Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

7



c h a p t e r 0 7

Ang sabi ko sa sarili ko, matutulog ako. Pero bakit? Bakit hindi ako makatulog? Sinulyapan ko ang digital clock ko na nasa side table. Pulang 1:33 AM ang nakalagay dun at hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.


Puting unicorn naman oh! May klase pa 'ko bukas!


Bakit kamo? Dahil kay Thun– no, I will not mention Thunder's name anymore baka mas hindi ako makatulog. No. No. No. No.

You just did, stupid.

Arrgh! Naman oh! Bakit ko ba kasi siya iniisip? Okay, just close your eyes Zeleny, then drift off.


"Ate anyare? Bakit para kang diyosa ng kapuyatan?" tanong ni Edimyl sakin habang sumusubo ng fries. Nasa cafeteria ako ngayon together with this two girls.

"Ganito talaga pag estudyante." malumay na sagot ko. Wengya, pati energy ko naubos.


"You're really beautiful, Zeleny."


His voice is still echoing inside my damaged brain. Arrg! Why can't I just forget about it? I mean, I'm not bragging but, marami beses na akong nakatanggap ng puri, from different people, from different places, from different personalities,even from different animals— lol just kidding.

Pero bakit ang lakas ng impact ng compliment ni Thunder sakin.

And that smile. I can still review his smile in my head. Shit. Kinikilig ba ako? Crush ko na ba siya? No. No. He's not my type! Hambog siya!

I rolled my green eyes with so much frustration at sinubsob ang mukha ko sa table. Kung alam lang ng dalawang 'to. Hindi lang naman ako nakatulog kagabi! Kainis.

Ba't kasi ang gwapo niya?

Wait—whuut?





"Eh bakit kami Ate, hindi naman." tanong naman ni Belle.

"Kasi bata pa kayo." sagot ko lang.



Nagising ang diwa ko ng biglang may humampas sa table. Sinamaan ko naman ng tingin ang may gawa no'n na si Belle na nag-peace sign lang sakin at may nginuso siya sa likuran ko.



"Hi." narinig kong bati ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.



"Aaron." bati ko. Tiningnan ko ang hawak niyang tray na may lamang pagkain. Para tuloy akong nagutom agad.



"Hi, Z. I miss you. Can I sit with you guys? If you don't mind. " ngiti niya.



"Sure na sure, Kuya Aaron." pagpapacute naman ni Belle.

Umupo si Aaron sa tabi ko since yun lang naman ang vacant chair. Apat lang kasi ang chair. Tiningnan ko ang dalawang babae sa harapan ko na nagniningning na naman ang mata. I rolled my eyes.

"Uhm, Aaron, sila Belle at Clara pala. Mga kaibigan ko. Freshmen." pakilala ko sa kanya at nginitian niya naman ang dalawa dahilan para mangisay sa kilig ang dalawa.

Tss, basta talaga gwapo parang uod 'tong dalawa.

"Uh guys— si Aaron." madiin kong bigkas at pinanlakihan ng mata ang dalawa, giving an umayos-kayong-dalawa-look.

"Kuya ang gwapo mo, bagay tayo." sabi ni Clara at bumungisngis. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Ay hindi, mas bagay tayo kuya." isa din 'to eh. Haaay, mga batang 'to oh.

Binalingan ko si Aaron na parang natutuwa naman sa dalawa. "Sorry sa dalawang 'to ah. Makakita lang kasi 'to ng gwapo nawawala sila sa ulirat." pabiro kong sabi.

"Ate!" sabay na sabi ng dalawa at sabay ding nagpout. Aba, kambal 'ata ang dalawa.

Tumawa lang si Aaron. "Okay lang yun. Anyway, kamusta ka na? Sorry kung hindi na kita masyadong dinadalaw sa classroom niyo." malumay niyang usal na parang nahihiya pa.



I smiled at him at tinapik sa balikat. "It's okay, ano ka ba. Hindi mo naman ako kailangang i-priority eh."


Ngumiti siya sakin at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa balikat niya. Nagulat ako ng bigla niyang halikan ang kamay ko. Narinig ko din ang pagsinghap ng dalawa kong kasama.


"You're my priority, Zel." nailang agad ako ng makita ko ang seryoso niyang mukha habang nakatitig sakin.

Oh god, hindi pa rin siya titigil?

Sasagot pa sana ako ng biglang may kumalabog na inggay mula sa likod. Lahat ay napalingon sa pinanggalingan ng inggay na mula pala sa table ng the alphas.

What now? May gulo na naman 'ata.





"Leader, calm down." rinig kong awat ng isang lalaking may kulay pagka white-ish ang kulay ng buhok.




"Leader..." rinig ko ding sabi ng isang lalaki na may blonde ang buhok. Hinawakan naman siya ni Cole, na may pulang buhok at inawat din.

Ang weird ng mga buhok nila no? Dalawa lang 'ata silang may normal na kulay ng buhok. Ay hindi, isa lang pala, ang haba kasi ng buhok ni Thunder eh. Yung umabot na sa balikat niya. Pero— I have to admit, his face gives justice.


Tinitigan ko lang silang awatin si Thunder na nasa stage na ng pagwawala. Kita ko dito ang galit niyang mata habang nakakatitig — sakin na naman?



Diyos ko naman, ano na namang ginawa mo? Bakit parang papatayin ka na naman ng tingin ni Thunder?


"Uh, Zeleny, sa field nalang tayo maglunch may mga table naman dun eh." biglang yaya ni Aaron sa gilid ko.

"Good idea, tara." at dali dali akong tumayo. Napahinto ako ng biglang hawakan ni Aaron ang kamay ko at pinagsalikop iyon. He smiled at me.




"Tara." at hinatak ako palabas. Hindi nalang ako umangal pa dahil ayoko namang maging bastos kung babawiin ko ang kamay ko. Nakarinig ulit kami ng kalabog ng bago kami makalabas.

"Fück, who the hell it that?"









***





At yun na nga, nandito kaming apat sa field. Better pa la dito. Presko pa ang hangin. Di tulad dun sa cafeteria palagi nalang akong nahihirap dahil parang may nakakatitig sakin palagi. Ang creepy right?



"Ate, una na kami sa inyo ah, may pinapagawa kasi si ma'am sa'min eh." sabi ni Clara habang nakatingin sa relo niya.

"Ganun ba, sige ingat kayo. Hintayin niyo ako sa gate mamayang uwian ha?" sabi ko.



"Sige, ate. Bye kuya pogeeyy! Bye 'te!" masiglang paalam ni Belle. Pinaglihi ata 'to sa enervon eh. Di nauubusan ng energy.




Tahimik lang kami ni Aaron. Habang nagpatuloy lang ulit ako sa pagkain. Narinig ko ang pagtikhim niya at bumuga ng malalim na hininga.

Anong problema ng isang 'to. Kanina pa siya hindi mapakali.


"Z-Zel, can I ask you something?" nauutal niya pang tanong. Tumigil ako sa pagkain at pinagpag ang kamay ko.


"Oo naman, ask anyway."



Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at humarap sakin. "K-Kapag— aah! Nevermind." At binitawan ang kamay ko.



Tinungkod niya ang siko niya sa table at sinabunutan ang buhok niya. Weird.


Hindi nalang ako nagtanong pa. Ayoko siyang i-pressure.




Nagkibit balikat nalang ako at pinagpatuloy ko ang pagkain ko. Ang sarap kumain 'no. Hindi ko na siya pinilit pang sabihin ang sasabihin niya. Hindi naman ako mapilit.



"Ah, Aaron sandali lang ha? Comfort room muna ako." paalam ko ng makaramdam ako ng pagka-ihi. Darn, dami kong nainom na coke.




Tumango sakin si Aaron. "Sige, hintayin kita dito."



"Sige, wait lang." at dali dali akong tumakbo para hanapin ang CR ng girls. Rawr. Naiihi na talaga ako.




Buti nalang at tahimik ang hallway'ng dinadaanan ko. Kaya malaya akong nakatakbo. Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makita ko ang pinakahihintay kong sign na makita. Dali dali akong pumasok sa loob at buti nalang walang tao.


Natapos ako at naghuhugas na ako ng kamay nang biglang bumukas ang pinto. Hindi ko nalang siya nilingon at nagpatuloy sa paghuhugas ng kamay.



Natapos din ako at tiningnan ko muna ang repleksyon ko sa salamin. Not bad. I smiled.




Akmang tutungo na sana ako palabas ng makita ko si Thunder na nakasandal sa pinto habang nakacross ang mga braso niya.



Oh no, I'm cornered. I'm gonna die!


"T-Thunder." utal ko. Hindi siya kumibo at nanatiling nakatitig lang sakin. Napalunok ako ng lumakad siya palapit sakin. Napaatras ako at hindi ko na pala namalayan na nakasandal na ako sa lababo.



"A-Anong ginagawa mo dito?" nauutal kong tanong. Why is he even in the girl's comfort room? Bakla ba siya?



Para akong nawalan ng hininga nang tuluyan na siyang nakalapit sakin at pinatong ang magkabilang kamay sa lababo, trapping me.



"T-Thunder."

"Sino siya?" matigas niyang tanong while looking at me with pure—jealousy? What? Hindi ko naman naka-turn on ang supernatural imagination ko ah. Then why the heck am I imagining that Thunder is angry— and jealous.




"S-Sino, Thunder?" nakakalito.





"The bastard na humawak sa kamay ko kanina sa cafeteria? Is he your boyfriend? Ha? Tell me!" napapikit ako ng bigla siyang sumigaw.

Bakit ba siya galit na galit?




"D-Don't shout at me! Hindi ako bingi! Tsaka, ano naman ngayon kung boyfriend ko siya?" bahid pa rin sa boses ko ang panginginig.



Gosh, Zeleny, stop trying to be brave. You'll die.




He clenched his jaw at sinuntok ang lalabo gamit ang kaliwang kamay niya. Mas lalo akong natakot dahil baka ako naman ang isunod niya sa kawawang lalabo.





"T-Thunder, pakawalan mo na ako." nanginginig kong pakiusap.


Tiningnan ko siya sa mata.



"P-Please, wala naman akong ginawang kasalanan sayo ah. Wag mong ibaling ang galit mo sakin." at unti-unti nang tumulo ang luha ko.

Shit, I've never been this scared before. Ngayon lang, kay Thunder lang.




Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Natigilan ako sa pag-iyak. He's hugging me.



Naningas ako sa kinatatayuan ko ng bigla niyang sinubsob ang mukha niya sa leeg ko.




He started sniffing my scent. "Mine."





Bumulong siya pero hindi ko masyadong maintindihan dahil nakasubsob siya leeg ko.





"T-Thunder—aaah!" nagulat ako nang bigla niyang hinalikan ang leeg ko. He just chuckled darkly at pinagpatuloy ang paghalik niya dito. Mas diniin niya ang katawan niya sa'kin at unti-unti niyang ipinasyal ang kamay niya sa beywang ko.

Madali kong hinagip ang kamay niya at pinigilan iyong lumandas sa iba pang parte ng katawan.

No! This is sexual harassment!

"Ano ba! B-Bitawan mo ako! Aaah!"

"Mine." bulong niya sa tenga ko. This time, I heard it clearly. Then the next thing I knew may malabot na lumapat sa labi ko.




It's his lips. He's kissing me!
































***
© iorikun xx

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro