Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

17


***

Kinabukasan ang naging mabagal ang aking pagkilos to get ready for school. Parang ayaw kong pumasok ngayon. Tinatamad ako. Baka dahil ayoko muna makita yung unggoy na si Thunder.


Ugh! But for the sake of our quiz later sa Physics kailangan kong magsipag pumasok. I can't fail that subject or all of my subject rather.


"Bye, little sis. Remember mag-text ka kung may maghahatid naman pala sayo. Do you still have group activities later?" tanong ni Kuya nang makarating kami sa school ko.


I rolled my eyes dahil sa pagkakasarkastiko siyang pagsabi sa group activities. Whatever he thinks.


"No, Kuya. Just be here on time. I hate waiting." I said lazily.


"Oh, okay. Study hard then!" pahabol niyang sabi nang binuksan ko ang pintuan ng kotse para lumabas.

"Bye, little sis. Love you!"

I rolled my eyes. "Love you too, dork."


Pairap akong umalis at naglakad papasok na ng school. Pinagtitinginan ako ng mga estudyante habang naglalakad sa corridor na hindi ko nalang pinansin.


Nakarating ako sa locker ko at kinuha ang aking physics book. Kailangan ko munang magreview since mamaya pa namang hapon ang quiz.


Pagbukas ko ng locker ay nagulat ako nang bumulaga ang isang kalakihang teddy bear na talagang sinakop ang buong sukat ng locker ko. Napasinghap ako dahil ang cute nung teddy bear!


It's color white! Mabalahibo ito at may nakasulat na 'I love you' sa pillow na yakap nito.


Awwee! Who gave this? Wait— paano 'to nakapasok sa locker ko? Did the sender opened my locker?


Natural, hindi naman magte-teleport 'yan eh. Napaikot ako ng mata dahil sa sinasabi ng aking konsensya.


Oo nga naman. So ibig sabihin, ang nagbigay nito ay alam yung password ng locker ko? Paano? He or she could've given this bear to me directly.


Nakakatakot naman. Baka susunod ibang bagay na ang susunod ang ilagay dito. It's creepy.


Kinuha ko ang teddy bear. Medyo nahirapan pa ako ng konti dahil ayokong masira ito. Talagang fit na fit ito sa loob ng locker kaya medyo mahirap kunin.

Tiningnan ko ito nang matagumpay kong nakuha at tiningnan din ang likod kung may nakasulat pang ano.


Sino naman kaya ang nagbigay nito? At bakit niya naman ako bibigyan nito? Naalala ko tuloy yung dati na teddy bear noong dati. Siya din kaya ang naglagay nun?


Chineck ko muna ang mga gamit sa loob ng locker baka kasi may nawala. Good thing there's none. Kinuha ko nalang ang aking book at muling tumingin sa nasa kanan ko na teddy bear.


Paano ito? Ibabalik ko nalang ulit sa locker?


I pouted.


Pero baka hindi siya makahinga sa loob. Baka malungkot siya sa loob dahil madilim. Paano na? Tiningnan ko ang mata nito dahil parang nakikiusap ito sa akin na wag na siyang ipasok sa loob dahil nalulungkot siya.


Kawawa naman.


Really, Zeleny? Concern ka sa laruan na 'yan? Oo naman! Malay mo may buhay pala ang mga laruan. Tsaka lang sila kumikilos kapag walang mga tao. Hmm.


Kaya nagdesisyon akong dalhin nalang ang teddy bear buong araw. Ang sarap naman kasi yakapin.


"Don't worry, hindi na kita ipapasok diyan." sabi ko sa teddy bear.


Isinira ko nalang ang locker ko at masayang binitbit ang teddy bear. I squeeze it at pinang gigilan. Yaah! Ang bango niya! Amoy imported!


Kung sino man ang nagbigay nito sa akin. God bless him or her!


"Mula ngayon ang pangalan mo ay Tanddy!" sabi ko sa bago kong kaibigan.


Para naman nagningning ang mata nito na parang natuwa sa naging pangalan niya. Yay!


Baliw ka na, Zeleny. Bigti ka na.


Whatever. I'll keep Tanddy no matter what! He'll be my friend and companion sa bahay kapag bored ako.


Papalapit na ako sa floor ng classroom ko nang makarinig ako ng maiingay na boses sa hallway. Napakunot ang noo ko dahil maraming nakatambay dito.


Kasali na doon ang isang unggoy a.k.a Thunder, the almighty.


They were telling jokes that only them understand the humor. Pinagtitinginan nalang sila nang mga dumadaan na mga estudyante.


Matipid lamang na ngumingiti si Thunder sa sinasabi ng kanyang kabarkada habang nakasandal sa railings. Marami ang tao sa labas ng classroom namin dahil nagpapansin ang mga babae na tumambay din malapit lang sa kanila habang naghahagikgikan.


I frowned at mahigpit na niyakap si Tanddy. Bwesit. Wala pa ba ang mga professor dito?


Papalapit na ako ng classroom nang biglang napalingon sa direksyon ko si Thunder. Nakita ko ang pagtuwid nito ng tayo at kung paano umaliwas ang kanyang mukha na may pasa pa rin.


Napatingin siya kay Tanddy na hawak ko at biglang napawi ang ngisi nito. Kunot ang noo niya at mabilis akong nilapitan dahilan para mapatigil sa pagtatawanan ang kanyang mga kabarkada at mapatingin sa direksyon ko.


"What the fuck is that?" galit na tanong nito sa siyang nagpataka sa akin.


Nag-init ang pisngi ko dahil parang kami ang sentro ng atensyon ngayon. Bahala sila.


"Teddy bear. Bulag ka ba?" masungit kong sagot sa kanya at tuloy-tuloy ang lakad na pumasok sa loob ng classroom.


Bwesit siya! May kasalanan pa siya sa akin. Muntik na niya akong mapahamak kung hindi sana siya naging hambog kahapon, eh hindi sana siya masusugatan at hindi ko na siya kailangang gamutin pa.


Pagkaupo ko ay pinatong si Tanddy sa desk ko. Napansin ko ang pagsinghap ng mga kaklase ko dahil sa taong pumasok sa classroom.


Hindi ko ito pinansin pa at nilaro-laro nalang ang mga paa at pinisil ang pisngi ng teddy bear ko. Ang cute talaga! I can marry this bear right away.


"Hey!" napasigaw ako sa gulat nang biglang mawala sa hawak ko Tanddy.


Mabilis ang pangyayari. Napatayo ako dahil kinuha ni Thunder si Tanddy at itinapon iyon sa harapan. How the?!


"Ano bang problema mo?!" sigaw ko sa kanya at akmang pupuntahan kung saan natapon si Tanddy ay bigla akong hinarangan ni Thunder.


Napatalon ako sa malakas niyang hampas sa aking desk. His eyes narrowed with rage that confused me.


"Who gave you that stupid bear?! Huh?"

"What's wrong with you? Bakit galit ka na naman?"


Hinawi ko ang kamay niya na nakahawak sa aking bewang at nilapitan si Tanddy.


Oh no, baby. I'm so sorry.


Sinuri ko ang kabuuan ni Tanddy at nakangusong pinagpagan ang mga balahibo niya. I hugged him at sinamaan ng tingin si Thunder na galit na galit na nakatingin kay Tanddy!


Kulang nalang ay patayin niya ito.


"And Tanddy is not stupid! He's cute!" irap ko dito at muling bumalik sa aking desk.


Nasa harapan ko pa rin si Thunder. Pinatong niya ang mga kamay niya sa desk ko. He leaned forward, our faces close to each other dahil nakatingala ako sa kanya.


"What the hell, Zeleny? You name that fùcking toy, Tanddy? And it's a boy! What the fuck? Sinong nangbigay niyan sayo, ha?" namumula na ang kanyang tenga sa galit.

"Bakit ba? Pwede ba, Thunder magsisimula na yung klase namin." irap ko at sumadig sa upuan ko para lumayo sa kanya. Yakap-yakap ko pa rin si Tanddy.



"Hell with that! Gusto kong malaman kung sinong nagbigay ng estupidong laruang 'yan!"


I rolled my eyes.


"I don't know, okay? Nakita ko lang siya sa locker ko and I liked it. So, I'll keep it. Tsaka pwede ba wag mong pagsabihan na stupid si Tanddy, nasasaktan siya!"


"Well, it's not the only one..." he muttered.


Hindi ko na siya pinansin. Tiningnan ko ang mga kaklase ko na nakatitig sa amin. Napatingin din ako sa bukas na pinto sa classroom at pinamulahan ako ng pisngi dahil maraming nakiki-usisa.


Damn you, Thunder! Pahamak ka talaga.

"Itapon mo 'yan. I'll buy you a new one." maya-maya'y sabi ni Thunder.


I gave him a ridiculous look. "What? No way! I like this bear! Bahala ka sa buhay mo. You can't dictate me, you monkey."


"I'm serious, Zeleny." madiin nitong usal.


"Well, seryoso din ako, Thunder." I said matching his glare.


Napatalon ulit ako sa gulat nang bigla niyang hampasin ang desk ko nang malakas sabay labas ng aming classroom.


What the hell is wrong with him?

***

Hindi ako pumunta ng caféteria nung lunch time. Ayoko munang makita si Thunder. Nakakainis.

Bitbit pa rin si Tanddy ay sa garden ako kumain. Buti nalang at walang tao dito. Kami lang ni Tanddy. I giggled.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko nang makarinig ako ng kaluskos mula sa mga bushes. Napatayo ako at agad na niyakap si Tanddy na nakaupo kanina sa tabi ko na kumakain ng french fries kanina.


Handa na akong tumakbo kung ano man ang hayop na nasa likod ng bushes.


At nakahinga ako ng maluwag.

Unggoy lang pala.

Si Thunder.


I sighed in relief. Inirapan ko siya nang papalapit na ito sa kinauupuan ko. Niyayakap ko lang si Tanddy dahil baka na naman itapon ni Thunder. Nakakabwesit siya.


"Hey..." malambing na tawag ni Thunder.


Hindi ko siya pinansin at kumain lang. Bahala siya sa buhay niya. Magagalit siya ng walang dahilan tapos parang maamong tupa na lalapit sa akin.


Bipolar talaga ang unggoy.


"Marshmallow... I'm sorry." Nye. Nye. Nye. Sorry my ass!


Naramdaman ko ang pag-upo niya sa aking tabi at pinalibot ang kamay sa bewang ko. I stopped eating at hinawi ang kamay niya pero hindi ito natinag imbes ay sinubsob pa ang mukha niya sa leeg ko.


"I said, I'm sorry. Pansinin mo ako." parang bata niyang pakiusap sa akin.


I feel threaten nang hinawakan niya si Tanddy. Inilayo ko ito sa kanya at tinulak siya ng mahina.


"No! Bakit ka ba galit na galit kay Tanddy? He's innocent, Thunder! Maawa ka naman."


Napapikit ito ng mariin at sinabunutan ang kanyang mahabang buhok na umabot na sa kanyang batok.



"Damn it, Zeleny. Nagseselos ako sa estup—" Tinakpan ko ang tenga ni Tanddy at sinamaan ulit si Thunder ng tingin.


"Ssssssh! He's not! He's cute! Itatak mo 'yan sa utak mo. And why the hell are you jealous? Gusto mo din ng teddy bear? Eh di bumuli ka hindi yung kailangan mo pang bugbugin si Tanddy."


He groaned in agony at tinampal ang kanyang noo. Napatingin ito sa akin at iniling ang ulo.


"Fine then, I'll buy one." he muttered.


Ikinulong niya ulit ako sa bisig niya at pinalibot ang kamay sa bewang ko. Lalayo pa sana ako nang naunahan niya akong hapitan ang aking ulo papalapit sa kanyang mukha ay binigyan ako ng madiin na halik sa aking pisngi.


"Stop!" nainis ako dahil parang kinakagat kagat na niya ang aking pisngi.


Tumawa lang ito nang hamapasin ko siya sa braso. "Sorry, your cheeks are just so fluffy. Like marshmallow, can't help it." he smirked at muli akong hinalikan sa pisngi nang mabilis.


Hinaplos ko ang pisngi ko na hinalikan at kinagatan niya kanina. "Bwesit!" irita kong singhal sa kanya.


He just shrugged at tumawa.





***
iorikun xx

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro