Chapter 2
Chapter 2
Visitors
Naglalakad na ako sa palabas ng unibersidad, natapos na naman ang isang mahabang klase.
Ano kayang magandang balita ang ibabahagi ko kay lola?
Natigil ako sa paghakbang at bahagya akong tumanaw sa nagsisimulang dumilim na kalangitan. Hindi na bago sa akin ang umuwi ng ganitong oras, ang makaramdam ng takot na may kung sino na maaaring umatake sa akin ay hindi bumagabag sa akin dahil na rin sa reputasyon ni lola, ngunit nang minsang akong makarinig ng boses ng lalaki na tumawag sa akin nagsimula na akong kabahan.
I tried to convince myself that it was just my imagination because I was too exhausted with my non-stop academic requirements, but it continued to bother me no matter how I tried to brush it off my thoughts.
If it's real, who was he?
Naniniwala ako sa mga kaluluwa, ngunit para saan pa ang kwintas na suot ko na siyang pangtamboy sa masasamang espiritu? Hindi ba iyon epektibo o epekto lamang ang nararanasan ko bilang apo ng isang mangkukulam?
Ang pag-iisip ko niyon ay umabot hanggang sa aking pagpedal pauwi sa bahay. Hindi ko na namalayan na malapit na pala ako, bumilis yata ang bisekleta ko ngayon?
Nang tuluyan akong makarating sa harap ng aming bahay na sampung beses yata ang tanda sa akin, saglit akong natigilan dahil sa hindi pamilyar na nakikita ng aking mga mata.
Bakit ang daming itim kotse?
Ngumuso ako habang ipinaparada ang aking bisikleta. Bibili kaya sila ng halamang gamot ni lola?
Nawala ang atensyon ko sa mga itim na sasakyan nang maramdaman ko ang pagkabalisa ng aking tatlong alagang aso, itinali pala sila ni lola.
"Hush..." lumuhod ako at isa-isa ko silang hinaplos para pakalmahin, hindi sanay ang mga alaga ko sa maraming bisita.
Huminahon ang mga aso ko sa ginawa kong paghaplos sa kanila.
"Red, White and Blue... tatanggalin ko rin ang tali n'yo kapag umalis na ang mga bisita natin." They snuggled at me.
Ngumisi ako sa kanila bago ako tumayo at iwan sila.
Nagtungo na ako sa harap ng bahay, at akma ko na sanang bubuksan ang pintuan nang marinig ko ang malakas na boses ni lola. Kahit minsan ay hindi ko pa siya narinig magtaas ng boses at lalong maramdaman ang kanyang matinding kaba.
These people were intimidating my grandmother! Who are they?
"Wala pa siya sa hustong gulang!"
Nangangatal ang kamay ko sa harapan ng hawakan ng pinto, nais kong samahang harapin ang mga taong iyon at tulungan si lola ngunit hindi ko na magawang ikilos ang katawan ko.
Ako ba ang pinag-uusapan nila?
"Olivia, nasa hindi na magandang kalagayan ang ikalawang prinsipe. He needs her..." malamig na boses ng lalaki ang sumagot kay lola.
Prinsipe? At kailangan ako? Ano ang pinag-uusapan nila?
"May usapan tayo, Dastan! Wala pa sa tamang edad ang apo ko. Wag n'yo munang kuhanin sa akin. Hindi pa ako handa..."
Kukuhanin? Hindi ako sasama sa kanila.
"Olivia! Respetuhin n'yo ang unang prinsipe." Panibagong boses ng lalaki ang sumagot ni lola.
Wala na akong maintindihan sa pinag-uusapan nila. Bakit may mga prinsipe? Bakit ako kailagan ng prinsipe? Saan bansa ba galing ang mga taong iyon?
"Olivia, ilang araw na lang ay ika-labing walong kaarawan na rin ni Cordelia. Ano pa ang pinagkaiba niyon ngayon? My brother needs her blood, hindi na magtatagal ang buhay ni Zen kung mananatiling malayo sa kanya ang apo mo. Alam kong ikaw ang may lubos na may alam ng bagay na iyon dahil ika'y may kaparehong karanasan kasama si Leon."
Mas lalo na akong naguluhan sa kanilang usapan. Leon ang pangalan ni lolo, ngunit sino si Zen? Sino si Dastan na siyang kausap ngayon ni lola? Bakit kailangan ni Zen ang aking dugo?
Can't they find a blood bank? What's with my eighteenth birthday?
Bago pa ako tuluyang mabaliw sa mga naririnig ko, lakas loob kong binuksan ang pintuan dahilan kung bakit sa akin natuon ang atensyon ng lahat. Bumungad ang nanlalaking mga mata ni lola nang makita ko, kasalukuyang siyang pinalilibutan ng matatangkad na kalalakihan na tila mga nakauniporme ng itim na amerikana.
"Claret..." mahinang tawag sa akin ni lola.
Tatlong tao ang naiba ang kasuotan sa lahat, sila'y nakasuot ng kaswal na kasuotan lamang na siyang naging dahilan upang sila'y higit na mapansin sa gitna ng maraming tao sa loob ng aming maliit na bahay.
Ang unang lalaki na hindi nalalayo sa aking edad ay may kulay abong buhok, at malawak ang ngiti niya sa akin.
Ang nag-iisang babaeng kasama nila ay may seryosong ekspresyon ngunit ang kanyang mga mata'y mainit na nakatitig sa akin.
At ang sentro ng lahat ay ang lalaking siyang nag-iisang nakaupo, may mga malalamig na mga mata at sumisigaw ng presensiya ng awtoridad. Hindi man sabihin ng kahit sino sa kanila, agad malalaman na siya ang pinakamataas sa kanila.
I tried to remove my gaze away from him, but he had these pair of black orbs... too powerful, like it possessed something with undefined hypnotic pull...
"Kanina pa siyang nakikinig sa labas. She's beautiful." The gray haired guy said while smiling at me with ease.
"Dastan sa tingin mo ba ay magugustuhan siya ni Zen? Maarte ang isang 'yon. Maliit ang dibdib niya. Our brother is a boobs material." Umawang ang bibig ko sa hantarang sinabi ng babae.
I suddenly had an urge to cover my chests. How dare her?
But that woman just blurted out the words like it wasn't as scandalous for a virgin's ears. Sa katunayan ay nagbukas lang siya ng abaniko at pinaypayan ang kanyang sarili.
First was my blood, and then my chest's size? Who is that, Zen? Seriously. Baliw ba ang mga taong ito?
"Lola, s-sino sila?"
Nagsimula na akong lumapit kay lola. "Mga bisita."
"H-hindi ako sasama sa kanila..."
"Mukhang hindi siya sasama ng kusa Dastan, should I force her? Naawa na ako kay Zen." Naalarma ako nang nagsimulang lumapit sa akin ang lalaking may kulay abong buhok.
"K-kung kailangan n'yo ng dugo, bakit hindi kayo magtungo sa mga blood bank sa Manila? M-mayayaman naman siguro kayo. You can afford to buy blood for that Zen! I am not willing to donate." Nangangatal na ang boses ko.
Nagsisimula na rin akong matakot, ano ang laban ko at ni lola sa mga taong ito sa sandaling pwersahin nila kami?
Biglang humarang sa harapan ko si lola para protektahan ako.
"Bakit wala pa siyang nalalaman, Olivia?" tipid na tanong ng lalaking nananatiling nakaupo na parang hindi natitinag sa nangyayari.
Sa kabila ng ganitong uri ng sitwasyon, hindi maipagkakailang siya'y hindi maaaring hangaan ng kahit sinong may mga mata. Lalo na nang pormal siyang tumindig, tila isa siyang uri ng maharlika na nasasaksihan ko lamang sa mga palabas.
He's gorgeous...
"Dastan, she's drooling over you. She is Zen's property. Lessen your charm, Your Majesty." The gray haired man said with a chuckle.
"Shut up, Caleb. Continue, big brother. Don't mind this jerk." Sabat ng babae, kung gano'n ay magkakapatid pala sila. Kaya hindi na nakapagtataka na may pagkakahawig din sila.
Habang tumatagal ang pagtitig ko sa kanila, isang bagay ang higit kong napansin sa kanila na tila hindi normal. May kakaiba sa kanilang mga mata.
"Malala na ba ang ikalawang prinsipe?" nag-aalangang tanong ni lola.
Nagpalipat-lipat ang mga mata ko sa tatlong magkakapatid at kay lola, totoo ba talaga itong nasasaksihan at naririnig ko?
"He's dying. Our brother is dying, Olivia..." sagot ng babae.
"Kamahalan, hayaan n'yo muna akong magpaliwanag sa aking apo. Huwag kayong mag-alala at siya mismo ang dadating para sa ikalawang prinsipe..."
Natulala na ako sa sinabi ni lola. Ibibigay niya ako sa mga taong ito? Bakit responsibilidad ko ang isang prinsipeng mamamatay? Bakit may mga kamahalan? Bakit ganito ang usapan nila?
"Kailan pa siya pupunta? Mamamatay na si Zen! Kung hindi madadala sa magandang usapan ang mag lolang iyan. Ako na ang tatapos Dastan!" dumagundong ang kaba ko sa dibdib nang magningas ng kulay pula ang mga mata ng babae.
Punong-puno ng galit ang kanyang mga mata, at napakurap na ako sa takot. Ngunit nang sandaling magmulat akong muli ay sinalubong ako ng itim na mga mata. Namalikmata ba ako?
"Lily!" tawag ng lalaking nagngangalang Dastan.
Napayuko ang babae. "I'm sorry..."
"Dastan, pumunta tayo rito para kuhanin ang babaeng 'yan. We can't let our brother die waiting for her eighteenth birthday. Let me get some blood from her, Zen badly needs her blood."
Muli akong napahakbang paatras, nang akala ko ay tuluyang makakalapit sa akin ang lalaki ay iniharang ni Dastan ang kamay niya upang patigilin iyon.
"Maasahan ko ba ang pangako mo, Olivia?" tanong ni Dastan.
"Opo, kamahalan." Pormal na yumuko si lola sa harap ni Dastan na para iyong isang mataas na maharlika na dapat bigyan ng malalim na respeto.
"Mabuti, ngunit nais ko siyang kausapin bago kami umalis." Sumulyap siya sa akin.
"A-ayoko... hindi ako sasama sa kanila, hindi ako magdo-donate ng dugo." Ilang beses akong umiling kay lola pero hinawakan niya lang ang braso ko at marahan niya akong pinisil.
"Claret... saglit ka lang niya kakausapin. Para rin ito sa'yo."
"Ayoko po..." nagsimula nang humiwalay ng kamay ni lola sa akin.
I tried to reach her, and follow her when she turned her back on me but the Your Majesty scooped his arms around my waist and pulled me closer to him.
"L-lola!" tinawag ko siya ngunit nagpatuloy siya sa paglalakad at hindi na ako nilingon pa.
Nagsimula akong pumiglas sa lalaki. "Bitawan mo 'ko!"
"L-lola!"
Hinampas ko na siya, nanlaban na ako ngunit habang wala akong tigil sa pag-atake sa kanila, kumunot ang noo ko nang mapansin na wala na iyong mga nakaitim at ang dalawang kapatid niya.
We're alone.
"Hindi ko alam kung ano ang relasyon n'yo sa lola ko. Pero hindi ako sasama sa inyo, kailanman ay hindi ko inisip na iiwan ko siya rito."
Nang tumigil ako sa pagpiglas unti-unti na akong pinakawalan ni Dastan. Hindi na ako nagtangka pang tumakbo dahil alam kong hindi ko man nakikita ang mga tauhan niya alam kong handa ang mga iyon sa sandaling tumakbo ako.
"Your path is not in this place Cordelia Amor, your path is in our world."
Dapat ay tumatawa ako sa mga naririnig ko ngunit ramdam ko ang pagtataasan ng mga balahibo ko. There's something very unusual on him, and I couldn't name it.
"Ano ba ang blood type ng kapatid n'yo? My blood is not rare, I am not willing to donate my blood. J-just tell him to stay strong... hindi ako ang makakatulong sa kanya."
"Wala ako sa lugar para magpaliwanag ngunit sa sandaling matuklasan mo na ang katotohanan, our family will welcome you." Huli bago ako umatras at umiwas sa kanyang kamay.
I felt his light touch on my right cheek.
His eyes were emotionless, but the way it daunted on me seems like enchanting...
"And up until now I am still confused, I am the first born. The future king but you're not destined for me..."
He was about to reach me when he stopped in mid-way.
"I need to go. Sa susunod na muli tayong magkita, hindi mo na kailangan pang magsuot ng salamin. My brother's venom will definitely make you one the most beautiful..." At tinalikuran niya akong punong-puno ng katanungan sa aking isipan.
Akala ko'y mananatili akong walang imik, ngunit ilang beses akong humakbang patungo sa kanya.
"Sinasabi mo ba na hindi ako maganda, Kamahalan?" tumigil siya sa paglalakad at muli siyang humarap sa akin.
"May nasabi ba ako? Humihingi ako ng paumanhin." Tila isa siyang hangin sa bilis at linis ng kanyang kilos.
I just found myself intensely blushing as I witnessed his soft lips touched the back of my hand. Dastan, formally bent his body in his prince-like way with his eyes closed.
Tulala na ako sa kanya nang tumuwid siya ng pagkakatayo.
"Allow me to introduce myself. I am Dastan Lancelot Gazellian, I may not have that spade birthmark. But I can make you the queen, beautiful Claret Cordelia Amor..."
Hindi ko nabilang kung ilang minuto akong nakatitig sa kanya, pero nang sandaling magising ako sa katotohanan agad kong hinila ang aking kamay sa kanya.
"Nagbibiro lang ako..." hindi ko maramdaman ang salitang biro sa paraan ng pagsasalita niya.
"Close your eyes..."
I tried to protest but when his eyes glowed in red, darkness overwhelmed me.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro