang magtuloy sa pagpupunas ng katawan mo, hija." Inabot ko ang tumalya kay lola at sinumulan kong punasan ang sarili ko.
Nang magsimula na akong makaramdam ng lamig, ibinalot ko na ang sarili ko sa tuwalya at umalis na ako sa harapan ng salamin. Ibinigay sa akin ni lola ang aking mahabang itim at manipis na bestida na siyang lagi kong suot sa tuwing ako'y matutulog.
"Wala akong pasok mamaya, lola, gumala po tayo pagkagising ko." Masiglang sabi ko, pansin kong kanina pang matamlay si lola.
"Sige, apo..." nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. Gumanti rin ako ng yakap sa kanya.
"Mahal na mahal ka ni lola. Ingatan mo lagi ang sarili mo. Sundin mo ang mga bilin ko sa'yo, Claret..." bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib habang naririnig ang mga salita ni lola.
Bakit hindi na maganda ang nararamdaman ko? Bakit tila nagpapaalam siya sa akin?
"Lola... iiwan mo ba ako?" umiling siya sa akin.
"Matulog ka na, apo..." binigyan ako ni lola ng halik sa aking pisngi bago niya ako inihatid sa aking silid.
Pilit man akong binabagabag ng aking nakaraang panaginip at ng kakaibang ikinikilos ng lola, ako'y madali pa ring natangay ng isang malalim na pagkakatulog.
***
Akala ko'y magtutuloy-tuloy na ang aking pagtulog, ngunit nagising ako mula sa boses ng lalaking tinatawag ang pangalan ko.
Umusal ako ng mahinang mura na maaaring maging dahilan ng pagkain ko ng siling labuyo sa sandaling marinig iyon ni lola. Nilabanan ko ang boses at pinilit ang sariling muling matulog, ngunit mas lumakas lamang ang pagtawag nito sa pangalan ko.
Iritado akong bumangon, kinuha ang aking lampara at lakas loob na lumabas sa aking silid upang harapin ang lalaki.
"Anong kailangan mo sa akin?" Ang pagkairita'y mabilis napalitan ng kaba. Ang lakas ng loob ay agad nalusaw sa gitna ng kadiliman.
Tila humina ang liwanag ng lampara.
"Claret..." agad akong lumingon sa likuran at itinapat ang aking lampara, ngunit walang tao. Lumakas ang tambol ng puso sa dibdib ko.
"Claret..." muling tawag sa akin. Sa pagkakataong ito ay nagmula iyon sa banyo.
Mariin akong napapikit, humugot ng malalim na paghinga at nangangatal ang mga kamay at paang tinahak ang daan patungo sa banyo.
Pagkabukas ko pa lamang ng pinto ng banyo, bumungad sa akin ang malaking salamin na siyang ipinakikita ang aking buong repleksyon. Ang sabi ng isip ko'y tumakbo at magtago na lamang sa aking silid, ngunit tila may hipnotismo ang salamin na siyang humihila sa akin upang patuloy na humakbang.
Akala ko'y tanging sarili lamang ang aking makikita, ngunit kusang bumitaw ang mga kamay ko sa dalang lampara nang ibang imahe ang aking nakita sa salamin.
Isang lalaki. Lalaking nakayuko ang ulo habang ang mga kamay ay kapwa naka-cadena.
Kapwa lumipad ang aking mga nangangatal na kamay sa aking magkabilang pisngi upang gisingin ang sarili ko.
"This is hallucination..." pagkumbinsi sa sarili ko.
Nang sandaling kumurap ako, sa isang iglap ay sarili kong muli ang aking nakikita.
Napahinga ako nang maluwag. Tumalikod na ako mula sa salamin upang bumalik sa aking silid, ngunit kusang humakbang paatras ang aking mga paa nang makilala ang dalawang pamilyar na mukha na kasalukuyang nakaharap sa akin.
Sila'y kapwa nakangisi sa akin. Ang mga nasa panaginip ko!
"Happy Birthday!" sabay na bati sa akin ng dalawang bisita sa panaginip ko, ang babae at ang lalaking may kulay abong buhok.
Ang kanilang mga kamay ay sabay akong itinulak sa aking mga balikat. Mabilis na pagkahulog ng aking katawan ang siyang aking naramdaman.
Nahuhulog ako...
Ngunit paano ako nahulog? May malaking hukay ba sa aming paliguan? Hukay? Walang hukay doon!
Posible kayang...
Suminghap ako sa aking sariling naiisip. Salamin...
Pilit kong itinaas ang kanang kamay ko na parang may makakapitan iyon upang matigil ang pagkahulog ko, ngunit wala akong mahawakan. Isang panaginip na naman ba ito?
Pakiramdam ko'y tumagal ng minuto ang aking pagkahulog hanggang sa ang katawan ko'y bumagsak. Buong akala ko'y hindi na ako mabubuhay pa, ngunit tila maswerte ako at sa tubig pa ako napadpad.
Sinubukan kong tingnan ang buong kapaligiran, ngunit sobrang dilim at wala akong makita. Lalo na't wala akong salamin sa mata o lampara sa aking kamay. Pilit akong tumayo upang malaman kung magagawa ko pang makalakad nang maayos, laking pasasalamat kong walang pinsala sa katawan ko.
Ihip ng hangin ang umagaw sa aking buong atensyon. Niyakap ko ang aking sarili. Sinubukan ko nang maglakad kasabay ng naririnig kong mabagal na pagpatak ng tubig mula sa isang direksyon.
"N-nasaan ako?"
Hindi ko maiwasang hindi isipin na parang nasa isa akong nakakatakot na palabas at anumang oras ay may biglang magpapakita sa aking harapan.
Marahas kong ipinilig ang ulo ko. Hindi ko na dapat tinatakot ang sarili ko.
Kahit wala akong nakikita ay napatungo ako sa aking sarili, kakaiba ang nararamdaman ko. Huli na bago ko mapagtantong basa pala ang kinauupuan ko.
Basa na ang uniporme ko! Agad akong tumayo at sinubukang kapain ang telepono ko sa aking bulsa. Muntik pa akong mapatalon sa tuwa nang makitang nabubuhay pa iyon, pero walang signal.
Binuksan ko na lamang ang flashlight niyon at nang sandaling mabuhay ang ilaw nangatal ang buong pagkatao ko dahil sa nakikita ko.
Kusang nag-unahang tumulo ang aking mga luha sa tindi ng takot.
"Blood..." nakalubog ang aking mga paa sa dugo.
Anong klaseng panaginip ito?
Pinilit kong ihakbang ang aking mga paa pero parang naging mga bato na iyon. What's going on? Bakit hindi pa ako nagigising? Hindi ko na kaya ang ganitong klase ng panaginip.
Lola, sana ay gisingin mo na ako.
Mas lalo akong nanlamig nang may mapansin ako mula sa dagat ng dugong nakikita ko.
May bula.
Isang bula lang iyon sa umpisa hanggang sa masundan iyon ng sunod-sunod na pagbula na parang may kung anong---
Nanlaki na ang mata ko at napahakbang na ako paatras.
Mas lalong bumibilis ang pagbula, huli na bago ko nabigyan ng lakas ang aking mga paang tumakbo.
Sumigaw na ako nang may biglang humila sa mga paa ko. Natumba ako at halos mandiri sa sarili nang tuluyan nang mababad ng dugo ang buong katawan ko.
"No! Wake me up! Please..." sigaw ko habang pilit umaahon sa dugo kasabay ng paghila sa aking mga paa.
Habang hinihila ako, napapansin kong dumadaan na kami sa may liwanag, sa mga pader na may mga nakasabit na lampara. Dapat ay masisiyahan na ako dahil nakakakita na ako, ngunit nagsisi ako. Lalo na nang makita ko kung ano ang humihila sa akin.
Umalingawngaw ang malakas kong sigaw.
Big red eyes, black hairy skin and its mouth filled of smelly saliva. Parang masusuka na ako anumang oras.
Ipinadyak ko ang aking mga paa para manlaban pero wala itong nagawa sa halimaw. Nagsisimula na akong makaramdam ng panghihina. Ito ba ang sinasabi nilang panaginip?
Mamamatay na ba ako rito?
Pinilit kong hawakan ang kwintas na ibinigay sa akin ni lola.
"H-hindi na yata ako makakabalik, Lola..." nanghihinang sabi ko. Hinalikan ko ang kwintas na iyon sa aking nakapikit na mga mata.
Bangungot pa yata ang papatay sa akin. Hindi man lang ako nakapagtapos ng pag-aaral.
Hindi na ako nanlaban pa, at hinayaan ang halimaw na hilahin ako. Tinanggap ko nang matatapos na sa bangungot ang buhay ko. Ano nga ba ang laban ko sa humihila sa akin?
I will just die, kahit ano ang gawin ko.
Ngunit nang inaakala kong tuluyan na akong malalagutan ng hininga, biglang nag-init ang mga paa ko at nang sandaling nagmulat ako, nagsisimula nang matupok sa apoy ang halimaw.
Hinila ko ang mga paa ko at agad na dumistansya sa halimaw. Ano ang nangyari? Paano siya nasunog?
Hindi ko na hinintay pa ang posibleng pang mangyari. Agad akong tumayo at nagsimula na akong tumakbo papalayo sa halimaw.
Wala akong ibang pinagpilian kundi sundan ang daan na may liwanag. Siguradong magdadala iyon ng pintuan kung saan ako pwedeng lumabas. Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo nang marinig ko ang malakas na ungol ng halimaw.
It's damn alive!
Tumutulo na ang luha ko habang tumatakbo. I want to get out of here! Ayaw ko na rito!
Ngunit sa pagtakbo ko, nagsimulang kumunot ang aking noo, may napapansin akong hindi tama. May tao.
Bumagal ang aking pagtakbo na naging paglalakad hanggang sa napako ang aking mga paa at tuluyang tumitig ang aking mga mata sa kanya.
He's beautiful.
A sleeping naked man in front of my eyes.
Unti-unting naglandas ang aking mga mata sa kanyang katawan, ilang beses akong napalunok.
Lola, I'm so sorry... Imumulat ko na lamang po ang aking mga mata sa ilalim ng sariwang gatas ng baka.
Bumalik ang atensyon ko sa lalaki. Nasaan ang damit niyang pang-itaas? He's just wearing black pants. And he looked, uhm... s-sexy? Lola, imumulat ko ng ilang oras ang aking mata sa sariwang gatas ng baka, nangangako po ako sa sandaling mabuhay ako.
Ngunit bakit siya naka-kadena? Bakit punong-puno siya ng galos? Hinuli rin ba siya ng nilalang na humahabol sa akin? Should I help him?
Naka-kadena ang kanyang mga nakabukang braso maging ang kanyang mga paa. Bakas din sa kanyang buong kaanyuan na hindi maganda ang kanyang pinagdaanan.
Kahit nakatungo siya at hindi nakikita ang kanyang mukha, hindi maitatanggi ang kanyang kakisigan. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya para mas mapagmasdan siya.
Napasinghap ako nang mas makita ko siya nang malapitan. Napakahaba ng pilik-mata niya, ang tangos ng ilong niya at ang hugis ng kanyang pulang labi ay tila nakakapang—
Ilang beses kong tinapik ang pisngi ko.
Ngunit ano ang nangyari sa kanya?
Hindi ko napigilan ang mata kong humanga sa kanyang balat. Bakit parang kumikislap iyon sa tuwing natatamaan ng liwanag ng lampara?
He's like a chained angel.
"Hmm... excuse me?" sinubukan kong ilapit ang kamay ko sa kanya.
Akala ko ay magagawa ko siyang hawakan ngunit ako ang higit na nagulat. Nawalan pa ako ng balanse dahilan kung bakit ako natumba. Gumapang ako paatras para magkaroon ng distansya sa kanya.
He's awake, but he's weird and scary.
Parang nais niya akong patayin sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
"Scared, huh?" he's struggling against his chain. He wanted to reach me desperately.
He deliberately changed, from an adorable angel to this--- How should I call this? Ibang-iba siya sa lalaking natutulog kanina.
"Ano ang nangyayari sa'yo? Nakagat ka ba ng nilalang na mabalahibo? Iyong halimaw?" I asked him nervously.
"Cut the crap! Ikaw ba ang pinadala nila sa akin? You can't entertain me like that, come near me." My eyebrows knitted.
What?
"Mukhang nababaliw ka na." I said. Siguro ay nakagat na siya ng halimaw at epekto iyon sa kanya.
He looked at me dangerously. Humugot ako ng malalim na paghinga. Hindi dapat ako tumigil dapat ay nagpatuloy ako sa pagtakbo.
Tumayo na ako.
"Fuck! Anong katangahan ang pinagsasabi mo?" sigaw niya sa akin. Naglalabasan na ang ugat niya sa kanyang leeg at noo.
He's really scary.
Pumikit ako at pinaglapat ang dalawa kong kamay. I should pray.
"Please, I need to wake up. I don't like this nightmare anymore. Please wake me up..." hindi ko gustong mapagaya sa lalaking nasa harapan ko.
"So... they sent me an artist, huh? Good! Nakuha mo na ang interes ko. You may now strip." Marahas na napamulat ang mata ko sa lalaking naka-kadena.
Seryoso ba siya sa sinasabi niya?
"O ano pa ang inaarte mo? You're my prostitute, right? Now strip!" napayakap ako sa sarili ko nang wala sa oras. Gago 'to, ah?
"Tang ina ka!" isang malakas na sampal ang tumaginting sa mukha ng lalaki.
Natigilan iyon at tila natulala, nanatiling nakatagilid ang mukha niya na parang hindi makapaniwala na may sumampal sa kanya. Ngunit bago pa man siya makabawi sa pagkabigla niya ay nakagawa na ako ng distansya sa pagitan namin.
"Ano ang problema mo?!" sigaw niya.
"Ang kapal ng mukha mong tawagin akong prostitute! Gago ka!" iritadong sagot ko.
Kung may hawak akong kahoy na pwedeng ihampas sa kanya ay kanina pa iyon putol sa pag-atake sa kanya.
Muli akong napatalon nang may marinig akong ungol mula sa likuran ko.
Ang halimaw!
Ilang beses nagpabalik-balik ang aking mata sa dinaanan ko kanina at sa lalaking baliw na nasa harapan ko. Saana ko pupunta? Naiipit ako.
"Oh, here comes my friend." He said with a grin.
"Kakainin ba ako ng friend mo?" hindi ko alam kung saan pa ako kumukuha ng lakas para magtanong sa kanya.
Nakaharap na akong muli sa dinaanan ko kanina at nasa likuran ko ang baliw na lalaki.
"Of course, gustong-gusto niya ng mga artista." Napangiwi ako sa sagot niya.
"Be careful, ako ang inaatrasan mo. I am scarier than that beast."
Nakagat ko na ang pang-ibabang labi ko nang mas maaninaw ko ang halimaw na humahabol sa akin. Hindi lang iisa, sobrang dami na nila. Napapaligiran na nila ako.
Napasigaw na ako nang biglang sumugod ang isa. Napaupo akong muli sa takot.
"Hindi pa po ako naliligo! I don't taste good!" ipinikit ko na ang aking mga mata. Kung kakainin nila ako, ayaw kong makita!
Pero lumipas ang ilang minuto ay wala akong nararamdaman na kahit ano mula sa aking katawan.
Nang sinimulan kong imulat ang aking mata ay pangingisay na ng halimaw ang tumambad sa akin.
"Damn this silver chain! Madadaplisan na naman ako nito." He said, irritated.
"Hindi mo sila friends?"
"Huwag kang humarang kung gusto mo pang mabuhay." Marahas akong hinawi ng lalaki at sa sobrang lakas niya ay napunta ako sa kanang bahagi sa likuran niya sa lugar na hindi ako maaabot ng mga halimaw.
May tatlo pang nagtangkang sumugod sa amin, ngunit walang nagawa ang mga iyon sa paraan ng pagsipa ng baliw na lalaki. Kung hindi masama ang ugali niya baka pinalakpakan ko siya.
Akala ko ay sunod-sunod na ang panalo niya, pero nanlaki ang mata ko nang makagat ang balikat niya.
I heard him scream in pain.
"Get rid of this silver! Shit!" sigaw niya ulit sa akin.
Nagsimula na akong mataranta, paano ba tatanggalin ang kadena niya?
"Can you stop them from moving for a few minutes?" I asked him nervously.
"Two minutes will do?" I nodded at him.
"Siguraduhin mong maayos 'yang gagawin mo." Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung paano biglang nagningas ng pula ang kanyang mga mata.
Biglang nagsunod-sunod ang pagkatumba ng mga halimaw na nakapalibot sa amin.
Si Superman ba siya?
"Ano na?!" he snapped at me.
Bigla siyang nanghina at napaluhod siya. Mabilis akong lumapit sa kanya at hinawakan ko ang magkabilang cadena sa kanyang mga kamay.
Lumuhod din ako nang magpantay ang aming mga mata.
"I hope this will do..." both of my hands tightened its grip on his chains.
"Are you some sort of priestess?" he asked.
"Ewan..."
Bago pa man niya muling ibuka ang bibig niya para paulanan ako ng mura, ako na mismo ang nagpatigil sa kanya.
Labag man sa loob ko, inilapat ko ang aking labi sa kanya. This must be a dream, na matatapos ang kwento kapag naghalikan na ang mga bida.
Wala na akong makita na ibang lalaki sa panaginip kong ito maliban sa baliw na lalaking nasa harapan ko. Baka pwede na siya... Sana...
I need to wake up!
Ngunit ang hinihintay kong pagkagising ay hindi nangyari dahil ang kanyang mga kamay sa pisngi ko ang siyang higit kong nararamdaman.
The movement of his lips were too possessive, and I couldn't help but to follow his rhythm. I even allowed his tongue to play with mine.
Lola... magmumumog po ako ng purong gatas ng baka kapag nagising po ako rito.
"Two minutes is over."
Nang magmulat ako ay nakatayo na ang lalaki sa aking harapan habang bahagya akong nakatingala sa kanya.
All I could see was his sexy back and the melted chains around us. Nakalaya talaga siya sa halik ko? Bakit hindi pa rin ako nagigising?
Nang muli ko siyang tingnan ay hawak niya ang kanyang noo na parang matutumba siya.
"I'm thirsty... Feed me."
Hindi na ako nakapagsalita pa. Natagpuan ko na lang ang sarili kong natayo at nakaharap sa malamig na pader. Paano ako nakarating dito? Bakit ang bilis ng mga pangyayari?
He pushed me against the wall.
"W-what are you doing?!" nangangatal na sabi ko nang sinimulan niyang hawiin ang buhok ko.
Sumigaw ako nang sirain niya ang kanang parte ng uniporme ko. I tried to struggle against him, but he's powerful enough to dominate me. Ikinulong niya ang mga kamay ko sa itaas ng ulo ko.
"Don't move..." he whispered.
Biglang nanuyo ang lalamunan ko sa ibinulong niyang iyon sa akin.
Shivers went down my spine when his tongue slowly tasted my right shoulder.
"S-stop!"
I gasped when something pierced painfully on my shoulder. Tears stung my eyes. I screamed, and fought my way against him but as his lips conquered my skin... I felt something strange that shouldn't feel right at all.
It was warm... yet painful... but addicting.
My sight started to waver, my whole body was trembling, my knees were weakening. I was about to be worn out. Parang hinihila niya ang lakas ko. Ano ang ginagawa niya sa akin?
I couldn't take it anymore. My knees buckled, and right when I was about to hit the ground, his arms tightened against my whole body.
"Your blood... Who are you?" he asked with his uncertain voice.
Bago ko tuluyang isara ang aking mga mata, kusa nang nasagot ang katanungan sa isip ko, kasabay ng marahan niyang bulong sa aking tenga.
His lips with the traces of my blood, his fangs that brought pain on my skin... and his glowing eyes filled with hunger.
He's a vampire.
"I've been waiting for you Cordelia Amor..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro