Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

3


c h a p t e r  0 3



Sobrang nakaka-bigla. Iniiwasan ko dapat sila pero, suddenly their room was next to mine— meaning may possibility na makasalubong ko sila palagi sa hallway.

Oh god, this is so cruel. Why me? Is this a sign that I'll die?

Mas minabuti ko nalang umupo dito sa loob ng classroom at magluksa  kaysa sa maki-usisa sa pagdating ng the Alphas.

Nakikita ko si Sir na busy pa rin sa ginagawa niya. 30 minutes pa till 9AM then next subject na.

Still, maingay pa rin sa labas.

I was busy checking my nails because of boredom— nang biglang nagtilian ang mga kaklase ko sa labas. Napabuntong hininga ako ng malalim. I think it's them. I think they've just arrived.

I took a heavy sigh again.

Natigilan si Sir sa harap at tumingin ito sa labas dahil sa ingay ng tilian. Napa-iling ito at tumingin sa akin.

"Ayaw mo bang lumabas? The Alphas are there already."

Ugh. Ayoko 'no!

"No, Sir, I'm good."

"Oh, okay. I guess you're not a fan of Alphas then... Sige, I'll just go outside to check 4-E class."

Tumango nalang ako bilang sagot.

Dali-daling umalis si Sir palabas at naki-siksik sa mga ka-klase kong kanina pa nag-aabang.


Nanatili lang akong naka-upo sa loob ng classroom habang naghihintay na may pumasok na teacher.

Kainis, how can they tolerate this? It's just the Alphas. Nothing special.

Maya-maya pa'y may nasipasukan ang ilan sa mga ka-klase kong lalaki.

"Ang astig talaga ng Alphas..."

"Sinabi mo p-" napatigil sila sa pag-uusap ng mapansin nila ako.

I can't believe they're fanboys of Alphas. Shame.

Napatingin sila sa akin at napahinto sa paglalakad. These boys are weird. I don't know their names, hindi ko naman kasi napapansin anh mga tao sa paligid. I may sound vain— but it's true. I only know forty-five percent of people in this school, including the teachers.


Nginitian ko nalang silang tatlo para naman hindi ako mapahiya sa ko pagtingin sa kanila. These three boys are familiar, I think mga basketball player sila ng school namin.

"Pre! Kita mo yun? Nginitian ako ni Zeleny!"

"Fuck bro! Napansin niya 'ko!"

"'Tang ina bro, lapitan natin. Matagal ko na 'yang gusto."


"Ikaw na mauna. Nakakahiya."





I can't help but roll my eyes as I heard their conversation. Di ko nalang ito pinansin. Naramdaman kong papalapit na sila sa kina-uupuan ko, pero binaliwala ko ito. Damn it, please don't come near me.


"Hi Zeleny!" bati nilang tatlo sa akin sabay ngiti.


Tumingin ako sa kanilang tatlo at ngumiti ng pilit. I don't want to be rude, at least I have to play kind to them.


"Hi din." Simple kong sabi.

"U-uh may gusto sana akong sabihin sa'yo." sabi ng isa nakikita kong nanginginig siya. Bakit?


"Hmm?"


"U-uh k-kasi g-gusto mo b-" di na niya natapos ang sasabihin ng biglang mag-ring ang school bell.



Nakahinga ako ng maluwag. That was close, thank god for the school bell. Nakita kong sabay-sabay pumasok ang iba ko pang mga kaklase. Naging maingay na naman ang buong classroom.

Bumaling ako sa kanilang tatlo.

"Uh, next time mo nalang sabihin." I said politely sabay ngiti.

"S-Sige..." at mabilis na umupo sa may second row ang tatlo.

Nakita ko pa ang pagtapik ng isa sa kaibigan nito at umiling yung lalaking kumausap sa akin.

It's a good thing hindi natuloy yung sasabihin niya, kung hindi makakasakit na naman ako. Conceited but it's true.


Hindi naman sa nagmamayabang, marami-marami na rin kasi ang nagtatapat sa akin simula noong first year pa lang ako dito.


At lahat sila rejected. 


Some of them tinatangap nalang, some of them just don't give up. Maybe yan din yung dahilan kung bakit konti lang kaibigan ko dito sa school. Some girls are jealous of me and they hate me.


Hindi ko alam, I think di 'ko pa nahahanap ang lalaking para sa'kin.

I don't wanna meet him this soon yet.



***


Sa wakas ay natapos na ako sa seatwork na pinagawa samin ng teacher namin. Hindi ko muna pinasa ang worksheet ko dahil sa may ginagawa pang kung ano ang teacher namin sa laptop nito.

Bumuntong hininga ako at ni-review ang mga sagot ko. Seryoso akong nagre-review ng marinig ko ang ingay mula sa kabilang room, ang 4-E, ang room ng Alphas.

Nakita kong napatigil sa pagsasagot ang ibang ko pang mga classmates.

Hindi naman kasi kami sanay na maingay ang kabila. Ang section namin ang may pinaka maraming 'mababait na studyante', as they say.

Narinig ko ang kalabog ng upuan at napatayo ang teacher namin. Lumabas ito. I think sasawayin niya ang mga ito.


Dapat lang.

"Section E! Keep your noises down! You're disturbing the others!" narinig kong sigaw ng teacher ko mula sa labas.


Nakikita ko rin mula sa bintana ang paglapit ng isa pang teacher mula sa kabilang room. At sinaway din ang mga ito.

Nakabusangot na pumasok ang teacher namin at bumuntong hininga ng malalim.

"Those delinquent are headaches." bigkas nito, at muling humarap sa laptop at pinagpatuloy ang ginagawa nito.

I shrugged.

Pero ilang minuto pa ay hindi pa rin humuhupa ang ingay mula sa kabilang room. At nakita kong nangingitngit na sa galit ang teacher namin habang nagta-type pa rin sa laptop niya


Bumuntong hininga ito.She scanned the room at napatingin sa akin. "Zeleny, can you do me a favor?"

Sabay-sabay na tumingin sakin ang iba kong mga ka-klase. Darn, why me? Napalunok ako, tumayo at lumapit kay ma'am.

"Yes po?" tanong ko nang nakarating ako sa gilid niya.


"Sabihan mo sa kabilang room na wag silang mag ingay. Sabihin mo na pinapasabi ko. Could you do that?" tanong niya.


Kinabahan agad ako sa utos ni ma'am. Bakit naman ako pa? Ayoko ko ngang makaharap ang Alphas baka mamukaan pa ako. I'm dead meat.

"P-Pero-"

"Ay ako nalang po ma'am!" biglang singit ng kaklase kong babae.

Yes, fight for it.

Napasimangot si ma'am sa kanya. "Are done answering those sheets?"


"H-Hindi pa po." hiyang sabi nito.

"Then sit down and finish it." binalingan ako ni ma'am at tumango sa'kin. "Sige na."


Tumango ako at dahang dahang lumabas sa room. Nanginginig at namamawis ang kamay ko ng makarating ako sa kabilang room. Bumungad sakin ang magulong classroom. Nagbabatuhan ang mga ito ng papel. Ang iba nama'y natutulog, ang iba nama'y nagtutulakan.

One thing that describes them is — magulo, sobrang gulo.

Huminga ako ng malalim at kinatok ang nakabukas nilang pintuan.

I can do this. It's simple, just say 'hinaan niyo daw ang boses niyo sabi ni ma'am' then run off. Easy right?

"E-Excuse me.." sabi ko at kinatok muli ang pintuan para kunin ang atensyon nila.

Napatigil ang iba at napatingin sakin. I gulped. Parang nakalimutan ko agad ang gagawin ko.

Nakita ko ang ibang tinuturo at tumigil sa kanilang ginagawa. Tumahimik na sila at tinitigan ako.

Lumapit ang isang lalaki sa akin at tiningan mula ulo hanggang paa. I think he's one of the member of Alphas.

Ngumisi ito at hinawakan ang labi.


"Well, well, well if it isn't Miss Campus Crush.. anong kailangan mo?" tanong nito.

Campus crush? I've never heard of that before.


"U-Uhm ... h-hinaan niyo lang daw ang boses niyo s-sabi ni ma'am." nauutal kong bigkas.


He chuckled sarcastically before turning his head to his other classmate.

"Guys! SHUT THE FÜCK UP!" sigaw niya sa iba at nagsitawanan lang ang mga ito.


Kinagat ko ang labi ko at umiwas ng tingin. Aatras na sana ako ng bigla niya akong hinawakan sa pulso.

"Hey, don't leave yet."

Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Is this it? Nakilala ba nila ako? Will they kill me?

"Uhmm, pasensya na inutusan lang ako. I have to go back, just—just keep your noises down... please."

Ngumisi ito. "Sure as long as you give something in return... like a kiss. Right guys?" baling nito sa iba.

What the hell? Kiss? I'd rather die, asshole.


Mabilis na naghiyawan ang iba na parang tuwang-tuwa pa. Bumaling uli sa'kin at nagkibit balikat.

"See they agreed. Come on, just one kiss... on the lips."



Nainis agad ako sa sinabi niya marahan na binawi ang kamay ko.

How dare him! Stupid jerk!


"Kiskisin mo mukha mo!" sigaw ko at mabilis na lumabas ng classroom nila.



Pero bago pa man ako makalayo ay may narinig akong malakas na kalabog. I stopped walking pero umiling nalang at hindi ko nalang iyon nilingon.





What a bunch of jerks.































***
© iorikun xx

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro