19
c h a p t e r 1 9
***
"No, Zeleny. Hindi ka highblood. Your blood pressure is normal."
"Huh? Are you sure, Nurse Ciara?"
The school nurse looked at me boredly at inilingan. She gave me this weird look. She started walking to her table and started writing something.
After my battle with the monkey earlier, sa clinic agad ako dumirecho. I wanna be sure about my diagnosis earlier.
"B-But, Nurse Ciara, I'm sure highblood ako! Try checking again, please."
Bumuntong hininga ang nurse.
"Hay, mga kabataan nga naman..." she supposedly whispered, na narinig ko naman din. So what's the point, Nurse Ciara?
"Zeleny, I've checked twice di' ba? The result is the same it's 120 over 80. Normal." she finalized.
"Pero twice lang, malay niyo po sa pangatlo iba na." I reasoned.
Yes, baka nagkakamali lang siya. They tend to be wrong sometimes. Nobody's perfect!
The nurse sighed heavily like she was tired. What's wrong with her? She's the school nurse, she's supposed to do her work well. What if may highblood talaga ako?
"Look, why don't I just call your parents about your concern then they can take you to the hospital for check-up."
"No, no, I'm fine na pala. Thank you."
Ayoko nang abalahin pa sila Mom at Dad. For sure, they'll worry, lalo na si Dad–OA minsan when it comes to me.
Binitbit ko na si Tanddy na mahimbing na natutulog na nakabukas ang mata.
He's so cute I wanna put him in my heart.
After class, kaagad akong nagtungo sa Clinic just to check...something.
I felt relieved my diagnosis was wrong.
I guess nairita ako nang sobra kay Thunder kaya sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Paglabas ko, naabutan ko pa ang mga basketball players na nagtatawanan sa corridors. I ignored them at derecho ang lakad, though I heard some whistles from them.
Maybe, they're calling the wind. Mga pawisan kasi, baka katatapos palang ng practice.
"Pre, yung crush mo." I heard one said as I passed through their group.
They started buzzing like a bee.
"Hi, ang cute naman ng bear mo."
Natigilan ako sa paglalakad at agad nilingon ang nagsalita na nakakunot pa ang noo ko. Mula iyon sa grupo ng mga basketball player.
They like my bear? They mean, Tanddy? Of course he's cute, I'm his mother!
"Thanks..." I quickly said at tumuloy ulit sa paglalakad.
I know my son's cute, everybody wants a piece of him, lalo na ang unggoy na 'yun.
Natigilan ulit ako nang may kumalabit sa balikat ko, nagulat pa ako dahil masyadong malapit ang lalaki na kumalabit sa'kin.
Now, what's their problem? Don't tell me they want Tanddy? No way, Jose!
"Yes?" I raised my right brow, hugging Tanddy with all my life. Ito ang nagsabi na cute daw si Tanddy, baka gusto niyang hiramin si Tanddy?
He's so tall. No wonder his choosen sport is Basketball. I think he's a from section B, a senior din. I'm not sure about his name though.
Lagi ko kasi siyang nakikita sa labas ng classroom namin na palaging tumatambay. Most of my classmates has a crush on him.
"You're Zeleny, right?" he asked nicely with a wide smile.
Medyo namumula din ang pisngi niya and he's bet sweaty but he doesn't smell like it though. Infact, a bango niya.
Does he sweat perfume?
"Yes?" I asked suspiciously.
"Kaya mo 'yan, pre!"
I look back at his group nang umingay ang mga ito, tinutukso yata siya.
"My name's Conan." inabot niya ang kamay niya sa'kin.
Did I ask?
I looked at it for a few seconds before accepting it to shake hands. Well, it's quite rude to ignore him.
"Nice to meet you, Conan. I gotta go na." mabilis kong sagot at tinalikuran na siya.
"Wait,"
Hindi ko na ulit sila nilingon at lakad-talbo ang ginawa para lang makaiwas. Hindi ko naman sila kilala. Bakit ba ang daming FC sa mundo, for example– si Thunder.
Speaking of...
"Zeleny! Where the hell have you been?! Kanina pa kita hinahanap alam mo ba yun?"
Humihingal siyang lumapit sa akin. Napakunot ang noo ko sa kalagayan niya ngayon. Para siyang tumakbo sa 20k marathon.
Pawis na pawis.
"Sino bang nag-utos sayo na hanapin ako, huh? Anong akala mo sakin search and rescue?" inangasan ko siya nang maalala ko bigla ang kasalanan niya sa'kin.
"Damn, babe."
Inirapan ko siya at nilampasan. Kala niya marupok ako?
Tahimik niya akong sinundan at pilit na inaabot ang kamay ko na kanina ko pa binabawi pabalik sa kanya. Ang kulit din ng unggoy na 'to. Kanino ba 'to nagmana? Kay Kingkong?
"Hey..." sa malambing nitong boses.
Nakarating na ako sa classroom at kinuha na ang mga gamit ko. Baka hinihintay na ako ni Kuya– baka ano na naman ichika kila Mommy and Daddy. Mahilig kasi sa issue 'yun.
"Ano ba, Thunder! Ang kulit ha!" pagtataray ko nang kinuha niya sa'kin ang bag ko.
I glared at him so hard na gusto ko siyang matunaw at mawala na sana sa paningin ko.
Pero, hindi umepekto–imbes, nakangisi ito ng malapad na parang tuwang-tuwa pa. Ang sarap ipakain sa shark.
"Ako na magbubuhat, Misis. Baka mapano ang baby natin."
Mabilis pa sa kidlat ang paghalik niya sa labi ko before walking out of the room.
While I was dumbfounded at his remarks. Napapikit ako sa inis! Ginawa pa akong buntis ng gago! Nanghalik pa! Gusto ko siya sigawan pero nakalabas na pala siya sa classroom.
Napaka-unggoy talaga! Ang hilig mang-asar!
Mabilis akong naglakad para habulin siya. Ipapachop-chop talaga kita at gagawing ulam!
At ang unggoy...masayang naglalakad habang bitbit ang kulay pink na bag ko sa kaliwang balikat niya.
Pinagtitinginan na siya ng iba kong schoolmates. Ang iba parang nawe-weirduhan habang ang iba ay parang kilig sa kanya.
"Hoy!" I shouted.
Lumingon siya sa'akin at mas lalo akong nairita nang nakangisi siyang kumindat sa'kin. Tumakbo na siya ng mabilis papalabas ng school. I just found myself running after him.
Patay ka sa'king unggoy ka! Corned monkey ka sa'kin!
----
"Hmm..ang kalat naman."
Napapikit ako nang haplusin ni Thunder ang gilig ng labi ko. Inirapan ko siya at pinagpatuloy ang pagsubo ng ice cream.
Lihing-lihi ako sa ice cream ngayon. Matapos akong pagudin ni Thunder sa kakatakbo at kakahabol sa kanya kanina. Ang bilis tumakbo! Parang kabayo!
Kaya ngayon, magbabayad siya sa pagpagod sa'kin. Nagpalibre ako ng ice cream. Hindi man lang nagpakipot ang unggoy–agad na naghanap ng ice cream.
"Kumain ka ng dinner, ha? Baka hindi ka na ganahan dahil sa kaka-ice cream mo." Thunder scolded like a mother duck nang pang-tatlo ko ng kain ng ice cream.
Hindi ko siya sinagot at nag-focus lang sa kakakain ng ice cream. Ice cream first before anything.
"Hey...mi hai sentito, amore?"
"Si, si. Zitto ka nga." Irap ko.
Kala mo hindi ako nakakaintindi ng Italian? Hmp. Marunong ako 'no. Pero, konti lang. Na-curios lang kasi ako sa language nila nung pumunta kami ng Italy.
His eyes widened at my response. Hindi niya siguro inaakala na makakaintindi ako sa sinabi niya "Oh! Che brava! Pa-kiss..."
This time, I successfully dodged his kiss. Sinampal ko siya ng mahina.
"Tumigil ka nga! Kita mong nagmo-moment kami ng ice cream, eh!"
He groaned. "Una teddy bear, ngayon ice cream. Ilan ba karibal ko, Zeleny?"
Sininamangutan ko siya sa inis. Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to? Anong preblema niya sa mga paborito ko? Hindi ko naman siya inaano, ah?!
"Umalis ka na nga! Kanina pa ako naiirita sayo!" Tinulak ko siya ng malakas para paalisin.
Pero ang unggoy–nakakapit lang ito ng mahigpit sa bewang ko. He groaned in pain before nuzzling his face on my neck. Chancing ang matsing!
Pinabayaan ko na siyang magbahay sa leeg ko and just focus on eating my cookies and cream flavored ice cream. It's the best! Pangarap ko din magpatayo ng factory na pagawaan ng ice cream–pero cookies and cream lang ang flavor. Para naman makatipid ako at hindi na bumili pa ng ice crean araw-araw.
If you want more life hacks–just call me.
"Babe, tama na yan. Baka hindi ka ganahan kumain ng dinner niyo." pag-awat ni Thunder nang nasa pang limang beses na ako ng ice cream.
I stopped a moment and realized it. Damn, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Now, it's too late–parang busog na ako.
I bit my lip and smiled with guilt.
Iniling niya ang ulo niya dahil alam na niya ang nangyayari. Kinuha niya sa'kin ang baso na puno pa ng ice cream at sinimulan nang lantakan ito. I pouted my lower lip while I stared longingly at him–eating my ice cream.
Sa mga oras na 'to humiling ako kay Lord na sana ako nalang si Thunder.
Gusto ko pang kumain. I can eat it all day and not eat a single meal. But I know the consequences of it. Kaya pinapagbawalan ako nila Daddy na kumain ng ice cream. Hindi talaga nila sinasama sa grocery list ang ice cream.
Sa tuwing birthday ko lang ako nakakakain ng ice cream.
"Thunder, isang subo nalang, please." pagmamakaawa ko na nang sobrang inggit ko sa pagkain niya ng ice cream.
Hinawakan ko pa ang kamay niya para isubo sa akin ang sunod na scoop ng ice cream–pero ang unggoy, dinerecho niya sa bibig.
I felt betrayed!
"No, babe. Ako ang papagalitan ni Kuya." he said nonchalantly, still eating it.
"Hindi 'yan, hindi! Sige na, isa nalang."
I was panicking dahil kita ko ang konti nalang ng ice cream. I wanna have a last taste of it.
Finally, at the last scoop of it.
I looked at him with full of hope. I even give him a fucking smile para maawa na ang unggoy sa'kin.
"You want it?" he asked.
Para naman akong tuta na tumango sa kanya. I'm desperate, okay? Kayo kaya ang nasa posisyon ko kung hindi din kayo maging desperada.
"Okay. Open your mouth, baby."
And so I did. Inilapit na niya ang kutsara sa'kin. Excited na akong kainin yun.
Pero, natibag ang buhay ko nang isubo niya iyon sa makasalanan niyang bibig.
I was left with my mouth open.
How dare you!
"You bastard! I will make your life miserable–hmmm,"
That's when I realized– hinalikan na niya ako sa labi na may lasang ice cream pa rin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mas tikman ang labi niya dahil lasang ice cream pa iyon.
It's disgusting but I'm desperate to taste the ice cream on his lips.
I heard him gasped when I explored his mouth further. He was not expecting this response. Pero, maya-maya ay hinawakan na ako sa likod ng ulo para mas lalong idiin ang mga labi namin.
We didn't care about where we were right now. We didn' t care if people are looking. We we're busy with each other's mouth. Hindi ko na napansin kung ilang minuto na kaming naghahalikan.
Nawala na ako nang gana nang hindi ko na malasahan ang ice cream sa bibig niya kaya tinulak ko na siya.
Pero–ang unggoy parang ayaw pa dahil hinahabol-habol pa rin ang labi ko na mabilis ko namang iniiwasan.
"Hey, stop na..."
"Anong stop, ikaw naunang manghalik, eh. Panagutan mo ako." he whispered against our lips, pecking my lips three times.
I licked his lips for the last time dahil may ice cream pa doon bago tinulak ang mukha niya papalayo sa'kin. My job is done. Ayoko lang walang nasasayang na ice cream.
"Damn, Zeleney. Don't tease me like that."
I raised my eyebrow at him.
"Anong tease? I just don't like wasting ice cream kaya binawa ko sa'yo."
Mas linapat niya pa ang sarili sa'kin na halos ma-glue na kaming dalawa. Anong problema ng lakaking 'to sa personal space.
"Lumayo ka nga. Ihatid mo na nga ako."
He shook his head slowly.
"Kain pa tayo ng ice cream."
My eyes widened with excitement.
"Really?"
He smirk. "Really, babe."
Yes!
***
iorikun xx
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro