Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Hiling Sa Pasko

    Setyembre na naman. Ilang buwan na lang at magpapasko na naman. Tila ba hinihipan lang ng hangin ang mga araw at kay tulin nitong lumipas. Napangiti ako nang mapait nang marinig ko ang pumainlanlang na Christmas song sa jeep na sinasakyan ko. Pitong taon na ang lumipas ngunit parang kahapon lamang nangyari ang lahat.

    "Lola! May event po kami sa school! Kakanta po kami ng Christmas carol!" masiglang bungad ko pagkauwi ko galing eskuwela.

    "Aba! Talaga ba apo? Naku! Excited na 'kong makita kang mag-perform sa stage!" nakangiting sagot naman ni Lola Senya.

    "Manonood kayo 'di ba po?""

    "Siyempre naman, apo. Maaari bang hindi? O, magmeryenda ka muna," aniya saka naglapag ng sandwich at juice sa lamesa na agad ko namang nilantakan.

    Dumating ang araw ng event namin sa eskwelahan. Kabado man ngunit hindi ko 'yon pinansin. Palinga-linga ako sa paligid upang hanapin si lola. Ang iba kong mga kaklase ay kasama na ang grandparents nila saka mga magulang. Hanggang sa tinawag na ang section namin upang mag-perform subalit bigo akong makita mula sa madla ang mukhang kanina ko pa hinahanap.

    "Ang galing mo, anak!" nakangiting salubong sa akin ni Mama, ngunit maya-maya pa'y may pumatak na luha mula sa kaniyang mga mata.

    "Ma, bakit po kayo umiiyak?" inosenteng tanong ko.

    Noo'y kinukutuban na 'ko ngunit ipinagsawalang bahala ko lamang iyon.

    "Uwi na tayo? Naghihintay na sa 'yo ang lola mo."

    Tumango na lamang ako bilang tugon.

    Pagdating namin sa bahay ay nakangiting naghihintay si Lola Senya. Agad akong tumakbo palapit sa kaniya.

    "Lola. Bakit po hindi kayo dumating? Naghintay po ako," humihikbing turan ko habang nakayakap sa kabaong niya.  "Ang daya mo, La. Iniwan mo 'ko kaagad. Sana magkasama pa tayo sa Pasko."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro