Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Chapter 1

Uwak

Kasalukuyan akong nakarahap sa salamin habang pinagmamasdan ang aking sariling repleksyon. Ipinamulat sa akin ni lola ang kahalagahan ng kagandahan, isang katangian na kailanman ay hindi maaagaw ng iba.

Hindi ba dapat ay katalinuhan ang una sa lahat? Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at piniling tumango na lamang sa lahat ng sinasabi sa akin ni lola.

Alam kong isang malaking responsibilidad sa babaeng katulad ko ang pangalagaan ang kagandahan, ngunit hindi ko magawang ipagkaila na ang paraan ng pag-aalaga sa akin ni lola ay hindi na normal.

Hindi naman sa ayaw ko ng pag-aalaga sa akin ni lola. Mahal na mahal ko siya na handa kong sundin ang lahat ng kagustuhan niya. Ngunit ang karamihan sa paraan niya upang mapanatili ang kagandahan ko ay kadalasang nakapaninindig balahibo.

Minsan ay sumasagi sa isip kong inihahanda ako ni lola para ialay sa isang makapangyarihang tao.

Umiling na ako sa naiisip ko.

"Mahiwagang salamin, ipakita sa akin ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa?" tanong ko sa lumang salamin ni lola na parang sasagot nga iyon sa akin.

Ngumisi ako, kasabay ng pagsumping ng takas na hibla ng buhok sa tabi ng aking kanang tainga.

"Ikaw... Claret Cordelia Amor..." sagot ko sa aking sarili.

Saglit akong natawa sa aking repleksyon. Nababaliw na naman ako.

"Claret! Bumaba ka na! Mahuhuli ka na sa klase mo!" naalarma ako sa sigaw ni lola.

Mabilis kong sinuklay ang maiksi kong buhok na hanggang balikat at isinuot ang aking salamin sa mata. I have a very poor eyesight. 450 to my left and 350 to my right.

"Good morning po, Lola!" I kissed her cheeks.

"Kumain ka na. Alam mong ayokong nalilipasan ka ng gutom, hindi 'yan maganda sa iyong katawan." Tumango ako sa kanya.

Ito na naman kami at ang pag-aalaga niya sa aking katawan.

Para kay lola, isa akong babasaging bagay na hindi maaaring magasgasan o magalusan. Ang lahat ng bagay na pwedeng sumira sa aking kagandahan ay inaalis niya at ang bagay na makakapagpanatili sa aking ganda ay sinisikap niyang ibigay sa akin.

Hindi ko siya gustong nahihirapan para lang sa kapakanan ko (sa pagpapaganda ko). Minsan ay sinubukan kong tumanggi sa kanya ngunit binibigyan ko lang daw siya ng rason para magalit siya sa akin.

"Lola, malapit na ang eighteenth birthday ko. Ano po ang regalo n'yo sa akin?" biro ko.

Pansin ko na natigilan saglit si lola. May nasabi ba akong mali? Hindi ba siya nasisiyahang nasa tamang edad na ako? Isa na akong ganap na dalaga.

"Bibigyan kita ng regalo kung pananatilihin mo ang sarili mong malinis at puro..." natawa ako sa sinabi niya.

Ilang beses ko na ba iyong narinig sa kanya simula nang magkaisip ako? Malinis at puro...

"Pinalaki n'yo po ako nang tama. Hindi po ako kailanman makikipaglandian sa kahit sinong lalaki." Ngumiti ako kay lola na napahinga nang maluwag.

Our life was simple. We were not rich with expensive cars, not a stockholder of a huge company, not an owner of an exclusive school, not a daughter of a well-known business tycoon, and not even a spoiled brat with luxurious collections bags, shoes and dresses.

I was just a simple girl with a simple family, my grandmother. Siya lang ang pamilya ko at kahit kailan ay hindi niya ipinaramdam na may kulang sa akin. My whole life was filled with her golden words, advices and wisdom na punong-puno ng kanyang pagmamahal. Simula pagkabata ko ay hindi nagkulang sa akin si lola, isang malaking dahilan kung bakit hindi ko magawang maghanap sa kanya ng ina't ama.

How about my parents? Hindi ko man lang sila nasilayan. I never had a picture of them.

Kasalukuyan kaming naninirahan ni lola sa kabundukan. Sa Bundok Maalindog na kilala sa pagtataglay ng iba't-ibang klase ng halamang gamot na higit na nakakatulong sa mga tao sa patag.

Masasabi kong lumaki ako sa isang paraiso, sa kabundukang tahimik, payapa at punong-puno ng buhay. Mula sa mga puno, ibon, bulaklak at iba't-ibang mga hayop.

Kung muli akong papipiliin, mas gugustuhin ko pa ring lumaki sa kabundukan. Sa lugar na malaya at nararapat ako.

Lumaki akong malayo sa mga tao. Namulat sa ideyang may darating sa tuktok ng Bundok Maalindog upang kuhanin ako at alukin ng kasal. Ang lalaking siyang nakatakda sa akin... Ang lalaking ang mga mata'y sa akin lamang magniningning. Ang lalaking siyang tanging may karapatang umangkin sa aking mga labi.

Sa tuwing naiisip ko siya, hindi ko maiwasang hawakan ang aking mga labi. Ano nga kaya ang pakiramdam ng mahalikan?

Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko nang maalala ang aking nakita sa locker room sa eskwelahan noong Lunes. Magkasintahan na naghahalikan na tila sila lamang ang tao sa mundo. Ganoon ba iyon kasarap na hindi na nila napansin na muntik na akong madulas nang makita ko sila?

Ilang beses sinabi sa akin ni lola na sa iisang lalaki ko lamang maaaring ipakita ang aking kutis – sa lalaking itinanim na sa aking puso at isipan simula sa pagkabata.

Minsan ay nagtataka na rin ako. Dapat nga ba ay maniwala ako? Totoo kaya siya? Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpapakita? Hindi pa ba sapat ang aking kagandahan?

Siya kaya'y makisig at may matipunong katawan? Siya kaya'y magaling humalik? Na kapag may babaeng nadulas sa harapan ko'y hindi ko na rin mapapansin?

Ngumisi ako sa aking naiisip.

Noong una'y natatakot pa ako sa mga sinasabi ni lola. Tila isa akong patabaing baboy na kailangang mapanatili ang kalidad para sa takdang oras. Ngunit kung nakalakihan na iyon, unti-unti na rin masasanay.

Isang beses sa isang linggo ay ibinababad ni lola ang aking buong katawan sa purong gatas, para sa aking kutis. Para mapanatili naman ang magandang hubog ng aking katawan, mga prutas at gulay sa kabundukan ang madalas kong kinakain. Hindi rin ako pumapalya sa pag-eehersisyo na may tamang gabay ni lola.

Hindi maipagkakailang lumilitaw ang aking kagandahan sa tuwing humahalo ako sa maraming tao, kaya hindi iilang beses na nakakatanggap kami ni lola ng imbitasyon para sumali sa iba't-ibang kumpetasyon sa pagandahan ngunit kahit isa rito ay walang pinaunlakan si lola.

Hindi raw maganda ihain ang kagandahan ng babae sa madla dahil tampulan daw iyon ng tukso.

Sa eskwelahan naman ay kilala ako bilang apo ng mangkukulam. But our story was a different type of witch's story. Hindi kami iyong sinusunog ng buhay dahil mga salot at walang ibang ginawang maganda.

We were loved dahil ang mga halamang gamot ni lola ay siyang nakakatulong sa maraming tao, lalo na sa iba't-ibang uri ng sakit.

Ngunit sa kaalamang apo ako ng isang magaling na mangkukulam, walang lalaking nagbalak lumapit sa akin. Malaki ang takot nila kay lola dahil sa balitang kumakalat na ang lalaking unang lumapit sa akin ay isang linggong hindi pinatulog dahil sa masasamang panaginip.

Sinubukan kong tanungin si lola tungkol doon, ngunit nagkibit balikat lamang siya sa akin.

"Umuwi ka nang maaga Claret. Kailangan na muling ibabad ang iyong katawan sa purong gatas."

"Opo, Lola..." inubos ko ang baso ng gatas bago ako tumayo at magpaalam sa kanya.

"Lola, papasok na po ako." Nagmano ako sa kanya bago ako lumabas ng bahay.

Nakahanda na ang aking bisekleta na siyang gamit ko patungo sa campus.

"Mag-ingat ka, Claret. 'Wag magpapagasgas." Tumango ako.

Nakakailang pedal pa lang ako papalayo sa bahay nang marinig ko ang tawag ni lola.

"Claret! May nakalimutan kang sabihin sa akin." Napangiwi ako, muntik ko nang makalimutan.

"I won't let them touch me. Just let them stare, until they die." Tipid na ngumiti sa akin si lola bago ko ipinagpatuloy ang pagpedal.

Araw-araw ko iyong sinasabi kay lola bago ako umalis. It was like a sort of chant o tamang sabihin na orasyon ba 'yon? Lihim akong humiling na sana'y wala naman talagang mamatay sa pagtitig sa akin nang matagal.

Kahit kailan ay hindi pa ako nahahawakan ng kahit sinong lalaki o matitigan nang napakatagal. Dahil ang usapang kumakalat, sa sandaling tumagal daw ang pagtitig sa akin ay siguradong masusundan na iyon ng bangungot.

Pero ang malaki kong ipinagtataka ngayon ay kung bakit kailangan ko na namang maligo sa gatas mamaya? Parang noong isang araw lang ako pinaliguan ni lola.

Nagpatuloy na akong muli sa pagpedal. Akala ko'y tahimik akong makakarating sa eskwelahan nang bigla akong napa-preno.

"Claret..."

Agad akong napalingon sa buong paligid ko. May lalaking tumawag sa pangalan ko. Ilang minuto akong nakatigil sa gitna ng kagubatan habang nakikiramdam sa paligid ngunit bigla akong napatingala sa itaas dahil sa biglang pag-ingay.

Napakaraming itim na ibon ang nagliliparan.

Kumunot ang noo ko. Bihira lang ako makasaksi ng ganito karaming itim na ibon sa kabundukan.

"Mga uwak..." usal ko.

Ramdam ko ang biglang pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan. Huminga ako nang malalim at nagsimula muling pumedal.

Guni-guni ko lang siguro ang narinig ko...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro